Share

Chapter 3

Author: Trexgedy
last update Last Updated: 2021-09-07 11:07:31

Ilang beses akong napalunok at hindi magawang iaalis ang paningin sa pagkain. Tiyak  kong uunahin ay ang kulay gintong rolyo ng gulay. Binilang ko ang layo nito sa mula sa bawat pagitan ng bawat potaheng na sa plato. 

Ini-imagine ko ang bawat pagnguya ng aking ngipin sa bawat rolyo ng pagkain na sa lamesa.

“Maupo ka at isaulo ang bawat posisyon ng pinggan. Memoryhahin mo ang nasa kaliwa’t kanang pagkain at ipasok mo sa iyong kokote ang mga pangala’t amoy ng mga ito.”

Agad ko namang tinitigan ang mga ito.

“Mula sa hugis, amoy, lasa at kung saan ito nakalagay ay memoryahin mo sa gitna ng madilim na espasyo ng lugar na ito,” tila isang hipnotismong ani ni tanda.

Natutuwang pinasadahan ko nang tingin ang bawat plato. Sinunod ang sinaad ni tanda, minimeryo ang pwesto ng bawat isa. Sa panlasa ay sigurado naman akong agad ko itong malalaman.

“Easy!” buong pagmamayabang kong wika.

Umingos si tanda. Tila hindi sang-ayon sa'king tinuran. “Huwag aanihin ang hindi pa nahihinog na bunga, Pillow,” pagpaparinig nito at umiiling na  lumikha ng isang piring sa kaniyang palad.

Nag-aapoy ang piring nahawak ni tanda. Mistulang isang apoy na mga hibla ang bumuo sa kapirasong telang hawak niya. Inilapat ito ni tanda sa'king mata. Nakasisilaw na paligid and sa'king mata’y yumapos.

“Konsentrasyon, Pillow!”

Nawala sa isipan ko ang lahat ng aking minemorya. Sa pagdagundong ng boses ni tanda  ay mas ikinaila ng aking isipan ang bawat lokasyon, pang-amoy at kung ano ang nararapat kong gawin sa mga oras na ito.

Inangat ko ang aking kamay upang subukang mangapa sa liwanag. Agad akong napahiyaw ng may mainit na bagay akong nahawakan.

“Kandila iyan, Pillow!”

“Konsentrasyom, Pillow!”

“Isda iyan!”

“Hindi mo isina-isip ang mga sinambit ko, Pillow!”

“Sigurado ka bang gusto mong mag-aral sa paaralang iyon?!”

Nagsimulang manginig ang mga daliri ko dahil sa kaguluhan ng isip ko. Parang sumusuko na ako at gusto nang ihinto ang pag-eensayong ito. Sa hindi ko nga kayang magfocus. Hindi ko kayang maisip kong ano nag gagawin! Ang hirap! Ang ganitong pagsasanay ay isang kalabisan!

Marahas na tinanggal ni tanda ang piring sa'king mata. Doon ko pa lamang na pagtantong may mga likidong dumadaloy sa'king pisnge. Hinagis ni tanda ang tela sa lagusan. Sa isang iglap ay naging abo ito.

Naluluhang napayuko ako at pinagsalubong ang magkabilang hintuturo.  Hinampas ng malakas ni tanda ang mesa dahilan upang lumikha ng malakas na tunog. Malakas na tunog na siyang mas lalong nagpapalahaw sa'kin sa pag-iyak.

Sa labing pito kong pamumuhay sa mundong ito, ngayon ko pa lamang nasaksihang ganito ang ikinilos ni tanda. Kung ayaw niya akong pumasok sa paaralan ay hindi na lamang ako papasok. Hindi ko na pipiliting mag-aral. Mananatili na lamang ako sa kaniyang tabi kung ganito kahirap ang matuto.

“Itatangis mo na lamang ba ang lahat kapag nahihirapan ka? Walang puwang ang luha sa akademyang iyon! Hindi laro at biro ang paaralang iyon, anak. Maaari mong ikamatay ang pagtapak sa lupain ng mga dyos!” 

Umalingaw-ngaw ang tinig ni tanda. Tila isang latigong humahagupit sa magkabilang tainga ko ang kaniyang tinig.

