Home / Romance / Revenge or Love / Chapter 56: The Blackmail

Share

Chapter 56: The Blackmail

Author: Miam Writes
last update Huling Na-update: 2022-08-05 17:45:37

Yumuko ako habang pahakbang pabalik si Rafael sa upuan. Umupo siya sa tapat ko at hindi kumibo. Sino kaya ang nakausap niya at biglang na naman uminit ang ulo niya? Tumikhim siya at kuyom ang kamao.

"Ano ang rason mo para paikutin ako?" Umiling ako at huminga ng malalim. Hindi na talaga matatapos ang pagbibintang niya sakin.

"Kahit anong sabihin ko hindi ka naman naniniwala." Tumayo siya at binasag ang vase sa mesa. "Anong ginagawa mo?" sigaw kong tanong.

"Now, you are looking at me. Tell me! Why did you plan the car accident with James?!" Napaurong ako sa matatalas niyang tingin.

"Hindi ko—"

"Cut that nonsense! When will you tell the truth? Hanggang kailan mo kayang magsinungaling?!" Umiwas siya ng tingin at sinuntok ang pader. "You have one choice. Will you tell me the truth, or will you be locked in your room?"

"Ano?! Ikukulong mo talaga ako."

"I did not say that way. Bakit ganun ba kahirap sayo magsabi ng totoo?" Ako nga si Michaela at hindi si ate Diane. Gusto kong ipagsigaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mariacostosa Indol
sorry author ,, need Kong delete Ang kwento Kasi wlang kwenta.. baka till end ng storya mo nagpaplano parin tumakas Ang Bida.. .. deleted...
goodnovel comment avatar
Jd0627
ang tagal lumabas ang totoo,boring ng story na to,ang bagal ng takbo ng story,dapat d ko na to inumpisahan..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Revenge or Love   Chapter 57: Vengeance

    Dumugo na ang ilong ni Matt sa patuloy na pagsuntok ni Rafael. Luminga ako sa paligid at hindi alam paano sila aawatin. Nang tumayo si Rafael at sisipain si Matt tumakbo ako sa pagitan nila."Tama na!" Dinuro ko si Rafael. "Ano bang problema mo?"Nagbuga lang siya ng hangin at binangga ako. Lumingon naman ako kay Matt. Bakit hindi man lang siya lumaban?"Bakit hindi ka gumanti?" Tumawa siya nang malakas. Natulala ako sa kanya habang pilit siyang tumatayo."Rafael indeed likes you and I am not avenging a friend." Sagot niya na tumatawa pa rin. Umiling ako. Sira na ulo niya. Siya na nga nasaktan tumatawa pa. Inikot ko ang mata ko at umakyat sa hagdan. "Hindi mo ba ko tutulungan!" Singhal niya. Huminga ako ng malalim at pumihit pabalik sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya at hinila patayo. "Bakit ka kasi tumatawa?! Nasaktan ka na nga!" Ngumuso ako at inalalayan siyang umupo sa sofa. "Hindi ba obvious?" Tinaasan ko siya ng kilay at umiling. "Don't tell me you still don't believe my wor

    Huling Na-update : 2022-08-10
  • Revenge or Love   Chapter 58: Rafael's plan

    Hindi ako makagalaw habang binubuksan ni Rafael ang pinto ng driver seat. Kunot noo niya akong tiningnan. "Baba!" Sigaw niya. Napabalikwas ako sa aking upuan at tinulak ang pinto para makababa. Hindi ako lumingon sa kanya pero ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. "You can go wherever you want. I am setting you free." Pumihit ako paharap sa kanya pero sumakay na siya sa kotse at umandar palayo. Nang makitang malayo na ang sasakyan niya tumakbo ako papunta sa waiting shed. Maghihintay na lang ako ng bus. Napahinto ako sa naisip. Nasaan ba ko? Ang alam ko lang isla ito pero hindi ko alam anong lugar. Malungkot akong tumayo at naglalakad-lakad. Mataas pa rin ang mga damo sa gilid ng kalsada. Guminhawa ang pakiramdam ko sa lakas ng hangin ngunit may takot pa rin sa aking puso. Pakiramdam ko may sumusunod sakin. Bakit biglaan ang desisyon ng pagpapalaya sakin ni Rafael? Huminto ako at huminga ng malalim. Sana makauwi ako. Kinapa ko ang bulsa ko. Wala akong pera at cellphone. Saan ak

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • Revenge or Love   Chapter 59: As a Friend

    Lumapit sakin si Monica at hinila ang buhok ko. "Nang dahil sayo nakipaghiwalay sa akin si Rafael!" Tinulak ko siya at nabitawan niya ang buhok ko. Natumba siya sahig at tumayo ng mabilis upang sugurin ako."Monica!" Huminto siya ng sumigaw si Rafael. Pumihit siya paharap at tumakbo dito. "What are you doing here?""I followed you! Hindi ko matatanggap ang sinabi mo! I can't be your friend. I am your girlfriend!" Umiling ito at hinila siya palabas. "No! Answer me here! Rafael, minahal mo ba ko?" "Monica, I do like you!""Do you love me?" Tumalikod si Rafael pero kinulit pa rin ni Monica. "Please.""I like you as a friend. Pinagbigyan lang kita—" Naputol ang sasabihin ni Rafael ng malakas siyang sinampal ni Monica."A friend?! Ano tawag mo sa mga ginawa natin?!! Friends with benefits! Pagsisisihan mo ito!" Dinuro niya si Rafael sa dibdib at tinulak ito. Tumakbo siya palabas ng silid. "Matt, follow her." Malumanay na utos ni Rafael. Sumunod naman agad si Matt. Pumihit paharap sakin si

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • Revenge or Love   Chapter 60: Monica's Revenge

    Naihagis ko ang jacket sa sahig dahil sa lakas ng katok. Akmang kukunin ko ito ng biglang bumukas ang pinto."Tawag po kayo ni Sir Rafael." Kunot noo akong tumingin sa lalaking matangkad na nakaitim na damit. Alam ko asul ang mga suot ng bodyguard niya. "Sumunod po kayo sakin." Susunod ba ko?"Bakit daw?" Umiling ito at lumapit sakin."Kailangan ko po kayong dalhin sa kanya." Pinakita niya ang dalang baril sa kaliwang kamay. Lumunok ako at tahimik na sumunod sa kanya. Paglabas namin sa silid tulog ang tatlong lalaking na ka asul na damit. Iniwasan ito ng matangkad na lalaki sakin harapan at dumaan sa likod na pintuan. "Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong. Nangilabot ako nang hindi siya sumagot at tuloy-tuloy sa mga mahahabang damo. "Hintayin ko na lang si Rafael dito." Lakas loob kong sabi. Lumingon siya at tinutok sakin ang baril. Napasinghap ako. "A-Anong gagawin mo?""Pasensya na! Pero kailangan kong gawin ito." Napapikit ako ng marinig ang putok ng baril. "Rafael!" Napadilat ak

    Huling Na-update : 2022-08-14
  • Revenge or Love   Chapter 61: Broken

    Ilang oras na ako nakapikit pero hindi ako madatnan ng antok. Hanggang dumalaw ang doktor at kinumpirma na wala naging serious damage ang ulo ko. Inayos ni Matt ang mga hospital bills ko. Nagpasalamat ako ng todo sa kanya."Ang bilis mong magbihis." Ngumiti ako kay Matt paglabas ng banyo. "Ayaw na kitang maabala pa. Kumusta na pala ang lagay ni Rafael?" tanong ko habang tinutupi ang hospital gown."Malubha siya," malungkot niyang sagot. Napaangat ang labi ko at namutla. Kasalanan ko ito."Total okay na rin ako. Pwede ako na lang ang mag-alaga sa kanya dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nandito." Tinaas niya ang kilay niya at pilyong ngumiti. "Bakit?" "Sigurado kang iyon lang ang dahilan?" "O-Oo, ano pa bang magiging dahilan ko?" nauutal kong sagot."Bakit namumula ang mukha mo?" Tumalikod ako at hinawakan ang mukha ko. Pahamak naman ito."Halata kasi ang pag-aalala mo sa kanya. Sige puntahan mo na lang siya sa room 201." Pagpihit ko paharap sa kanya. Naglalakad na si

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • Revenge or Love   Chapter 62: Nothing at all

    Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Rafael. Bakit naman niya naisip na may relasyon kami ni Matt."Bakit hindi ka makasagot?" Ngumisi ako. "Akala ko wala ka namang pakialam." Kunot ang noo niya at hinagis sa kama ang phone."Use it. Contact Matt. Sabihin mo siya na lang magbantay sakin!" Highblood na nga siya agad. Ang bata naman niyang highblood. Umiling-iling ako."Pwede kalma ka lang. Tatawagan ko lang siya para pabili yung mga pagkain mo.""No need! Here is the money. Buy me good food." Mabilis niyang nilabas ang wallet niya at nagbigay ng maraming bills."Parang masyado naman marami ito." "That's enough." Inabot niya ang phone niya at tinago."Teka…" bulong ko."What?! Akala ko bang gusto mo lang magpabili ng pagkain ko?" Umusok na ng tuluyan ang ilong niya. "Bilhan mo na ko ng pagkain!" Sumigaw siya muli. Lumapit ako at tinakpan ang mga mata niya."Take a deep breath." Utos ko sa kanya. Napangiti ako ng sumunod naman siya. Ang bilis talaga magbago ng mood niya."Breath o

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • Revenge or Love   Chapter 63: Dark Room

    Bawat galaw ni Rafael nakabantay ako. Habang inaalagaan ko siya lalo akong nakonsensya. Hirap siyang gumalaw dahil sa sling sa isang braso. "I need to take a quick shower." Bigla niyang sinabi habang inaayos ko ang pagkain niya. Huminto ako at agad lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang stand ng dextrose niya at sumunod sa bath room."Kailangan mo ba ng tulong sa loob?" Tanong ko. Pumihit siya paharap sakin."No!" Tumango na lang ako at hinayaan na siya maligo. Sana hindi siya mahirapan. Pagkatapos ng ilang minuto bigla siyang sumigaw. "Crap!" Nagmadali akong kumatok sa pinto ng banyo. "Rafael!" Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig na may bakal na nahulog. Yung dextrose stand niya! Bumalik ako sa mga maliit na cabinet sa tabi ng kama niya. Alam ko narito ang mga kopya ng susi. Sa paghahalungkat ko nakita ko agad ang nakalagay na susi ng banyo. Bumalik agad ako sa pinto at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata kong makita siya nakaupo sa sahig. Mabilis ako lumapit pero napamura siya. "T

    Huling Na-update : 2022-08-18
  • Revenge or Love   Chapter 64: Annoyance

    Hindi ko mapigilan ang unti-unting pagwarak ng puso ko. Sa simula palang mali na itong nararamdaman ko para kay Rafael pero mas masakit palang marinig mula sa kanya na hindi niya ako gusto kahit isang kaibigan lang. "I am just trying to use her. Kung magiging magkaibigan kami baka maturo niya ang kailangan natin para mahuli siya at yung lalaking pinalit niya kay James." Lalong nadurog ang puso ko sa pagpapatuloy niyang magsalita. Pumatak ang luha ko at kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang mga hikbi. "May pinto pala dito?" Napahinto ako ng lalong lumakas ang boses niya. Binuksan ko ang flashlights at tumakbo sa kwarto ni James. Hindi niya ko pwedeng makita dito. Dumiretso ako palabas ng pinto at nagmadaling pumasok sa silid ko. Ang pakikipagtulungan niya sakin ay gawa-gawa niya lang para hulihin ako. Humiga ako sa kama at kinuha ang unan. Binuhos ko ang iyak ko hanggang kusang napagod ang mga mata ko. Kahit anong gawin mo Rafael wala kang mahahanap na ebidensya sakin dahil hindi

    Huling Na-update : 2022-08-20

Pinakabagong kabanata

  • Revenge or Love   Chapter 80: The End

    Michaela's Point of View Hindi ako makakilos nang marinig ang sinabi ng aking anak at biglang yumakap kay Rafael. Halatang nagulat siya sa narinig at nalito. Mabilis ko hinila si Raffy at pinapasok sa loob ng bahay. Akmang susundan ko ang bata ng tinawag ako ni Rafael. Pilit ako nakikiusap sa kanya na hayaan na niya si ate Diane pero mukhang mabibigo ako. Huminga ako ng malalim at lumuhod sa harap niya upang makiusap pero hinila niya ako patayo. Bago pa niya ako mayakap biglang dumating si Matt at si ate Diane ay yumuko sa harap niya. "Kung anong magiging hatol sa akin tatanggapin ko, Rafael. Marami akong naging kasalanan kay Michaela… at kinausap ko na siya tungkol dito." Sabi ni ate Diane sa pagitan ng mga hikbi niya. Sinalubong niya ang mga matatalim na tingin ni Rafael. "Minahal ko rin nang sobra si James. Patawad kong naging mahina ako at nahulog sa patibong ni Mackenzie." Hindi kumibo si Rafael pero hinawakan siya sa braso ni Matt. "What are you doing here?" Naiirita na sabi

  • Revenge or Love   Chapter 79: Revenge or Love

    Rafael's Point of ViewPatuloy ako sa pagtakbo at hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Matapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Matt para akong nabunutan ng tinik. Napahinto lang ako ng maalala ang bata, bumigat na naman ang kalooban ko. Tinanaw ko ang villa. Bakit nga ba siya nandito? Sino ba talaga ang batang iyon? Mabagal akong naglakad palapit at tumapat sa gate. Tinanaw ko ang bintana. May mga nagtatawanan sa taas at may boses lalaki rin. Hindi nga ako trinaydor ni Matt pero hindi pa rin maikakaila na may anak na siya. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod."Sino po kayo?" Napalingon ako sa matinis na boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagimbal ako ng makita ang mga mata niya na hugis oval at ang perpektong hugis ng mukha niya. Para kong nakikita ang sarili ko noong bata pa ko. Lumunok ako ng ilang ulit at hindi ko mahanap ang tamang salita. Nananaginip ba ko? Kumurap ako ng ilang ulit at ginaya naman ako ng bata. Lumapit

  • Revenge or Love   Chapter 78: Traitor

    Rafael's Point of ViewFive years have passed, but the pain in my chest keeps nagging me to find her—the woman who stole my heart. I planned my revenge until I succeeded in abducting her, but in turn out, I fell for her. Sino ka nga ba talaga Michaela Clementon? Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinabi niya. Matapos ng may mangyari sa amin five years ago doon ako kinutuban na hindi nga talaga siya si Diane pero wala pa rin akong lakas ng loob harapin ang katotohanan. Pinili kong tumakas pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng katotohanan. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang business partner ko sa Pilipinas na nahuli na raw si Mackenzie Cruz at kailangan kong umuwi upang sampahan siya ng kaso pagpatay sa kuya ko. Sa wakas makakamit ko na rin ang tagumpay ngunit nagimbal akong makita ang larawan na kasama niya si Diane. She is not the woman I love. The Diane in the picture has long blonde hair with a spoiled brat aura, and the woman I know has an innocent look with gleaming

  • Revenge or Love   Chapter 77: All for my little angel

    Yumuko ako at nagmamakaawa kay Macky at ate Diane. "Please, huwag niyong idamay ang anak ko." Pakiusap ko sa kanila. Ngumisi si Macky at tinitigan si Raffy. Akmang lalapitan niya ito ng biglang kinagat ni Raffy ang lalaking may hawak sa kanya at nabitawan siya. Mabilis siyang tumakbo pero si Macky hinila niya ang baril sa tagiliran ng lalaking kasama niya. Hindi na ko nagdalawang isip pa at sinipa sa maselang bahagi ang lalaki may hawak sakin at tumakbo kay Raffy. Kasabay noon ang lakas ng putok ng baril at unti-unting lumabo ang aking paningin. "M-Mommy!" Umalingawngaw ang iyak ni Raffy sa garden at mabilis na dumating ang mga magulang ko. Bago ko pa makita ang buong pangyayari tuluyan nang bumigat ang talukap ng mga mata ko. I can give all for my little angel, even my life; I can surrender it for his safety. —Mabigat ang katawan ko ng magising ako. Lahat sa paligid ay puro puti at naramdaman ang maliit na ulo na nakadagan sa tiyan ko. Pagyuko ko si Raffy pala ang natutulog sa ta

  • Revenge or Love   Chapter 76: Danger

    Hindi ako makatingin ng diretso kay ate Diane. Mula ng pagdating niya kagabi hindi na siya umalis. Buti na lang mahaba ang pasensya ni mama at hindi siya pinapatulan pero si papa mukhang punung-puno na."Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong niya kay ate Diane habang tahimik kaming nag-aagahan sa dining room. "Bakit Pa, bawal na akong pumunta sa inyo?" Tumawa siya na ikinagulat ni Raffy at yumakap sakin. Tinaasan siya ng kilay ni Diane. "Hello little kid, you must be Raffy. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang mga Jones?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mas lalo akong nagulat ng makita siyang naluluha na para bang may dinaramdam. "Alis na po ako." Biglang sabi niya at diretsong lumabas ng pinto. "Mukha may problema siya, hon." Sabi ni mama kay papa. Tumikhim lang si papa at umiling. Bumuntong hininga ako habang pinagmasdan si Raffy. Wala ngang duda na kamukha niya si Rafael. "Hayaan na lang natin siya. May tumawag sakin kanina. Naghiwalay na daw sila ng boyfriend n

  • Revenge or Love   Chapter 75: Five years had passed.

