Chapter: Chapter 19Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya."Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin."Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin."Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit
Huling Na-update: 2021-11-08
Chapter: Chapter 18Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid."Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun
Huling Na-update: 2021-11-07
Chapter: Chapter 17Habang na sa himpapawid kami'y hindi ko maiwasang mapasulyap at ilabas ang aking kamay sa may bintana upang hawakan ang mapuputing usok na tinatawag nilang ulap."Pillow, huwag mong inilalabas ang iyong kamay. Baka makita at maamoy ng hungry fish ang iyong aroma at salakayin tayo," saway ni Death sa akin."Hungry Fish?" tanong ko at ipinasok ang aking kamay sa isang maliit na lampara. Nilalamig ako dahil sa dulot na kakaibang enerhiya ng mga ulap sa aking balat."Hungry Fish, sila ang mga isinumpang sirena sa karagatan. Pinarusahan sila at ginawang taga bantay at taga linis ng kalangitan. Sila ang pumapawi sa mga bagyo't sama ng panahon. Ngunit ang iilan sa mga hungry fish ay matitigas ang mga ulo.""Sila pa mismo ang nagpapalakas ng buhawi't mga masasamang klima sa mundo ng mga tao," saad ni Dicky na kasalukuyang umiinom ng tsa-a."Kung gaanoon sila ang dapat sisihin sa mga buhay na nawawala dahil sa paghugupit ng masamang
Huling Na-update: 2021-11-06
Chapter: Chapter 16 Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Napakabanayad ng musika, habang ako'y na natili lamang na nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Naaaliw na tinitigan ko ang bawat galaw nila. Pakiramdam ko ay sumasayaw na rin ang aking katawan sa pamamagitan lamang nang pagtitig ko sa kanilang masayang mukha. Huminga ako ng malalim at pinihit ang katawan sa kabilang direksyon. Ginagap ng aking mata kung na saan ang aking mga kasama. Ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw. Huminto ang tugtog gayoon din ang paggalaw ng mga tao. Nangyari na ito, bulong ng aking isipan. Nanigas ako sa gitna ng madilim na kapaligiran. Habang malamig na umiihip ang hangin sa aking gawi'y nakararamdam ako ng kakaibang saya. Dinadala ng hangin ang isang pamilyar na amoy na nunuot sa aking ilong. Alam ko kung kanino ito nang gagaling. Nagsipagtayo ang aking balahibo ng makaramdam ng mainit na bagay na lumapat sa aking leeh. "Hindi kita nagawang isayaw, binibini" bulong nito sa aking
Huling Na-update: 2021-10-30
Chapter: Chapter 15Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng may piring na mata. Ang bawat kabutihang maibibigay ng kahit na sino'y may kapalit at hindi dapat pagkatiwalaan.Kinakabahan man ay pagkatitiwalaa ko si Dicky. Babalikan ako nito. Kung hindi niya man ako babalikan ay hindi na ako magtitiwala."Mamili ka ng nais mong kasuotan, binibini."Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Kumabog ang aking dibdib dahil sa kaisipaang na rito ito upang gabayan ako."Nagkita tayong muli, binibi" ani niya na may ngiti sa labi. May pula pa rin itong piring sa mata.Hindi ko nagawang magsalita dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng malakas na kabog sa aking dibdib. Ang mga ngiti nitong kawangis ng ngiti ni Pawn Cyptus."Mr. Crushio ang nais kong isuot ng dilag na ito ay kawangis ng perlas na kasuotan," turan niya at tumalikod na. Dumaan ito sa may bintana. Bago ito tuluyang maka-alis ay sa wakas nagawa ko nang magsalita.
Huling Na-update: 2021-10-29
Chapter: Chapter 14Ito ang unang araw ng aking paglabas sa bahay pagamutan ng Gauzian. Nagulat si Dicky ng makitang mabilis na naghilom ang aking mga sugat at pilat. Sinuri pa nitong muli ang aking balat. "DIcky," malamig na wika ni Pawn na ikinaigtad niya. "Nagtataka-" "Halika na!" Nanatiling tikom ang bibig ni Kianna dahil sa presensya ni Dicky. Hindi sila nagkikibuan. Marami akong nakikitang mga interesanteng kagamitang sa bawat pamilihan. Ang sabi sa akin ni Kianna ay ililibot ako ngayon ni Pawn Cyptus sa pamilihan upang pag-usap ako ng mga makakakita. Tinanong ko si Kianna kung para saan, ang sagot naman nito'y malalaman ko rin daw sa tamang panahon. Hindi na lang ako nagtanong pa. Nag-ayos na lamang ako ng mga gamit ko na ibinigay ni Dicky. Magagamit ko raw ang mga ito sa sino mang magtatangka sa aking buhay. Sa ikatlong araw naman gaganapin ang pagsasanay. Kailangan kong makapasa upang malihis ang mainit na mga mata ng ibang Hood. Para rin
Huling Na-update: 2021-10-27