Si Selene ay nanginig at binaling ang tulalang tingin niya sa matandang nasa pinto."Lolo...?" Tinawag niya ito, bago siya tumingin sa kanya na parang siya ang tagapagligtas nito. "Lolo, diba po ikaw yung taong pinaka nagmamahal sa akin?"Sinipa siya nang walang awa ni old Master Shaw. "Mahal ko ang apo ko, ikaw ba talaga ang totoong apo ko?"Si Selene ay sumimangot.Ang old Master Shaw ay umubo at nanggigil. "Alam mo nung una palang na hindi ikaw ang apo ko, pero sinubukan mo pa rin ang lahat ng makakaya mong gawin para maging impostor ng apo ko! At hindi lang yun ang ginawa mo, pero ikaw at ang pamilya mo ay pumunta pa at pinatulong niyo ako sa pamamagitan ng pananakita sa totoo kong apo nang paulit-ulit! May mas sasahol pa bang pamilya kaysa sa inyong tatlo sa mundong ito?"Tumigil siya at ngumisi, bago nagpatuloy, "Maraming taon na ang lumipas. Gaano na kaya karaming kasalanan ang nagawa ko na taliwas sa konsensya ko para sa inyo gamit ang kapangyarihan ko? Ang kapangyarihan k
"Daddy..." Si Selene ay nakakita ng pag-asa nang makita niya si Lincoln. Sumigaw siya sa gulat. "Daddy, kakalabas lang ni Lolo. Pwede ka bang magmakaawa sa kanya para sa kapakanan ko? Si Lolo ang lolo ni Sabrina at ikaw ang tatay ni Sabrina, pagkatapos ng lahat..."Bago pa matapos si Selene sa sinasabi niya, tinaas ni Lincoln ang kanyang binti at sinipa niya ito nang malakas. "Sinong tinatawag mong daddy mo? Ikaw bastardo ka!" Ang binti niya ay nakakadena, kaya hindi niya maitaas ang binti niya kahit gusto niyang sumipa, pero ang kadena ay muntik nang mabasag ang bungo ni Selene sa proseso. Pero, para bang ayaw din naman ni Lincoln na mamatay si Selene, kaya iniwasan nito ang diretsong pagtama sa ulo niya.Si Selene ay kumapit sa binti ni Lincoln at humagulgol, "Patayin mo nalang ako, Daddy!"Tinapakan nito ang kamay niya at inipit ito nang matindi. "Ikaw nakakadiring kalbong manloloko ka, manatili kang buhay at magdusa ka, ito ang pinakamagandang paraan para pagsisihan mo ang mga g
Ang ekspresyon ni Sabrina ay nanatiling sobrang kalmado. Ang mga bisor ay nakita rin sila Sabrina at Marcus. Ang isa sa kanila ay magalang na binati si Marcus. "Master Marcus, ang lolo niyo ay nandito kani kanina lang."Tumango siya. "Alam ko."Nang makita na ang bisor ay nakikipag-usap kay Marcus, nagmakaawa si Lincoln. "Bisor, pakiusap. siya...siya ang anak ko. Gusto...ko sana siyang makausap, kahit kaunti lang. P-pwede ba?"Hindi sumagot ang bisor at tumingin ito kay Marcus para sa kanyang permiso. Tumango ito, at si Lincoln ay agad na pumasok sa harapang pinto papunta sa bintana habang hila hila ang kadena sa likod niya. Nakipag-usap siya kay Sabrina habang nakabantay ang mga nakatataas."Sabbie...Ayos...ayos ka lang ba?""Ayos lang ako.""At...ang nanay mo?""Mas maayos." Ang tono niya ay hindi nagbabago.Kiniskis ni Lincoln ang mga kamay niya nang sabik. "Si Da-Daddy...""Hindi ako ang anak mo, ang anak ko..." Tumingin siya kay Selene, na nakabaluktot na parang isang bol
At kung paano niya pilit na inilabas si Sabrina kulungan, ginamit siya, at binuntis siya kalaunan at sinubukan siyang patayin sa tuwing magkakaroon siya ng pagkakataon. Ang buong proseso ay tulad ng ibang epekto ng gamot na iniinom ni Selene, isang bangungot. Walang disenteng tao ang gagawa ng tulad nun sa isang dalaga kahit na hindi talaga sila magkaano-ano. Pero bilang isang ama, sinaktan ni Lincoln ang sarili niyang anak na umabot sa ganun. Wala talaga siyang katulad! Si Lincoln ay humagulgol nang miserable sa likod niya at nagtangka siyang ibangga ang sarili niya sa pader, pero siya ay pinigilan ng dalawang bisor sa likod niya. Ang isa sa kanila ay nagsalita nang walang awa, "Mr. Lynn, wala kang karapatang mamatay dito. Pakiusap wag mo kaming bigyan ng kahit anong problema.""Hayaan niyo akong mamatay, hayaan niyo akong mamatay...!" Sumigaw siya, "Mapagsisisihan ko lang ang ginawa ko pag namatay ako.""Pasensya na, pero wala kang karapatang ipahayag ang sarili mong kamatayan.""
