All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1011 - Chapter 1020

3080 Chapters

Kabanata 1011

Hindi pinansin ni Joshua si Fiona.Agad niyang inagaw ang phone ni Luna at muli niyang pinindot ang play sa video sa phone.Klaro ang pagrecord ng video. Si Fiona, na paulit ulit na sinasabing allergic sa hipon, ay hindi lang lumapit dito, kumain pa siya ng isa.Nilason niya pa ang pagkain!Sumingkit ang mga mata ni Joshua dahil sa galit. Lumingon siya para tumingin kay Fiona ng may madilim na ekspresyon. “Fiona, paano mo ipapaliwanag ang sarili mo?”Hinagis niya ang phone kay Fiona. “Gusto ko marinig kung ano ang paliwanag mo.”Tumama ang phone kay Fiona at nahulog ito sa sahig. Suot pa rin ni Fiona ang coat ni Joshua noong sinabi niya na giniginaw siya kanina.Kinagat niya ang mga labi niya at nanginig siya ng malakas. “Joshua, kasi…”“Ms. Blake.” Ngumiti si Luna at nagbabala siya, “Dapat kang magpaliwanag ng mabuti. ‘Wag mong isipin na dahil lang dinelete mo ang video ay magiging ayos na ang lahat. Sa tingin mo ba talaga ay isang tanga ako para mag record lang sa isang video
Read more

Kabanata 1012

Hindi niya maintindihan kung bakit gustong gusto ni Joshua si Fiona. Na para bang utang ni Joshua ang buhay niya kay Fiona.Trinato niya si Fiona na parang mas mahalaga ito kaysa sa buhay niya.Habang nakatingin sa eksena sa harap niya, nanunuya si Luna. Nagsikap siya para ibunyag ang tunay na kulay ni Fiona.Sa huli, wala lang ito kumpara sa pagkahimatay ni Fiona.Mahigpit ang hawak ni Luna sa phone, na para bang hawak niya ang malungkot niyang puso. Kahit na nakuha niya ang pinakamahalagang ebidensya, ano ngayon?Kahit na napatunayan niya ang mga masamang intensyon ni Fiona, ano naman?Sa puso ni Joshua, si Fiona ang pinakamahalaga sa lahat! Ang pinakamahalagang tao sa lahat!Kahit anong gawin niya, hindi niya maalis ang lugar ni Fiona sa puso ni Joshua.Habang iniisip ito, pumikit si Luna at ngumiti siya ng mapait.Paglabas niya ng hospital, umulan ng malakas.Hindi tumawag ng taxi si Luna. Malungkot siyang naglakad sa ilalim ng malakas na ulan, naisip niya ang araw na nat
Read more

Kabanata 1013

Nang makita na pumasok si Luna sa kotse, wala masyadong ekspresyon sa mukha ni Thoe. Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa harap.Sinabi niya ng nasusuklam, “Young Master, pinasakay niyo ang babaeng ito na labag sa kagustuhan ng Lady natin, sigurado ba kayo na hindi siya magagalit?”Mukhang marangal si Neil habang nakasuot ng suit, nakaupo siya sa passenger seat sa harap. May malamig at mayabang na pag uugali siya na parang si Joshua.“Tumahimik ka.”Tumigil ng ilang sandali si Theo. Hindi siya nagsalita.“Kung walang magsasalita, paano niya malalaman?”Pinatong ni Neil ang baba niya sa mukha niya at tumingin siya ng kalmado kay Luna mula sa rearview mirror.“Kilala mo kung sino ako, hindi ba?”Tumigil si Luna sa pagpapatuyo niya gamit ang twalya. Tinikom niya ang mga labi niya, lumingon siya at tumingin siya sa mga mata ni Neil. “Nagkita na tayo noon.”Tumingin si Neil ng may pamumuri kay Luna. “Hindi na masama, kaya mong makita ang pagkakaiba namin ng anak mo.”Pagkatapo
Read more

