Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Tila nawawalan na siya ng pagasa.Kung hindi niya kayang kumbinsihin si Robert na patunayan na peke ang diagnosis ni Fiona, hindi niya mapapabagsak si Fiona. Hindi niya maipapakita ang tunay na kulay ni Fiona kay JoshuaIbig sabihin ay hindi niya mapapalabas sa pagtatago si Aura. Hindi niya rin mapapabalik sa kanya sina Neil at Theo.Kahit na naimbestigahan nila ni Christian ang pinaka nakakatakot na mga sikreto ni Robert, sa mga sandaling ito, mukhang masasayang ang lahat ng ginawa nila.Magkakampi sina Robert at Fiona. Mula sa simula pa lang, wala na silang pag asa. Hindi niya ito magawan ng solusyon.Nang makita na nawawalan na ng liwanag ang mga mata ni Luna, mayabang na tumawa si Robert. Tumayo siya at tinabi ang kanyang folder.“Nabalitaan ko na mahigpit ang mental hospital ng Banyan City. Walang may kayang tumakas dito. Ms. Luna, sana ay kayanin mo.”Pagkatapos, binuksan ni Robert ang pinto at umalis na siya.Nakahiga sa kama si Luna, m
Nagbuntong hininga si Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna. Inabot niya ang kamay niya para ayusin ang magulong buhok ni Luna. “Nagsasalita ka na naman ng kung ano ano.”Naiwan sa lalamunan niya ang mga sasabihin niya nang marinig niya ang sinabi ni Joshua. Gusto niyang sabihin na ang batang lalaki na nag akusa sa kanya ng pang aabuso at na may sakit siya sa pag iisip, ay si Neil.Gusto niya ring sabihin kay Joshua, na sa gabi ng fireworks celebration na ang lalaking niyakap niya habang nasa likod ng malaking bato sa beach ay si Theo.Ngunit nilunok niya ang katotohanan dahil sa mga salitang ‘kung ano ano’. Ano pa ang punto ng pakikipag usap kay Joshua. Para sa kanya, ‘kung ano ano’ lang ang sinasabi ni Luna. Kaya’t nagdesisyon na lang siyang tumahimik, hindi na siya nag aksaya ng oras para magpaliwanag kay Joshua.Gayunpaman, para kay Joshua, ang mga kilos ni Luna ay nagpapahiwatig na sumunod na si Luna dahil nabunyag na ang sikreto nito.Nagbuntong hininga si Joshua. Kasalanan niy
Habang nagsasalita siya, pinupunasan niya pa ang mga luha niya. “Kung alam ko lang na nasa ganitong kondisyon si Ms. Luna, hindi na dapat ako nakipagtalo sa kanya sa mga bagay…”Napangisi si Luna. Sa harap niya, lumiit ng lumiit ang imahe nila Fiona at Joshua, ngunit maririnig niya pa rin ang mapagpanggap na boses ni Fiona. Nasusuka siya dito.…Dinala si Luna sa mental hospital. Ang lahat ng staff member ay mabait sa kanya, ang lalaking nagdala sa kanya doon ay personal pang ginamot ang sugat niya.Tumingin si Luna sa lalaki habang nakayuko ito, nakapokus sa paglagay ng gamot sa sugat ni Luna, kumunot ang noo ni Luna.“Pwede mo bang tanggalin ang pagkakatali ko?” Mga lima o anim na oras nang nakatali ang mga braso niya, namumula na ang parte ng balat niya na nakadikit sa tali, ang bawat galaw ay nagdala ng matinding sakit.Ngunit ngumiti ng malamig ang lalaki. “Hindi ko pwedeng gawin ‘yun. Kapag tinanggal ko ang tali mo, magkakaroon ng problema mamaya sa treatment mo.”Huminto
Kinagat ni Luna ang labi niya at humiga siya sa sahig, dinaganan niya ang bola ng papel sa ilalim niya. Pagkatapos, ngumiti siya sa nurse at sinabi niya, “Ang saya… masaya ito!”Ginamit niya ang lahat ng lakas niya para umikot ikot ang katawan niya, nagpapanggap na nawala na talaga siya sa isip niya, at tumawa siya sa harap ng nurse.Sanay na siguro ang nurse na makita na sumpungin ang mga pasyente sa gitna ng gabi, sumimangot lang siya at sinara ng malakas ang pinto, sumigaw siya, “Matulog ka na!”Habang pinapakinggan ang palayo na yapak ng nurse sa labas ng pinto, nakahinga na ng maluwag si Luna at pinunasan niya ang pawis niya sa noo. Sa huli, nilabas niya ang piraso ng papel sa ilalim ng katawan niya.Pagbukas ng bola ng papel, nakita niya ang isang linya ng mga malalaking letra at binasa niya, “Magtiis ka muna. Naghahanap ako ng paraan para tawagan ang mga kaibigan mo para iligtas ka. Mag iisip din ako ng plano. Isa itong communication device na ginawa ko. Kung gumana ito, pwe
