Lumapit sakin si Monica at hinila ang buhok ko. "Nang dahil sayo nakipaghiwalay sa akin si Rafael!" Tinulak ko siya at nabitawan niya ang buhok ko. Natumba siya sahig at tumayo ng mabilis upang sugurin ako."Monica!" Huminto siya ng sumigaw si Rafael. Pumihit siya paharap at tumakbo dito. "What are you doing here?""I followed you! Hindi ko matatanggap ang sinabi mo! I can't be your friend. I am your girlfriend!" Umiling ito at hinila siya palabas. "No! Answer me here! Rafael, minahal mo ba ko?" "Monica, I do like you!""Do you love me?" Tumalikod si Rafael pero kinulit pa rin ni Monica. "Please.""I like you as a friend. Pinagbigyan lang kita—" Naputol ang sasabihin ni Rafael ng malakas siyang sinampal ni Monica."A friend?! Ano tawag mo sa mga ginawa natin?!! Friends with benefits! Pagsisisihan mo ito!" Dinuro niya si Rafael sa dibdib at tinulak ito. Tumakbo siya palabas ng silid. "Matt, follow her." Malumanay na utos ni Rafael. Sumunod naman agad si Matt. Pumihit paharap sakin si
Naihagis ko ang jacket sa sahig dahil sa lakas ng katok. Akmang kukunin ko ito ng biglang bumukas ang pinto."Tawag po kayo ni Sir Rafael." Kunot noo akong tumingin sa lalaking matangkad na nakaitim na damit. Alam ko asul ang mga suot ng bodyguard niya. "Sumunod po kayo sakin." Susunod ba ko?"Bakit daw?" Umiling ito at lumapit sakin."Kailangan ko po kayong dalhin sa kanya." Pinakita niya ang dalang baril sa kaliwang kamay. Lumunok ako at tahimik na sumunod sa kanya. Paglabas namin sa silid tulog ang tatlong lalaking na ka asul na damit. Iniwasan ito ng matangkad na lalaki sakin harapan at dumaan sa likod na pintuan. "Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong. Nangilabot ako nang hindi siya sumagot at tuloy-tuloy sa mga mahahabang damo. "Hintayin ko na lang si Rafael dito." Lakas loob kong sabi. Lumingon siya at tinutok sakin ang baril. Napasinghap ako. "A-Anong gagawin mo?""Pasensya na! Pero kailangan kong gawin ito." Napapikit ako ng marinig ang putok ng baril. "Rafael!" Napadilat ak
Ilang oras na ako nakapikit pero hindi ako madatnan ng antok. Hanggang dumalaw ang doktor at kinumpirma na wala naging serious damage ang ulo ko. Inayos ni Matt ang mga hospital bills ko. Nagpasalamat ako ng todo sa kanya."Ang bilis mong magbihis." Ngumiti ako kay Matt paglabas ng banyo. "Ayaw na kitang maabala pa. Kumusta na pala ang lagay ni Rafael?" tanong ko habang tinutupi ang hospital gown."Malubha siya," malungkot niyang sagot. Napaangat ang labi ko at namutla. Kasalanan ko ito."Total okay na rin ako. Pwede ako na lang ang mag-alaga sa kanya dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nandito." Tinaas niya ang kilay niya at pilyong ngumiti. "Bakit?" "Sigurado kang iyon lang ang dahilan?" "O-Oo, ano pa bang magiging dahilan ko?" nauutal kong sagot."Bakit namumula ang mukha mo?" Tumalikod ako at hinawakan ang mukha ko. Pahamak naman ito."Halata kasi ang pag-aalala mo sa kanya. Sige puntahan mo na lang siya sa room 201." Pagpihit ko paharap sa kanya. Naglalakad na si
