Dahan-dahang bumangon si Jane. Pakiramdam niya ay masamang panaginip lang ang lahat. Bakit ba ang lupit lupit ng mundo sakanya?Lumapit sakanya si Noah at nag aalalang nagtanong, “Anong nangyari, Jane?” “Kung sasabihin ko ba sayo na hindi na tayo magkakaanak, gugustuhin mo pa rin ba akong pakasalan?” “Eh buntis ka naman na diba? Paanong hindi na tayo magkakaanak?” Naguguluhang tanong ni Noah. “Hindi ako baog. Nagkaanak na ako dati kaya sigurado ako na hindi ako baog.”Sa pagkakataong yun, hindi na kinaya ni Jane at umiiyak siyang sumagot, “Pero kapag pinalaglag ko ang batang ‘to ngayon, hindi na daw ako pwedeng magkaanak ulit.”“Edi wag mo siyang ipalaglag.” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Noah. “Kahit anong mangyari, anak mo pa rin yan at bilang nanay niya, responsibilidad mong protektahan siya. Wag kang mag alala, hindi niya malalaman na hindi ako ang tunay niyang tatay.”“...”“Alam mo ba, ang sabi nila ang mga bata daw ay mas magiging malapit sa taong nagpalaki sakan
Hindi nagtagal, nakahanap kaagad sila ng masasakyan, at kagaya nga ng napag usapan, dumiretso sila sa baryo ni Noah, Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating ang mga tauhan ni Alex sa ospital kung nasaan kanina si Jane at hanggat walang utos ng amo nila, hindi sila pwedeng basta-bastang kumilos. Tinawagan ng lider si Alex, “Master Alex, pinapalibutan na po namin ang buong ospital.”“Okay. Isa-isahin niyo ang mga kwarto pero siguraduhin niyo na wala kayong maiisytorbong kahit sino. Papunta na ako jan.” Pagkababa niya ng tawag, tumingin si Alex kina Sabrina at Sebastian para magpaalam. “Pasensya na, mukhang hindi na ako makakasama sainyo bukas kay Auntie.”Hindi niya na nahintay na sumagot ang dalawa at dire-diretsong naglakad palayo si Alex. Kanina lang, walang kabuhay-buhay ang itsura niya, pero ngayon para siyang susugod sa isang giyera.” Habang tinitignan ni Sabrina si Alex, na naglalakad papalayo, napabuntong hininga nalang siya. “Ngayon, sobrang nag sisisi ka na sa lahat ng
Kinaumagahan, sobrang napa sarap ang tulog nina Sabrina at Sebastian dahil sa ginawa nila kagabi. Hindi na nila namalayan na alas nuebe na kaya pagkagising nila ay nagpapanic silang bumangon.“Diyos ko! Maaga dapat tayong pupunta kay Mommy! Tanghali na!” Nagmamadali silang lumabas ng kwarto, at noong pababa na silam narinig nilang may tumatawa. “Aunt Yvonne, ang ganda ganda mo naman!” Papuri ni Aino kay Yvonne. Nagulat si Sabrina. ‘Bakit nandito si Yvone?’ Pagkatapos, narinig niya rin ang boses ni Kingston. “Mas maganda pa rin ang aming munting prinsesa!” Mapang asar na sigaw ni Kingston. “Hoy! Masyado mo ng iniispoil si Aino!” “Sino bang nagpapasahod sa akin?” “...” “Hehehe…” Tawa ng tawa si Aino. Biglang binago ni Kingston ang topic at nagtanong, “Aino, bakit ang tamad tamad ng Mommy at Daddy mo? Tanghali na oh, wala ba silang balak magising?” Tinignan ni Aino si Kingston ng diretso sa mga mata at seryosong sumagot, “May mission sila.”“Anong mission?” Tanong nio
“Yvonne, okay naman si Marcus diba?” Nag aalangang tanong ni Sabrina. Huminga ng malalim si Yvonne. “Oo, si Marcus mabuting tao, pero yung lolo niya? Hindi. Nakakatawa nga eh kasi ang lakas ng loob niyang mangaral kung ano ang mabuti at hindi, eh siya nga mismo hindi alam kung ano ang konsepto nun. Kahit tatlong taong gulang na bata na mismong dugo’t laman niya pa ha, hindi niya pinalampas, paano pa kaya sa ibang tao, diba? Kahit gaano kabuti ang nagawa mo sakanya, walang utang na loob yung matandang yun dahil pag sinabi niyang ayaw niya sayo, ayaw niya sayo. Kaya hindi rin talaga kita masisisi kung bakit hindi mo siya matanggap bilang lolo mo.”“...” Hindi alam ni Sabrina kung paano siya sasagot. Tama naman ang lahat ng sinabi ni Yvonne. Hindi naman siya galit kay old Master Shaw, pero para sakanya, mas mabuti ng isipin niya na wala silang relasyon. Hindi niya naman inakala na maaapektuhan pala si Yvonne ng naging desisyon niya. “Pasensya ka na, Yvonne…” Nahihiyang bulong ni Sabr
