Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Rica. Talaga bang ideya lahat ito ni Rafael. Nakatingin lang ako sa kanya habang humahakbang siya papunta samin. Kunot pa rin ang noo niya at hindi nakangiti. Nainis talaga siya sa ginawa ko kanina. "Sir, tulungan ko na kayo " sabi ni Filo sa kanya at kinuha ang ibang bitbit nito. Pumasok sila sa kubo at hinila naman ako ni Rica sa may mahabang mesa."Nag-away na naman ba kayo?" Umiling ako at yumuko. "May sinabi ba siya kung para saan ito?" Inangat ko ang ulo ko at tumitig kay Rica. Iniwasan niya ang tingin niya."Wala." Tipid niyang sagot at tumayo."Teka saan ka pupunta?" Bumaling siya sakin at ngumiti."Magluluto lang kami ni Filo." Tumayo ako at sumunod sa kanya. Lumabas naman si Rafael at hinila ako."Tutulungan ko sila." Giit ko."No," walang gana niyang sagot. Tinitignan ko siya at biglang tumunog ang phone niya. Sinagot niya ito at lumayo. "Siguradong si Monica yun," bulong ko."Hoy, bakit ka nakasimangot dyan?" Umiling ako kay Rica.
Huling Na-update : 2022-07-31 Magbasa pa