All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 191 - Chapter 200

1942 Chapters

Kabanata 191

Nang marinig ang mga salita ni Alex, nanlaki ang mata ng lahat, para bang namamalikmata sila. Noon pa di kilala si Priscilla sa Devil Coven, isa lang siyang tao sa gilid. Nakiusap lang sila sa kanya na sumama sa club dahil mukha siyang uto-uto, kaya mauutos-utusan siya ng mga ito pra gumawa ng bagay para sa kanila, tulad ng isang alipin. Pero kalokohan ang dalhin ang isang tulad niya sa entablado para talunin si Trevor. Atsaka, kahit sinong malaki ang katawan sa California State University kay kayang talunin si Priscilla sa isang iglap! Nabigla din si Priscilla, nagamamadali niyan inihawi ang kanyang kamay habang tumatanggi. "Di, di ko… di ko kayang gawin yan! Di ko kayang lumaban sa entablado, lalo na ang talunin siya. Paano ko magagawang umakyat doon at labanan siya kung si Sis Henderson ay natalo din sa kanya?" Sumagot di Alex, "Diba sinabi mo na maniniwala ka sa akin? Magtiwala ka sa akin, siguradong mananalo ka sa laban. Natalo si Annalise, pero di ibig-sabihin nito na ika
Read more

Kabanata 192

"Ang kapal ng mukha mong makipagbiruan?!" Nanggigil si Trevor nang maisip niya ang binabalak ng Devil Coven, sa pamamagitan ng pagpapadala ng mahina sa entablado para makakuha ng oras. Sinugod niya si Priscilla at sinubukang sampalin ito. Gustong patulugin ni Trevor ang walang kwentang basura na ito sa isang sampal, para ipakita ang lakas at karangalan ng presidente ng Green Dragons. "Ah!" Sigaw ni Priscilla at kusa niya itong hinarang gamit ng kanyang kamay. Isang bugso ng Chi ang bumuhos mula sa katawan niya. Smack!Tumama ang sampal ni Trevor sa braso ni Priscilla. Ngayon lang, biglang nakaramdam si Trevor ng isang napakalakas at nakakapamanhid na daloy ng enerhiya na sumusugod sa kanya. Wham!Tumalsik ang buong katawan ni Trevor sa bariles ng entablado at bumagsak nang malakas sa sahig, habang nakatayo ang kanyang mahabang buhok. Nanginginig ang buong katawan niya, habang nakanganga siya, tila ba isang itim na hangin ang lumalabas sa kanyang bibig. Natahimik ang
Read more

Kabanata 193

Thud!Sa ilalim ng madla, tumalon si Michelle sa taas ng bariles at bumagsak sa entablado. Nang dumapo si Michelle sa entablado, ang pagtalbog ng kanyang dibdib ay pinahanga ang lahat, nanlaki ang mga mata nila lalo na ang mga estudyanteng lalaki, lalo silang nagselos kay Alex nang makita ito. Hinila ni Michelle si Priscilla at dinala siya sa likod. Tinitigan niya nang masama ang mayabang na matanda at sinabi, "Ako ang kalaban mo ngayon!" Hindi na nanatili pa sa entablado si Priscilla. Kaya nagmadali siyang tumakbo pababa, habang hawak ang kanyang kamay nang natatakot. Tinapik siya ni Alex sa balikat at ngumiti nang maamo. "Ang galing mo, sabi ko sa'yo mananalo ka eh." "Talaga bang… nanalo ako?" "..." Maraming taong nakatayo sa labas ang tumitig kay Priscilla at umirap. Sumimangot si Annalise at tinitigan si Priscilla, hindi niya maintindihan ang biglang pagbugso ng kanyang kakayahan. Humantong pa siya sa konklusyon na nasobrahan si Trevor sa paggamit ng kapangyarihan ni
Read more

