Nagbuntong hininga si Neil at tinapik niya ng mahina ang balikat ni Theo. “‘Wag kang mag alala, Uncle Theo. Sinugal mo ang buhay mo para iligtas ako noon, nawala ang mga alaala mo dahil sinubukan mo akong iligtas. Kaya’t nasa ganitong kondisyon ka ngayon. Tutulungan kitang makuha ang babae mo, kung mabuting babae man siya o hindi.”“Sino ang gusto ng Uncle Theo mo?”Sa sandali na lumabas ang mga salita sa bibig ni Neil, bumukas ang pinto sa backseat ng kotse habang bumukas ito. May suot na parehong shades si Aura at umupo siya sa backseat habang nagtatanong, “Bata ka pa lang pero tinutulungan mo na ang isang matanda sa panliligaw?”Nang makita na bumalik na si Aura, tumawa ng awkward si Neil at sinabi niya, “Hindi po, nagbibiro lang po ako. Hindi na po bata si Uncle Theo, nagtataka lang ako kung may gusto siya dahil sa isang babae…”Suminghal si Aura, “Minsan siyang may minahal na isang babae. Sa kasamaang palad, malapit nang mamatay ang babaeng ‘yun.”Tumigas ang katawan ni Theo.
Kumunot ang noo ni Joshua at itinabi niya ang dyaryo. “Hindi pareho ang lahat ng mga hospital…” Bago pa siya matapos, huminto ang kotse sa harap ng hospital.Binuksan ni Nellie ang pinto at pumasok siya sa entrance ng hospital na para bang may pakpak sa mga paa niya. “Mommy, papunta na po ako!”Pagkatapos umalis ni Aura, dinala si Luna pabalik ng ward niya. Hirap siyang umakyat ng kama at magpapahinga na sana siya nang pumasok ulit ang nurse. Ngayon naman, dinala niya ang ilang tao kasama niya.Tinulak siya papunta sa kama, may isa sa kanila na naglagay ng makeup sa mukha niya, habang may isang nagpalit ng damit niya, may isa pang tumakot sa kanya at sinabi, “May dalang bisita si Mr. Lynch, mag isip ka ng mabuti! Alam mo dapat na kahit anong sabihin mo, hindi ka ilalabas ni Mr. Lynch ng hospital dahil sa tingin niya ay may sakit ka. Kapag may sinabi ka kay Mr. Lynch na magsisisi sa amin, pag umalis na siya, magdurusa ka ng higit sa isang libong beses! Kung ayaw mong madurog ang dala
“Bakit ka naman malupit sa kapatid mo? Sa susunod… sa susunod at hindi ko na kayo kasama, kailangan mo siyang alagaan, hindi ka pwede maging malupit sa kanya.”Tinikom ni Nigel ang mga labi niya at tumango siya, nakatitig ang mga mata niya sa kaliwang kamay ni Luna na may glove. Nagtataka siya kung isang ilusyon lang ito… ngunit nang kinarga ng mommy niya si Nellie at binaba ito, nakita niya na wala sa konrol ng Mommy niya ang daliri nito. Ang maliit na daliri ni Luna ay hindi sumusunod sa ibang mga daliri.Napuno ng masamang kutob ang dibdib niya. Lumapit si Nigel at hinawakan ang kaliwang kamay ni Luna. “Mommy, ang kamay niyo po…”Tumigil si Luna at agad niyang hinila ang kamay niya pabalik at tinago niya ito sa likod niya. “Nahiwa ko ang kamay ko kahapon, kaya’t may suot akong gloves para masigurado ko na hindi ko ito masasaktan sa treatment process.” Pagkatapos, huminga siya ng malalim, tinago ang sakit, at sinabi niya, “Nigel, samahan mo pauwi ang kapatid mo. Hindi dapat nandit
Malakas na tinulak ni Luna si Joshua. Nawalan ng balanse si Joshua at halos matumba siya. Sumimangot siya at magsasalita na sana siya nang namilipit na parang isang hipon si Luna. Nanginig si Luna, namilipit na parang bola, halos lahat ng ugat sa katawan niya ay kumikirot. “Ang sakit…” Ito lang ang mga salita na kaya niyang sabihin.Nang makita na naging ganito si Luna, napuno ng kirot ang mga mata ni Joshua. Paano nangyari ito? Kahapon noong pumunta siya dito, maayos pa si Luna. Bakit naging ganito ang kondisyon niya ngayong araw?Lumapit ulit siya para kargahin si Luna. Ngunit kahit na hindi ito makita ni Luna dahil sa sakit, nalaman niya pa rin ito dahil sa amoy ni Joshua. Pamilyar siya sa amoy na ito, sa sandali na lumapit si Joshua, alam niya na si Joshua ito kahit hindi siya dumilat.Inabot ni Joshua ang kamay niya para yakapin si Luna, ngunit tinulak siya nito palayo. Maliit ngunit malakas ang mga kilos niya. Namuo ang mga pawis sa noo ni Luna, iniisip ni Joshua kung dahil i
