Napatalon talon ako at parang may sariling buhay ang katawan kong sumasayaw ng mag-isa na walang musika. Hinawakan ko pa ang saya ng aking roba at nakangiting umikot ikot. Napawi ang ngiti sa'king labi ng mapagtanto na hindi na ako ang may kontrol sa katawan ko.
“Munting binibini. Lapit, lumapit ka..” wika ng isang tinig sa may puno.
Pilit kong pinipigil ang aking katawan ngunit ayaw nitong sumusunod sa'king kagustuhan. Natataranta na ako sa takot. Patuloy lang sa pag-ikot at pagsaliw sa hangin ang aking katawan. Hindi ko alam ang gagawin ko’t ang dapat kong isipin.
“Konsentrasyon, Pillow..” mula sa kung saang tinig.
Napawi ang aking takot ng mapag-sino ang boses na iyon. Agad akong pumikit at inisip kong anong gusto ko.
“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”
“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”
“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..” paulit ulit kong usal hanggang maramdaman ang pag-init ng katawan ko at hiyaw ng isang matinis na boses ng babae.
Sa pagmulat ng aking mata ay na sa ibang lugar na ako. Kitang kita ang maliwanag na buwan sa madilim na kalangitan. Nawalan ako ng balanse kaya’t napasalpak ang aking pang-upo sa lupa. Mahina ang bawat daing ko habang pinipilit na tumayo. Hawak ko sa kabilang kamay ko ang lampara at nakasukbit sa'king balikat ang supot kong dala.
“Nakapagtatakang hindi namamatay ang ilaw sa lamparang ito. Anong sikreto mo?” wika ko sa gitna ng dilim. Iika ikang naglakad ako sa pinakamalapit na bato. Nangliliwanag pa ang ibang parte noon dahil sa sinag ng buwan. Mistulang dyamante ang bato ito sa gilid ng batis.
Agad akong naupo at ipinahinga ang na nanakit kong balakang. Ibinaba ko ang lampara at ang supot sa gilid ng bato. Isinandal ko ang aking likuran at sininghap ang sariwang hangin.
“Nagugutom na ako,” wika ko habang nakatingala sa kalangitan. Nais kong kumain ngunit ano namang kakainin ko? Luminga linga ako sa paligid upang maghanap ng pwedeng kainin.
Agad na nanubig ang aking bibig nang masulyapan ang makintab na kulay pulang bunga sa isang puno na nasa gitna ng batis. Umaagos sa mga ugat nito ang malinaw na tubig na nagmumula sa hilaga.
Iwinaglit ko na sa'king isipan ang naganap kanina sa gitna ng kagubatan. Ang bawat espasyo ng aking utak ay okyupado ng pagkalam ng aking sikmura. Gustong gusto kong matikman ang bungang iyon.
Gustong gusto kong malasahan ang katas na lalabas sa bawat pagnguya ko. Nais kong namnamin ang aroma ng pagkaing iyon. Sa pag-iisip ay hindi ko namalayan ang aking mga paang naglakad sa gitna ng batis.
Mabilis na nanumbalik ako sa katinuan ng maramdaman ang malamig na tubig sa'king dibdib. Akala ko ay mababaw lamang ito ngunit laking gulat ko nang makitang hanggang dibdib ko na pala ’yon.
Agad akong napaatras nang may dumaan na maliwanag na nilalang mula sa tubig. Kulay ginto rin ito. Bakit ba lahat na lamang nang nakikita ko ay kulay ginto? “Wala ka namang ibang alam na kulay bukod sa asul, dilaw, ginto, pula, kahel at berde,” bulong ng aking isip.
Naiiling na ihinakbang ko ang paa ko upang umahon. Bumigat ang aking roba dahil sa pagkabasa nito. Nahihirapang inabot ko ang pinakamalapit na ugat ng puno. Ginawa ko itong gabay upang makaahon.
Bahagya pa itong umigting nang hawakan ko. Napatingala ako sa sa puno. Tila may sariling buhay ito. Gulat ang bumalantay sa aking mata ng makita kong gaano ito kataas. Tila isang normal lamang na puno ito nang masulyapan ko kanina. Ngunit nang narito na ako sa tabi nito ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko.
