Ang sinumang nasa kanilang tamang pag-iisip ay hindi sasabihin ang gayong mga bagay, higit lalo na’t pagkatapos silang mailigtas mula sa kamatayan.Nais ni Waltz na bugbugin si Bill doon mismo at pagkatapos ay pinigilan siya ni Alex.Pinunit ni Alex ang kanyang shirt na nadumihan mula sa dura at itinapon ito sa lupa. “Ipinapahiwatig nito na wala na kaming utang sa’yo. Lilisanin na namin kayo, tanda. Mula ngayon, wala na akong relasyon sa mga Rockefeller. Wala akong utang sa’yo, ngunit meron kang utang sa’kin. Kung hindi mo ibabalik ang dating pagmamay-ari ng aking tatay bago ang ika-5 ng Oktubre, lahat kayo’y magbabayad gamit ng inyong mga buhay.”“Tara na, Mom!”“Manahimik ka nga!” Si Bill ay nagngangalit, sinisigawan siya na may mga matang puno ng poot. “Bueno, halika at kunin mo ang aking buhay dito mismo, ngayon din! Ikaw na pesteng hidi marunong magpasalamat, hindi kita bibigyan ni isang sentimo mula sa aming pamilya! Tingin mo ba ay isa kang Rockefeller? Mangarap ka! Hindi ka kai
Matapos siyang titigan nang maigi, inabot ni Alex ang kanyang kamay, hinawakan ang kanyang malambot at makinis na mukha.Si Waltz ay matamis na ngumiti at ang kanyang mga mata ay kumurba sa dalawang magagandang gasuklay na buwan na tila handa niyang tanggapin ang mga labi ni Alex sa kanya.Gayunpaman, nagsalita si Alex, “Alam ko na sinusubukan mo akong ikonsuwelo, upang mapagaan ang loob ko. Sa totoo lang, nag-aalala ka masyado. May mga pinagdaanan na akong mas masahol pa, saka hindi rin ito malaking bagay.““Talagang gumaan ang aking loob na hindi ako nakaugnay sa mga Rockefeller. Hindi ako mag-alala ng sobra kung kailangan kong lumaban pabalik.““Ngunit, ang pagsaksak ng iyong pamilya sa iyong likuran ay ang pinaka-hindi katanggap-tanggap na bagay, hindi ba?”Mahinang tumango si Waltz.Nagtagpo ulit ang kanilang mga mata. Ang kapaligiran sa pagitan ng dalawa ay unti-unting nawalan ng kasiguraduhan habang ang kanilang mga tingin ay naging mainit at nakakaakit. Tumabi si Waltz kay Alex
Siyempre, madaling naiwasan ni Alex ang tsinelas.Sa sandaling iyon, tinawag siya ni Dorothy mula sa hagdanan sa ikalawang palapag, “Alex, umakyat ka na.”Nang ninais na ni Alex na maglakad sa hagdan, pinigilan siya ni Claire sa pamamagitan ng paghila sa kanyang braso. “Hindi pwede! Dorothy, nababaliw ka ba? Paano mo pahihintulutan ang talunang ito na umakyat sa iyong silid? Makakasira iyan sa iyong reputasyon kung makakalabas ang balitang ito! Paano ka magpapakasal pagkatapos nito?“Malamig na tugon ni Dorothy, “Mom, uulitin ko ang sarili ko. May asawa na ako, asawa ko si Alex. Sa kabaligtaran, ang iyong mga pagrereklamo ay talagang makakasira sa aking reputasyon. Ano bang gusto mo? Gusto mo bang saksakin ko ang puso ko, saka ka lang masisiyahan?“Napagtanto na si Dorothy ay talagang galit na galit, si Claire, na wais, ay binitawan lamang si Alex at sumigaw sa kalangitan, “Oh Diyos ko, anong bang ginawa ko sa aking nakaraang buhay upang maging karapat-dapat ito sa’kin?!”Tumatangging
Sa sandaling si Madame Joanne ay mayabang na lumakad sa pintuan, mabilis niyang sinulyapan ang loob ng villa, na may kasamang pagkasuklam at pagkadismaya sa kanyang mukha. Ang kanyang presensya ay parang bang may magarbong regalo na iginawad sa kanila.Pinagsalitaan na ng masama ni Claire si Madame Joanne sa likuran niya nang maraming beses. Nang makita ang kanyang pagdating, agad siyang tumalon mula sa sofa upang salubungin siya ng maligayang pagdating, sa kabila ng sakit ng kanyang mga paa.“Mom, bakit ka napabisita? Dito, umupo ka!”Hawak niya ang braso ni Madame Joanne, ginagabayan siya sa sofa.Gayunpaman, hindi gumalaw si Madame Joanne ng isang pulgada at pilit na itinaboy ang kanyang mga kamay.Nandidiring tinitigan sila ni Emma. “Ugh, talaga? Tingnan mo nga kung gaano kadumi ang iyong sofa. May dugo din sa sahig! Saan nagmula ang dugong ‘yan? Syphilis ba ‘yan? Paano mo magagawang hayaan siyang umupo diyan? Sinusubukan mo bang mahawahan si Lola ng mga ganyang karumaldumal na sak
