Sa loob ng malaki at mamahaling hotel, si Noah ay nakatayo sa labas, mukhang masaya at malusog. Samantala, ang nanay niya naman ay nakatayong nakakuba sa labas. Dahil sa rami ng taon ng pagtatrabaho niya, halos hindi niya na maituwid ang bewang niya. At ganon nalang, sinuportahan niya ang kanyang sarili sa may hagdan sa labas ng hotel, nakatingin siya sa loob nang may matang puno ng pagkasabik at saya.Nung oras na yun, pakiramdam ni Noah ay may mga kutsilyong humihiwa sa puso niya. Bigla niyang naramdaman, hindi ito madali tulad ng iniisip nila. Ang pagpapakasal sa mayamang pamilya ay hindi kasing dali ng tingin nila. Ang paghamak at pambabalewala nila sa kanya ay nakatanim nang malalim sa mga buto nila. Hindi na ito mababago. Kahit na siya ay hinahangaan na ng marami ngayon, sa loob loob niya, siya ay sobrang nasasaktan at naghihirap kumpara sa nung siya ay isa pa lang mahirap na binata.Nung oras na nakita niya ang kanyang ina, binigyan niya ito ng mainit at nakakagaan sa loob na
Siya ay isang lalaking may prinsipyo. Matapos na iwan ang asawa niya, hinanap ni Noah ang nanay niya malapit sa hotel. Sa kabuting palad, nakita niya ito. Ang nanay niya ay nananatili sa isang maliit na motel na nagkakahalaga lang ng dalawampung dolyar kada gabi. "Ma, napagaling mo. Kaya mong sumakay ng bus papunta sa South City nang mag-isa, at nahanap mo pa nga ako." Niyakap ni Noah ang kanyang ina, ang mga luha ay tumulo sa pisngi niya.Tumawa ang nanay niya. "Lokong bata! Ako nasa limampu pa lang, hindi pa naman ako ganun katanda. Kuba lang ang likod ko, yun a yun, at may ilang puting buhok. Hindi mo nga matatawag na matatandang babae ang mga babae na kasing edad ko dito siyudad! Marunong din ako bumasa at sumulat. Ginamit ko ang perang pinadala mo sa akin at pumunta muna ako sa bayan, tapos sumakay ako ng bus papunta sa bayan ng probinsya, tapos sumakay ako ng taxi papunta sa istasyon ng tren. Ganun lang yun, hakbang-hakbang. Sa tingin mo ba hindi ko kayang pumunta sa malaking
Binati ni Noah ang biyenan niyang lalaki at binanggit ang diborsyo. Pero, nung oras na yun, binuka ng nanay niya ang bibig nito. "Noah, nagkakamali ka sa paghiling ng diborsyo habang buntis ang asawa mo. Humingi ka ng tawad sa biyenan mo at sumunod ka na sa kanya pauwi!"Kahit na hindi umalis ng kabundukan kailanman ang kanyang ina sa buong buhay nito, siya ay isa pa ring maunawaing babae. Alam niya ang kahalagahan ng kapayapaan at pagkakaisa higit sa lahat.Nung oras na lumabas ang mga salita ng kanyang ina sa bibig nito, nagsimula na din siyang pagsabihan ng biyenan niya. "Ikaw bastos ka! Paano mo nagawa ito! Normal lang naman sa mag-asawa ang magtalo, paano mo nagawang humingi ng diborsyo dahil lang sa isang argumento? Ang paghingi ng diborsyo sa babaeng nagdadala ng anak mo! Tao ka ba!"Alam ni Noah na kasalanan niya ito, kaya tumungo siya at humingi ng tawad. "Pasensya na po.""Umuwi ka na!" Utos ng biyenan niya.Hindi gumalaw si Noah. Nagpatuloy ang biyenan niya, "At dahil n
Isang buwan ang lumipas. Si Willow ay nagiging maayos ang pagbubuntis, kaya ang nanay ni Noah ang naglilinis ng bahay at gumawagawa ng gawaing bahay, at siya ay wala pa ring bayad.Sa tuwing nangyayari yun, si Noah ay tumitingin sa kanyang ina, at pakiramdam niya ay may mga kutsilyong tumutusok sa dibdib niya. Pero ang tiyan ni Willow ay lumalaki na ng lumalaki, kaya hindi na makapagsalita si Noah laban sa asawa niya. Ang pagbubuntis ay siyam na buwang proseso, pero, ang panganganak ay tumagal lang ng isang araw. Si Willow ay nagsilang na ng isang batang lalaki.Kinuha ng bata ang pangalan ng nanay niya. Ang parehong pamilya ay natuwa na makitang si Willow ay nagsilang ng isang lalaki. Pero, may isang taong hindi masyadong masaya, at yun ay ang apat na taong gulang niyang kapatid na lalaki. Ayaw talaga ng nakatatandang kapatid sa pagdating ng nakababata niyang kapatid, binubugbog niya ito lagi kapag hindi nakatingin ang mga matatanda. Nakita ito ni Noah nang maraming beses, pero bila
