Mangiyak-ngiyak si Noah nang marinig ang sinabi ng nanay niya. “Nay, pasensya ka na. Hindi manlang kita mapapunta sa sarili kong kasal.”Tumawa ang nanay niya, “Wala namang problema yun, anak. Basta maayos ang lagay mo, masaya na ako.” Huminto ito ng sandali at nagpatuloy, “Anak, anong pangalan ng hotel na pagdadausan ng kasalm mo?”Hindi kaagad sumagot si Noah. “Dito po sa South City. Ang panagalan daw ay Grand Sage International Hotel. Sobrang sikat ng hotel na yun dito sa South City… Nay, sigurado ako na yun ang pinaka magandang kasal na mapupuntahan mo sana….”Tumawa lang ang nanay niya. “Masaya na ako na malamang maganda ang kasal ng anak ko! Oh paano anak, ibababa ko na ito, malaki na ang magagastos mo.”“Nay, mag iingat ka palagi.”Pagkatapos ng tawag, hindi kaagad umalis si Noah sa phone booth. Sobrang lungkot niya. Naalala niya yung sinabi sakanya ng mga kapitbahay niya noong high school palang siya.“Noah, kapag grumaduate ka na ng college, maghanap ka ng trabaho sa s
Read more