Kabanata 194

Tusong ngumiti si Steven. Pinalakas siya ng isang biglaang bugso ng kakaiba at masamang pwersa sa loob ng kanyang katawan habang pulang mga kislap ang kuminang sa kanyang mga mata. Nang aatakihin pa lamang siya ni Michelle gamit ng kanyang palad, sinalag niya ang kanyang atake gamit rin ng kanya. Bang!Isang malakas na pagsabog ang narinig sa hall. May purong espesyal na enerhiya si Steven na nakatago sa kanyang palad at tumagos ito sa meridians ni Michelle. Ito ang kanyang pinakamalakas na skill: ang skill na may epekto na pang-aakit. Kaya wala siyang pakialam na naitulak siya ni Michelle gamit ng isang palm strike dahil alam niyang mananalo siya sa huli. Pinitik niya pa ang kanyang mga sarili at nagsabing, "Tigil!". Ngunit nawalan ngayon ng epekto ang kanyang laging nananalong skill. Sumugod sa kanya si Michelle nang may napakabangis at maliksing kilos. Tinaas niya ang isa niyang binti at malakas na pinatamaan ang kanyang ulo. "Ano?" Bam!Bumagsak sa lapag si Steven h
Read more

Kabanata 195

"Ang mayamang campus belle, si Beatrice Assex?" "Ikaw ay…" Parehong hindi makapaniwalang tumingin si Annalise at Priscilla kay Beatrice, sabay lumingon kay Alex. Base sa kanilang obserbasyon, inisip nila na si Alex ay nobyo ni Michelle. Bakit sila maghahawak at maghahalikan? Akala nila ay magagalit si Michelle at bubugbugin si Alex, kahit si Beatrice ay ganun rin ang inisip. Tinawag niyang brother-in-law si Alex para lang ibuking ang pagkatao ni Alex. Gusto niyang sabihin kay Michelle na may asawa na siya at pinaglalaruan ang kanyang nararamdaman. Base na nalalaman niya tungkol kay Michelle, tiyak na bubugbugin niya siya. Ngunit, sa kanyang dismaya ay walang kahit na anong nangyari. Bahagyang nagulat si Michelle nang nagsabi siyang, "Beatrice Assex, sister-in-law ka ni Alex? Sana sinabi mo sa'kin kaagad! Kapag may nang-away sa'yo sa university, sabihin mo lang ang pangalan ko at poprotektahan kita." "Ano?" Nagulat ang tatlong lalaki sa kanyang mga salita habang napaisip
Read more

Kabanata 196

Natatakot siya na baka hindi siya makaligtas sa university kung ibubuking niya sila. Nang marating nila ang parking lots, nalaman ni Alex na bibigyan siya ni Michelle ng isang pulang Aston Martin. Uso ang makisig nitong istruktura, pero hindi ito dinesenyo na umandar nang madali sa mga lubak. "Pasensya ka na, hindi ko makuha ang M8 na gusto mo. Wala nang natitirang ganun sa California ngayon. Pwede mong kunin muna to tapos bibigyan kita ng M8 pag meron na." 'Tignan mo siya, ang galante.' Nagawa niyang bumili ng isang mamahaling kotse na nagkakahalagang ilang daang libo nang ganun kadali, na para bang bumibili lang kaya ng lobo. "Sige!" Hindi mapili si Alex sa mga kotse. Nagtungo sila sa isang spicy stew restaurant. Nagulat si Michelle. "Gusto mo kong ilibre nito?" Sumagot si Alex, "Ang balak ko nung una ay ilibre si Priscilla, pero umuwi siya. Umorder lang tayo ng simple." "Nililigawan mo ba si Priscilla? Pwede kitang tulungan, alam mo ba yun? Mapupunta siya sa kama
Read more

Kabanata 197

Ang babaeng nagsalita ay nakaupo sa likod ni Alex at mukhang nasa trenta na ito. Narinig nito ang pag-uusap nila dahil malapit lang ito. Nakikinig na siya simula nung sinabi ni Michelle na gusto niya si Priscilla sa kama ni Alex. Talagang kinamumuhian niya ang dalawa, at gusto pa ngang tumawag ng pulis para huliin sila. Buti na nga lang at tinanggihan ni Alex ang mga ito. Pagkatapos nun, narinig niya na pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa Thousand Leaves, at sinabi nila na isang salita lang nila at makakakuha na sila ng permit. Nang marinig ito, muntik na niyang idura ang kanyang spicy stew. Nagkataon na may alam siya tungkol sa Thousand Leaves.Nagtitinda rin ang kanyang asawa ng materyales sa konstruksyon, kahit na isa lang itong maliit na distributor na nagtatrabaho sa ilalim ng California franchise. Alam niya na pagmamay-ari ng mga Yowells ang Thousand Leaves, isa sa apat na pinakamayaman na pamilya sa California. Kilala rin ang kompanyang ito. Ang kanyang asawa ay
Read more