“Ginagawa po namin ang lahat para masigurado ang kaligtasan niya, pero hindi po siya kayang bantayan ng mga doctor at nurse sa bawat sandali…” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya.“Kagabi po, mabuti naman po si Ms. Luna, hindi po inaasahan ng mga nurse namin na… sa kalagitnaan ng gabi habang natutulog ang lahat… na binali niya po ang daliri niya sa dalawa.”Binali niya ang daliri niya sa dalawa. Kahit na ang tingin ni Joshua sa sarili niya ay sanay siya marinig ang ganito, nagulat siya sa mga salitang ito at hindi siya makapagsalita. Binali niya sa ang daliri niya sa dalawa… gaano kasakit kaya ‘yun?Nang makita na tahimik si Joshua, alam ni Mr. Chase na tinanggap ni Joshua ang paliwanag niya, kaya’t nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Nakita niyo rin po, pinasuot po namin siya ng gloves ngayong araw para hindi niya na po saktan ang sarili niya. Sinabi niyo po na may magandang mga kamay siya, ayaw niyo po na magkapeklat ito. ‘Yun po ang naaalala ko.”Humigpit ang mga kamao ni J
Dahil sa pagdating ni Joshua, nakatanggap na ng painkiller si Luna pagkatapos sumakit ng katawan niya ng buong araw.Nang gumana na ang gamot, nawala na ang sakit, at nakahiga na si Luna sa kama, tahimik na nakatingin sa durog niyang maliit na daliri. Ang daliri na dating sa kanya ay wala nang buhay ngayon, parang dekorasyon na lang. Naalala ni Luna ang mga sinabi ng lalaki nitong umaga noong dinurog ang daliri niya. “Sinabi ng boss, isang daliri bawat araw. Ang bilang ng daliri na mananatili ay nakadepende kung gaano katagal na gusto ni Mr. Lynch na manatili siya dito.”Malungkot siyang tumingin sa mga daliri niya. Pagkatapos manatili dito ng sampung araw, mawawalan na siya ng kamay? Sino ang mag aakala na ang mga kamay niya ay kayang gumawa ng mga world-class jewelry design…”Sa mga sandaling ito, bumukas ang pinto ng hospital ward. Nakatayo si Joshua, halata ang lungkot sa kanyang mukha. Nang marinig ang tunog mula sa entrance, tumigil si Luna at napatingin siya sa pinto. Agad ni
Tumigas ang buong katawan ni Joshua. Lumingon siya at tumingin kay Luna. Ang mga mata ni Luna ay puno ng pagmamakaawa. Hinila niya ang manggas ni Joshua, parehong mapagkumbaba ang boses at tono niya. Tumingin si Joshua kay Luna at makikita ang kirot sa mga mata iya.Kahit dati, hiling niya ng paulit ulit na mapupunta sa tabi niya si Luna ng masunuring paraan… ngunit alam niya na ginagawa lang ito ni Luna para lumabas, para umiwas sa treatment.Nagbuntong hininga siya at inalis niya ang mga daliri na nakahawak sa manggas niya. “Luna, alam ko na hindi ka tapat sa sinasabi mo. Imbis na kausapin mo ako, dapat kang makisama at sumunod sa mga doctor at tumanggap ka ng treatment, sa ganun, gagaling ka na sa mas madaling panahon.”Tumayo siya at tumalikod, tumingin siya kay Luna, ang mga salita niya ay malinaw habang sinasabi niya, “Pag gumaling ka na, isasama ko sina Nellie at Nigel, sasalubungin ka naming tatlo. Personal din kitang ipapadala paalis ng Banyan City, para mabuhay sa paraan n
Sa labas ng mental hospital.Sa loob ng itim na Masevati, humalukipkip si Nellie at galit siya habang nasa isang sulok ng kotse. “Nigel, paano mo nagawa ‘yun? Wala man lang akong oras para kausapin si Mommy!”Sa hindi nalalayo, gamit ni Nigel ang laptop sa kandungan niya, lumilipad ang mga daliri niya sa keyboard na para bang wala siyang marinig.Mas masama na ang pakiramdam ni Nellie. Inagaw niya ang laptop ni Nigel mula sa kandungan nito. “‘Wag ka nang maglaro! Hindi mo ba nakita ang itsura ni Mommy kanina!”Kinagat ng batang babae ang labi niya, namumuo ang luha sa mga mata niya. “Nagsinungaling si Daddy! Nagdurusa si Mommy dito, alam ko! Nigel, masamang tao ka rin! Pinigilan mo ako na makasama si Mommy!”Masayang pumunta si Nellie dito, iniisip na may sakit lang siguro ang Mommy niya. Ngunit nang makarating siya dito, napagtanto niya na hindi lang ito isang hospital, parang kulungan ito na kinulong ang Mommy niya!Nang makita ang reaksyon ng kapatid niya, nagbuntong hininga s