Kabanata 1014

Gayunpaman, sa mga sandaling ito, sinabi talaga ni Neil na tawagin siyang Jake Landry?“Nagulat ka ba na ang Jake Landry na hinahanap mo sa hospital ay hindi ako?”Tila nabasa niy ang iniisio ni Luna, ngumiti si Neil. “Pangkaraniwan na pangalan ang Jake Landry.”Pagkatapos, hinawakan niya ang baba niya at tumingin siya sa kalangitan. Sa mga sandaling ito, tumigil ang mabigat na ulan. Klaro na ang kalangitan. Sariwa ang hangin.Tumingin siya sa malayo. “Minsan kong tinanong kung bakit binigyan ako ng simpleng pangalan na tulad ng Jake. Kung ako lang, papangalanan ko ang sarili ko ng mas grande at mas maganda.“Dapat ay Neil ang pangalan ko, parang mga ulap, o isang kampeon.”Pagkatapos, nagkibit balikat si Neil at sinabi niya, “Pero, tinanggihan ang ideyang ito. Sinabi ng pamilya ko na mas maganda daw pakinggan ang Jake.”Nabigla si Luna, nakatingin siya sa pilit na ngiti ni Neil. Nabasag ang puso niya na para bang sinaksak siya sa puso.Neil.Ito ang orihinal niyang pangalan!
Read more

Kabanata 1015

Nang makauwi na si Luna sa bahay, lagpas 10 na ng gabi.“Ms. Luna, bakit basang basa po kayo?”Agad na lumapit si Lily nang makita niya na umuwi na si Luna. Binati niya si Luna at hinatid niya ito sa banyo.Sa bathtub, dumating sa isip ni Luna ang malamig na mukha ni Neil sa kotse kanina. Noon, hindi niya naisip na magiging kamukha ni Neil si Joshua, hanggang sa makita niya si Neil ngayong gabi…Kapag naging malamig at mayabang pala si Neil, kamukha niya si Joshua. Ang isa ay ang matandang bersyon habang ang isa ay ang batang bersyon.Gayunpaman, habang iniisip si Joshua, hindi mapigilan ni Luna na isipin ang eksena kung saan balisang dinala ni Joshua si Fiona para maghanap ng doctor sa hospital.Nagbuntong hininga si Luna. Kung hindi dahil gusto niyang pabagsakin si Fiona para personal na kumilos si Aura, pagkatapos ng mga pangyayari ngayong gabi, hindi niya na gugustuhin na makialam kay Joshua.Nararapat lang ito kay Joshua dahil hinaayan niya na magsinungaling si Fiona sa kan
Read more

Kabanata 1016

“Hello, ang pangalan ko ay Jake Landry.”Pagkatapos, sumunod siya kay Aura. Humawak siya sa kamay ni Aura ng mahigpit at umalis na sila. May mga tauhan din na kasama si Fiona, kinuha nila sina Nigel at Nellie.Nataranta si Luna nang kunin ang tatlong mga bata. Alam niya na wala siyang labas sa grupo ng mga lalaki sa paligid ni Fiona, kaya’t hinabol niya na lang si Neil.“Neil! Neil! Ako ito, si Mommy!”Ngumiti si Neil at kumawala siya sa kamay ni Aura. Tumakbo siya para yakapin si Luna. Pagkatapos, kumirot ng sobra ang puso ni Luna! Tumusok ang kutsilyo na hawak ni Neil sa puso ni Luna!“Neil!”Dumilat sa takot si Luna. Napagtanto niya na panaginip lang ito. Gayunpaman, sa sobrang totoo ng panaginip na kahit gising na siya, humawak pa rin siya sa dibdib niya gamit ang parehong kamay habang tulala.Naisip niya si Neil na nasa passenger seat kagabi, na hinihingi ang pangalan niya ng seryoso.Naramdaman niya na para bang may dumurog ng puso niya. Masakit ito.Alam niya na marami
Read more

Kabanata 1017

“Maliit na pagkakamali?”Tumalikod si Joshua. Tumingin siya ng malalim kay Fiona. “Kung hindi nahulaan ni Luna ang gagawin mo kagabi at intensyonal siyang naglagay ng maraming mani sa Grilled Cajun Shrimp, alam mo ba kung ano ang mangyayari?!”Mabagal siyang lumapit kay Fiona. Kasing lamig at talim ng boses niya ang tono niya. “Ikaw ang naghanda ng lason. Alam mo na papatay ito ng isang matanda!”Hinawakan ni Joshua ang baba ni Fiona. Sobrang lamig ng kanyang titig. “Wala akong nanay simula pa noong bata ako. Laging wala ang tatay ko. Pinalaki ako ng lola ko.”“Dating ayaw ni Granny Lynch kay Luna. Lagi niyang ayaw ang mga babaeng nasa tabi ko, pero kahit na pinupuntirya sila ni Granny Lynch, hindi nila naisip na patayin ang isang walumpung taong gulang na matandang babae!”“Fiona, akala ko ay isa kang maamo at mabait na babae. Paano mo nagawa ang ganito? Ngayon, gumawa ka ng ganito sa isang matanda para isetup si Luna. Kung hindi kita papaalisin at ilalayo kay Granny Lynch at sa
Read more