“Ayaw mong magsanay? Ayaw mong mahirapan? Saan ka lulugar sa paaralang iyon? Baka sa unang araw ng iyong pagpasok ay agad kang bawian ng buhay!”

Nanlamig ako sa sunod sunod na tinuran ni tanda. Kung ang pag-aaral sa loob ng paaralan ay katumbas ng kamatayan, bakit pa nila iniimbitahan ang mga nilikha na pumaroon?

Napayukyok ako sa lamesa at tahimik na umiiyak. Siguro nga’y hindi ako nararapat na pumasok doon. Sa mahinang kokoteng kaulad ko ay hindi kakayaning mamalagi ng matagal sa paaralang iyon.

Kung siguro’y katulad ako ng mga batang mula sa Scarlet Clan ay hindi ako mahihirapan ng ganito. Napatid ang pag-iisip ko dahil sa kakaibang tunog. Inangat ko ang aking ulo at pinaling ang mata sa pinagmumulan nh ingay.

Umurong ang isang tipak ng bato sa itaas. Hudyat na binuksan ni tanda ang labasan.  Kasunod noon ay ang pagbuhos ng tubig sa itaas. Kitang kita ko ang nanlalaking mata ni tanda dahil sa paghampas ng tubig sa kaniya. 

“Umulan pala? Bakit hindi ko alam?” ani niya at pinatunog pa ang dila.

Sa isang kisap mata ay agad na bumalik si tanda sa dati niyang pag-uugali. Nawala ang nakakatakot nitong boses gayoon rin ang istrikto nitong mga mata.

Lumingon siya sa direksyon ko. Inilahad ang kaniyang kamay ilang milya mula sa aking kinauupuan. Nakapaskil sa kulunit nitong labi ang isang matamis na ngiti.

“Halika ka na, Pillow. Kung hindi mo nais na magsanay ay hindi kita mapipilit. Ngunit, kung nanaisin mo pa ring pumasok sa paaralan ay huwag mong asahang may tulong kang matatatanggap mula sa'kin.”

Tumayo ako at pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad ko. “Sa pagpasok mo sa loob ang ugnayan natin ay magtatapos,” ani niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Kumirot ang aking dibdib sa inusal ni tanda. Muli akong pumalahaw sa pag-iyak. Mistulang  isang batang naligaw ng landas sa masukal na gubat.  Gusto ko lang namang mag-aral. Nasasaktan ako ng sobra dahil tila itinatakwil na ako ni tanda.

“Anong iniiyak iyak no d’yan? Hindi ba’t gusto kong mag-aral at umalis sa'king poder? O s’ya! Pinapalaya na kita,” dagdag pa niya.

Humihikbing lumapit ako kay tanda. Hinimas nito ang kaniyang balbas at seryosong nakatitig habang papalapit ako. 

“Gusto mo bang pumarito na lang sa loob? Kay bagal mong gumalaw!”

Umiiling na binilisan ko ang pagtakbo at sinundan siya paakyat ng hagdan. Nagtatakang tinitigan ko ang tapakan. Malapad na ito at hindi na  maikit. 

“Bukas na bukas ay kahaharapin mo ang mundo na hindi na ako kasama,” wika niya ng palabas na kami. 

Suminghot ako sa hangin habang nakasunod sa likuran niya. Wala naman akong ibang nais kung hindi ay maglakbay at matutong protektahan ang aking sarili. Gusto ko lang naman na hindi maging pabigat kay tanda. Ang tanging nais ko lang naman ay masilagan ang mundo at balang araw ako naman ang magpro-protekta sa kaniya.

Biglang sumagi sa'king isip ang ilusyong nakita ko kanina. Ang ginang na may pulang kimono at ang mga kawal na walang habas nitong pinatay. Ang batang babae na may kasing kulay ng aking buhok at ang ginoong nais kong yakapin. Tila may kung ano sa’king kaloob looban ang gustong muling makita ang dalawang nilikha. 

Ang dalawang nilalang ay nais kong muling makita, mayakap at alamin kong baiit ganito na lamang ang pagsikdo ng aking puso sa tuwing maiisip sila.

Ang ginoong nakasuot ng pandigma at ang ginang na may pangungulila ang mga mata ay nais kong mayakap. Parang may kung ano sa'king kalamanan na sumisigaw ng kasabikan. Kasabikang inaasam asam ng aking puso.

