“Napaka walang hiya talaga ng babaeng yun! Kasal na siya sa anak ko pero kung kani-kaninong lalaki pa siya nakikipag landian! Sino ka ba talaga??” Halos pumutok na ang ugat ni Sean sa leeg sa sobrang galit.Ngumisi si Holden at hinila ang kwelyo nio Sean. “Makinig kang mabuti, tanda! Pumunta lang ako dito para siguraduhin na dito ka talaga nakatira. Nag aalala pa ako noong una na baka nagkamali lang ako, pero noong narinig kong pinag uusapan niyo si Sabrina, nakumpirma ko na nasa tamang lugar nga ako. Ito lang ang masasabi ko sayo… Bago ka pumuna ng iba, alalahanin mo muna ang mga kademonyohang ginawa mo! Hindi ka ba natatakot makarma? Kung akala mo nakaligtas ka na, nagkakamali ka! Sadyang hindi mo pa oras, pero sisiguraduhin ko sayong magbabayad ka!” Gulat na gulat si Sean. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ng lalaki sakanya. Oo! Sobrang dami niyang nagawang pagkakamali sa buhay, pero hindi pa ba sapat ang mga nangyari sakanya bilang kabayaran? Sunod-sunod
Tumingin si Sebastian kay Sabrina, na walang kamalay-malay sa sinabi ng tatay niya. Ganung klaseng tao ang tatay niya. Paano niya naman mapapatawad ang ganun? Bukod sa lumaki siyang sinasaktan sila ng nanay niya at kapatid niya nito, hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong tantanan si Sabrina. Sa mga nakalipas na araw, kung hindi sila magkasama, hinahanap nito si Jane, kaya paano naman mangyayari ang sinasabi ng tatay niya na nakikipaglandian ito sa ibang lalaki?“Wala ka ng ibang sasabihin?”“Siyempre meron pa! Yung lalaking yun-”Hindi na interesadong makinig si Sebastian, kaya walang anu-ano, bigla niyang pinutol ang tawag. Noong nakita ni Sabrina na nakakunot nanaman ang noo ni Sebastian, nag alala siya. “Sebastian, hindi mo ba pwedeng mas habaan pa ang pasensya mo sakanya?” Hindi sumagot si Sebastian, bagkus, hinila niya si Sabrina, para yakapin at hinalikan ito sa noo.Tinignan ni Sabrina si Sebastian, “Anong nangyari? Sabihin mo sa akin, baka matulungan kita.”Tinignan di
“Si…” Parang sobrang pamilyar ng boses ng lalaki. Hindi niya sigurado kung narinig niya na ito kung saan o ano, pero hindi niya maalala. “Ka…kamusta ka?” Base sa tono ng pananalita ng lalaki, mukhang kilala siya nito, kaya kumunot ang noo niya at naguguluhang napatingin kay Sebastian. Nang makita ni Sebastian ang reaksyon ng mukha ni Sabrina, nag alala din siya. “Bakit?” Ang buong akala ni Sebastian ay tatay niya ang tumawag kay Sabrina. ‘Hindi kaya dumiretso na siya kay Sabrina kasi binabaan ko siya kanina?’Pinasa ni Sabrina kay Sebastian ang kanyang phone. “Hello?” Pero walang sumagot sa kabilang linya. Ni pag hinga ng taong tumawag ay hindi niya rin marinig, na para bang wala siyang kausap. Hindi nagtagal, biglang naputol ang tawag at kagaya ni Sabrina, takang-taka din si Sebastian. Pagkalipas ng ilang segundong pag iisip, sinabi ni Sabrina, “Hindi kaya… si kuya yan?” Isa lang naman ang lalaking tinatawag ni Sabrina ng kuya, at yun ay si Zayn. “Hindi mo yan kuya!” Me
Si Kingston ay magalang na sumagot, "Mrs. Ford, tanghali po ako nagising kaninang umaga. Para makatipid ng oras, nag-almusal na ako agad pagkagising at sumakit ang lalamunan ko."Nag-aalala, sinabi agad ni Sabrina, "Assistant Yates, dapat ka nang pumunta sa ospital, kung ganon. Hindi ka dapat magmaneho, hayaan mong magmaneho si Sebastian, dapat magmadali ka na at pumunta-"Pinatigil siya ni Sebastian sa pamamagitan ng paghila sa kanya sa yakap nito, at hindi na siya nakapagpatuloy.Ang kotse ay papunta na sa opisina ni Sabrina at tumigil na ito sa labas ng gusali. Nakita nila si Ryan at Marcus na pinaparada ang kotse nila at papasok na ng gusali, nang tumigil ang kanilang kotse.Matagal na din simula nung huling pumunta si Marcus sa opisina, pero dahil may sakit ang lolo niya, kinailangan niyang manatili sa tabi nito sa ospital nang matagal. Matagal nang kasabihan sa pamilya Shaw na dapat maging masunurin at magalang sila sa mga magulang, kaya naman iniwan niya ang lahat ng problem