Nagulat si Sabrina kaya medyo matagal bago siya nakasagot, “Ano yun?” “Malalaman mo rin pag pumunta ka rito.” Sagot ni Sebastian na may nakakaintrigang tono..Gusto pa sanang magtanong ni Sabrina pero biglang binaba ni Sebastian ang tawag. Tumingin siya kina Yvonne at Ruth at nahihiyang ngumiti, “Anong nangyayari?” Hanggang tenga ang ngiti ni Yvonne nang sumagot, “Gusto ka kasing isurprise ng asawa mo. Hindi ko nga maiisip na may pagka romantiko rin pala ang isang kagaya ni Director Ford! Tinawagan niya kami para sabihing dalhin ka dito sa mall kaya halika na!“Pero hindi rin namin alam talaga kung ano yung surprise niya!” Dagdag ni Ruth. “Mommy, halika na!” Nakangiting gatong ni Aino. Hinawakan ni Sabrina ang kamay ni Aino at dumiretso silang apat sa sixth floor. Ilang beses ng nakakapunta sa Sabrina sa mall na yun, at ang buong akala niya ay hanggang fifth floor lang ito, kung saan sa first floor at bilihan ng mga make up, handbag, at mga sapatos, sa second at third floor n
Pati sina Yvonne at Ruth, na nakatayo sa tabi nila ay gulat na gulat din. Pagkatapos magbayad ni Sebastian, tumingin siya kay Sabrina. “Mauna na kayo sa baba para makabili pa kayo ng regalo niyo para sa Mommy mo. Susunod nalang ako.”“Okay.” Tatalikod na sana si Sabrina nang bigla siyang natigilan noong nakita niya ang lalaking nakaupo sa furniture set na binili ni Sebastian. “Ikaw?!” Si Alex, na halatang stress na stress na ang itsura. “Um…ako ang may ideya na bilhan ang Mommy mo ng furniture set. Sa totoo nga lang, ako ang namili nito.”Hindi natuwa si Sabrina sa sagot ni Alex. “Bakit ka nandito? Bakit hindi mo hinahanap si Jane?” Hindi sumagot si Alex. Mula sa sa tabi ni Sabrina, biglang lumapit si Aino kay Alex at naiinis na sinabi. “Uncle Alex, kailangan mong mahanap si Aunt Jane sa loob ng sampung araw! Kapag hindi mo nagawa yun, hindi mo na ako pwedeng buhatin, halikan at pisilin ang pisngi ko ulit! Hmph!” Sa sobrang galit ni Aino, mangiyak-ngiyak na ang mga mata niya
Mas masaya pa si Sabrina na marinig ang boses ni Jane kaysa noong nakita niya ang furniture set na eighteen million ang halaga, kaya mangiyak-ngiyak siyang sumagot, “Jane, nasaan-”Gustong gusto na sanang itanong ni Sabrina kung nasaan si Jane, pero naalala niya ang sinabi ni Alex sakanya. Kilalang kilala nga nito si Jane… Kahit na nasa thirties na si Jane, sobrang hinhin pa rin nito kaya talagang mahihirapan itong mag isa, at tama nga ang sinabi ni Alex na tatawagan siya nito para mangutang. “Jane, magkano ang kailangan mo? Pwede naman kitang mapahiram.”Habang kausap ni Sabrina si Jane, may tinawagan si Alex para maipatrack na agad-agad ang location nito.Sa kabilang banda, nasa byahe pa rin sina Jane, Noah at ang nanay nito. Hirap na hirap na sila sa sobrang daming pagsubok na dumaan sakanila. Sumakay sila sa pinaka murang bus pero habang nasa byahe, inapoy ng lagnat ang nanay ni Noah kaya kinalilangan nilang bumaba sa kalagitnaan para maisugod ito sa ospital. Noong medyo bumut
Pero nang mahimasmasan si Noah, masaya siyang sumagot, “Loko loko ka talaga! Bakit ka naman nahihiyang buntis ka. Sige lang! Tatlo naman tayo eh, kayang kaya nating palakihin ang baby mo, diba?” “A…yung ex ko kasi…”“Ayaw mong ipaalam sakanya.”Umiling si Jane. “Ayokong dalhin ang anak niya, kaya kailangan kong ipalaglag ang batang ‘to…” Nahihiya siyang tumingin kay Noah. Sobrang laki na ng abala niya sa mag ina, kaya sa pagkakataong ito, nilakasan niya na ang loob niya na lubos-lubusin. “Noah, pwede ba tayong magpakasal pag dating natin sainyo?” “Mas matanda ako sayo ng sampung taon at wala rin akong pinag aralan. Masisira lang ang buhay mo kapag ako ang naging asawa mo.” “Naiintindihan ko. Nandidiri ka siguro sa akin.” Habang nagsasalita si Jane, hindi niya na napigilan ang emosyon niya at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Tumawa si Noah para gumaan ang awra ng paligid. “Ano ka ba. Bakit naman ako mandidiri sayo? Ako nga, may matandang kailangang alagaan oh. Ang sinasabi