Ang anak ni Noah ay magaling sa eskwela, masunurin, makatwiran, at may magandang ugali. Siya ay ibang iba sa panganay nilang anak. Ang panganay nilang anak ay mas matanda ng tatlo at kalahating taon sa nakababata niyang kapatid. Nang makatapos siya sa junior high school, siya ay umalis sa eskwela at nagsimulang makihalubilo sa maling grupo. Gusto siya idisiplina ni Noah nang mahigpit, pero tuwing gagawin niya ito, pinipigilan siya ng asawa niya. Kahit ganun, laging iniisip ng panganay niyang anak na ang buong pamilya niya ay mas gusto ang nakababata niyang kapatid. Ang lola niya sa ama ay laging itinuturing na mahalagang kayamanan ang nakababata niyang kapatid. Samantala, ang lolo at lola niya sa ina ay lagi din pinupuri ang kapatid niya dahil sa magagandang resulta nito sa eskwela sa tuwing sila ay nasa labas. Kahit ang kanyang ina, na lagi siyang gusto, ay ipinagmamalaki ang kapatid niya.Ang labing-walo, labing-siyam na taong gulang na binata ay nasa edad na pinakasuwail siya. Nung
Kailangan niya pang bayaran ang dati niyang asawa. Siya ay sinintensyahan ng walong buwang pagkakakulong, at dahil kailangan niya pa siyang bayaran, ang maliit na perang naipon niya para sa kanyang ina, at ang limang libong dolyar na inipon nito sa loob ng mahigit sampung taon ay naibigay lahat sa dating niyang asawa.Sa walong buwan niya sa kulungan, ang nanay niya ay pagala-gala sa labas ng kulungan, nabubuhay siya sa binibigay ng mga estranghero, madalas siyang gutom nang ilang araw. Matapos na tiisin ang ganung buhay sa loob ng walong buwan, nung si Noah ay nakalaya na sa kulungan. Ang bigat ng kanyang ina ay wala pang walumpung libra. Silang mag-ina ay parehong walang pera, walang kahit isang kusing sa pangalan nila. Ang pinakamahalaga, walang sinuman ang gustong kumuha kay Noah kahit na naghanap siya ng trabaho, sinasabi nila na siya ay isang mamamatay-tao na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawa niyang anak, at ang gagong bumugbog sa asawa niya. At ganun na lang, matapos na pa
Hindi makapaniwala si Noah sa narinig niya. "Tal-talaga?"Sa totoo lang, wala siya talagang ibang intensyon. Naisip niya lang na ang isang babaeng tulad niya ay hindi mabubuhay nang mag-isa sa kabundukan at ayaw niyang mangyaring kahit ano sa kanya. Pero mainit ang pakiramdam ni Jane. Siya ay sinaktang maigi ni Alex. Ngayon ang gusto niya na lang ay tahimik at payapang buhay, kahit na gaano kahirap at kasimple ito. Sinabi niya nang mahinahon, "Ako...Simula nung bata pa ako, ayaw sa akin ng mga magulang ko. Noon pa man gusto ko na ng isang nanay na magmamahal sa akin, simula ngayon kikilalanin kita bilang madrina ko. Pag nakabalik na tayo sa norte, maghahanap ako ng trabaho, kahit ang maghugas ng plato ay ayos na. Ako po ang mag-aalaga sayo.""Oh, mahal kong anak..." Natuwa ang matandang babae. Naging mahirap ang buhay para sa knya. Lalo na pagkatapos niyang pumunta sa South City, siya ay pinilit na magtrabaho at pinigilan pa ang kanyang galit. Pero sa bandang huli, nawala ang nag-i
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya, kaya napabulong na lang siya sa sarili niya, “Hinalughog ko na ang buong bundok, pero wala talaga siya. Baka naman nagsisinungaling lang siya na nandito siya para lituhin ako?”Naiinis na natawa si Sabrina, “Hindi magsisinungalung si Jane. Noong sinabi niyang nasa bundok siya, malamang nasa bundok talaga siya. Ang sabihin mo, nagmadali siyang umalis noong sinabi mo sakanya na pupuntahan mo siya.”Huminga ng malalim si Alex. Sobrang bigat na ng dibdib niya hanggang sa hindi niya kinaya at, bigla nalang umiyak. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya…Palagi niyang sinasabi na wala siyang nararamdaman para kay Jane dahil ang iniisip niya ay magkatrabaho lang sila. Hinding hindi niya makakalimutan na sinabi nito noon na kapag bumalik na ang totoo niiyang girlfriend ay aalis ito, at ngayong bumalik na nga ang totoo niyang girlfriend, talagang tinutotoo ni Jane ang sinabi nito, pero bakit hindi siya masaya? Bakit ang lungkot lungkot niya? Ba