Mula sa malayo ay may maririnig na papalapit na malakas na agos. Nagmamadaling naglakad ako patungong pangpang. Subalit napakabilis ng agos na iyon. Papalapit nang papalapit ito sa'kin at hindi ko alam ang gagawin.
Hanggang sa ilang milya na lamang ang lapit nito mula sa akin. Tumigil na lamang ako at bahala na kung anong mangyayari sa ’kin. Kahit anong gawin ko ay aanurin din naman ako, kaya’t bakit pa ako mag-aabalang iligtas ang sarili ko.
Nakapikit ang mata ko habang hinihintay ang paghampas ng malakas na tubig sa'king katawan. Ngunit wala. Isang mahigpit na bagay ang pumulupot sa'king bewang. Sapat lang para sa laki ng aking katawan ang ginawa nitong pagkapit.
“Bakit hindi mo iniligtas ang sarili mo?” tanong ng isang malaking boses habang naka-angat ako sa ere. Iniupo ako nito sa kaniyang sanga. Nagmumula ito sa puno sa gitna ng batis.
Ilang minuto pa bago ko nakapa ang isasagot ko sa kaniya. “Kung aanalisahin, ilang segundo na lamang ay lalapat na ang rumaragasang tubig sa'king katawan. Kung magpapatuloy ako sa paggalaw hindi ko magagawang mailigtas ang aking sarili dahil sa pagkataranta,” ani ko at piniga ang roba kong basang basa.
Tumawa ito ng malakas kaya’t muntik na akong mahulog dahil sa pag-uga ng kaniyang katawan. Mabuti na lamang at maagap ang kaniyang mga sanga upang hawakan ako.
“Pasensya ka na. Ngayon lamang ako muling nakatagpo nang katulad mo. Ilang taon na rin mula nang nakatagpo ako ng kulay kahel na dalaga na kasing tapang mo. Ngunit ang pinagkaiba niyo lamang ay ang kulay ng balat niyo at ang pag-aalinlangan sayong mata,” usal nito sa mababang boses.
Tila may lungkot ang kaniyang tinig. Mahihimigan din sa kaniya ang panghihinayang at pangungulila. Siguro’y napakalapit nila sa isa't isa.
“Ano pong nangyari? Bakit po tila nalulungkot kayo?”
Gumalaw ang katawan nito at ipinulupot ang kaniyang sanga sa'kin. Ibinababa ako nito sa ugat niya na bahagyang naka-angat sa batis. Sapat na ng taas nito upang hindi ako maabot nang tubig. Ngunit, naabot ito nang paa ko.
“Ilang libong taon na ang lumipas nang mapadaan siya sa’kin. Ang tapang at anyo ng dalagang iyon ay nakakabighani. Ang kapangyarihan dumadaloy sa kaniyang katawan ang siyang nakakabahag ng buntot. Mismong ako na tagapag-bantay ay kinilabutan nang sandaling sunugin niya ang buong kagubatan,” turan nito sa may bahid ng pagkamangha.
Naiisip ko pa lamang ang malaking sunog sa paraisong ito ay agad akong nalungkot at nakaramdam ng galit. Bakit naman niya susunugin ang ganito kagandang lugar?
“Sa pangalawang pagdaan niya sa lugar na ito. Ay bitbit niya ang napakagandang bata. Kahel din ang kulay ng kaniyang buhok. Kumikintab ito sa madilim na kakahuyan. Ang mga alitaptap ay nasisiyahang sumusunod sa kanila at itago ang mag-ina sa isang puno upang hindi mahanap ng mga kawal ng propesiya,” dagdag pa niya.
Patuloy lang ako sa pakikinig sa kwinekwento niya. May kung ano sa puso ko ang kumikirot dahil sa kwentong ito. “Kumain ka muna. Alam kong nagugutom ka,” wika nito at inabot ang kulay pulang bunga.
“Salamat po!” magiliw kong ani at agad na kinagat iyon.
“Gusto mo pa bang ikwento ko ang tungkol sa iyong in— sa babae?”
