Share

Kabanata 1189

Pati sina Yvonne at Ruth, na nakatayo sa tabi nila ay gulat na gulat din.

Pagkatapos magbayad ni Sebastian, tumingin siya kay Sabrina. “Mauna na kayo sa baba para makabili pa kayo ng regalo niyo para sa Mommy mo. Susunod nalang ako.”

“Okay.” Tatalikod na sana si Sabrina nang bigla siyang natigilan noong nakita niya ang lalaking nakaupo sa furniture set na binili ni Sebastian. “Ikaw?!”

Si Alex, na halatang stress na stress na ang itsura. “Um…ako ang may ideya na bilhan ang Mommy mo ng furniture set. Sa totoo nga lang, ako ang namili nito.”

Hindi natuwa si Sabrina sa sagot ni Alex. “Bakit ka nandito? Bakit hindi mo hinahanap si Jane?”

Hindi sumagot si Alex.

Mula sa sa tabi ni Sabrina, biglang lumapit si Aino kay Alex at naiinis na sinabi. “Uncle Alex, kailangan mong mahanap si Aunt Jane sa loob ng sampung araw! Kapag hindi mo nagawa yun, hindi mo na ako pwedeng buhatin, halikan at pisilin ang pisngi ko ulit! Hmph!” Sa sobrang galit ni Aino, mangiyak-ngiyak na ang mga mata niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status