Kailangan niya pang bayaran ang dati niyang asawa. Siya ay sinintensyahan ng walong buwang pagkakakulong, at dahil kailangan niya pa siyang bayaran, ang maliit na perang naipon niya para sa kanyang ina, at ang limang libong dolyar na inipon nito sa loob ng mahigit sampung taon ay naibigay lahat sa dating niyang asawa.Sa walong buwan niya sa kulungan, ang nanay niya ay pagala-gala sa labas ng kulungan, nabubuhay siya sa binibigay ng mga estranghero, madalas siyang gutom nang ilang araw. Matapos na tiisin ang ganung buhay sa loob ng walong buwan, nung si Noah ay nakalaya na sa kulungan. Ang bigat ng kanyang ina ay wala pang walumpung libra. Silang mag-ina ay parehong walang pera, walang kahit isang kusing sa pangalan nila. Ang pinakamahalaga, walang sinuman ang gustong kumuha kay Noah kahit na naghanap siya ng trabaho, sinasabi nila na siya ay isang mamamatay-tao na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawa niyang anak, at ang gagong bumugbog sa asawa niya. At ganun na lang, matapos na pa
Hindi makapaniwala si Noah sa narinig niya. "Tal-talaga?"Sa totoo lang, wala siya talagang ibang intensyon. Naisip niya lang na ang isang babaeng tulad niya ay hindi mabubuhay nang mag-isa sa kabundukan at ayaw niyang mangyaring kahit ano sa kanya. Pero mainit ang pakiramdam ni Jane. Siya ay sinaktang maigi ni Alex. Ngayon ang gusto niya na lang ay tahimik at payapang buhay, kahit na gaano kahirap at kasimple ito. Sinabi niya nang mahinahon, "Ako...Simula nung bata pa ako, ayaw sa akin ng mga magulang ko. Noon pa man gusto ko na ng isang nanay na magmamahal sa akin, simula ngayon kikilalanin kita bilang madrina ko. Pag nakabalik na tayo sa norte, maghahanap ako ng trabaho, kahit ang maghugas ng plato ay ayos na. Ako po ang mag-aalaga sayo.""Oh, mahal kong anak..." Natuwa ang matandang babae. Naging mahirap ang buhay para sa knya. Lalo na pagkatapos niyang pumunta sa South City, siya ay pinilit na magtrabaho at pinigilan pa ang kanyang galit. Pero sa bandang huli, nawala ang nag-i
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya, kaya napabulong na lang siya sa sarili niya, “Hinalughog ko na ang buong bundok, pero wala talaga siya. Baka naman nagsisinungaling lang siya na nandito siya para lituhin ako?”Naiinis na natawa si Sabrina, “Hindi magsisinungalung si Jane. Noong sinabi niyang nasa bundok siya, malamang nasa bundok talaga siya. Ang sabihin mo, nagmadali siyang umalis noong sinabi mo sakanya na pupuntahan mo siya.”Huminga ng malalim si Alex. Sobrang bigat na ng dibdib niya hanggang sa hindi niya kinaya at, bigla nalang umiyak. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya…Palagi niyang sinasabi na wala siyang nararamdaman para kay Jane dahil ang iniisip niya ay magkatrabaho lang sila. Hinding hindi niya makakalimutan na sinabi nito noon na kapag bumalik na ang totoo niiyang girlfriend ay aalis ito, at ngayong bumalik na nga ang totoo niyang girlfriend, talagang tinutotoo ni Jane ang sinabi nito, pero bakit hindi siya masaya? Bakit ang lungkot lungkot niya? Ba
Sa kabilang linya, naguguluhang sumagot si Marcus, “Sino ‘to?” “Kaibigan ako ni Old Master Shaw. Kamusta na pala siya?”Ilang linggo na rin na sinusubukang kumbinsihin ni Lily si Alex. Pumunta pa siya sa bundok para patayin si Jane, kaya kahit na nakabalik na siya sa South City, hindi niya na nagawang kamustahin si Old Master Shaw. Tandang-tanda niya na noong pinapawi siya ni Emma, sinabi niyo na may masangsang na amoy sa South City at kailangan ni Old Master Shaw ang tulong niya para matanggal ito. Kaya ngayon, naisipan niyang kamustahin si Old Master Shaw. Sinubukan niyang tawagan ulit si Emma, pero hindi na ito sumagot sakanya! Noong nasa malayo siya, ang lakas lakas ng loob na tawagan siya, pero ngayong nakabaliw na siya, duwag naman pala ang mga ito! Bakit? Dahil ba kumalat na kaagad ang balita na hiniwalayan siya ni Alex? Pero alam ba nila na suportado sakanya si Old Master Poole? Tama! Hinding hindi siya pwedeng iwanan ni Alex! Hindi na natutuwa sa Marcus, kaya iritable