Tumango na lamang ako at hindi na umimik pa. Ang sarap kasi ng bungang ito. Napakatamis at kakaiba ang lasa.
“Lumipas pa ang ilang taon, muling nagbalik ang babae. Nakasuot ito ng pulang kimono,” natigilan ako sa pagbanggit nito ng pulang kimono. Nabitin ang pagkagat ko sa bunga at matamang tumitig sa kaniya. Napansin siguro ng puno ang pagkatigil ko. “Anong problema?” tanong niya.
Umayos ako ng pagkakaupo at sinagot siya, “Nang pumasok ako sa loob ng way of hell nakita ko rin ang babaeng nakapulang kimono at kulay kahel ang buhok ng isang batang babae,” ani ko na ikinawasiwas ng kaniyang mga dahon. Tila isang punong hinaplit ng malakas na hangin ang kaniyang itchura.
“Anong problema?” tanong ko sa kaniya.
“Hanggang dito na lamang ang maikukwento,” kapag kuwang ani niya. Binigyan pa niya akong muli ng bunga.
“Dito ka muna magpalipas ng gabi. Saan ba ang tungo mo?”
“Sa Rolean Academy po,” sagot ko.
“Mag-aaral ka?” Tumango ako bilang sagot at inubos ang unang bungang ibinigay niya.
“Mag-iingat ka sa loob noon. Hindi simpleng paaralan ang papasukan mo. Bilang tanda ng pagkakaibigan natin, ito ang isang munting regalo mula sa Golden Forest. Kung kakailanganin mo ang tulong ko, hipan mo lamang ang gintong dahon na ito,” ani niya at inabot ang gintong dahon.
Natutuwang inabot ko ito at pinagmasdan. Binali-baliktad ko pa ito.
“O siya matulog ka na.”
Pinulupot nitong muli ang kaniyang sanga sa’king bewang at inangat ako sa tuktok ng kaniyang sanga. Nakahelera ang mga dahon niya na nagmistulang kama at unan. May mga bulaklak rin sa paligid.
“Matulog ka na. Magandang gabi, Pillow.”
Magtatanong pa sana ako dahil sa paano niyang nalaman ang pangalan ko gayoong hindi ko naman ito nabanggit sa kaniya. Pumikit ng tuluyan ang mata ko nang sandaling ihiga ako nito sa kaniyang sanga.
Pagkagising ko sa umaga ay maraming prutas ang nakapaligid sa’kin. “Magandang umaga, gising ka na pala. Kumain ka na at maghanda sa unang araw ng pamumuhay mo,” bati nito kaya mabilis akong bumangon. Kumain ako at ibinababa ng sanga ng puno.
“Subukan mong manghuli ng isda,” ani nito na mabilis ko naman ginawa. Sa una ay nahihirapan pa ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Nasanay akong nakahain na sa hapag ang kakainin namin ni tanda. Kumusta na kaya si tanda?
