“Si…” Parang sobrang pamilyar ng boses ng lalaki. Hindi niya sigurado kung narinig niya na ito kung saan o ano, pero hindi niya maalala. “Ka…kamusta ka?” Base sa tono ng pananalita ng lalaki, mukhang kilala siya nito, kaya kumunot ang noo niya at naguguluhang napatingin kay Sebastian. Nang makita ni Sebastian ang reaksyon ng mukha ni Sabrina, nag alala din siya. “Bakit?” Ang buong akala ni Sebastian ay tatay niya ang tumawag kay Sabrina. ‘Hindi kaya dumiretso na siya kay Sabrina kasi binabaan ko siya kanina?’Pinasa ni Sabrina kay Sebastian ang kanyang phone. “Hello?” Pero walang sumagot sa kabilang linya. Ni pag hinga ng taong tumawag ay hindi niya rin marinig, na para bang wala siyang kausap. Hindi nagtagal, biglang naputol ang tawag at kagaya ni Sabrina, takang-taka din si Sebastian. Pagkalipas ng ilang segundong pag iisip, sinabi ni Sabrina, “Hindi kaya… si kuya yan?” Isa lang naman ang lalaking tinatawag ni Sabrina ng kuya, at yun ay si Zayn. “Hindi mo yan kuya!” Me
Si Kingston ay magalang na sumagot, "Mrs. Ford, tanghali po ako nagising kaninang umaga. Para makatipid ng oras, nag-almusal na ako agad pagkagising at sumakit ang lalamunan ko."Nag-aalala, sinabi agad ni Sabrina, "Assistant Yates, dapat ka nang pumunta sa ospital, kung ganon. Hindi ka dapat magmaneho, hayaan mong magmaneho si Sebastian, dapat magmadali ka na at pumunta-"Pinatigil siya ni Sebastian sa pamamagitan ng paghila sa kanya sa yakap nito, at hindi na siya nakapagpatuloy.Ang kotse ay papunta na sa opisina ni Sabrina at tumigil na ito sa labas ng gusali. Nakita nila si Ryan at Marcus na pinaparada ang kotse nila at papasok na ng gusali, nang tumigil ang kanilang kotse.Matagal na din simula nung huling pumunta si Marcus sa opisina, pero dahil may sakit ang lolo niya, kinailangan niyang manatili sa tabi nito sa ospital nang matagal. Matagal nang kasabihan sa pamilya Shaw na dapat maging masunurin at magalang sila sa mga magulang, kaya naman iniwan niya ang lahat ng problem
Si Sabrina ay nanigas nang saglit. Sa isip niya, likas naman sa kanya, naisip niya na baka gusto siyang isama ni Marcus para makita si old Master Shaw. Tinanggihan niya ito nang magalang. "Pasensya na, Director Shaw, pero kung gusto mo akong dalhin sa lolo mo, edi ako..."Sa gulat niya, desididong itinanggi ni Marcus ang pagkaunawa nito. "Hindi ko gagawin yan! Ang paraan ng pananakit sayo ng lolo ko ay nagpasama din ng loob ko sa kanya, kaya hindi kita pipiliting makipagkita sa kanya kahit kailan."Ngumiti naman si Sabrina sa kanya. "Mabuti naman, Salamat, Insan Marcus.""Payag ka na bang tawagin ako bilang pinsan mo?""Hindi ba pinsan na rin ang turing mo sa akin simula pa lang nung una?""Oo naman!" ngumiti si Marcus."Saan mo naman ako dadalhin?" tanong niya."Halika, dadalhin na kita doon ngayon!"Si Sabrina ay nanatiling walang kibo. "Im...importante ba ito? Ang trabaho ko ay patong patong na at alam mo naman na kapag hindi ko natapos ang mga gawain ko, maaapektuhan din an
Hindi mapigilan ni Sabrina ang magtaka. "Director Shaw, anong..."Si Marcus ay ngumiti nang panatag kay Sabrina. "Wag kang mag-alala, Sabrina. Ang ipapakita ko sayo ngayon ay siguradong magpapagaan ng loob mo."Magpapagaan ito ng loob niya? Nahanap na ba nila si Jane? O siguro ang kapatid niyang si Zayn ay bumalik na? Nang may pusong puno ng pag-asa, si Sabrina ay umiwas na sa pagtatanong at hinayaan nang magmaneho si Marcus papunta sa destinasyon nila.Makalipas ang mga kalahating oras, ang kotse ay nakalabas na sa siyudad at pumasok na sa isang tahimik at malayong kalupaan. Nung si Sabrina ay lalo nang nagtaka, si Marcus ay lumiko na at hininto ang kotse. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang isang establisimento na may matataas na pader, at may nakalagay na "Inmate Medical Treatment Centre" sa labas nito. Nanigas siya at tumingin kay Marcus."Tama yan, nagdudusa na sila sa mga sintensya nila!""Hindi...pa siya patay?" tanong niya. Sa nakalipas na buwan, si Sabrina ay