“Maligo ka’t magpalit ng iyong damit. Baka magkasakit ka,” bilin nito at nagpatiuna na.

Hindi na ako umimik dahil wala naman akong sa sabihin. Okyupado rin ang aking utak ng mga katungan na sa tingin ko ay sa paaralang iyon ko malalaman.

“Hindi ko alam na darating ang panahong masisilayan kong lumaki ka’t magiging katulad ng kapalaran ng iyong ina. Nawa’y sa landas na iyong tatahakin ay ang pagiging mabuti ang ’yong piliin,” tanging wika ni tanda bago  ako iwan sa tapat ng masukal na kagubatan.

Nais ko sana siyang pigilan ngunit bigla siyang nawala ng parang bula. Nagsarado ang mga baging sa paligid at pumulupot ito sakin. Hiniila  ako sa pusod ng kakahuyan. 

Nang maalis ang nakapulupot na baging sa'king baywang ay umikot ang paningin ko. Marahil ay sa pag-alog ng aking ulo habang hinihila ako ng mga ito.

Natatakot man ay sinubukan ko pa ring ihakbang ang mga paa. Kung mananatili ako rito’y walang mangyayari. Kung may pasukan, siguradong may labasan. Kailangan ko lamang ay magpatuloy at labanan ang takot na lumalamon sa'kin.

Kinuha ko ang mapa at lampara sa'king supot na dala. Sinindihan ko ito at iniintindi ang mga nakasulat sa mapang hawak ko. Kung tama ako ay sa kanang bahagi ang daan. Subalit na saan nga ba ang kanan?

Napakamot na lamang ako sa ulo habang pinagmamasdan ang mapa. Dumidilim na rin ang paligid. Ang mga damo ay nagsisimula ng lamunin ng kadiliman. Tanging ang lamparang hawak ko lamang ang nagbibigyan liwanag sa daan.

“Nakakapagod,” usal ko at pansamantalang tumigil. Pinunasan ko ang namumuong mga pawis sa'king noo. 

Lumalamig na ang simo’y ng hangin. Ang simukra ko naman ay kumakalam na rin dahil sa gutom. Hindi kasi ako pinayagan ni tandang magbaon ng pagkain. Sa paglalakbay ko raw ako maghahanap ng makakain upang malaman ko ang salitang MABUHAY sa gitna ng kaharangan kong mag-isa.

Nagpatuloy ako sa paglalakd. Pinakiramdaman ko ang paligid habang naglalakad. Hindi ko nga alam kung ilang oras ko na bang nilalakbay ang gubat na ito. Parang pakiramdam ko ay paikot ikot lang ako. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Luxx Oxford
waiting for next chapter
goodnovel comment avatar
Luxx Oxford
next chapter po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Against The Rules   Chapter 4

    Napatalon talon ako at parang may sariling buhay ang katawan kong sumasayaw ng mag-isa na walang musika. Hinawakan ko pa ang saya ng aking roba at nakangiting umikot ikot. Napawi ang ngiti sa'king labi ng mapagtanto na hindi na ako ang may kontrol sa katawan ko.“Munting binibini. Lapit, lumapit ka..” wika ng isang tinig sa may puno.Pilit kong pinipigil ang aking katawan ngunit ayaw nitong sumusunod sa'king kagustuhan. Natataranta na ako sa takot. Patuloy lang sa pag-ikot at pagsaliw sa hangin ang aking katawan. Hindi ko alam ang gagawin ko’t ang dapat kong isipin.“Konsentrasyon, Pillow..” mula sa kung saang tinig.Napawi ang aking takot ng mapag-sino ang boses na iyon. Agad akong pumikit at inisip kong anong gusto ko.“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..” paulit ulit kong us