Si Sabrina ay nanigas nang saglit. Sa isip niya, likas naman sa kanya, naisip niya na baka gusto siyang isama ni Marcus para makita si old Master Shaw. Tinanggihan niya ito nang magalang. "Pasensya na, Director Shaw, pero kung gusto mo akong dalhin sa lolo mo, edi ako..."Sa gulat niya, desididong itinanggi ni Marcus ang pagkaunawa nito. "Hindi ko gagawin yan! Ang paraan ng pananakit sayo ng lolo ko ay nagpasama din ng loob ko sa kanya, kaya hindi kita pipiliting makipagkita sa kanya kahit kailan."Ngumiti naman si Sabrina sa kanya. "Mabuti naman, Salamat, Insan Marcus.""Payag ka na bang tawagin ako bilang pinsan mo?""Hindi ba pinsan na rin ang turing mo sa akin simula pa lang nung una?""Oo naman!" ngumiti si Marcus."Saan mo naman ako dadalhin?" tanong niya."Halika, dadalhin na kita doon ngayon!"Si Sabrina ay nanatiling walang kibo. "Im...importante ba ito? Ang trabaho ko ay patong patong na at alam mo naman na kapag hindi ko natapos ang mga gawain ko, maaapektuhan din an
Hindi mapigilan ni Sabrina ang magtaka. "Director Shaw, anong..."Si Marcus ay ngumiti nang panatag kay Sabrina. "Wag kang mag-alala, Sabrina. Ang ipapakita ko sayo ngayon ay siguradong magpapagaan ng loob mo."Magpapagaan ito ng loob niya? Nahanap na ba nila si Jane? O siguro ang kapatid niyang si Zayn ay bumalik na? Nang may pusong puno ng pag-asa, si Sabrina ay umiwas na sa pagtatanong at hinayaan nang magmaneho si Marcus papunta sa destinasyon nila.Makalipas ang mga kalahating oras, ang kotse ay nakalabas na sa siyudad at pumasok na sa isang tahimik at malayong kalupaan. Nung si Sabrina ay lalo nang nagtaka, si Marcus ay lumiko na at hininto ang kotse. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang isang establisimento na may matataas na pader, at may nakalagay na "Inmate Medical Treatment Centre" sa labas nito. Nanigas siya at tumingin kay Marcus."Tama yan, nagdudusa na sila sa mga sintensya nila!""Hindi...pa siya patay?" tanong niya. Sa nakalipas na buwan, si Sabrina ay
Si Selene ay nanginig at binaling ang tulalang tingin niya sa matandang nasa pinto."Lolo...?" Tinawag niya ito, bago siya tumingin sa kanya na parang siya ang tagapagligtas nito. "Lolo, diba po ikaw yung taong pinaka nagmamahal sa akin?"Sinipa siya nang walang awa ni old Master Shaw. "Mahal ko ang apo ko, ikaw ba talaga ang totoong apo ko?"Si Selene ay sumimangot.Ang old Master Shaw ay umubo at nanggigil. "Alam mo nung una palang na hindi ikaw ang apo ko, pero sinubukan mo pa rin ang lahat ng makakaya mong gawin para maging impostor ng apo ko! At hindi lang yun ang ginawa mo, pero ikaw at ang pamilya mo ay pumunta pa at pinatulong niyo ako sa pamamagitan ng pananakita sa totoo kong apo nang paulit-ulit! May mas sasahol pa bang pamilya kaysa sa inyong tatlo sa mundong ito?"Tumigil siya at ngumisi, bago nagpatuloy, "Maraming taon na ang lumipas. Gaano na kaya karaming kasalanan ang nagawa ko na taliwas sa konsensya ko para sa inyo gamit ang kapangyarihan ko? Ang kapangyarihan k
"Daddy..." Si Selene ay nakakita ng pag-asa nang makita niya si Lincoln. Sumigaw siya sa gulat. "Daddy, kakalabas lang ni Lolo. Pwede ka bang magmakaawa sa kanya para sa kapakanan ko? Si Lolo ang lolo ni Sabrina at ikaw ang tatay ni Sabrina, pagkatapos ng lahat..."Bago pa matapos si Selene sa sinasabi niya, tinaas ni Lincoln ang kanyang binti at sinipa niya ito nang malakas. "Sinong tinatawag mong daddy mo? Ikaw bastardo ka!" Ang binti niya ay nakakadena, kaya hindi niya maitaas ang binti niya kahit gusto niyang sumipa, pero ang kadena ay muntik nang mabasag ang bungo ni Selene sa proseso. Pero, para bang ayaw din naman ni Lincoln na mamatay si Selene, kaya iniwasan nito ang diretsong pagtama sa ulo niya.Si Selene ay kumapit sa binti ni Lincoln at humagulgol, "Patayin mo nalang ako, Daddy!"Tinapakan nito ang kamay niya at inipit ito nang matindi. "Ikaw nakakadiring kalbong manloloko ka, manatili kang buhay at magdusa ka, ito ang pinakamagandang paraan para pagsisihan mo ang mga g