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Rafael. Bakit naman niya naisip na may relasyon kami ni Matt."Bakit hindi ka makasagot?" Ngumisi ako. "Akala ko wala ka namang pakialam." Kunot ang noo niya at hinagis sa kama ang phone."Use it. Contact Matt. Sabihin mo siya na lang magbantay sakin!" Highblood na nga siya agad. Ang bata naman niyang highblood. Umiling-iling ako."Pwede kalma ka lang. Tatawagan ko lang siya para pabili yung mga pagkain mo.""No need! Here is the money. Buy me good food." Mabilis niyang nilabas ang wallet niya at nagbigay ng maraming bills."Parang masyado naman marami ito." "That's enough." Inabot niya ang phone niya at tinago."Teka…" bulong ko."What?! Akala ko bang gusto mo lang magpabili ng pagkain ko?" Umusok na ng tuluyan ang ilong niya. "Bilhan mo na ko ng pagkain!" Sumigaw siya muli. Lumapit ako at tinakpan ang mga mata niya."Take a deep breath." Utos ko sa kanya. Napangiti ako ng sumunod naman siya. Ang bilis talaga magbago ng mood niya."Breath o
Bawat galaw ni Rafael nakabantay ako. Habang inaalagaan ko siya lalo akong nakonsensya. Hirap siyang gumalaw dahil sa sling sa isang braso. "I need to take a quick shower." Bigla niyang sinabi habang inaayos ko ang pagkain niya. Huminto ako at agad lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang stand ng dextrose niya at sumunod sa bath room."Kailangan mo ba ng tulong sa loob?" Tanong ko. Pumihit siya paharap sakin."No!" Tumango na lang ako at hinayaan na siya maligo. Sana hindi siya mahirapan. Pagkatapos ng ilang minuto bigla siyang sumigaw. "Crap!" Nagmadali akong kumatok sa pinto ng banyo. "Rafael!" Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig na may bakal na nahulog. Yung dextrose stand niya! Bumalik ako sa mga maliit na cabinet sa tabi ng kama niya. Alam ko narito ang mga kopya ng susi. Sa paghahalungkat ko nakita ko agad ang nakalagay na susi ng banyo. Bumalik agad ako sa pinto at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata kong makita siya nakaupo sa sahig. Mabilis ako lumapit pero napamura siya. "T
Hindi ko mapigilan ang unti-unting pagwarak ng puso ko. Sa simula palang mali na itong nararamdaman ko para kay Rafael pero mas masakit palang marinig mula sa kanya na hindi niya ako gusto kahit isang kaibigan lang. "I am just trying to use her. Kung magiging magkaibigan kami baka maturo niya ang kailangan natin para mahuli siya at yung lalaking pinalit niya kay James." Lalong nadurog ang puso ko sa pagpapatuloy niyang magsalita. Pumatak ang luha ko at kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang mga hikbi. "May pinto pala dito?" Napahinto ako ng lalong lumakas ang boses niya. Binuksan ko ang flashlights at tumakbo sa kwarto ni James. Hindi niya ko pwedeng makita dito. Dumiretso ako palabas ng pinto at nagmadaling pumasok sa silid ko. Ang pakikipagtulungan niya sakin ay gawa-gawa niya lang para hulihin ako. Humiga ako sa kama at kinuha ang unan. Binuhos ko ang iyak ko hanggang kusang napagod ang mga mata ko. Kahit anong gawin mo Rafael wala kang mahahanap na ebidensya sakin dahil hindi
Walang nagsasalita sa amin ni Rafael habang hawak niya pa rin ang kamay ko. His warm hand gives a sudden chill to my spine. I don't know if it was cold for fear or my feelings for him. His eyes flickered and gleamed like telling me I was the best thing that happened to him. "Move," My fantasy for him faded as he whispered and turned around. Tumikhim ako at tinanaw siya palabas ng pinto. His warm hand gave me a good tickling sensation in my tummy. Napabuga ako sa hangin at hindi makapaniwalang umurong ang dila ko dahil sa simpleng paghawak niya lang sakin. Minabuti ko na lamang na magpaka-busy buong maghapon at nagpapasalamat naman akong hindi na siya bumalik pa sa kusina. "Anong niluto mo?" Ngumiti ako ng humarap kay Matt at mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko sinong kasama niya. "Rica!" Masayang kong sabi at niyakap siya. "Kumusta ka naman dito?" Tanong niya at tumango kay Matt. Umiling si Matt at sinabing, "Sige, maiwan ko na kayo.""Anong nangyari sayo?" tanong ni Ric