Kabanata 198

Iminungkahi lang ni Alex na pagagalingin niya ito dahil sa tinulungan siya ni Jack. Ngumiti siya at sinabi, “Mr. Trent, kinakailangan ng paniniwala para makapagligtas ka ng isang buhay. Kung nagdududa ka, ayos lang. Pwede ka naman tumakbo sa isang ospital para magpa-check-up. Kailangan mo nga lang bilisan, kasi nakapwesto sa isang delikadong posisyon ang iyong kidney stone, at baka magdulot pa ito ng malalang impeksyon.” Hindi mapigilan ng lahat na muling tumawa. ‘Hindi ka naman gumamit ng ultrasound o kaya ng X-ray, hindi mo rin tinignan ang pulso nito. Paano mo nalaman na nasa isang delikadong posisyon ang kidney stone nito? Meron ka bang X-ray vision?’Sa oras na yun, nanlaki din ang mga mata ni Michelle. Pinagpatong niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib sa pagdududa. “Alex, meron ka bang X-ray vision?”Hindi siya pinansin ni Alex.Bigla, nagsalita si Jack. “Mr. Rockefeller, naniniwala ako sayo.”Hindi naman siya gumagamit ng surgical knife, kaya alam ni Jack na pwede
Read more

Kabanata 199

Ang batang lalaki ay nabilaukan sa kanyang noodles at nalaglag sa kanyang upuan una pwet.“Ms Yowell, ang diva sa California? Totoo ba ito?”Merong naglabas ng kanilang mga phone at patagong nagsearch para sa California Diva.Maraming mga litrato at resulta ang lumitaw.Si MIchelle ay laging kapansinpansin at walang pakialam sa mga paparazzis. Ang mga Yowells ay walang ding ginagawa tungkol dito, hinahayaan lang nila siya.Kaya, madali lang siyang hanapin.Biglaan, may sumigaw...“Totoo nga! Totoo nga! Siya nga si Ms. Yowell, Michelle Yowell!”“Kung gayon, totoo nga ito! Si Ms. Yowell ay talagang pumunta sa aking restaurant para kumain ng spicy stew. Nag… Nagtataka ako kung makakakuha kaya ako ng litrato sa kanya?”“Mister, bulag ka ba? Tignan mo siya, nagagalit siya. Bakit ka manghihingi ng litrato sa kanya ngayon?”Matapos sampalin ng lalaki ang kanyang sarili ng higit sa sampung beses, nagsalita si Jack. “Kilala mo ba ako?”Tumango ang lalaki.Nagtanong pa ng isa si Jack
Read more

Kabanata 200

”Sa tingin mo ba talaga gusto kong maghintay? Ang surgery fee ay halos kalahating milyong dolyar. At mayroon ding panganib sa surgery, ito ay fifty-fifty na sugal. Maaaring hindi ako mabuhay sa surgery. Parang hindi mo naman alam ang kondisyon ng pamilya ko. Kung mayroong mangyari sa akin, ang aking ina at kapatid ay tapos na. Ayos lang, tama na ang paguusap, aalis na ako. Marami pa akong parcels na ipapadala sa tanghali.”Ang may ari ng store ay napabuntong hininga, ang kanyang mata ay puno ng simpatya.Mukhang ito ay isa pang trahedya.“Sandali lang!” Nagsalita si Alex. “Nagtitiwala ka ba sa akin?”Ang binata ay huminto ng tatlong segundo at ngumiti at tumango. “Oo. bilang kaibigan ni Ms. Yowell, hindi mo magagawang lokohin ang isang mahirap na mababang tao tulad ko.”Tumayo si Alex. “Maniwala ka at ipapakita ko sayo ang liwanag.”Lumapit siya at naglabas ng daliri, nilagay ito isang inch sa taas ng sentido ng binata.Iyon ang lugar kung nasaan ang tumor, sa ilalim ng kanyang
Read more
PREV
1
...
1819202122
...
195
DMCA.com Protection Status