Share

Kabanata 1194

Kinaumagahan, sobrang napa sarap ang tulog nina Sabrina at Sebastian dahil sa ginawa nila kagabi. Hindi na nila namalayan na alas nuebe na kaya pagkagising nila ay nagpapanic silang bumangon.

“Diyos ko! Maaga dapat tayong pupunta kay Mommy! Tanghali na!” Nagmamadali silang lumabas ng kwarto, at noong pababa na silam narinig nilang may tumatawa.

“Aunt Yvonne, ang ganda ganda mo naman!” Papuri ni Aino kay Yvonne.

Nagulat si Sabrina. ‘Bakit nandito si Yvone?’ Pagkatapos, narinig niya rin ang boses ni Kingston.

“Mas maganda pa rin ang aming munting prinsesa!” Mapang asar na sigaw ni Kingston.

“Hoy! Masyado mo ng iniispoil si Aino!”

“Sino bang nagpapasahod sa akin?”

“...”

“Hehehe…” Tawa ng tawa si Aino.

Biglang binago ni Kingston ang topic at nagtanong, “Aino, bakit ang tamad tamad ng Mommy at Daddy mo? Tanghali na oh, wala ba silang balak magising?”

Tinignan ni Aino si Kingston ng diretso sa mga mata at seryosong sumagot, “May mission sila.”

“Anong mission?” Tanong nio
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status