Nakatitig lang ako sa namumulang mukha ni Rafael. Hindi siya ngumingiti pero hindi rin salubong ang kilay niya. Ito ba ang magiging kapalaran ko sa paraiso? Ganito ba ang mga nakukuha ng mga namatay? Makakasama ko ang kamukha ni Rafael sa kabilang buhay. Kumurap kurap ako at napahawak sa akin mukha. "Diane!" Parang may mali. Bakit Diane pa rin ang tawag sakin? Sinigaw niya muli ang pangalan ng ate ko. Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ito. "Are you still shocked?" "I will call a doctor," Suhestiyon ni Matt. Hindi pa nga ako patay. Buhay pa ko, at si Rafael ang nagligtas sakin. Tumikhim ako at sumagot, "Ayos na ako." Yumuko ako at tinitigan ang mga kamay ko puno ng dugo. "S-Salamat," nauutal kong sabi. "Diane!" Patakbo lumapit sakin si Rica at niyakap ako. "Akala ko mahuhuli na sila." Dagdag niya sa pagitan ng iyak. Niyakap ko siya at nakitang tumalikod na si Rafael samin. "Sandali lang," bulong ko kay Rica. Mabilis akong lumapit kay Rafael. Wala na ang sling niya sa bras
Michaela's Point of View Hindi ako makakilos nang marinig ang sinabi ng aking anak at biglang yumakap kay Rafael. Halatang nagulat siya sa narinig at nalito. Mabilis ko hinila si Raffy at pinapasok sa loob ng bahay. Akmang susundan ko ang bata ng tinawag ako ni Rafael. Pilit ako nakikiusap sa kanya na hayaan na niya si ate Diane pero mukhang mabibigo ako. Huminga ako ng malalim at lumuhod sa harap niya upang makiusap pero hinila niya ako patayo. Bago pa niya ako mayakap biglang dumating si Matt at si ate Diane ay yumuko sa harap niya. "Kung anong magiging hatol sa akin tatanggapin ko, Rafael. Marami akong naging kasalanan kay Michaela… at kinausap ko na siya tungkol dito." Sabi ni ate Diane sa pagitan ng mga hikbi niya. Sinalubong niya ang mga matatalim na tingin ni Rafael. "Minahal ko rin nang sobra si James. Patawad kong naging mahina ako at nahulog sa patibong ni Mackenzie." Hindi kumibo si Rafael pero hinawakan siya sa braso ni Matt. "What are you doing here?" Naiirita na sabi
Rafael's Point of ViewPatuloy ako sa pagtakbo at hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Matapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Matt para akong nabunutan ng tinik. Napahinto lang ako ng maalala ang bata, bumigat na naman ang kalooban ko. Tinanaw ko ang villa. Bakit nga ba siya nandito? Sino ba talaga ang batang iyon? Mabagal akong naglakad palapit at tumapat sa gate. Tinanaw ko ang bintana. May mga nagtatawanan sa taas at may boses lalaki rin. Hindi nga ako trinaydor ni Matt pero hindi pa rin maikakaila na may anak na siya. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod."Sino po kayo?" Napalingon ako sa matinis na boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagimbal ako ng makita ang mga mata niya na hugis oval at ang perpektong hugis ng mukha niya. Para kong nakikita ang sarili ko noong bata pa ko. Lumunok ako ng ilang ulit at hindi ko mahanap ang tamang salita. Nananaginip ba ko? Kumurap ako ng ilang ulit at ginaya naman ako ng bata. Lumapit
