Home / Urban / Realistic / Sukdulan ng Buhay / Chapter 171 - Chapter 180

All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 171 - Chapter 180

1942 Chapters

Kabanata 171

Sa sumunod na araw, dalawang kotse ang dumating sa harap ng Maple Villa bago mag-alas siyete ng umaga.Sa loob ng harap na kotse na isang yayamaning Porsche, ay sina Spark, Carol, Olivia, at Mariah. Ang braso ni Spark ay hindi pa ganap na gumagaling; kaya si Carol ang siyang nagmaneho. Kasunod nila ay isang truck, sa loob nito, isang kabaong na binili nila kagabi.Napupuno ng pananabik at saya kagabi, hindi makatulog si Spark. Ang kawalan ng tulog ay nagsanhi sa kaniya na magkaroon ng pulang mga mata.Gayunpaman, mukhang masigla pa rin siya.Sadyang hindi siya makatulog, iniisip ang pagkamatay ni Alex. Ngayon, siya ay nagpadala ng isang kabaong sa bahay nito, at magagawa rin niyang insultohin si Brittany. Ang lahat ng ‘yon ay kapana-panabik, mas nakakapanabik pa kaysa ang matulog kasama ang kahit na sinong babae...Iyon, gayunpaman, ay may pinaalala sa kaniyang ‘di maganda. Pagkatapos ‘di magawang sagutin ng isang modelo dati, pakiramdam ni Spark ay nagbara ang kaniyang isipan.Nitong
last updateLast Updated : 2021-08-26
Read more

Kabanata 172

Ang dalawang manlalaban naman ay naglipat ng isang rosewood na kabaong palabas ng truck. Noong ilapag nila ito sa lupa, nagsanhi ito ng malakas na tunog, naglalabas ng isang ulap ng alikabok mula sa daanan.“Ah!”Kahit si Waltz ay napasigaw noong makita ang kabaong, ang ekspresyon sa mukha niya ay madilim.Sa kanilang kultura, ang pagbibigay ng isang kabaong bilang regalo ay isang matinding pinagbabawal.Nawalan ng kulay ang mukha ni Brittany, ang buo niyang katawan ay nanginginig.Muling tumawa si Spark at nagpapanggap na sinabi, “Ano? Nagustuhan mo ba? Kung alam mo lang, ang kabaong na ‘to ay gawa sa rosewood na mataas ang kalidad. Sayang lang at si Alex, ang minamahal kong pinsan, ay namatay nang ganito kabata!”“Sayang lang at kinailangan niyang umasa sa mga Assex. Hindi man lang siya hinahayaan ng asawa niya na samahan siyang matulog! Ang magagawa niya lang ay ang humiga sa isang masikip na kwarto, inaalagaan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng tatlong babae. Araw-araw rin si
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more

Kabanata 173

Naglakad si Alex patungo sa gate, hawak-hawak ang isang bag ng almusal. Lumabas siya upang magsanay nang maaga at napagdesisyunan na bumili ng almusal pagkatapos no’n.Hindi niya inaasahan na umuwi sa isang pulang kabaong sa harap ng bahay niya, pati na rin ang makita si Spark at ang iba pa.Kalmado ang tono niya, ngunit ang kaniyang mga mata ay lubos na malamig.‘Sino’ng g*go ang magpapadala ng kabaong sa bahay ng iba kung wala namang libing noong una pa lang?’“Anak!” Lumapit si Brittany kay Alex at niyakap siya nang mahigpit sa sandaling makita siya nito. Tumulo ang luha sa kanilang mga pisngi, at hindi na niya mapigilan ang mga ito.Bago bumalik si Alex, siya ay lubos na nasindak sa balitang ito.Si Brittany ay malambot ang emosyon sa puntong ‘to. Hindi niya matiis ang mawalan ng isa pang minamahal sa buhay.“Ina, may mali ba? Hindi ba’t nakatayo ako rito sa harap mo, buhay at masigla? Nag-aalala lang ako na napapagod ka na sa pagluluto ng almusal araw-araw. Kaya bumili na lang ako
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more

