Chapter 5"Hoy dalian mo kaya diyan?" nilingon ko si Camille at sinenyasan na sandali lang. Nakita kong bumaba ulit si Ms. Del Monte sa sasakyan ni Daddy. Napailing ako, buti pa sila nag lalunch sa labas. Sana all. "Tara na nga!" hinatak ko si Camille na napakamot na lang nang ulo.Sana dumiretso na lang ako sa classroom at di na tumingin sa bagong parada na kotse, kay Daddy pala! Ano ba yan?! lakas maka sira ng araw. Plano ko pa naman sanang makinig ngayon. Pero nag bago na ang isip ko, wag na lang pala. "Kinabahan ako nung lumingon daddy mo. Akala ko nakita niya tayo. Buti na lang agad mong hinatak ang buhok ko pa upo. Pero masakit ah, sana dinahan dahan mo. Bagong treatment pa naman 'to." pinaikot ko mata ko dahil sa lintaya niya. "Ano naman ngayon?" mataray kong tanong. "Wala naman sinasabi ko lang hehe. Di nga masakit e joke ko lang yun na relaxed nga ako sa ginawa mo e." pang uuto niya.
Last Updated : 2021-09-15 Read more