Rafael's Point of ViewFive years have passed, but the pain in my chest keeps nagging me to find her—the woman who stole my heart. I planned my revenge until I succeeded in abducting her, but in turn out, I fell for her. Sino ka nga ba talaga Michaela Clementon? Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinabi niya. Matapos ng may mangyari sa amin five years ago doon ako kinutuban na hindi nga talaga siya si Diane pero wala pa rin akong lakas ng loob harapin ang katotohanan. Pinili kong tumakas pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng katotohanan. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang business partner ko sa Pilipinas na nahuli na raw si Mackenzie Cruz at kailangan kong umuwi upang sampahan siya ng kaso pagpatay sa kuya ko. Sa wakas makakamit ko na rin ang tagumpay ngunit nagimbal akong makita ang larawan na kasama niya si Diane. She is not the woman I love. The Diane in the picture has long blonde hair with a spoiled brat aura, and the woman I know has an innocent look with gleaming
Yumuko ako at nagmamakaawa kay Macky at ate Diane. "Please, huwag niyong idamay ang anak ko." Pakiusap ko sa kanila. Ngumisi si Macky at tinitigan si Raffy. Akmang lalapitan niya ito ng biglang kinagat ni Raffy ang lalaking may hawak sa kanya at nabitawan siya. Mabilis siyang tumakbo pero si Macky hinila niya ang baril sa tagiliran ng lalaking kasama niya. Hindi na ko nagdalawang isip pa at sinipa sa maselang bahagi ang lalaki may hawak sakin at tumakbo kay Raffy. Kasabay noon ang lakas ng putok ng baril at unti-unting lumabo ang aking paningin. "M-Mommy!" Umalingawngaw ang iyak ni Raffy sa garden at mabilis na dumating ang mga magulang ko. Bago ko pa makita ang buong pangyayari tuluyan nang bumigat ang talukap ng mga mata ko. I can give all for my little angel, even my life; I can surrender it for his safety. —Mabigat ang katawan ko ng magising ako. Lahat sa paligid ay puro puti at naramdaman ang maliit na ulo na nakadagan sa tiyan ko. Pagyuko ko si Raffy pala ang natutulog sa ta
Hindi ako makatingin ng diretso kay ate Diane. Mula ng pagdating niya kagabi hindi na siya umalis. Buti na lang mahaba ang pasensya ni mama at hindi siya pinapatulan pero si papa mukhang punung-puno na."Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong niya kay ate Diane habang tahimik kaming nag-aagahan sa dining room. "Bakit Pa, bawal na akong pumunta sa inyo?" Tumawa siya na ikinagulat ni Raffy at yumakap sakin. Tinaasan siya ng kilay ni Diane. "Hello little kid, you must be Raffy. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang mga Jones?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mas lalo akong nagulat ng makita siyang naluluha na para bang may dinaramdam. "Alis na po ako." Biglang sabi niya at diretsong lumabas ng pinto. "Mukha may problema siya, hon." Sabi ni mama kay papa. Tumikhim lang si papa at umiling. Bumuntong hininga ako habang pinagmasdan si Raffy. Wala ngang duda na kamukha niya si Rafael. "Hayaan na lang natin siya. May tumawag sakin kanina. Naghiwalay na daw sila ng boyfriend n
Hindi ko ubod akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Nakangiti ang mama at papa ko habang nagtatago sa likod ng puno. Akala ko noon hindi na muli silang magkakaayos pero heto ngayon, masaya na muli kami bilang isang buong pamilya. Ngumiti ako hanggang nakita ko ang batang bersyon ni Rafael. Kahit wala na akong narinig tungkol sa kanya umaasa pa rin akong balang araw makikita niya ang anak namin."Granny, I can see you," Matunog na tawa ang binitawan ng aking anak na si Raffaello. Umiling ako. Kung gaano kasungit si Rafael ganon naman ang kabaligtaran ng anak namin. Masayahin siya pero sobrang pilyo. "Mommy! I caught lolo and lola," Masaya niyang sabi habang tumatakbo papunta sakin. Ngumiti ako at niyakap siya."Are you hungry?" Tumango siya. "I want fried chicken!" sigaw niya habang lumulundag."Nakakapagod nang makipaglaro sa apo natin ngayon," bulong ng papa ko sa mama ko pero rinig namin ang mga reklamo niya."Lolo!" maktol sabi ni Raffaello. "Raffy, don't shout to your