Kabanata 174

Pinagpag ni Waltz ang mga alikabok sa kaniyang mga kamay. “Tapos na ako, brother.”Si Brittany, gayunpaman, ay bahagyang natakot sa eksena na ‘yon. “Alex, nakakahinga ba sila roon? Kamag-anak pa rin naman natin sila, eh, at sapat na ang kaunting parusa. Kapag may nangyaring masama sa kanila, hindi ito ang wakas ng lahat.”Sumagot si Alex, “‘Wag kang mag-alala, ina, walang mangyayaring masama sa kanila.”Ginamit niya ang kaniyang hintuturo para maglagay ng ilang butas sa kabaong, sinisiguro na mayroon silang sapat na oxygen upang mahinga.“Waltz, alagaan mo ang ina ko. Ibabalik ko na ang kabaong na ‘to, kasama ang mga g*go na ‘to.”Alam ni Brittany na kung hahayaan niyang mag-isa ang kanyang anak, palalalain lang nito ang problema. Agad niyang sinabi, “Alex, sasama ako sa ‘yo.”Ninais ding sumama ni Waltz, tila nananabik.“Kung gano’n… Sige! Pero mag-almusal muna tayo bago umalis. Hindi naman masamang magpahinga sandali.Pagkatapos ng ilang sandali, isang malaking Mercedes Benz ang nagm
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more

Kabanata 175

Katatapos lamang ng pagpupulong ni John. Bumalik siya sa opisina niya at naisip kung paano nagpadala ang kaniyang pamilya kay Brittany ng isang kabaong.Lubos niyang kinamumuhian ang babaeng ‘yon, kahit na ito ay ang kaniyang hipag.Noong buhay pa si William, si Brittany ang ikalawang namumuno sa sales at finances ng Rockefeller Group. Lubos na mahirap na gumawa ng mga kalokohan sa likod nito noong nagtatrabaho pa siya sa ilalim nito.Ilang beses na siya nitong napagalitan dahil sa pagbago ng mga dokumento, at pinapahiya siya. Dati pa man ay ninais na niyang magbayad ng mga tauhan upang ipadakip ito at pahiyain nang dalawang beses ng ginagawa nito sa kaniya.Gayunpaman, dahil sa isang pagpupulong kasama ang directors, sayang lang at nalagpasan niya ang magandang palabas.Agad niyang tinawagan ang anak niya, ngunit hindi ito sinagot ni Spark.‘Ang batang ‘to, ang lakas naman ng loob niyang ‘wag pansinin ang tawag ko? Masyado ba siyang nasisiyahan sa pang-iinsulto sa p*ta na ‘yon? Kaya h
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more

Kabanata 176

“Mr. Rockefeller, si Alex ay manlalaban, at medyo may kasanayan din. Malamang siya ay nag-uusok sa galit ngayon, at mapanganib na makipagkita sa kanya nang walang anumang backup. May kilala akong tauhan. May kasanayan din siya sa pakikipaglaban. Mas makakabuti kung hilingin ko sa kanya na suportahan tayo.““O sige!”Agad na tinawagan ni Pepper ang numero ni Baldy.Sinimulan niya agad ang pagplano sa kanyang isipan. Dahil hindi pa patay si Alex, nangangahulugan lamang ito na nasa kanya pa ang gamot, at maaari niya itong kunin sa kanya nang sapilitan.Alam niyang wala siyang mga kasanayan upang agawin ito mula sa Yowells. Gayunpaman, kung si Alex lang ang dapat niyang harapin, lahat ay mas komportable sa pakiramdam.Sa parehong oras, ang madla ng mga tao ay nabuo sa paligid ng kabaong sa Rockefeller Manor.Halos lahat sa manor ay lumabas upang manuod. Ang mga kasambahay, gwardiya, at maging si Paige at ang kanyang asawa ay sumugod kaagad sa sandaling narinig nila ang balita.Pinadyak ni
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more

Kabanata 177

'Ano?'Napatingin si John kay Waltz. Namumuo ang kanyang mga ugat sa noo.“Sino ka sa palagay mo? Hindi ka karapat-dapat para kausapin ako. Umalis ka nga!”Mula sa kanyang paningin, si Waltz ay tulad ng anumang ibang babae, marahil ay medyo mas maganda. Kung karaniwan ang sitwasyon, tiyak na susubukan niyang makipagharot sa gayong kagandahan. Gayunpaman, dahil sa kasalukuyang mga pangyayari kung saan ang kanyang asawa at anak ay parehong nakakulong sa isang kabaong, wala siya sa mood para doon.Mariing itinulak ni John ang takip ng kabaong.Gayunpaman, hindi man lang ito gumalaw.Mahigpit na nakapako ang pagkasara nito. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang lakas lamang ay hindi magiging sapat upang buksan ang kabaong.“Gards! Gards! Lumapit kayo at tulungan ninyo ako dito! Hindi ba gumagana ‘yang mga kokote ninyo? Hindi ko kayo binayaran para tumayo lang diyan at tumunganga!“ Umungal si John, tumatalsik ang laway niya sa buong lugar sa bawat pantig na kanyang binibigkas.Nagkatinginan lang
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more