Sa loob ng Orchard Manor, patuloy sa pag beep ang computer ni Nigel, sinasabi na may bagong message siyang natanggap. Ngunit wala sa mood mag tingin ng mga message ang batang lalaki. Sa ngayon, busy sila ng kapatid niya na tumangging kumain bilang protesta kay Joshua.Sa buong araw, kahit anong gawin nila, hindi nila mahanap o makausap si Luna. Noong una, akala nila ay natutulog lang si Luna sa bahay at hindi na nila ito pinansin masyado. Ngunit nung tumagal, kahit ilang tawag ang gawin nila, hindi nila matawagan ang nanay nila. Sa huli, pinatay na ang phone ni Luna, Kaya’t tinawagan ni Nigel si Anne.Agad na pumunta sina Anne at John sa Blue Bay Villa, ngunit hindi nila nakita si Luna. Sa halip, nakita nila na lumabas sina Joshua at Fiona na magkasama. May ibang tao silang kasama, isang matandang lalaki na may gray na buhok at may suot na salamin na may gintong rim.Pagkatapos nito, walang makatawag kay Luna, kahit sino man ang tumawag. Tumawag sina Nellie at Nigel sa lahat ng kila
Nagbuntong hininga si Joshua at tumingin sa dalawang bata na nasa harap niya. Para kay Luna, tumanggi silang kumain at uminom, at pilit nilang hinaharap si Joshua. Alam ni Joshua na kapag hindi siya nagbigay ng sagot sa kanila ngayong gabi, hindi sila susuko.“Joshua, magsalita ka!” Sa tabi nila, pinunasan ni Granny Lynch ang pawis niya at umupo siya sa upuan habang umuubo. Hindi pa kumain o uminom ang dalawang bata sa loob ng 12 na oras!”Nagbuntong hininga si Joshua, nagdadalawang isip siyang nangako, sinabi niya, “Kumain na kayo, dadalhin ko kayo para makita si Luna bukas.”Tumingin si Nellie sa mga mata ng kapatid niya. Tumingin sa kanya si Nigel.Kahit na hindi pa kilala ni Nigel si Joshua ng matagal, naiintindihan niya kung gaano kahirap para ipagawa kay Joshua, na determinado sa mga desisyon niya sa business, na gumawa ng kompromiso sa loob ng maikling panahon. Hindi sila dapat sumobra. Kung hindi, at nagalit si Joshua, baka hindi na nila muling makita ang nanay nila.Nagka
Ang maliit na daliri niya sa kaliwang kamay ay nakadikit sa sahig na para bang wala nang buton na sumusuporta dito. Kumirot hanggang sa puso ang durog niyang daliri. Sas sobrang sakti ay halos mawawalan na siya ng malay.Kahit gaano niya ito isipin, hindi niya maalala kung sino ang taong ayaw siyang pakawalan kahit na ipadala siya sa mental hospital. Ang tanging naaalala niya lang ay ang mga salita ni Joshua sa leader ng mga nurse kagabi noong dinala siya paalis ng Blue Bay Villa sa isang stretched. “Gamutin niyo ang sugat niya pag dating niyo sa hospital. Maganda ang mga kamay niya, sayang naman kung magkakaroon ito ng peklat.”Pumikit si Luna, ang masamang tingin ni Fiona ang lumabas sa isip niya nang sabihin ni Joshua ang mga salitang ito.Tumawa siya ng mapait. Nasa kondisyon na siya na ganito, ngunit nagseselos pa rin si Fiona sa kanya dahil lang sa isang pangungusap na galing sa bibig ni Joshua?Hindi niya na ito pinag isipan pa ng matagal dahil sa sobrang sakit. Ang sakit na
Nang marinig ang mga salita ng babaeng nakaupo sa labas ng railing, tumahimik ng ilang sandali si Luna, at pagkatapos ay tumawa siya ng malakas.“Mahal ako ni Joshua? Gusto niya akong protektahan?”Dati, noong sinabi ni Joshua na mahal ni Joshua si Luna, nagdududa at nagdadalawang isip pa rin siya.Ngunit ngayon…Nung pinadala ni Joshua si Luna sa mental hospital, para tiisin ang hindi makataong pang aapi, ang iniisip lang ni Luna na ang mga tao na nagsasabi na gusto siya ni Joshua ay mga tanga o nilalait lang siya. At halatang nilalait lang siya ni Aura.“Oo, dati kang mahal at gustong protektahan ni Joshua, pero hindi mo lang alam.” Habang nagsasalita siya, may namuong ngisi sa kanyang mga labi. “Kung hindi, Luna, sa tingin mo ba ay buhay ka pa dapat ngayon? Kung wala si Joshua, kahit ang mga abo mo ay kakalat sa hangin!”Pagkatapos, humikab siya, “Pero ‘wag mo nang isipin, nakalipas na ‘yun. Simula sa sandali na dinala ka dito kahapon, nagbago na ang lahat.”Habang nagsasali