[Past] BUMUKA ang bibig niya at bumuwelo ng sasabihin, “Ngayon ko lang nalaman na…” sinadya niyang bitinin ang sasabihin para talagang ma-curious ako ng husto.“Ano? Anong nalaman mo, pabitin ka naman, e.”“Ngayon ko lang nalaman na tsimoso ka pala. Siyempre, ba’t ko sasabihin sa ‘yo, e, secret nga.”“Pambihira naman! Ano nga kasi, ba’t ayaw mong sabihin?” ang pangungulit ko pa pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. “Hoy, Felipe! Ang KJ naman nito!” ang habol ko naman.Pero ayaw na niyang magsalita. Kainis! Curious na curious na ako, e. “E, ano namang pinag-usapan niyo ni Caleb sa loob?” ang tanong na lang nang makahabol sa kanya.“W-wala, may pinabibili lang siya sa ‘king gamot.”Gamot? May kailangan pa ba itong inumin na wala sa clinic? Nakakaduda naman. “Sure?” ang p
Last Updated : 2021-12-04 Read more