Kabanata 178

Hindi mapigilan ni Kalbo ang mapasigaw sa sakit. Tumatagos sa kanyang noo ang malamig na mga patak ng pawis.Ang buong pamilyang Rockefeller ay mukhang labis na nabigo. Lumapit sa kanilang lahat si Kalbo na maangas at mayabang, nagtatapon ng matitinding insulto na walang pake sa mundo. Akala nila siya ay isang maalamat na manlalaban, ngunit iyon pala, ay pagpapanggap lamang.Ngumisi si Waltz. “Sino ako? Ako ay espesyal na tagapaglingkod ng aking master. Kung hindi mo man lang malabanan ang hamak na lingkod, paano mo naiisip na kaya mong manindigan para sa iba? Umalis ka na!”Si Waltz, na matamis na nakangiti kanina, ay biglang naging psychopath at sinampal nang husto si Kalbo ng dalawang beses. Nagawa niyang bunutin ang dalawa sa mga ngipin nito.Baluktot ang ekspresyon ni Kalbo, halatang kinilabutan. Napasuka pa siya ng kaunting dugo.Hindi siya naglakas-loob na magsabi ng kahit isang salita habang tinitingnan niya si Pepper. Nang may madilim na mukha, naghanda siyang umatras at umali
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more

Kabanata 179

“Auction ng gamot? Heh, Alex, malamang ay nagkakamali ka. Wala naman akong kaalaman sa medisina, bakit ako mapupunta sa auction? Kadalasan ay pupunta lamang ako sa ospital kung kailangan ko ng gamot. Bakit pa ako maglalakas-loob na kumuha ng anumang gamot? Sinong nakakaalam kung anong maaaring epekto ang meron ito?” Ngumiti si Pepper, tinatanggihan ang mga paratang ni Alex.Ibinalik ni Alex ang kanyang ngiti at sinabi, “Tama ka, sinong nakakaalam kung anong maaring epekto ang meron ito? Alam mo dapat kung ano ang mas nakabubuti, ‘di ba, Secretary Kimmich? Mag-ingat ka sa iyong mga hakbang. Mero kang apat na mga mata, kaya dapat mas malinaw dapat ang nakikita mo kaysa sa karamihan sa atin. Sana hindi ka na gumawa ng ibang maling hakbang.“Saka siya humarap kay John.“Ilang araw ka nang malapit sa deadline. Kailangan mong pag-isipan ito.““Kung tatanggihan mong ibalik ang hiniling ko, marahil ay hindi mo na mabubuksan ang kabaong ito. Magpakailanman.“Marahang inilagay ni Alex ang kanyan
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more

Kabanata 180

Ang sinumang nasa kanilang tamang pag-iisip ay hindi sasabihin ang gayong mga bagay, higit lalo na’t pagkatapos silang mailigtas mula sa kamatayan.Nais ni Waltz na bugbugin si Bill doon mismo at pagkatapos ay pinigilan siya ni Alex.Pinunit ni Alex ang kanyang shirt na nadumihan mula sa dura at itinapon ito sa lupa. “Ipinapahiwatig nito na wala na kaming utang sa’yo. Lilisanin na namin kayo, tanda. Mula ngayon, wala na akong relasyon sa mga Rockefeller. Wala akong utang sa’yo, ngunit meron kang utang sa’kin. Kung hindi mo ibabalik ang dating pagmamay-ari ng aking tatay bago ang ika-5 ng Oktubre, lahat kayo’y magbabayad gamit ng inyong mga buhay.”“Tara na, Mom!”“Manahimik ka nga!” Si Bill ay nagngangalit, sinisigawan siya na may mga matang puno ng poot. “Bueno, halika at kunin mo ang aking buhay dito mismo, ngayon din! Ikaw na pesteng hidi marunong magpasalamat, hindi kita bibigyan ni isang sentimo mula sa aming pamilya! Tingin mo ba ay isa kang Rockefeller? Mangarap ka! Hindi ka kai
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more
PREV
1
...
1617181920
...
195
DMCA.com Protection Status