    Last Updated : 2021-09-09
  • Against The Rules   Chapter 5

    Sa apat na araw na pamamalagi ko sa tabi ni Olfor, ang puno na nagturo sa akin ng pamumuhay sa labas ng ang aking kinagisnang lugar ay napakadami na akong natutunan. Hindi pa la madaling mamuhay ng mag-isa kaya siguro ganito na lamang ang pagtutol ni tanda sa akin na umalis at mag-aral. Ayon din kay Olfor mas lalong marami kang nalalaman mas malaki ang tiyansang mapahamak ka. Kung hindi matibay ang pananalig mo sa iyong sarili mas makabubuting wala kang kaibiganin kapag na sa loob ka na ng paaralan.Na alimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Olfor."Pillow, gumising ka! Kailangan mong maalis ngayon din!"Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis akong dumaosdos sa kaniyang mga sanga. Kaya ko nang bumaba ng walang kahirap-hirap dahil sa ilang araw na pagtuturo niya sa akin."Anong problema, Olfor?" tanong ko sa kaniya na papungas-pungas pa."Ang mga kalahok sa Rolean Blood plus ay naghahanap ng maaari nilang maging alipin para sa gaganaping

    Last Updated : 2021-10-07
  • Against The Rules   Chapter 6

    Iniwan na nga ako ni Grocha sa may pangpang. Sa gitna ng kadiliman ay lumiwanag ang ibinigay sa aking regalo ni Olfor. Ito ang nagbigay daan sa aking upang matagpuan ang isang maliit na daanan. Naglakad ako papasok sa makitid na halaman. Tinanaw ko muna sa malayuan ang asul na tarangkahan na kung saan si David at Argus ay na roon. Hindi ko lubos maisip na malayo pa rin ang lalakbayin ko bago marating ang paaralan."Lumapit ka upang tuluyang makapasok sa iyong paaralan," rinig kong turan ng kung sino.Sinuyod ko ang bawat sulok ng kadiliman upang mahanap ang tinig na iyon. Ngunit wala akong makita. Tinahak ko na lamang ang daan ng hindi lumilingon sa aking likod. Pakiramdam ko ay kanina pang may sumusunod sa akin. Ilang minuto pa ay narating ko na ang nagliliwanag na lagusan.Nag-aalangan man ay pumasok na lamang ako. Labis akong napasinghap ng magbago ang paligid. Napapikit-pikit pa ako dahil hindi ako makapaniwalang na sa loob na agad ako ng paaralan. Sa aking

    Last Updated : 2021-10-14
  • Against The Rules   Chapter 7

    Ang bawat pagsaguyod ng bangko sa sahig ay naghahatid ng panlalamig at pagtaas ng aking balahibo."Pawn, Cyptus," puno ng paggalang na wika nilang lahat.Wala akong ibang nagawa kung hindi ay bumangon na lamang. Hindi ko kaya ang matinis na tunig na paulit-ulit nilang ginagawa. Pakiramdam ko ay mahihiwalay ang mga ngipin ko sa aking gilagid. At ang presensya ng kanilang pinuno ay naghahatid ng kakaibang epekto sa aking katawan. Tila sinasambit ng malamig nitong himig na "tatayo ka o matutulog ka habang buhay."Inangat ko ang aking katawan sa pagkahihiga. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Kadiliman ang sumalubong sa aking balintataw. Hindi ko mapag-sino ang mga na sa paligid ko."Why we should choose you?" ani ng isang baritonong tinig.Hindi ko sigurado kung ano ang sinaad niya. Gayoong ang wika niyang gamit ay hindi ko tiyak. Sinubukan kong aninagin ang na sa paligid. Ang mga malalabong bulto nila sa kadiliman ay pilit kong kikitain hangga

    Last Updated : 2021-10-19
  • Against The Rules   Chapter 8

    Casspien's PovNapaka-sarap ng aking pagkaiidlip sa itaas ng malaking puno. Inunan ko aking magkabilang braso at mapayapang dinama ang hanging dumarampi sa aking balat."New target ng Cuensesa SBH ang newbie under sa Gauzian Hood. Wala raw itong katangian ng isang guardian. Nakapagtataka kung bakit ito napili ni Olfor upang magrepresenta para sa Golden Forest," puno ng inggit na wika ng isang babaeng kulot ang buhok.Napabuntong-hininga na lamang ako habang nag-uusap sila. Ang mga babae nga naman. Sila sila rin ang nag-iinggitan. Muli kong ipinikit ang aking mata at sinubukang ibalik ang sarili sa pagkahihimbing. Kaso naka-iirita ang mga bulungan nila. Dinaig pa ng matitinis nilang boses ang huni ng mga bubuyog."Well, I can't wait to saw her bloody body for this upcoming Blood Plus.""I think she wans't aware what's school she popped in, Lipton."Tumagilid ako ng higa dahil hindi ko na magawang bumalik sa pagkatutulog. Wala bang balak