Sa apat na araw na pamamalagi ko sa tabi ni Olfor, ang puno na nagturo sa akin ng pamumuhay sa labas ng ang aking kinagisnang lugar ay napakadami na akong natutunan. Hindi pa la madaling mamuhay ng mag-isa kaya siguro ganito na lamang ang pagtutol ni tanda sa akin na umalis at mag-aral. Ayon din kay Olfor mas lalong marami kang nalalaman mas malaki ang tiyansang mapahamak ka. Kung hindi matibay ang pananalig mo sa iyong sarili mas makabubuting wala kang kaibiganin kapag na sa loob ka na ng paaralan.Na alimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Olfor."Pillow, gumising ka! Kailangan mong maalis ngayon din!"Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis akong dumaosdos sa kaniyang mga sanga. Kaya ko nang bumaba ng walang kahirap-hirap dahil sa ilang araw na pagtuturo niya sa akin."Anong problema, Olfor?" tanong ko sa kaniya na papungas-pungas pa."Ang mga kalahok sa Rolean Blood plus ay naghahanap ng maaari nilang maging alipin para sa gaganaping
Iniwan na nga ako ni Grocha sa may pangpang. Sa gitna ng kadiliman ay lumiwanag ang ibinigay sa aking regalo ni Olfor. Ito ang nagbigay daan sa aking upang matagpuan ang isang maliit na daanan. Naglakad ako papasok sa makitid na halaman. Tinanaw ko muna sa malayuan ang asul na tarangkahan na kung saan si David at Argus ay na roon. Hindi ko lubos maisip na malayo pa rin ang lalakbayin ko bago marating ang paaralan."Lumapit ka upang tuluyang makapasok sa iyong paaralan," rinig kong turan ng kung sino.Sinuyod ko ang bawat sulok ng kadiliman upang mahanap ang tinig na iyon. Ngunit wala akong makita. Tinahak ko na lamang ang daan ng hindi lumilingon sa aking likod. Pakiramdam ko ay kanina pang may sumusunod sa akin. Ilang minuto pa ay narating ko na ang nagliliwanag na lagusan.Nag-aalangan man ay pumasok na lamang ako. Labis akong napasinghap ng magbago ang paligid. Napapikit-pikit pa ako dahil hindi ako makapaniwalang na sa loob na agad ako ng paaralan. Sa aking
Ang bawat pagsaguyod ng bangko sa sahig ay naghahatid ng panlalamig at pagtaas ng aking balahibo."Pawn, Cyptus," puno ng paggalang na wika nilang lahat.Wala akong ibang nagawa kung hindi ay bumangon na lamang. Hindi ko kaya ang matinis na tunig na paulit-ulit nilang ginagawa. Pakiramdam ko ay mahihiwalay ang mga ngipin ko sa aking gilagid. At ang presensya ng kanilang pinuno ay naghahatid ng kakaibang epekto sa aking katawan. Tila sinasambit ng malamig nitong himig na "tatayo ka o matutulog ka habang buhay."Inangat ko ang aking katawan sa pagkahihiga. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Kadiliman ang sumalubong sa aking balintataw. Hindi ko mapag-sino ang mga na sa paligid ko."Why we should choose you?" ani ng isang baritonong tinig.Hindi ko sigurado kung ano ang sinaad niya. Gayoong ang wika niyang gamit ay hindi ko tiyak. Sinubukan kong aninagin ang na sa paligid. Ang mga malalabong bulto nila sa kadiliman ay pilit kong kikitain hangga
Casspien's PovNapaka-sarap ng aking pagkaiidlip sa itaas ng malaking puno. Inunan ko aking magkabilang braso at mapayapang dinama ang hanging dumarampi sa aking balat."New target ng Cuensesa SBH ang newbie under sa Gauzian Hood. Wala raw itong katangian ng isang guardian. Nakapagtataka kung bakit ito napili ni Olfor upang magrepresenta para sa Golden Forest," puno ng inggit na wika ng isang babaeng kulot ang buhok.Napabuntong-hininga na lamang ako habang nag-uusap sila. Ang mga babae nga naman. Sila sila rin ang nag-iinggitan. Muli kong ipinikit ang aking mata at sinubukang ibalik ang sarili sa pagkahihimbing. Kaso naka-iirita ang mga bulungan nila. Dinaig pa ng matitinis nilang boses ang huni ng mga bubuyog."Well, I can't wait to saw her bloody body for this upcoming Blood Plus.""I think she wans't aware what's school she popped in, Lipton."Tumagilid ako ng higa dahil hindi ko na magawang bumalik sa pagkatutulog. Wala bang balak
