“Hello, ang pangalan ko ay Jake Landry.”Pagkatapos, sumunod siya kay Aura. Humawak siya sa kamay ni Aura ng mahigpit at umalis na sila. May mga tauhan din na kasama si Fiona, kinuha nila sina Nigel at Nellie.Nataranta si Luna nang kunin ang tatlong mga bata. Alam niya na wala siyang labas sa grupo ng mga lalaki sa paligid ni Fiona, kaya’t hinabol niya na lang si Neil.“Neil! Neil! Ako ito, si Mommy!”Ngumiti si Neil at kumawala siya sa kamay ni Aura. Tumakbo siya para yakapin si Luna. Pagkatapos, kumirot ng sobra ang puso ni Luna! Tumusok ang kutsilyo na hawak ni Neil sa puso ni Luna!“Neil!”Dumilat sa takot si Luna. Napagtanto niya na panaginip lang ito. Gayunpaman, sa sobrang totoo ng panaginip na kahit gising na siya, humawak pa rin siya sa dibdib niya gamit ang parehong kamay habang tulala.Naisip niya si Neil na nasa passenger seat kagabi, na hinihingi ang pangalan niya ng seryoso.Naramdaman niya na para bang may dumurog ng puso niya. Masakit ito.Alam niya na marami
“Maliit na pagkakamali?”Tumalikod si Joshua. Tumingin siya ng malalim kay Fiona. “Kung hindi nahulaan ni Luna ang gagawin mo kagabi at intensyonal siyang naglagay ng maraming mani sa Grilled Cajun Shrimp, alam mo ba kung ano ang mangyayari?!”Mabagal siyang lumapit kay Fiona. Kasing lamig at talim ng boses niya ang tono niya. “Ikaw ang naghanda ng lason. Alam mo na papatay ito ng isang matanda!”Hinawakan ni Joshua ang baba ni Fiona. Sobrang lamig ng kanyang titig. “Wala akong nanay simula pa noong bata ako. Laging wala ang tatay ko. Pinalaki ako ng lola ko.”“Dating ayaw ni Granny Lynch kay Luna. Lagi niyang ayaw ang mga babaeng nasa tabi ko, pero kahit na pinupuntirya sila ni Granny Lynch, hindi nila naisip na patayin ang isang walumpung taong gulang na matandang babae!”“Fiona, akala ko ay isa kang maamo at mabait na babae. Paano mo nagawa ang ganito? Ngayon, gumawa ka ng ganito sa isang matanda para isetup si Luna. Kung hindi kita papaalisin at ilalayo kay Granny Lynch at sa
“Dalawang buwan na ang lumipas. Kung hindi ka agad nabuntis sa anak ni Joshua…”“Kapag dumating ang panahon at hindi ka pa patay, baka kahit ang Diyos ay hindi ka na tulungan.”Pagkatapos, malamig na binaba ni Aura nag phone.Pagkatapos ng pag uusap nila, nilagay niya ang phone sa kamay ng taong nasa tabi niya. May kamay ng bata na tumanggap ng phone. Tumingin si Neil sa screen ng phone ng babae at seryoso niya itong pinunasan. Pagkatapos, binalik niya ang malinis na phone sa box na gawa sa kahoy na nasa mesa.Habang nakatingin sa mga kilos ni Neil, kinuha ni Aura ang tasa at uminom siya dito. “Jake, saan ka pumunta kagabi noong malakas ang ulan?”Yumuko si Neil at sumagot siya ng magalang, “Gumala lang po kami ni Uncle Theo sa kotse. Sinabi niyo po na mapanganib sa Banyan City. Hindi po dapat ako makita ng iba, pero, anim na taong gulang pa lang po ako, naintriga po ako. Kaya kagabi, habang umuulan ng malakas, gumala po ako sa tulong ni Uncle Theo. Dahil malakas ang ulas, walang
Sa sobrang sabik ni Luna ay halos napatalon siya!Nasa Banyan City talaga ang team ni Robert! Nagkataon din na doon sila ngayon sa hotel ni Bonnie!“Pupunta na ako dyan!”Pagkatapos, agad na binaba ni Luna ang phone at nagbihis siya ng pormal ngunit desenteng damit.Medyo alam ni Luna ang rason kung bakit binigyan ng team ni Robert ng pekeng medical certificate si Fiona. Kagabi, sa hospital, nagsend ng ilang voice message si Christian sa kanya.Kahit na medyo malabo ang boses ni Christian, medyo naintindihan ni Luna kung ano ang nangyari.Noon, parehong inoperahan ni Robert si Violet Lewis, na aksidenteng tinulak ni Christian pababa ng building, pati na rin ang tatay nito na namatay sa aksidente!Isang sikat na sikat na doctor si Robert, ngunit hindi niya naligtas ang pareho. Isa itong malaking iskandalo sa hospital ng mga panahong ‘yun, kaya’t ginawa ng hospital ang lahat para pagtakpan ang nangyari.Kahit ang asawa ngayon ni Robert ay hindi alam na nabigo si Robert sa pagligt