Ang babaeng sumunod kay Marcus palabas ng kotse niya ay si Lily.Nang makita si Aino na sinisigawan si Lily, agad siyang pinagalitan ni Marcus nang mahinahon, "Aino, hindi ka dapat maging bastos, okay? Ito ang mapapangasawa ng Tito Alex mo."Lahat silang lima, kasama na sila Aino, Yvonne, Sabrina, Sebastian, at Kingston, ay biglang walang nasabi.Isa pang kotse ang huminto sa likod nila at ang dalawang lumabas ay sila Ryan at Ruth. Si Ruth ay iba kay Yvonne. Nawalan na siya ng tirahan simula pa nung humiwalay siya sa mga magulang niya. Kahit na siya ay pinsan din ni Marcus at sinabi ng mga Shaw na tumira siya kasama nila nang ilang beses, mas gusto niya pa rin tumira kasama ni Ryan sa halip na manirahan kasama ang pamilya Shaw dahil hindi siya komportable sa kanila. Nung nakita niya na tumanggi si Sabrina na kilalanin ang sarili niyang lolo, si Ruth ay mas lalong nag-alangan na makipagkita sa tita niya. Samakatuwid, sa tuwing mananatili si Ryan sa South City, si Ruth ay sumasama na
Simula nung araw na yun, si Ryan ay iniiwasan na talaga si Lily.Pero, napagtanto niya rin, si Alex ay wala na talagang nararamdaman para kay Lily'Sampung taon!'Kaninong pagmamahal ba ang pwedeng maimbak sa loob ng sampung taon na hindi ito nasisira?'Nagbibiro ka siguro!'Ang taong nakabantay kay Tito Alex, ang sumasama sa kanya, at ang tumutulong sa kanya na alisin ang pag-aalala niya ay si Tita Jane, diba?'Ang batang magkasintahan, sila Ryan at Ruth, ay nagkaroon ng patakaran sa bahay na hindi na nila papansinin si Lily simula ngayon!Pero, sa oras na ito, nung nakita nila na dinala talaga ni Marcus si Lily dito, ang parehong panga nila Ryan at Ruth ay halos nahulog na.Tumingin sila pareho kayla, Sabrina, Yvonne, Aino, Sebastian, at Kingston nang magkasabay.Silang anim ay may pagkakaintindihan sa kanilang mga puso at silang lahat ay walang sinabi kahit ano.Hinintay lang nila kung ano ang sasabihin nila Lily at Marcus.Ang ekspresyon ni Marcus ay natural lang. Tuming
Si Lily ay sanay na maging dominante.Hindi niya kailanman maiiwasan ang ganitong pagkukulang niya.Hindi niya rin naisip kailanman ang pag-iwas dito.Yun ay dahil ang saya ng pagiging mapanghamak at ang pagturing bilang dominante at ang pag-asta sa kahit anong paraan niya gusto ay isang bagay na hindi mararansanan ng iba kahit kailan.Dati nung siya ay nasa ibang bansa pa, kahit nasaan man siya, kahit na siya ay mag-isa, kaya niyang maging ganito kadominante. Madalas niya pang matalo ang mga masasamang loob, na aroganteng inaakala na sila ay mga puwersang dapat isaalang-alang, sa loob ng ilang segundo, sila ay lumuluhod na sa harap niya at tinatawag siyang reyna.Ang ganung klase ng pakiramdam ay hindi maipapaliwanag na kahanga-hang para kay Lily.Pero, sa loob lang ng ilang araw niyang pagbabalik sa bansa, siya ay nabugbog na nila Aino, Ruth, at Yvonne. Kailangan silang bawian agad ni Lily sa mismong oras na ito dahil sa ganung klaseng kahihiyan na nakuha niya.Ang sampal ni L
Sa oras na ito, gustong humingi ng tulong ni Lily kayla Sebastian, Marcus, at Ryan, pero hindi siya makapagsalita dahil siya ay nahihilo sa pag-ikot sa kanya.Saka lang itinapon ng dalawang binata si Lily sa sahig pagkatapos nila sa kanilang street dance collaboration.Si Lily ay nakaramdam lang ng pagkahilo.Ang unang binata ay supladong sinabi kay Lily, "Ako ay nabuhay sa loob ng labing-walong taon, pero ito ang unang beses na nakakilala ako ng napaka aroganteng matandang babaeng tulad mo! Ikaw ay isa talagang masamang babae! Biniro biro mo pa kami na mga menor de edad palang! Dadalhin ka namin sa istasyon ng pulis ngayon!"Si Lily, na kakatayo lang nang maayos matapos na ayusin ang sarili niya nang ilang sandali, ay nagsuka nang marami na ang lahat ng pagkain sa tiyan niya ay lumabas din.Si Lily ay matagal nagsuka hanggang sa nagsuka na rin siya ng bile nung bandang huli, pero hindi pa rin siya nagpapaawat. Tumingala siya nang may galit na titig at tumingin sa dalawang binata.