"Sa pagbabalik ng pinuno niy ano na lamang ang sa sabihin niya? Anong mukha ang ihaharap ninyo sa kaniya?" "Huwag niyo siyang biguin. Huwag niyong sayangin ang mga pagsasakripisyo niya sa inyo." Nag si tahimik silang lahat, tanging paghikbi lamang ang madidinig sa buong paligid. "Na saan ang quick bomb?" tanong ko. Walang sumagot sa kanila at alam kong hindi rin nila tatangkaing sumagot sa akin. Dahil pagsagot sa akin habang galit ay parang pagtanggap sa nalalapit mong kamatayan. "Na saan?" paguulit ko. Nanatili silang tahimik kaya mas lalo akong nairita. Hinilot ko ang aking sentido at nanlilisik ang matang pinakatitigan sila. Akmang kwe-kwelyuhan ko ang pinakamalapit sa aking miyembro ng may papalapit na palaso akong naaninag. Mabilis ko itong iniwasan at ibinaling ang katawan sa likuran. Kasabay ng pagpihit ko ay ang pagdaing ng isang miyembro. "Pa..pawn," usal nito. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino an
Pillow's Pov Ang hirap ng buhay sa kabihasnan na hindi sakop ng inosenteng kaisipan. Ang maparito sa lugar na ito ay hindi nino man pangangarapin. Halos hindi ko magawang imulat ang aking bata. Tila may nakadagan na mabigat na bagay na siyang nagdududlot ng pagsasara nito. Ang mga braso't aking balikat koay namamanhid, gayoon rin ang aking puso, nawalan ito ng pakiramdam dahil sa nawasak na tiwala. Ang pagtitiwala sa sino man sa loob ng paaralang ito ay hindi magdudulot ng magandang resulta. Simula sa araw na ito walang sino man ang sa aki'y makapananakit pa. Mag mula sa oras na ito ang bawat pagpatak ng aking dugo'y katumbas ng libong kamatayan. Kung hindi ako mahina't kulang ang kaalaman siguro'y walang makapananakit sa akin. Walang sino man ang manghahamak sa katulad ko. Ang lahat ng embolbado sa sinapit kong pagdurusa'y triple ang aking ibabalik. Bawat pagluha, bawat pawis, at bawat dugo'y buhay ang ipapalit ko. Tatanawin kong ma
Napaluhod sila sa labis na takot. Nabitawan pa nila ang aking braso dahil sa panginginig ng kanilang kalamnan. Takot na takot sila sa lalaking kaharap namin. Nang sandaling mabitawan nila ako ay wala akong ibang kahilingan bukod sa huwag nang makaramdam pang muli ng panibagong sakit sa katawan.Hinihintay ko ang paglapat ng aking katawan sa lupa ngunit isang mainit at matigas na mga bisig ang saki'y sumalo. Napasinghap ako ng magtama ang aming balat. Amoy na amoy ko ang mala rosas nitong pabango at ang pulang piring sa kaniyang mata'y na aaninag ko kahit na nanalalabo na ang aking paningin."Nagkita tayong muli, binibini," bulong nito sa aking tainga.Ang mabibigat kong talukap ay napakurap-kurap. Ang ibig sabihin niya ba'y nagkita na kami noon? Ngunit hindi ko siya matandaan. Saan ba kami nagkita? Wari'y pamilyar nga ang kaniyang mukha. Nakatitig ako sa kaniyang pulang piring, pakiramdam ko'y tinititigan ako nito sa likod ng kapirasong tela. Binuhat
Kinaladkad nila ako palabas ng kahoy na tarangkahan. Puno ng nagliliyab na sulo ang nadadaanan namin. Sa bawat sulok ay may madadaanan kaming kulungan. Sa loob n'on ay may nakakulong na naghihingalong preso. Ang iba'y wala ng buhay at iba nama'y sumusigaw para humingi ng pagkain. Kumikirot ang aking puso dahil sa sinapit nila. Ilang araw na kaya silang nakakulong doon? Anong paghihirap ang dinanas nila bago sila pumanaw? Ganoon din ba ang aking sa sapitin balang araw? "Na rito na tayo, Pillow. Mag-iiangat ka," turan ng isang babaeng puno ng pag-aalala ang kaniyang tinig. Lumambot ang aking puso dahil sa kaniyang pag-aalala. Nang pagsarhan nila ako ng pinto'y wala akong ibang maisip kung hindi ay kalaayan. Kalayaan at pagtakas. Ngunit saan ako magtutungo? Saan? Saan nga ba? Saan ako magtutungo upang makaligtas. Ngayon ko lamang napansing hindi ko na gaanong iniinda ang ibang sugat sa aking katawan. Posible kayang ginamot niya ako? Posible kayang ginamot ako ni
Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya."Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin."Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin."Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit
Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid."Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun
Habang na sa himpapawid kami'y hindi ko maiwasang mapasulyap at ilabas ang aking kamay sa may bintana upang hawakan ang mapuputing usok na tinatawag nilang ulap."Pillow, huwag mong inilalabas ang iyong kamay. Baka makita at maamoy ng hungry fish ang iyong aroma at salakayin tayo," saway ni Death sa akin."Hungry Fish?" tanong ko at ipinasok ang aking kamay sa isang maliit na lampara. Nilalamig ako dahil sa dulot na kakaibang enerhiya ng mga ulap sa aking balat."Hungry Fish, sila ang mga isinumpang sirena sa karagatan. Pinarusahan sila at ginawang taga bantay at taga linis ng kalangitan. Sila ang pumapawi sa mga bagyo't sama ng panahon. Ngunit ang iilan sa mga hungry fish ay matitigas ang mga ulo.""Sila pa mismo ang nagpapalakas ng buhawi't mga masasamang klima sa mundo ng mga tao," saad ni Dicky na kasalukuyang umiinom ng tsa-a."Kung gaanoon sila ang dapat sisihin sa mga buhay na nawawala dahil sa paghugupit ng masamang
Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Napakabanayad ng musika, habang ako'y na natili lamang na nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Naaaliw na tinitigan ko ang bawat galaw nila. Pakiramdam ko ay sumasayaw na rin ang aking katawan sa pamamagitan lamang nang pagtitig ko sa kanilang masayang mukha. Huminga ako ng malalim at pinihit ang katawan sa kabilang direksyon. Ginagap ng aking mata kung na saan ang aking mga kasama. Ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw. Huminto ang tugtog gayoon din ang paggalaw ng mga tao. Nangyari na ito, bulong ng aking isipan. Nanigas ako sa gitna ng madilim na kapaligiran. Habang malamig na umiihip ang hangin sa aking gawi'y nakararamdam ako ng kakaibang saya. Dinadala ng hangin ang isang pamilyar na amoy na nunuot sa aking ilong. Alam ko kung kanino ito nang gagaling. Nagsipagtayo ang aking balahibo ng makaramdam ng mainit na bagay na lumapat sa aking leeh. "Hindi kita nagawang isayaw, binibini" bulong nito sa aking
Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng may piring na mata. Ang bawat kabutihang maibibigay ng kahit na sino'y may kapalit at hindi dapat pagkatiwalaan.Kinakabahan man ay pagkatitiwalaa ko si Dicky. Babalikan ako nito. Kung hindi niya man ako babalikan ay hindi na ako magtitiwala."Mamili ka ng nais mong kasuotan, binibini."Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Kumabog ang aking dibdib dahil sa kaisipaang na rito ito upang gabayan ako."Nagkita tayong muli, binibi" ani niya na may ngiti sa labi. May pula pa rin itong piring sa mata.Hindi ko nagawang magsalita dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng malakas na kabog sa aking dibdib. Ang mga ngiti nitong kawangis ng ngiti ni Pawn Cyptus."Mr. Crushio ang nais kong isuot ng dilag na ito ay kawangis ng perlas na kasuotan," turan niya at tumalikod na. Dumaan ito sa may bintana. Bago ito tuluyang maka-alis ay sa wakas nagawa ko nang magsalita.