Ang sinabi sakanya ni Emma ay ginamit nito ang galing nito sa kama para makapunta kung nasaan man ito ngayon at ang rason kung bakit siya tinawagan nito ay para makipagtulungan sakanya na mapabagsak si Sabrina. Sabrina Scott! Yung bwisit na babaeng yun!Noong umuwi siya, ni hindi man lang siya pinabuwelo nito at talagang pinabugbog siya kaagad nito sa dalawang kaibigan at doon sa walang kwenta nitong anak! Si Sabrina ang dahilan kung bakit ayaw na sakanya ni Alex! Dahil sinira ng mga ito ang mukha niya! Pero ngayong sakanya na nakapanig ang kapalaran, hinding hindi siya magdadalawang isip na pabagsakin si Jane at lahat ng mga kaibigan nito! Sobrang ambisyosa ni Lily. Pagkatapos niyang makipag usap kay Marcus, dumiretso siya kaagad sa isang beauty parlor. Hindi naman nakakahinayang ang binayad niya dahil pagkatapos ng session niya ay lumabas siya ng parlor na may sobrang kinis na mukha. Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin siya na dahil sa naging itsura niya noong nakaraan kung bak
Nang iangat ni Lily ang kanyang ulo para tignan ang lalaking nagsalita, nakita niya si Holden Payne. Nakasuot ito ng coat at base sa tingin nito sakanya ay halatang nandidiri ito, pero sobrang lumanay pa rin ng boses nito. “Para kang basura.”Kumunot ang noo ni Lily. “Ba…bakit ka nandito?”“Kung alam ko lang na nandito ka, hindi na sana ako pumunta dito dahil ayokong makakita ng nakakadiring babae na kagaya mo! Ano buntis ka ba? Kung oo, ngayon palang ay ipalaglag mo na yan dahil kung gagamitin mo yang batang yan para maghabol sa akin, sisigurduhin kong mamatay kayong dalawa.”“Sino ka ba sa inaakala mo…” Hindi pa man din tapos si Lily sa pagsasalita ay bigla siyang sinipa ng malakas ni Holden, at parang walang nangyari, tumalikod ito at naglakad palayo. Uminda si Lily sa sobrang sakit. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganun ka aroganteng lalaki! Halos maputukan siya ng ugat sa sobrang galit at hindi siya makatayo sa sobrang sakit ng tiyan niya! Nagmamadali niya
Noong gabing yun, hindi siya makatulog. Maagang maaga siyang nag check out sa hotel para bumalik sa bahay ng mga Ford. Bandang alas otso ng umaga, nakita niyang lumabas ng bahay ang mag asawang Sean at Rose. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang mga ito, at sobrang naasiwa siyang makita ang mga ito. “Sean! Mag iisang buwan na noong nagkasakit ka, pero hindi man lang tayo binisita ni Sebastian.” Malungkot na sabi ni Rose. Huminga ng malalim si Sean. “Dapat talaga hindi na natin tinulungan si Old Master Shaw noon na kalabanin si Sabrina kasi kahit anong mangyari, asawa pa rin siya ni Sebastian. Tignan moi ngayon! Kahit si OId Master Shaw ay kinain ang lahat ng mga ginawa niya. Sino ba naman kasing mag aakala na si Sabrina pala talaga ang apo niya, at impostor lang yung Selene na yun diba?”Naiinis na sumagot si Rose, “Pero ngayong napatunayan ng apo pa talaga ni Old Master Shaw si Sabrina, sobrang sama naman ng ugali nila ng nanay niya! Alam naman siguro nilang ilang buwan ng may saki
“Napaka walang hiya talaga ng babaeng yun! Kasal na siya sa anak ko pero kung kani-kaninong lalaki pa siya nakikipag landian! Sino ka ba talaga??” Halos pumutok na ang ugat ni Sean sa leeg sa sobrang galit.Ngumisi si Holden at hinila ang kwelyo nio Sean. “Makinig kang mabuti, tanda! Pumunta lang ako dito para siguraduhin na dito ka talaga nakatira. Nag aalala pa ako noong una na baka nagkamali lang ako, pero noong narinig kong pinag uusapan niyo si Sabrina, nakumpirma ko na nasa tamang lugar nga ako. Ito lang ang masasabi ko sayo… Bago ka pumuna ng iba, alalahanin mo muna ang mga kademonyohang ginawa mo! Hindi ka ba natatakot makarma? Kung akala mo nakaligtas ka na, nagkakamali ka! Sadyang hindi mo pa oras, pero sisiguraduhin ko sayong magbabayad ka!” Gulat na gulat si Sean. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ng lalaki sakanya. Oo! Sobrang dami niyang nagawang pagkakamali sa buhay, pero hindi pa ba sapat ang mga nangyari sakanya bilang kabayaran? Sunod-sunod