Walang imik si Dorothy dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Nagsalita si Alex, “Tinulungan tayo ni Mr. Carter dati dahil sa akin.”Tumawa nang malakas si Anderson. “Dahil sa’yo? Ikaw ay hamak na inabandunang bata lamang mula sa Rockefellers, talunan na namumuhay gamit ang kanyang asawa! Bakit ka tutulungan ni Mr. Carter? Alam ng lahat na si Dorothy ay nagkukunwari lamang sa nitong nakaraan. Bakit makikilala ni Mr. Carter ang talunang tulad mo? Malamang ay binigay lamang sa’yo ni Dorothy ang kredito pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata!“Sumagot si Dorothy, “Wala akong kakayahang pasunurin si Mr. Carter sa aking mga kagustuhan. Dahil talaga ‘yon kay Alex.“Lalong lumakas ang tawa ni Anderson. “May kakayahan ka, dahil sa kagandahan mong tinataglay! Hangga't ibubuka mo ang iyong mga hitra, tiyak na tutulungan ka ni Mr. Carter. Kung hindi man, bakit ikaw lang ang nakapag-secure ng kontrata sa kanya kung ang iba ay nabigo na gawin ito? Huwag kang mag-alala, hindi namin hahayaan
“Tiyo Benny, masisira ang aking kumpanya kung ibebenta ko ang mga materyales sa kalahati ng presyo sa merkado! Hindi iyon magagawang bawiin ang paunang gastos na inilabas namin para sa mga materyales. Sinusubukan mong sirain ang buhay namin!”Si Dorothy ay sobrang nataranta kaya napaiyak siya, pagkatapos ng lahat, ito ay sobra para sa kanya.Hindi gaanong naintindihan ni Alex ang tungkol sa mga bagong materyales ng Assex Constructions. Bagaman naawa siya sa kanyang asawa, wala siyang makitang dahilan upang manindigan para sa kanyang asawa. Kaya, naghihintay lang siya at nag-iisip ng ibang paraan upang matulungan siya.Malamig na ngumiti si Madame Joanne. “Anong kinalaman nito sa amin? Wala akong pakialam kung gumuho ang iyong kumpanya. Nais kang tulungan ni Lola, dahil apo kita. Kung makakamit mo ang unang kahilingan, hindi namin isasagawa ang pangalawa.“Naiintindihan ni Dorothy ang kanilang mga hangarin ngayon, ito ay pagprepresyur upang pilitin siya sa pagsumite.Mukhang may kumpiya
Ang mga Yowell?Natigilan nang kaunti si Alex, pagkatapos ay kampanteng bumitaw ng hininga.Dahil pag-aari ito ni Keith, anumanng patakaran tungkol sa mga materyales ay itatakda ng mga Yowell. Naniniwala siyang tiyak na tutulungan siya ni Keith sa ganoong kaliit na bagay.Agad na sinabi ni Alex, “O sige, huwag kang mag-alala. Iwan mo na lahat sa’kin, tutulungan kitang malutas ang isyung ito.“Tinanong ni Dorothy, “Ano ang plano mo? Magmamakaawa ka ba kay Mr. Carter?“Misteryosong ngumiti si Alex. “Maghintay ka lang at makikita mo.”Sa buong pag-uusap nila, napansin ni Beatrice si Alex na may nalilitong hitsura. Bigla niyang naalala ang binibining may malalaking mga kurba, na kilala bilang pinakatanyag na campus belle sa California State University—si Michelle Yowell.Agad siyang nagsalita, “Alex, gusto kitang makausap. Sundan mo ako sa labas.“Kasabay nito, tumalikod si Beatrice at naglakad palabas ng villa.Si Dorothy at Claire ay tumingin kay Beatrice na nagtataka bago ibaling ang ti
Sa pakikinig sa kanyang mga salita, nagalit si Beatrice habang naiisip niya, “Ang lakas naman ng loob niyang sabihin ‘yon?! Iniisip ba niya na ako, si Beatrice Assex, ay tanga?!”Gayunpaman, ang bastardong ito ay mukhang labis na mayabang at maangas, kaya't hindi na napigilan ni Beatrice ang kanyang galit.“Sa palagay mo maniniwala ako diyan? Sa palagay mo ba ikaw ay isang uri ng celestial na doktor? Na ikaw ay muling pagkakatawang-tao ni Hippocrates? Bakit hindi mo na lamang sabihin na nailigtas mo ang mundo, o mas mabuti, sa buong sansinukob? Talaga... Ito ba ang pangarap ng isang talunan?““Ayoko talaga sa’yo, hindi ka karapat-dapat para sa kapatid ko. Ngunit si Ate ay lubhang nahuhumaling sa’yo, pareho kami ni Mom na walang magawa sa’yo! Kaya, inaasahan kong makakabalik ka sa iyong pag-iisip at maging mapagkumbaba. Huwag mo kailanman sasaktan ang aking ate, o kahit na ang aking pamilya.““Maaari kang magpatuloy na maging aming yaya sa villa na ito, ngunit kailangan mong putulin ang