Ito ang unang araw ng aking paglabas sa bahay pagamutan ng Gauzian. Nagulat si Dicky ng makitang mabilis na naghilom ang aking mga sugat at pilat. Sinuri pa nitong muli ang aking balat. "DIcky," malamig na wika ni Pawn na ikinaigtad niya. "Nagtataka-" "Halika na!" Nanatiling tikom ang bibig ni Kianna dahil sa presensya ni Dicky. Hindi sila nagkikibuan. Marami akong nakikitang mga interesanteng kagamitang sa bawat pamilihan. Ang sabi sa akin ni Kianna ay ililibot ako ngayon ni Pawn Cyptus sa pamilihan upang pag-usap ako ng mga makakakita. Tinanong ko si Kianna kung para saan, ang sagot naman nito'y malalaman ko rin daw sa tamang panahon. Hindi na lang ako nagtanong pa. Nag-ayos na lamang ako ng mga gamit ko na ibinigay ni Dicky. Magagamit ko raw ang mga ito sa sino mang magtatangka sa aking buhay. Sa ikatlong araw naman gaganapin ang pagsasanay. Kailangan kong makapasa upang malihis ang mainit na mga mata ng ibang Hood. Para rin
Sa gitna ng kadiliman ay muli kong nakita ang babaeng may kadena. Ang kaniyang itim na buhok ay nakatabon sa kaniyang sugatang mukha. Batid ko ang kalungkutan sa mga mata nitong may bahid ng luha. "Ikaw ay ako at ako ay ikaw. Pagmasdan mong mabuti ang naging dulot ng pagtitiwala ko! Ang pagtitiwala'y higit na sagrado kay sa sa patakarang lalabagin mo," galit niyang sigaw. "Ang iyong makasasama't pagkatitiwalaan mo ay higit pang kalaban kumpara sa tunay mong kalaban! Pagtataksilan ka rin nila! Pagtataksilan ka rin nila!" puno ng hinagpis niyang sigaw. "Ikaw at ako ay iisa! Kaya't babalaan kita ng paulit-ulit! Ang mundong pinasukan mo'y higit pang malupit at kasuklam-suklam!" Sinubukan kong takpan aking tainga ngunit hindi ko ito matagpuan sa gitna ng madilim na espasyong ito. Labis akong naririndi sa paulit-ulit niyang sinasambit. "Pillow, ang huling pagkabuhay nat
Kinaladkad nila ako palabas ng kahoy na tarangkahan. Puno ng nagliliyab na sulo ang nadadaanan namin. Sa bawat sulok ay may madadaanan kaming kulungan. Sa loob n'on ay may nakakulong na naghihingalong preso. Ang iba'y wala ng buhay at iba nama'y sumusigaw para humingi ng pagkain. Kumikirot ang aking puso dahil sa sinapit nila. Ilang araw na kaya silang nakakulong doon? Anong paghihirap ang dinanas nila bago sila pumanaw? Ganoon din ba ang aking sa sapitin balang araw? "Na rito na tayo, Pillow. Mag-iiangat ka," turan ng isang babaeng puno ng pag-aalala ang kaniyang tinig. Lumambot ang aking puso dahil sa kaniyang pag-aalala. Nang pagsarhan nila ako ng pinto'y wala akong ibang maisip kung hindi ay kalaayan. Kalayaan at pagtakas. Ngunit saan ako magtutungo? Saan? Saan nga ba? Saan ako magtutungo upang makaligtas. Ngayon ko lamang napansing hindi ko na gaanong iniinda ang ibang sugat sa aking katawan. Posible kayang ginamot niya ako? Posible kayang ginamot ako ni
Napaluhod sila sa labis na takot. Nabitawan pa nila ang aking braso dahil sa panginginig ng kanilang kalamnan. Takot na takot sila sa lalaking kaharap namin. Nang sandaling mabitawan nila ako ay wala akong ibang kahilingan bukod sa huwag nang makaramdam pang muli ng panibagong sakit sa katawan.Hinihintay ko ang paglapat ng aking katawan sa lupa ngunit isang mainit at matigas na mga bisig ang saki'y sumalo. Napasinghap ako ng magtama ang aming balat. Amoy na amoy ko ang mala rosas nitong pabango at ang pulang piring sa kaniyang mata'y na aaninag ko kahit na nanalalabo na ang aking paningin."Nagkita tayong muli, binibini," bulong nito sa aking tainga.Ang mabibigat kong talukap ay napakurap-kurap. Ang ibig sabihin niya ba'y nagkita na kami noon? Ngunit hindi ko siya matandaan. Saan ba kami nagkita? Wari'y pamilyar nga ang kaniyang mukha. Nakatitig ako sa kaniyang pulang piring, pakiramdam ko'y tinititigan ako nito sa likod ng kapirasong tela. Binuhat