Home / All / Against The Rules / Chapter 11 - Chapter 19

All Chapters of Against The Rules: Chapter 11 - Chapter 19

19 Chapters

Chapter 11

Napaluhod sila sa labis na takot. Nabitawan pa nila ang aking braso dahil sa panginginig ng kanilang kalamnan. Takot na takot sila sa lalaking kaharap namin. Nang sandaling mabitawan nila ako ay wala akong ibang kahilingan bukod sa huwag nang makaramdam pang muli ng panibagong sakit sa katawan.Hinihintay ko ang paglapat ng aking katawan sa lupa ngunit  isang mainit at matigas na mga bisig ang saki'y sumalo. Napasinghap ako ng magtama ang aming balat.  Amoy na amoy ko ang mala rosas nitong pabango at ang pulang piring sa kaniyang mata'y na aaninag ko kahit na nanalalabo na ang aking paningin."Nagkita tayong muli, binibini," bulong nito sa aking tainga.Ang mabibigat kong talukap ay napakurap-kurap. Ang ibig sabihin niya ba'y nagkita na kami noon? Ngunit hindi ko siya matandaan. Saan ba kami nagkita? Wari'y pamilyar nga ang kaniyang mukha. Nakatitig ako sa kaniyang pulang piring, pakiramdam ko'y tinititigan ako nito sa likod ng kapirasong tela. Binuhat
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more

Chapter 12

Kinaladkad nila ako palabas ng kahoy na tarangkahan. Puno ng nagliliyab na sulo ang nadadaanan namin. Sa bawat sulok ay may madadaanan kaming kulungan. Sa loob n'on ay may nakakulong na naghihingalong preso. Ang iba'y wala ng buhay at iba nama'y sumusigaw para humingi ng pagkain. Kumikirot ang aking puso dahil sa sinapit nila. Ilang araw na kaya silang nakakulong doon? Anong paghihirap ang dinanas nila bago sila pumanaw? Ganoon din ba ang aking sa sapitin balang araw? "Na rito na tayo, Pillow. Mag-iiangat ka," turan ng isang babaeng puno ng pag-aalala ang kaniyang tinig. Lumambot ang aking puso dahil sa kaniyang pag-aalala. Nang pagsarhan nila ako ng pinto'y wala akong ibang maisip kung hindi ay kalaayan. Kalayaan at pagtakas. Ngunit saan ako magtutungo? Saan? Saan nga ba? Saan ako magtutungo upang makaligtas. Ngayon ko lamang napansing hindi ko na gaanong iniinda ang ibang sugat sa aking katawan. Posible kayang ginamot niya ako? Posible kayang ginamot ako ni
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

Chapter 13

Sa gitna ng kadiliman ay muli kong nakita ang babaeng may kadena. Ang kaniyang itim na buhok ay nakatabon sa kaniyang sugatang mukha. Batid ko ang kalungkutan sa mga mata nitong may bahid ng luha.   "Ikaw ay ako at ako ay ikaw. Pagmasdan mong mabuti ang naging dulot ng pagtitiwala ko! Ang pagtitiwala'y higit na sagrado kay sa sa patakarang lalabagin mo," galit niyang sigaw.   "Ang iyong makasasama't pagkatitiwalaan mo ay higit pang kalaban kumpara sa tunay mong kalaban! Pagtataksilan ka rin nila! Pagtataksilan ka rin nila!" puno ng hinagpis niyang sigaw.   "Ikaw at ako ay iisa! Kaya't babalaan kita ng paulit-ulit! Ang mundong pinasukan mo'y higit pang malupit at kasuklam-suklam!"   Sinubukan kong takpan aking tainga ngunit hindi ko ito matagpuan sa gitna ng madilim na espasyong ito.  Labis akong naririndi sa paulit-ulit niyang sinasambit.   "Pillow, ang huling pagkabuhay nat
last updateLast Updated : 2021-10-26
Read more