Kabanata 1018

“Dalawang buwan na ang lumipas. Kung hindi ka agad nabuntis sa anak ni Joshua…”“Kapag dumating ang panahon at hindi ka pa patay, baka kahit ang Diyos ay hindi ka na tulungan.”Pagkatapos, malamig na binaba ni Aura nag phone.Pagkatapos ng pag uusap nila, nilagay niya ang phone sa kamay ng taong nasa tabi niya. May kamay ng bata na tumanggap ng phone. Tumingin si Neil sa screen ng phone ng babae at seryoso niya itong pinunasan. Pagkatapos, binalik niya ang malinis na phone sa box na gawa sa kahoy na nasa mesa.Habang nakatingin sa mga kilos ni Neil, kinuha ni Aura ang tasa at uminom siya dito. “Jake, saan ka pumunta kagabi noong malakas ang ulan?”Yumuko si Neil at sumagot siya ng magalang, “Gumala lang po kami ni Uncle Theo sa kotse. Sinabi niyo po na mapanganib sa Banyan City. Hindi po dapat ako makita ng iba, pero, anim na taong gulang pa lang po ako, naintriga po ako. Kaya kagabi, habang umuulan ng malakas, gumala po ako sa tulong ni Uncle Theo. Dahil malakas ang ulas, walang
Read more

Kabanata 1019

Sa sobrang sabik ni Luna ay halos napatalon siya!Nasa Banyan City talaga ang team ni Robert! Nagkataon din na doon sila ngayon sa hotel ni Bonnie!“Pupunta na ako dyan!”Pagkatapos, agad na binaba ni Luna ang phone at nagbihis siya ng pormal ngunit desenteng damit.Medyo alam ni Luna ang rason kung bakit binigyan ng team ni Robert ng pekeng medical certificate si Fiona. Kagabi, sa hospital, nagsend ng ilang voice message si Christian sa kanya.Kahit na medyo malabo ang boses ni Christian, medyo naintindihan ni Luna kung ano ang nangyari.Noon, parehong inoperahan ni Robert si Violet Lewis, na aksidenteng tinulak ni Christian pababa ng building, pati na rin ang tatay nito na namatay sa aksidente!Isang sikat na sikat na doctor si Robert, ngunit hindi niya naligtas ang pareho. Isa itong malaking iskandalo sa hospital ng mga panahong ‘yun, kaya’t ginawa ng hospital ang lahat para pagtakpan ang nangyari.Kahit ang asawa ngayon ni Robert ay hindi alam na nabigo si Robert sa pagligt
Read more

Kabanata 1020

Gayunpaman, walang ibang magawa si Luna. Para kela Neil at Theo, dapat niyang maghintay. Kailangan niyang ibunyag ang tunay na kulay ni Fiona. Dapat mawala ang tauhan ni Aura.Lumipas ang oras.Habang palubog na ang araw, hindi pa rin nakita ni Luna ang kahit sino mula sa team ni Robert. Gayunpaman, may nakuha siyang balita mula kay Christian.[Luna, bigla kong naalala na ito ang araw ng kamatayan ni Violet. Balisa ako buong araw, baka dahil iniimbestigahan ko siya nitong mga nakaraan. Natatakot ako. Pwede mo bang bisitahin ang puntod niya para sakin at dalhan mo na rin siya ng alay?]Habang nakatingin sa message sa phone, kumunot ang noo ni Luna.[Bakit hindi ikaw ang pumunta?][Natatakot ako.]Tumawag na lang si Christian kay Luna, na para bang hindi niya maipakita ang tunay niyang takot.“Luna, pakiusap, magdala ka ng alay. Natatakot talaga ako. Ako ang may dala ng kalahati sa responsibilidad ng pagkamatay niya. Medyo guilty ako. Pati nasa ibang bansa ako ngayon. Gabi na, wa
Read more
PREV
1
...
100101102103104
...
308
DMCA.com Protection Status