Ilang beses akong napalunok at hindi magawang iaalis ang paningin sa pagkain. Tiyak kong uunahin ay ang kulay gintong rolyo ng gulay. Binilang ko ang layo nito sa mula sa bawat pagitan ng bawat potaheng na sa plato. Ini-imagine ko ang bawat pagnguya ng aking ngipin sa bawat rolyo ng pagkain na sa lamesa.“Maupo ka at isaulo ang bawat posisyon ng pinggan. Memoryhahin mo ang nasa kaliwa’t kanang pagkain at ipasok mo sa iyong kokote ang mga pangala’t amoy ng mga ito.”Agad ko namang tinitigan ang mga ito.“Mula sa hugis, amoy, lasa at kung saan ito nakalagay ay memoryahin mo sa gitna ng madilim na espasyo ng lugar na ito,” tila isang hipnotismong ani ni tanda.Natutuwang pinasadahan ko nang tingin ang bawat plato. Sinunod ang sinaad ni tanda, minimeryo ang pwesto ng bawat isa. Sa panlasa ay sigurado naman akong agad ko itong malalaman.“Easy!” buong pagmamayabang kong wika.
Last Updated : 2021-09-07 Read more