Chapter 14

Ito ang unang araw ng aking paglabas sa bahay pagamutan ng Gauzian. Nagulat si Dicky ng makitang mabilis na naghilom ang aking mga sugat at pilat. Sinuri pa nitong muli ang aking balat. "DIcky," malamig na wika ni Pawn na ikinaigtad niya. "Nagtataka-" "Halika na!" Nanatiling tikom ang bibig ni Kianna dahil sa presensya ni Dicky. Hindi sila nagkikibuan. Marami akong nakikitang mga interesanteng kagamitang sa bawat pamilihan. Ang sabi sa akin ni Kianna ay ililibot ako ngayon ni Pawn Cyptus sa pamilihan upang pag-usap ako ng mga makakakita. Tinanong ko si Kianna kung para saan, ang sagot naman nito'y malalaman ko rin daw sa tamang panahon. Hindi na lang ako nagtanong pa. Nag-ayos na lamang ako ng mga gamit ko na ibinigay ni Dicky. Magagamit ko raw ang mga ito sa sino mang magtatangka sa aking buhay. Sa ikatlong araw naman gaganapin ang pagsasanay. Kailangan kong makapasa upang malihis ang mainit na mga mata ng ibang Hood. Para rin
last updateLast Updated : 2021-10-27
Read more

Chapter 15

Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng may piring na mata. Ang bawat kabutihang maibibigay ng kahit na sino'y may kapalit at hindi dapat pagkatiwalaan.Kinakabahan man ay pagkatitiwalaa ko si Dicky. Babalikan ako nito. Kung hindi niya man ako babalikan ay hindi na ako magtitiwala. "Mamili ka ng nais mong kasuotan, binibini." Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Kumabog ang aking dibdib dahil sa kaisipaang na rito ito upang gabayan ako."Nagkita tayong muli, binibi"  ani niya na may ngiti sa labi. May pula pa rin itong piring sa mata.Hindi ko nagawang magsalita dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng malakas na kabog sa aking dibdib. Ang mga ngiti nitong kawangis ng ngiti ni Pawn Cyptus."Mr. Crushio ang nais kong isuot ng dilag na ito ay kawangis ng perlas na kasuotan," turan niya at tumalikod na. Dumaan ito sa may bintana. Bago ito tuluyang maka-alis ay sa wakas nagawa ko nang magsalita.
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more

Chapter 16

Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Napakabanayad ng musika, habang ako'y na natili lamang na nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Naaaliw na tinitigan ko ang bawat galaw nila. Pakiramdam ko ay sumasayaw na rin ang aking katawan sa pamamagitan lamang nang pagtitig ko sa kanilang masayang mukha. Huminga ako ng malalim  at pinihit ang katawan sa kabilang direksyon. Ginagap ng aking mata kung na saan ang aking mga kasama. Ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw. Huminto ang tugtog gayoon din ang paggalaw ng mga tao. Nangyari na ito, bulong ng aking isipan. Nanigas ako sa gitna ng madilim na kapaligiran. Habang malamig na umiihip ang hangin sa aking gawi'y nakararamdam ako ng kakaibang saya. Dinadala ng hangin ang isang pamilyar na amoy na nunuot sa aking ilong. Alam ko kung kanino ito nang gagaling. Nagsipagtayo ang aking balahibo ng makaramdam ng mainit na bagay na lumapat sa aking leeh. "Hindi kita nagawang isayaw, binibini" bulong nito sa aking
last updateLast Updated : 2021-10-30
Read more

Chapter 17

Habang na sa himpapawid kami'y hindi ko maiwasang mapasulyap at ilabas ang aking kamay sa may bintana upang hawakan ang mapuputing usok na tinatawag nilang ulap."Pillow, huwag mong inilalabas ang iyong kamay. Baka makita at maamoy ng hungry fish ang iyong aroma at salakayin tayo,"  saway ni Death sa akin."Hungry Fish?" tanong ko at ipinasok  ang aking kamay sa isang maliit na lampara. Nilalamig ako dahil sa dulot na kakaibang enerhiya ng mga  ulap sa aking balat."Hungry Fish, sila ang mga isinumpang sirena sa karagatan. Pinarusahan sila at ginawang taga bantay at taga linis ng kalangitan. Sila ang pumapawi sa mga bagyo't sama ng panahon. Ngunit ang iilan sa mga hungry fish ay matitigas ang mga ulo.""Sila pa mismo ang nagpapalakas ng buhawi't  mga masasamang klima sa mundo ng mga tao," saad ni Dicky na kasalukuyang umiinom ng tsa-a."Kung gaanoon sila ang dapat sisihin sa mga buhay na nawawala dahil sa paghugupit ng masamang
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Chapter 18

Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din  na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid."Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong  hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Chapter 19

Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya."Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin."Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin."Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit
last updateLast Updated : 2021-11-08
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status