    Last Updated : 2021-10-20
  • Against The Rules   Chapter 9

    "Sa pagbabalik ng pinuno niy ano na lamang ang sa sabihin niya? Anong mukha ang ihaharap ninyo sa kaniya?" "Huwag niyo siyang biguin. Huwag niyong sayangin ang mga pagsasakripisyo niya sa inyo." Nag si tahimik silang lahat, tanging paghikbi lamang ang madidinig sa buong paligid. "Na saan ang quick bomb?" tanong ko. Walang sumagot sa kanila at alam kong hindi rin nila tatangkaing sumagot sa akin. Dahil pagsagot sa akin habang galit ay parang pagtanggap sa nalalapit mong kamatayan. "Na saan?" paguulit ko. Nanatili silang tahimik kaya mas lalo akong nairita. Hinilot ko ang aking sentido at nanlilisik ang matang pinakatitigan sila. Akmang kwe-kwelyuhan ko ang pinakamalapit sa aking miyembro ng may papalapit na palaso akong naaninag. Mabilis ko itong iniwasan at ibinaling ang katawan sa likuran. Kasabay ng pagpihit ko ay ang pagdaing ng isang miyembro. "Pa..pawn," usal nito. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino an

    Last Updated : 2021-10-21
  • Against The Rules   Chapter 10

    Pillow's Pov Ang hirap ng buhay sa kabihasnan na hindi sakop ng inosenteng kaisipan. Ang maparito sa lugar na ito ay hindi nino man pangangarapin. Halos hindi ko magawang imulat ang aking bata. Tila may nakadagan na mabigat na bagay na siyang nagdududlot ng pagsasara nito. Ang mga braso't aking balikat koay namamanhid, gayoon rin ang aking puso, nawalan ito ng pakiramdam dahil sa nawasak na tiwala. Ang pagtitiwala sa sino man sa loob ng paaralang ito ay hindi magdudulot ng magandang resulta. Simula sa araw na ito walang sino man ang sa aki'y makapananakit pa. Mag mula sa oras na ito ang bawat pagpatak ng aking dugo'y katumbas ng libong kamatayan. Kung hindi ako mahina't kulang ang kaalaman siguro'y walang makapananakit sa akin. Walang sino man ang manghahamak sa katulad ko. Ang lahat ng embolbado sa sinapit kong pagdurusa'y triple ang aking ibabalik. Bawat pagluha, bawat pawis, at bawat dugo'y buhay ang ipapalit ko. Tatanawin kong ma

    Last Updated : 2021-10-22
  • Against The Rules   Chapter 11

    Napaluhod sila sa labis na takot. Nabitawan pa nila ang aking braso dahil sa panginginig ng kanilang kalamnan. Takot na takot sila sa lalaking kaharap namin. Nang sandaling mabitawan nila ako ay wala akong ibang kahilingan bukod sa huwag nang makaramdam pang muli ng panibagong sakit sa katawan.Hinihintay ko ang paglapat ng aking katawan sa lupa ngunit isang mainit at matigas na mga bisig ang saki'y sumalo. Napasinghap ako ng magtama ang aming balat. Amoy na amoy ko ang mala rosas nitong pabango at ang pulang piring sa kaniyang mata'y na aaninag ko kahit na nanalalabo na ang aking paningin."Nagkita tayong muli, binibini," bulong nito sa aking tainga.Ang mabibigat kong talukap ay napakurap-kurap. Ang ibig sabihin niya ba'y nagkita na kami noon? Ngunit hindi ko siya matandaan. Saan ba kami nagkita? Wari'y pamilyar nga ang kaniyang mukha. Nakatitig ako sa kaniyang pulang piring, pakiramdam ko'y tinititigan ako nito sa likod ng kapirasong tela. Binuhat

    Last Updated : 2021-10-23

Latest chapter

  • Against The Rules   Chapter 19

    Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya."Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin."Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin."Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit

  • Against The Rules   Chapter 18

    Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid."Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun

  • Against The Rules   Chapter 17

    Habang na sa himpapawid kami'y hindi ko maiwasang mapasulyap at ilabas ang aking kamay sa may bintana upang hawakan ang mapuputing usok na tinatawag nilang ulap."Pillow, huwag mong inilalabas ang iyong kamay. Baka makita at maamoy ng hungry fish ang iyong aroma at salakayin tayo," saway ni Death sa akin."Hungry Fish?" tanong ko at ipinasok ang aking kamay sa isang maliit na lampara. Nilalamig ako dahil sa dulot na kakaibang enerhiya ng mga ulap sa aking balat."Hungry Fish, sila ang mga isinumpang sirena sa karagatan. Pinarusahan sila at ginawang taga bantay at taga linis ng kalangitan. Sila ang pumapawi sa mga bagyo't sama ng panahon. Ngunit ang iilan sa mga hungry fish ay matitigas ang mga ulo.""Sila pa mismo ang nagpapalakas ng buhawi't mga masasamang klima sa mundo ng mga tao," saad ni Dicky na kasalukuyang umiinom ng tsa-a."Kung gaanoon sila ang dapat sisihin sa mga buhay na nawawala dahil sa paghugupit ng masamang

  • Against The Rules   Chapter 16

    Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Napakabanayad ng musika, habang ako'y na natili lamang na nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Naaaliw na tinitigan ko ang bawat galaw nila. Pakiramdam ko ay sumasayaw na rin ang aking katawan sa pamamagitan lamang nang pagtitig ko sa kanilang masayang mukha. Huminga ako ng malalim at pinihit ang katawan sa kabilang direksyon. Ginagap ng aking mata kung na saan ang aking mga kasama. Ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw. Huminto ang tugtog gayoon din ang paggalaw ng mga tao. Nangyari na ito, bulong ng aking isipan. Nanigas ako sa gitna ng madilim na kapaligiran. Habang malamig na umiihip ang hangin sa aking gawi'y nakararamdam ako ng kakaibang saya. Dinadala ng hangin ang isang pamilyar na amoy na nunuot sa aking ilong. Alam ko kung kanino ito nang gagaling. Nagsipagtayo ang aking balahibo ng makaramdam ng mainit na bagay na lumapat sa aking leeh. "Hindi kita nagawang isayaw, binibini" bulong nito sa aking

  • Against The Rules   Chapter 15

    Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng may piring na mata. Ang bawat kabutihang maibibigay ng kahit na sino'y may kapalit at hindi dapat pagkatiwalaan.Kinakabahan man ay pagkatitiwalaa ko si Dicky. Babalikan ako nito. Kung hindi niya man ako babalikan ay hindi na ako magtitiwala."Mamili ka ng nais mong kasuotan, binibini."Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Kumabog ang aking dibdib dahil sa kaisipaang na rito ito upang gabayan ako."Nagkita tayong muli, binibi" ani niya na may ngiti sa labi. May pula pa rin itong piring sa mata.Hindi ko nagawang magsalita dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng malakas na kabog sa aking dibdib. Ang mga ngiti nitong kawangis ng ngiti ni Pawn Cyptus."Mr. Crushio ang nais kong isuot ng dilag na ito ay kawangis ng perlas na kasuotan," turan niya at tumalikod na. Dumaan ito sa may bintana. Bago ito tuluyang maka-alis ay sa wakas nagawa ko nang magsalita.

  • Against The Rules   Chapter 14

    Ito ang unang araw ng aking paglabas sa bahay pagamutan ng Gauzian. Nagulat si Dicky ng makitang mabilis na naghilom ang aking mga sugat at pilat. Sinuri pa nitong muli ang aking balat. "DIcky," malamig na wika ni Pawn na ikinaigtad niya. "Nagtataka-" "Halika na!" Nanatiling tikom ang bibig ni Kianna dahil sa presensya ni Dicky. Hindi sila nagkikibuan. Marami akong nakikitang mga interesanteng kagamitang sa bawat pamilihan. Ang sabi sa akin ni Kianna ay ililibot ako ngayon ni Pawn Cyptus sa pamilihan upang pag-usap ako ng mga makakakita. Tinanong ko si Kianna kung para saan, ang sagot naman nito'y malalaman ko rin daw sa tamang panahon. Hindi na lang ako nagtanong pa. Nag-ayos na lamang ako ng mga gamit ko na ibinigay ni Dicky. Magagamit ko raw ang mga ito sa sino mang magtatangka sa aking buhay. Sa ikatlong araw naman gaganapin ang pagsasanay. Kailangan kong makapasa upang malihis ang mainit na mga mata ng ibang Hood. Para rin

