“Ang hula ko ay sa tingin mo ay wala kang sakit, kaya’t hindi ka lang tumangi na makita ang mga doctor, iiwasan mo rin ako, kaya’t ako na ang unang umaksyon.”Sa sobrang galit ni Luna ay lumaki ang mga mata niya.“Joshua! Sinabi ko na sayo na wala akong sakit! Maganda ang kondisyon ng pag iisip ko. Kayo ni Fiona ang may sakit sa pag iisip. Hindi ako magkakaroon ng mental breakdown!”“Pero, ang Luna na kilala ko, na walang sakit sa pag iisip, ay hindi aabusuhin si Nigel.”Nabigla si Luna, “Hindi ko ginawa ‘yun!”“Saan pala nanggaling ang mga sugat ni Nigel? Sinaktan niya ang sarili niya?” Malamig ang boses ni Joshua.“Papunta na ako sa Blue Bay Villa kasama si Dr. Robert Jenson at ang medical team niya. Dahil ayaw mo kaming makita, kami ang pupunta sayo. Kung sa huli, normal ang pag iisip mo, wala kaming gagawin sayo.”Pagkatapos, binaba na ni Joshua ang phone.Natulala sa gulat si Luna. Hindi siya makagalaw. Nagyelo ang dugo niya.Si Robert Jenson.Dadalhin ni Joshua and medi
Gusto rin malaman ni Luna ang sagot sa tanong ni Fiona. Tinapat niya ang tainga niya para marinig ang mga tunog sa labas. Huminga siya ng maingat na para bang natatakot na kapag huminga siya ng mabigat, hindi niya maririnig ang sagot ni Joshua.Makalipas ang mahabang sandali, tumunog ang malamig na boses ni Joshua mula sa labas. “Kung may sakit siya, aalagaan ko siya. Kung seryoso ito, ipapadala ko siya sa hospital.”Pumikit si Luna. Agad na lumubog ang puso niya. Ang hospital na tinutukoy ni Joshua ay hindi isang ordinaryong hospital. Ito ang mental hospital na parang kulungan kung saan kinulong sina Aura at Bonnie dati.Kinagat niya ang mga labi niya. Nakatali ang mga kamay niya. Dumii ang kuko niya sa balat niya. Dumudugo siya, ngunit hindi ito maramdaman ni Luna.Nalunod ang puso niya sa kawalan ng pagasa. Mahigpit na binabantayan ang mental hospital. Kahit ang isang kriminal na tulad ni Jason Lane ay hindi makakatakas!Kapag kinulong siya, makukuha niya pa rin ba ang kalayaan
Sa katotohanan, hindi alam ni Neil kung may sakit sa pag iisip ang babaeng ito o hindi. Sinabi ni Aura na may sakit siya sa pag iisip at araw araw niyang inabuso ang anak niya, ngunit tinitiis lang ito ng anak niya, walang balak sabihin sa iba. Ito ang rason kung bakit tumulong siya para kay Aura.Sa mga oras na ‘yun, hindi niya pa kilala si Luna, ngunit ginawa niya pa rin ito.Gayunpaman, sa nakalipas na ilang gabi, nang makita niya na naglalakad ng magisa si Luna sa ilalim ng ulan, hindi niya mapigilan na pasakayin si Luna sa kotse.Pagkatapos, nakipag kwentuhan din siya sa babaeng ito. Naramdaman niya na hindi ito ang uri ng babae na magiging depressed at magiging bayolente at nananakit ng ibang tao.Sa mga sandaling ito, sinabi ni Luna na ikukulong na siya sa mental hospital…“K-Kung wala kang oras, ayos lang pala.”Tahimik ng ilang sandali si Neil. Sa huli, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Sana ay gumaling ka na, magandang babae.”Bumukas ang bibig ni Luna. Nasa lal
Tumingala si Luna at tumingin siya kay Robert na nasa harap niya. Puno ng gray na buhok ang ulo niya. Mukha siyang istrikto at marangal, may awa as mga mata niya.Gayunpaman, sino ang mag aakala na ang isang magaling na doctor sa larangan ng medisina ay sadyang magkakamali at papatayin sina Violet at ang tatay nito para lang makasama si Janice?May kasamaan sa puso niya. Sa sobrang kadiri nito ay nakakasuka! Gayunpaman, kahit na kinamumuihan ni Luna si Robert, kailangan niya pa rin yumuko dito.Tinikom niya ang mga labi niya at tumingin siya sa matandang lalaki na nasa harap niya.“Old Mr. Jenson, sa tingin ko ay pwede pa natin itong pag usapan.”Suminghot siya at gumalaw ang mga binti niya ng kaunti. “Ang gusto niyo, kaya kong…”“Nakuha ko na ang gusto ko.”Inayos ni Robert ang salamin niya na may gintong rim, ngumiti siya ng mayabang at masama.“Sa mga nakalipas na taong ito, ang bagay na kinaaayawan ko sa lahat ay ang pagtingin ng mababa sa akin ng mga magulang ni Janice dah
Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Tila nawawalan na siya ng pagasa.Kung hindi niya kayang kumbinsihin si Robert na patunayan na peke ang diagnosis ni Fiona, hindi niya mapapabagsak si Fiona. Hindi niya maipapakita ang tunay na kulay ni Fiona kay JoshuaIbig sabihin ay hindi niya mapapalabas sa pagtatago si Aura. Hindi niya rin mapapabalik sa kanya sina Neil at Theo.Kahit na naimbestigahan nila ni Christian ang pinaka nakakatakot na mga sikreto ni Robert, sa mga sandaling ito, mukhang masasayang ang lahat ng ginawa nila.Magkakampi sina Robert at Fiona. Mula sa simula pa lang, wala na silang pag asa. Hindi niya ito magawan ng solusyon.Nang makita na nawawalan na ng liwanag ang mga mata ni Luna, mayabang na tumawa si Robert. Tumayo siya at tinabi ang kanyang folder.“Nabalitaan ko na mahigpit ang mental hospital ng Banyan City. Walang may kayang tumakas dito. Ms. Luna, sana ay kayanin mo.”Pagkatapos, binuksan ni Robert ang pinto at umalis na siya.Nakahiga sa kama si Luna, m
Nagbuntong hininga si Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna. Inabot niya ang kamay niya para ayusin ang magulong buhok ni Luna. “Nagsasalita ka na naman ng kung ano ano.”Naiwan sa lalamunan niya ang mga sasabihin niya nang marinig niya ang sinabi ni Joshua. Gusto niyang sabihin na ang batang lalaki na nag akusa sa kanya ng pang aabuso at na may sakit siya sa pag iisip, ay si Neil.Gusto niya ring sabihin kay Joshua, na sa gabi ng fireworks celebration na ang lalaking niyakap niya habang nasa likod ng malaking bato sa beach ay si Theo.Ngunit nilunok niya ang katotohanan dahil sa mga salitang ‘kung ano ano’. Ano pa ang punto ng pakikipag usap kay Joshua. Para sa kanya, ‘kung ano ano’ lang ang sinasabi ni Luna. Kaya’t nagdesisyon na lang siyang tumahimik, hindi na siya nag aksaya ng oras para magpaliwanag kay Joshua.Gayunpaman, para kay Joshua, ang mga kilos ni Luna ay nagpapahiwatig na sumunod na si Luna dahil nabunyag na ang sikreto nito.Nagbuntong hininga si Joshua. Kasalanan niy
Habang nagsasalita siya, pinupunasan niya pa ang mga luha niya. “Kung alam ko lang na nasa ganitong kondisyon si Ms. Luna, hindi na dapat ako nakipagtalo sa kanya sa mga bagay…”Napangisi si Luna. Sa harap niya, lumiit ng lumiit ang imahe nila Fiona at Joshua, ngunit maririnig niya pa rin ang mapagpanggap na boses ni Fiona. Nasusuka siya dito.…Dinala si Luna sa mental hospital. Ang lahat ng staff member ay mabait sa kanya, ang lalaking nagdala sa kanya doon ay personal pang ginamot ang sugat niya.Tumingin si Luna sa lalaki habang nakayuko ito, nakapokus sa paglagay ng gamot sa sugat ni Luna, kumunot ang noo ni Luna.“Pwede mo bang tanggalin ang pagkakatali ko?” Mga lima o anim na oras nang nakatali ang mga braso niya, namumula na ang parte ng balat niya na nakadikit sa tali, ang bawat galaw ay nagdala ng matinding sakit.Ngunit ngumiti ng malamig ang lalaki. “Hindi ko pwedeng gawin ‘yun. Kapag tinanggal ko ang tali mo, magkakaroon ng problema mamaya sa treatment mo.”Huminto
Kinagat ni Luna ang labi niya at humiga siya sa sahig, dinaganan niya ang bola ng papel sa ilalim niya. Pagkatapos, ngumiti siya sa nurse at sinabi niya, “Ang saya… masaya ito!”Ginamit niya ang lahat ng lakas niya para umikot ikot ang katawan niya, nagpapanggap na nawala na talaga siya sa isip niya, at tumawa siya sa harap ng nurse.Sanay na siguro ang nurse na makita na sumpungin ang mga pasyente sa gitna ng gabi, sumimangot lang siya at sinara ng malakas ang pinto, sumigaw siya, “Matulog ka na!”Habang pinapakinggan ang palayo na yapak ng nurse sa labas ng pinto, nakahinga na ng maluwag si Luna at pinunasan niya ang pawis niya sa noo. Sa huli, nilabas niya ang piraso ng papel sa ilalim ng katawan niya.Pagbukas ng bola ng papel, nakita niya ang isang linya ng mga malalaking letra at binasa niya, “Magtiis ka muna. Naghahanap ako ng paraan para tawagan ang mga kaibigan mo para iligtas ka. Mag iisip din ako ng plano. Isa itong communication device na ginawa ko. Kung gumana ito, pwe
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya