THEN AND NOWCHAPTER 1Tinanaw ko ang tahimik na kalsada sa labas ng maliit na shop na pinapasukan ko ngayon.Ilang minuto na lang ay uuwi na din ako. Ito na din ang huling araw ko rito dahil bukas ay pasukan na, pagagalitan ako ni Mama kapag mas pinili ko ang mag trabaho kaysa sa mag-aral.Tama nga din naman, mas maganda kapag may natapos ako. Mas makakatulong ako sa pamilya.Ngumiti ako ng dumating si Mr. Lim, ang may-ari ng maliit na Cafe/Bake shop na ito.Iniabot niya sa akin ang isang maliit na envelope, alam ko na agad kung ano iyon. Ang bunga ng pagsisikap ko sa buong buwang iyon.Huminga ako ng malalim at ngumiti."Maraming salamat po." Sambit ko rito at bahagyang yumuko bilang pag galang rito."Ano ka ba Claude, ijo. Sa susunod na bakasyon aasahan ulit kita rito. Ikumusta mo ako sa Papa mo." Tugon nito dahilan upa
Read more