Si Selene ay nanginig at binaling ang tulalang tingin niya sa matandang nasa pinto."Lolo...?" Tinawag niya ito, bago siya tumingin sa kanya na parang siya ang tagapagligtas nito. "Lolo, diba po ikaw yung taong pinaka nagmamahal sa akin?"Sinipa siya nang walang awa ni old Master Shaw. "Mahal ko ang apo ko, ikaw ba talaga ang totoong apo ko?"Si Selene ay sumimangot.Ang old Master Shaw ay umubo at nanggigil. "Alam mo nung una palang na hindi ikaw ang apo ko, pero sinubukan mo pa rin ang lahat ng makakaya mong gawin para maging impostor ng apo ko! At hindi lang yun ang ginawa mo, pero ikaw at ang pamilya mo ay pumunta pa at pinatulong niyo ako sa pamamagitan ng pananakita sa totoo kong apo nang paulit-ulit! May mas sasahol pa bang pamilya kaysa sa inyong tatlo sa mundong ito?"Tumigil siya at ngumisi, bago nagpatuloy, "Maraming taon na ang lumipas. Gaano na kaya karaming kasalanan ang nagawa ko na taliwas sa konsensya ko para sa inyo gamit ang kapangyarihan ko? Ang kapangyarihan k
"Daddy..." Si Selene ay nakakita ng pag-asa nang makita niya si Lincoln. Sumigaw siya sa gulat. "Daddy, kakalabas lang ni Lolo. Pwede ka bang magmakaawa sa kanya para sa kapakanan ko? Si Lolo ang lolo ni Sabrina at ikaw ang tatay ni Sabrina, pagkatapos ng lahat..."Bago pa matapos si Selene sa sinasabi niya, tinaas ni Lincoln ang kanyang binti at sinipa niya ito nang malakas. "Sinong tinatawag mong daddy mo? Ikaw bastardo ka!" Ang binti niya ay nakakadena, kaya hindi niya maitaas ang binti niya kahit gusto niyang sumipa, pero ang kadena ay muntik nang mabasag ang bungo ni Selene sa proseso. Pero, para bang ayaw din naman ni Lincoln na mamatay si Selene, kaya iniwasan nito ang diretsong pagtama sa ulo niya.Si Selene ay kumapit sa binti ni Lincoln at humagulgol, "Patayin mo nalang ako, Daddy!"Tinapakan nito ang kamay niya at inipit ito nang matindi. "Ikaw nakakadiring kalbong manloloko ka, manatili kang buhay at magdusa ka, ito ang pinakamagandang paraan para pagsisihan mo ang mga g
Ang ekspresyon ni Sabrina ay nanatiling sobrang kalmado. Ang mga bisor ay nakita rin sila Sabrina at Marcus. Ang isa sa kanila ay magalang na binati si Marcus. "Master Marcus, ang lolo niyo ay nandito kani kanina lang."Tumango siya. "Alam ko."Nang makita na ang bisor ay nakikipag-usap kay Marcus, nagmakaawa si Lincoln. "Bisor, pakiusap. siya...siya ang anak ko. Gusto...ko sana siyang makausap, kahit kaunti lang. P-pwede ba?"Hindi sumagot ang bisor at tumingin ito kay Marcus para sa kanyang permiso. Tumango ito, at si Lincoln ay agad na pumasok sa harapang pinto papunta sa bintana habang hila hila ang kadena sa likod niya. Nakipag-usap siya kay Sabrina habang nakabantay ang mga nakatataas."Sabbie...Ayos...ayos ka lang ba?""Ayos lang ako.""At...ang nanay mo?""Mas maayos." Ang tono niya ay hindi nagbabago.Kiniskis ni Lincoln ang mga kamay niya nang sabik. "Si Da-Daddy...""Hindi ako ang anak mo, ang anak ko..." Tumingin siya kay Selene, na nakabaluktot na parang isang bol
At kung paano niya pilit na inilabas si Sabrina kulungan, ginamit siya, at binuntis siya kalaunan at sinubukan siyang patayin sa tuwing magkakaroon siya ng pagkakataon. Ang buong proseso ay tulad ng ibang epekto ng gamot na iniinom ni Selene, isang bangungot. Walang disenteng tao ang gagawa ng tulad nun sa isang dalaga kahit na hindi talaga sila magkaano-ano. Pero bilang isang ama, sinaktan ni Lincoln ang sarili niyang anak na umabot sa ganun. Wala talaga siyang katulad! Si Lincoln ay humagulgol nang miserable sa likod niya at nagtangka siyang ibangga ang sarili niya sa pader, pero siya ay pinigilan ng dalawang bisor sa likod niya. Ang isa sa kanila ay nagsalita nang walang awa, "Mr. Lynn, wala kang karapatang mamatay dito. Pakiusap wag mo kaming bigyan ng kahit anong problema.""Hayaan niyo akong mamatay, hayaan niyo akong mamatay...!" Sumigaw siya, "Mapagsisisihan ko lang ang ginawa ko pag namatay ako.""Pasensya na, pero wala kang karapatang ipahayag ang sarili mong kamatayan.""