Halos dalawang linggo akong nananatili sa ospital dahil na rin sa request ni mama. Minsan natatawag ko pa rin siyang Ginang Letisha at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Dapat kasi pinilit ko na lang na operahan na lang ang braso ko at taihan para magaling na agad. "Ang lalim ng iniisip mo." Bulong ni Rica sakin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siya."Ano sa tingin mo?" Nagkibit balikat siya at kinuha ang bag sa kama."Sa tingin ko. Magpagaling ka muna bago mag-isip ng kung ano-ano. Tignan mo nga may sling pa rin ang braso mo. Kailangan mo pa daw magpahinga pero bakit ganun?" Kumunot ang noo ko sa biglang pagtataka niya."Anong ibig mong sabihin?" Lumapit siya sakin at tinignan ang braso ko."Di ba naka schedule ka para maoperahan. Bakit iniba nila kahapon? Bilin pa ng doktor na dapat hayaan na lang daw maghilom tapos dapat puro gulay at prutas na lang ang kainin mo. Pati mga gamot mo tinanggal." Lalo akong napaisip sa sinabi niya. Bago
Bumigat ang pakiramdam ko at hindi makatingin kay ate Diane. Ang mga tingin niya ay makahulugan at nanonoot parang may alam siya na napakahalaga. "Bakit hindi ka makasagot?" Taas kilay na sabi niya. "Alam mo bang na-kidnap ako?" Tanong ko. Nawala ang ngiti niya sa labi at tumingin sa malayo. "Bakit ikaw naman ngayon ang hindi makasagot?" Umiling siya at lumapit sakin. "Sa huling balita ko tungkol sayo, nag-enjoy ka naman dito." Tumawa siya ng malakas. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko. "What?" Sita niya ng hindi ako makasagot. "Michaela, thank you." Dagdag niya at tuluyan ng naglakad papunta sa kotse nila. Nakatitig lang ako sa kanila at pinaandar na nila ang kotse. Ilang pulgada palang ang layo nila sakin ng biglang may dumating na mga pulis at hinarang sila. "Diane at Mildred Clementon, iniimbitahan namin kayo sa prisinto. May karapatan kayong manahimik at kumuha ng inyong abogado. Lahat ng sasabihin niyo ay maaaring gamitin laban sa
Tahimik lang ako nakamasid sa bintana habang tahimik na nagmamaneho si Lance. Nadaanan namin ang karatula ng villa Letisha at hindi ko mapigilan maluha. Hindi man lang ba ako magpapaalam kay Rica at Ginang Letisha?"Lance," Tumingin sa rearview mirror si Lance. "Pwede ba muna akong magpaalam sa kaibigan kong si Rica." Huminga siya ng malalim at hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Lumingon siya sakin."Saan ba siya nakatira? Akala ko bang magkasama kayo sa bahay na yun? Bakit lalaki ang kasama mo roon?" Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin. Ngayon ko lang napansin ang gamit niya sa passenger seat. "Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Huwag mong sabihin sakin matapos mo akong makausap kahapon agad ka nang nag-book ng flight pabalik dito sa Pilipinas?""Hindi pa ba obvious. Kausap pa lang kita kahapon agad na akong nag-book ng flight. Lalo na delikado ang buhay mo." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi pero malinaw ko pa rin itong naintindihan."Anong alam mo?" t