Akala ko iyon na ang huling beses na mararamdaman ko iyon. Hindi ko alam na habang tumatagal na unti-unting naging malinaw sa akin ang lahat, pasakit din nang pasakit.He started asking about Aurora, kung ilang taon na siya, ano'ng course ang kinukuha niya, kung ano'ng mga gusto niyang gawin, paboritong pagkain, kulay, lahat na. Pikit-mata kong sinagot lahat ng tanong niya.At palagi, pilit kong kinokontrol ang emosyon ko, huwag niya lang makita ang totoo kong nararamdaman. Tuwing binabanggit niya ang pangalan ng best friend ko, para iyong matalim na kutsilyong humihiwa sa puso ko.I wanted to avoid him but I don't know how. Gayong sa sarili kong isip hinahanap-hanap ang presensiya niya. Kahit gaano kasakit na mapalapit sa kanya, at gaano kasakit marinig mula sa bibig niya palagi ang pangalan ng iba, ayos lang. It's fine as long as I get to see him. Pathetic and hopeless, right?Even during Aurora's eighteenth birthday, I was the one who's w
Last Updated : 2021-11-03 Read more