    Hindi ko ubod akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Nakangiti ang mama at papa ko habang nagtatago sa likod ng puno. Akala ko noon hindi na muli silang magkakaayos pero heto ngayon, masaya na muli kami bilang isang buong pamilya. Ngumiti ako hanggang nakita ko ang batang bersyon ni Rafael. Kahit wala na akong narinig tungkol sa kanya umaasa pa rin akong balang araw makikita niya ang anak namin."Granny, I can see you," Matunog na tawa ang binitawan ng aking anak na si Raffaello. Umiling ako. Kung gaano kasungit si Rafael ganon naman ang kabaligtaran ng anak namin. Masayahin siya pero sobrang pilyo. "Mommy! I caught lolo and lola," Masaya niyang sabi habang tumatakbo papunta sakin. Ngumiti ako at niyakap siya."Are you hungry?" Tumango siya. "I want fried chicken!" sigaw niya habang lumulundag."Nakakapagod nang makipaglaro sa apo natin ngayon," bulong ng papa ko sa mama ko pero rinig namin ang mga reklamo niya."Lolo!" maktol sabi ni Raffaello. "Raffy, don't shout to your

  • Revenge or Love   Chapter 74: The Real Family

    Halos dalawang linggo akong nananatili sa ospital dahil na rin sa request ni mama. Minsan natatawag ko pa rin siyang Ginang Letisha at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Dapat kasi pinilit ko na lang na operahan na lang ang braso ko at taihan para magaling na agad. "Ang lalim ng iniisip mo." Bulong ni Rica sakin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siya."Ano sa tingin mo?" Nagkibit balikat siya at kinuha ang bag sa kama."Sa tingin ko. Magpagaling ka muna bago mag-isip ng kung ano-ano. Tignan mo nga may sling pa rin ang braso mo. Kailangan mo pa daw magpahinga pero bakit ganun?" Kumunot ang noo ko sa biglang pagtataka niya."Anong ibig mong sabihin?" Lumapit siya sakin at tinignan ang braso ko."Di ba naka schedule ka para maoperahan. Bakit iniba nila kahapon? Bilin pa ng doktor na dapat hayaan na lang daw maghilom tapos dapat puro gulay at prutas na lang ang kainin mo. Pati mga gamot mo tinanggal." Lalo akong napaisip sa sinabi niya. Bago

  • Revenge or Love   Chapter 73: Tremendous Fear

    Bumigat ang pakiramdam ko at hindi makatingin kay ate Diane. Ang mga tingin niya ay makahulugan at nanonoot parang may alam siya na napakahalaga. "Bakit hindi ka makasagot?" Taas kilay na sabi niya. "Alam mo bang na-kidnap ako?" Tanong ko. Nawala ang ngiti niya sa labi at tumingin sa malayo. "Bakit ikaw naman ngayon ang hindi makasagot?" Umiling siya at lumapit sakin. "Sa huling balita ko tungkol sayo, nag-enjoy ka naman dito." Tumawa siya ng malakas. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko. "What?" Sita niya ng hindi ako makasagot. "Michaela, thank you." Dagdag niya at tuluyan ng naglakad papunta sa kotse nila. Nakatitig lang ako sa kanila at pinaandar na nila ang kotse. Ilang pulgada palang ang layo nila sakin ng biglang may dumating na mga pulis at hinarang sila. "Diane at Mildred Clementon, iniimbitahan namin kayo sa prisinto. May karapatan kayong manahimik at kumuha ng inyong abogado. Lahat ng sasabihin niyo ay maaaring gamitin laban sa

  • Revenge or Love   Chapter 72: Secret of the Past

    Tahimik lang ako nakamasid sa bintana habang tahimik na nagmamaneho si Lance. Nadaanan namin ang karatula ng villa Letisha at hindi ko mapigilan maluha. Hindi man lang ba ako magpapaalam kay Rica at Ginang Letisha?"Lance," Tumingin sa rearview mirror si Lance. "Pwede ba muna akong magpaalam sa kaibigan kong si Rica." Huminga siya ng malalim at hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Lumingon siya sakin."Saan ba siya nakatira? Akala ko bang magkasama kayo sa bahay na yun? Bakit lalaki ang kasama mo roon?" Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin. Ngayon ko lang napansin ang gamit niya sa passenger seat. "Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Huwag mong sabihin sakin matapos mo akong makausap kahapon agad ka nang nag-book ng flight pabalik dito sa Pilipinas?""Hindi pa ba obvious. Kausap pa lang kita kahapon agad na akong nag-book ng flight. Lalo na delikado ang buhay mo." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi pero malinaw ko pa rin itong naintindihan."Anong alam mo?" t

DMCA.com Protection Status