"GOOD to know at nagkakamabutihan na kayo ni Arthur, Clementine." Matamis na ngiti ng kaniyang tiyahin ang bumungad sa kaniya nang makapasok siya sa loob ng pamamahay nito. Ngumiti rin siya pabalik dito, hindi pinapahalatang napipilitan lamang siya sa pagtugon sa mga ngiti ng kaniyang Tiyahin. "Uhm... mabuti nga po, Tiya, e," napipilitang usal niya. Hangga't maaari ay ayaw na niyang pag-usapan na naman nilang dalawa ng kaniyang Tiyahin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Arthur. Dahil natitiyak niya na mas lalo lang siyang ipagpipilitan sa binata. "Oh, bakit pala hindi mo pinapasok si Arthur?" tanong pa nito at dumungaw sa labas. "Ikaw talaga! Sana'y pinapasok mo muna dito," kunot-noong saad nito sa kaniya. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi upang mapigilan ang sariling makapagsalita ng bagay na ikakapawi ng ngiti ng kaniyang Tiya Amelia. "Uhm, ano po kasi... Nagmamadali na siyang umuwi dahil tumawag ang mama niya. And we're having a good time naman po sa naging lakad namin.
Magbasa pa