  • Against The Rules   Chapter 13

    Sa gitna ng kadiliman ay muli kong nakita ang babaeng may kadena. Ang kaniyang itim na buhok ay nakatabon sa kaniyang sugatang mukha. Batid ko ang kalungkutan sa mga mata nitong may bahid ng luha. "Ikaw ay ako at ako ay ikaw. Pagmasdan mong mabuti ang naging dulot ng pagtitiwala ko! Ang pagtitiwala'y higit na sagrado kay sa sa patakarang lalabagin mo," galit niyang sigaw. "Ang iyong makasasama't pagkatitiwalaan mo ay higit pang kalaban kumpara sa tunay mong kalaban! Pagtataksilan ka rin nila! Pagtataksilan ka rin nila!" puno ng hinagpis niyang sigaw. "Ikaw at ako ay iisa! Kaya't babalaan kita ng paulit-ulit! Ang mundong pinasukan mo'y higit pang malupit at kasuklam-suklam!" Sinubukan kong takpan aking tainga ngunit hindi ko ito matagpuan sa gitna ng madilim na espasyong ito. Labis akong naririndi sa paulit-ulit niyang sinasambit. "Pillow, ang huling pagkabuhay nat

  • Against The Rules   Chapter 12

    Kinaladkad nila ako palabas ng kahoy na tarangkahan. Puno ng nagliliyab na sulo ang nadadaanan namin. Sa bawat sulok ay may madadaanan kaming kulungan. Sa loob n'on ay may nakakulong na naghihingalong preso. Ang iba'y wala ng buhay at iba nama'y sumusigaw para humingi ng pagkain. Kumikirot ang aking puso dahil sa sinapit nila. Ilang araw na kaya silang nakakulong doon? Anong paghihirap ang dinanas nila bago sila pumanaw? Ganoon din ba ang aking sa sapitin balang araw? "Na rito na tayo, Pillow. Mag-iiangat ka," turan ng isang babaeng puno ng pag-aalala ang kaniyang tinig. Lumambot ang aking puso dahil sa kaniyang pag-aalala. Nang pagsarhan nila ako ng pinto'y wala akong ibang maisip kung hindi ay kalaayan. Kalayaan at pagtakas. Ngunit saan ako magtutungo? Saan? Saan nga ba? Saan ako magtutungo upang makaligtas. Ngayon ko lamang napansing hindi ko na gaanong iniinda ang ibang sugat sa aking katawan. Posible kayang ginamot niya ako? Posible kayang ginamot ako ni

  • Against The Rules   Chapter 11

    Napaluhod sila sa labis na takot. Nabitawan pa nila ang aking braso dahil sa panginginig ng kanilang kalamnan. Takot na takot sila sa lalaking kaharap namin. Nang sandaling mabitawan nila ako ay wala akong ibang kahilingan bukod sa huwag nang makaramdam pang muli ng panibagong sakit sa katawan.Hinihintay ko ang paglapat ng aking katawan sa lupa ngunit isang mainit at matigas na mga bisig ang saki'y sumalo. Napasinghap ako ng magtama ang aming balat. Amoy na amoy ko ang mala rosas nitong pabango at ang pulang piring sa kaniyang mata'y na aaninag ko kahit na nanalalabo na ang aking paningin."Nagkita tayong muli, binibini," bulong nito sa aking tainga.Ang mabibigat kong talukap ay napakurap-kurap. Ang ibig sabihin niya ba'y nagkita na kami noon? Ngunit hindi ko siya matandaan. Saan ba kami nagkita? Wari'y pamilyar nga ang kaniyang mukha. Nakatitig ako sa kaniyang pulang piring, pakiramdam ko'y tinititigan ako nito sa likod ng kapirasong tela. Binuhat

DMCA.com Protection Status