Biglang tumaas ang tono ng boses ng asawa niya. “Noah HIll, ang pamilya ko ang papakasalan mo! Ang pamilya ko! Mula sa araw na yun, kami nalang ang mayroon ka, kaya bakit kailangan mo pang magdala ng isang matandang probinsyana sa kasal ko? Ang mga magulang ko ang mag oorganize dun at sa oras na makita ang nanay mo ng mga bisita, ano nalang sasabihin nila?!”Nagalit si Noah. “Kung gusto mong ikasal, dapat nandoon ang nanay ko! Kung hindi, mag divorce nalang tayo!” Hindi sanay ang asawa niya na nasisigawan kaya iyak ito ng iyak. Tinawag siya nito na masamang tao at walang puso. “Ang bait bait ng mga magulang ko sayo na ipinagkatiwala nila yung kumpanya nila sayo. Ako din! Graduate ako ng college pero kahit kailan hindi kita minaliit. Minahal ka rin ng anak ko. Pero ikaw? Wala pa nga yung wedding ceremony natin pero may plano mo ng agawin ang lahat sa pamilya ko!” “Anong sinasabi mong agawin ang lahat sa pamilya mo?!” “Eh bakit kailangan mo pang dalhin yung matandang probinsyana n
Mangiyak-ngiyak si Noah nang marinig ang sinabi ng nanay niya. “Nay, pasensya ka na. Hindi manlang kita mapapunta sa sarili kong kasal.”Tumawa ang nanay niya, “Wala namang problema yun, anak. Basta maayos ang lagay mo, masaya na ako.” Huminto ito ng sandali at nagpatuloy, “Anak, anong pangalan ng hotel na pagdadausan ng kasalm mo?”Hindi kaagad sumagot si Noah. “Dito po sa South City. Ang panagalan daw ay Grand Sage International Hotel. Sobrang sikat ng hotel na yun dito sa South City… Nay, sigurado ako na yun ang pinaka magandang kasal na mapupuntahan mo sana….”Tumawa lang ang nanay niya. “Masaya na ako na malamang maganda ang kasal ng anak ko! Oh paano anak, ibababa ko na ito, malaki na ang magagastos mo.”“Nay, mag iingat ka palagi.”Pagkatapos ng tawag, hindi kaagad umalis si Noah sa phone booth. Sobrang lungkot niya. Naalala niya yung sinabi sakanya ng mga kapitbahay niya noong high school palang siya.“Noah, kapag grumaduate ka na ng college, maghanap ka ng trabaho sa s
Sa loob ng malaki at mamahaling hotel, si Noah ay nakatayo sa labas, mukhang masaya at malusog. Samantala, ang nanay niya naman ay nakatayong nakakuba sa labas. Dahil sa rami ng taon ng pagtatrabaho niya, halos hindi niya na maituwid ang bewang niya. At ganon nalang, sinuportahan niya ang kanyang sarili sa may hagdan sa labas ng hotel, nakatingin siya sa loob nang may matang puno ng pagkasabik at saya.Nung oras na yun, pakiramdam ni Noah ay may mga kutsilyong humihiwa sa puso niya. Bigla niyang naramdaman, hindi ito madali tulad ng iniisip nila. Ang pagpapakasal sa mayamang pamilya ay hindi kasing dali ng tingin nila. Ang paghamak at pambabalewala nila sa kanya ay nakatanim nang malalim sa mga buto nila. Hindi na ito mababago. Kahit na siya ay hinahangaan na ng marami ngayon, sa loob loob niya, siya ay sobrang nasasaktan at naghihirap kumpara sa nung siya ay isa pa lang mahirap na binata.Nung oras na nakita niya ang kanyang ina, binigyan niya ito ng mainit at nakakagaan sa loob na
Siya ay isang lalaking may prinsipyo. Matapos na iwan ang asawa niya, hinanap ni Noah ang nanay niya malapit sa hotel. Sa kabuting palad, nakita niya ito. Ang nanay niya ay nananatili sa isang maliit na motel na nagkakahalaga lang ng dalawampung dolyar kada gabi. "Ma, napagaling mo. Kaya mong sumakay ng bus papunta sa South City nang mag-isa, at nahanap mo pa nga ako." Niyakap ni Noah ang kanyang ina, ang mga luha ay tumulo sa pisngi niya.Tumawa ang nanay niya. "Lokong bata! Ako nasa limampu pa lang, hindi pa naman ako ganun katanda. Kuba lang ang likod ko, yun a yun, at may ilang puting buhok. Hindi mo nga matatawag na matatandang babae ang mga babae na kasing edad ko dito siyudad! Marunong din ako bumasa at sumulat. Ginamit ko ang perang pinadala mo sa akin at pumunta muna ako sa bayan, tapos sumakay ako ng bus papunta sa bayan ng probinsya, tapos sumakay ako ng taxi papunta sa istasyon ng tren. Ganun lang yun, hakbang-hakbang. Sa tingin mo ba hindi ko kayang pumunta sa malaking