Gayunpaman, walang ibang magawa si Luna. Para kela Neil at Theo, dapat niyang maghintay. Kailangan niyang ibunyag ang tunay na kulay ni Fiona. Dapat mawala ang tauhan ni Aura.Lumipas ang oras.Habang palubog na ang araw, hindi pa rin nakita ni Luna ang kahit sino mula sa team ni Robert. Gayunpaman, may nakuha siyang balita mula kay Christian.[Luna, bigla kong naalala na ito ang araw ng kamatayan ni Violet. Balisa ako buong araw, baka dahil iniimbestigahan ko siya nitong mga nakaraan. Natatakot ako. Pwede mo bang bisitahin ang puntod niya para sakin at dalhan mo na rin siya ng alay?]Habang nakatingin sa message sa phone, kumunot ang noo ni Luna.[Bakit hindi ikaw ang pumunta?][Natatakot ako.]Tumawag na lang si Christian kay Luna, na para bang hindi niya maipakita ang tunay niyang takot.“Luna, pakiusap, magdala ka ng alay. Natatakot talaga ako. Ako ang may dala ng kalahati sa responsibilidad ng pagkamatay niya. Medyo guilty ako. Pati nasa ibang bansa ako ngayon. Gabi na, wa
Pagkatapos dalhin ni Luna si Janice sa florist para kumuha ng bulaklak, tumawag sila ng taxi at pumunta ng sementeryo.Dahil wala ang lapida ni Violet sa sementeryo, nakatayo lang silang dalawa sa dulo ng sementeryo para magdasal at bumisita.Sa ilalim ng madilim na ilaw, nakita ni Luna ang pagod at kalungkutan sa mukha ni Janice.Tila naisip niya ang sarili niya. Noong pumanaw si Neil, pareho rin siguro sila ni Janice, hindi ba?Walang mas masakit kaysa sa pumanaw ang taong mahal mo.“Violet…”Habang nakaupo sa isang bato, tumingin si Janice sa kalangitan. Hindi niya na mapigilan ang mga luha niya.“Patawad, patawad…”Hindi rin mapigilan ni Luna na malungkot kasama ni Janice, habang umiiyak ito.Matagal na umiyak si Janice sa sementeryo. Sinamahan siya ni Luna.Baka dahil naramdaman ni Luna na matino at mabait si Luna, pati pumanaw din ang kaibigan niya sa araw na ito, kaya’t may tiala si Janice kay Luna. Umiyak siya at kwinento niya ang nakaraan ni Violet kay Luna.Nang ma
Ngumiti si Luna at tumingin siya sa lalaking nasa tabi ni Janice.“Buong araw akong naghihintay. Gusto ko kayong makita para sa isang medical consultation.”Agad na kumunot ang noo ni Robert dahil sa mga sinabi ni Luna. Lumingon siya at tumikhim siya ng malamig.“Buong araw mo akong hinintay at naging malapit sa asawa ko para lang makakuha ng medical consultation mula sa akin? Bata ka pa, pero magaling ka magmanipula!”Gulat na tumingin si Janice kay Luna habang nasa tabi siya ni Robert. “Ikaw…”Mabait si Luna. “Nabalitaan ko na dumating kayo sa Banyan City nitong umaga, kaya’t naghintay ako dito. Para kay Aunty Janice, nagkataon lang na nakilala ko siya. Hindi ko alam na asawa mo siya. Dahil asawa niyo si Aunty Janice, nagkataon na nagkita kami. Sana ay magbigay kayo ng ilang minuto para magbigay ng medical consultation, pwede po ba?”Tumikhim ng malamig si Robert. May gusto siyang sabihin nang hinila ni Janice ang braso niya at nagbuntong hininga, “Bigyan mo lang siya ng oras.”
Biglang lumamig at mabigat ang mood sa buong sala.Sinabi ni Robert ng may mahinang tono. Mapanganib ang tingin niya kay Luna.“Ano pa ang alam mo?”Kanina, akala niya ay sinasadya ng babaeng ito na maging malapit kay Janice para makita siya.Ngunit, noong nilabas ni Luna ang medical records ni Fiona para makita siya at sabihin ang ganito…Agad na nalaman ni Robert na may masamang intensyon ang babaeng ito!Tumawa si Luna, “Old Mr. Jenson, ano pa sa tingin niyo ang alam ko tungkol sa inyo?”Eleganteng sumandal si Luna at tumingin siya sa lalaking may gray na buhok. “Ang mahulog para sa estudyante mo pero pinilit maghiwalay dahil sa agwat ng edad niyo. Noong nakalipas na mga taon, napunta sa mga kamay niyo ang buhay ng anak at asawa niya, pero nabigo kayo na iligtas sila. Ngayon, kasala na kayo, pero tinatakot ka ni Fiona, pinilit ka niya na gumawa ng pekeng medical records…”Sumingkit ang mga mata ni Luna. “Old Mr. Jenson, tama ba ako?”Tumingin si Robert sa kwarto ni Janice s