Binati ni Noah ang biyenan niyang lalaki at binanggit ang diborsyo. Pero, nung oras na yun, binuka ng nanay niya ang bibig nito. "Noah, nagkakamali ka sa paghiling ng diborsyo habang buntis ang asawa mo. Humingi ka ng tawad sa biyenan mo at sumunod ka na sa kanya pauwi!"Kahit na hindi umalis ng kabundukan kailanman ang kanyang ina sa buong buhay nito, siya ay isa pa ring maunawaing babae. Alam niya ang kahalagahan ng kapayapaan at pagkakaisa higit sa lahat.Nung oras na lumabas ang mga salita ng kanyang ina sa bibig nito, nagsimula na din siyang pagsabihan ng biyenan niya. "Ikaw bastos ka! Paano mo nagawa ito! Normal lang naman sa mag-asawa ang magtalo, paano mo nagawang humingi ng diborsyo dahil lang sa isang argumento? Ang paghingi ng diborsyo sa babaeng nagdadala ng anak mo! Tao ka ba!"Alam ni Noah na kasalanan niya ito, kaya tumungo siya at humingi ng tawad. "Pasensya na po.""Umuwi ka na!" Utos ng biyenan niya.Hindi gumalaw si Noah. Nagpatuloy ang biyenan niya, "At dahil n
Isang buwan ang lumipas. Si Willow ay nagiging maayos ang pagbubuntis, kaya ang nanay ni Noah ang naglilinis ng bahay at gumawagawa ng gawaing bahay, at siya ay wala pa ring bayad.Sa tuwing nangyayari yun, si Noah ay tumitingin sa kanyang ina, at pakiramdam niya ay may mga kutsilyong tumutusok sa dibdib niya. Pero ang tiyan ni Willow ay lumalaki na ng lumalaki, kaya hindi na makapagsalita si Noah laban sa asawa niya. Ang pagbubuntis ay siyam na buwang proseso, pero, ang panganganak ay tumagal lang ng isang araw. Si Willow ay nagsilang na ng isang batang lalaki.Kinuha ng bata ang pangalan ng nanay niya. Ang parehong pamilya ay natuwa na makitang si Willow ay nagsilang ng isang lalaki. Pero, may isang taong hindi masyadong masaya, at yun ay ang apat na taong gulang niyang kapatid na lalaki. Ayaw talaga ng nakatatandang kapatid sa pagdating ng nakababata niyang kapatid, binubugbog niya ito lagi kapag hindi nakatingin ang mga matatanda. Nakita ito ni Noah nang maraming beses, pero bila
Ang anak ni Noah ay magaling sa eskwela, masunurin, makatwiran, at may magandang ugali. Siya ay ibang iba sa panganay nilang anak. Ang panganay nilang anak ay mas matanda ng tatlo at kalahating taon sa nakababata niyang kapatid. Nang makatapos siya sa junior high school, siya ay umalis sa eskwela at nagsimulang makihalubilo sa maling grupo. Gusto siya idisiplina ni Noah nang mahigpit, pero tuwing gagawin niya ito, pinipigilan siya ng asawa niya. Kahit ganun, laging iniisip ng panganay niyang anak na ang buong pamilya niya ay mas gusto ang nakababata niyang kapatid. Ang lola niya sa ama ay laging itinuturing na mahalagang kayamanan ang nakababata niyang kapatid. Samantala, ang lolo at lola niya sa ina ay lagi din pinupuri ang kapatid niya dahil sa magagandang resulta nito sa eskwela sa tuwing sila ay nasa labas. Kahit ang kanyang ina, na lagi siyang gusto, ay ipinagmamalaki ang kapatid niya.Ang labing-walo, labing-siyam na taong gulang na binata ay nasa edad na pinakasuwail siya. Nung
Kailangan niya pang bayaran ang dati niyang asawa. Siya ay sinintensyahan ng walong buwang pagkakakulong, at dahil kailangan niya pa siyang bayaran, ang maliit na perang naipon niya para sa kanyang ina, at ang limang libong dolyar na inipon nito sa loob ng mahigit sampung taon ay naibigay lahat sa dating niyang asawa.Sa walong buwan niya sa kulungan, ang nanay niya ay pagala-gala sa labas ng kulungan, nabubuhay siya sa binibigay ng mga estranghero, madalas siyang gutom nang ilang araw. Matapos na tiisin ang ganung buhay sa loob ng walong buwan, nung si Noah ay nakalaya na sa kulungan. Ang bigat ng kanyang ina ay wala pang walumpung libra. Silang mag-ina ay parehong walang pera, walang kahit isang kusing sa pangalan nila. Ang pinakamahalaga, walang sinuman ang gustong kumuha kay Noah kahit na naghanap siya ng trabaho, sinasabi nila na siya ay isang mamamatay-tao na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawa niyang anak, at ang gagong bumugbog sa asawa niya. At ganun na lang, matapos na pa