“Mr. Rockefeller, si Alex ay manlalaban, at medyo may kasanayan din. Malamang siya ay nag-uusok sa galit ngayon, at mapanganib na makipagkita sa kanya nang walang anumang backup. May kilala akong tauhan. May kasanayan din siya sa pakikipaglaban. Mas makakabuti kung hilingin ko sa kanya na suportahan tayo.““O sige!”Agad na tinawagan ni Pepper ang numero ni Baldy.Sinimulan niya agad ang pagplano sa kanyang isipan. Dahil hindi pa patay si Alex, nangangahulugan lamang ito na nasa kanya pa ang gamot, at maaari niya itong kunin sa kanya nang sapilitan.Alam niyang wala siyang mga kasanayan upang agawin ito mula sa Yowells. Gayunpaman, kung si Alex lang ang dapat niyang harapin, lahat ay mas komportable sa pakiramdam.Sa parehong oras, ang madla ng mga tao ay nabuo sa paligid ng kabaong sa Rockefeller Manor.Halos lahat sa manor ay lumabas upang manuod. Ang mga kasambahay, gwardiya, at maging si Paige at ang kanyang asawa ay sumugod kaagad sa sandaling narinig nila ang balita.Pinadyak ni
'Ano?'Napatingin si John kay Waltz. Namumuo ang kanyang mga ugat sa noo.“Sino ka sa palagay mo? Hindi ka karapat-dapat para kausapin ako. Umalis ka nga!”Mula sa kanyang paningin, si Waltz ay tulad ng anumang ibang babae, marahil ay medyo mas maganda. Kung karaniwan ang sitwasyon, tiyak na susubukan niyang makipagharot sa gayong kagandahan. Gayunpaman, dahil sa kasalukuyang mga pangyayari kung saan ang kanyang asawa at anak ay parehong nakakulong sa isang kabaong, wala siya sa mood para doon.Mariing itinulak ni John ang takip ng kabaong.Gayunpaman, hindi man lang ito gumalaw.Mahigpit na nakapako ang pagkasara nito. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang lakas lamang ay hindi magiging sapat upang buksan ang kabaong.“Gards! Gards! Lumapit kayo at tulungan ninyo ako dito! Hindi ba gumagana ‘yang mga kokote ninyo? Hindi ko kayo binayaran para tumayo lang diyan at tumunganga!“ Umungal si John, tumatalsik ang laway niya sa buong lugar sa bawat pantig na kanyang binibigkas.Nagkatinginan lang
Hindi mapigilan ni Kalbo ang mapasigaw sa sakit. Tumatagos sa kanyang noo ang malamig na mga patak ng pawis.Ang buong pamilyang Rockefeller ay mukhang labis na nabigo. Lumapit sa kanilang lahat si Kalbo na maangas at mayabang, nagtatapon ng matitinding insulto na walang pake sa mundo. Akala nila siya ay isang maalamat na manlalaban, ngunit iyon pala, ay pagpapanggap lamang.Ngumisi si Waltz. “Sino ako? Ako ay espesyal na tagapaglingkod ng aking master. Kung hindi mo man lang malabanan ang hamak na lingkod, paano mo naiisip na kaya mong manindigan para sa iba? Umalis ka na!”Si Waltz, na matamis na nakangiti kanina, ay biglang naging psychopath at sinampal nang husto si Kalbo ng dalawang beses. Nagawa niyang bunutin ang dalawa sa mga ngipin nito.Baluktot ang ekspresyon ni Kalbo, halatang kinilabutan. Napasuka pa siya ng kaunting dugo.Hindi siya naglakas-loob na magsabi ng kahit isang salita habang tinitingnan niya si Pepper. Nang may madilim na mukha, naghanda siyang umatras at umali
“Auction ng gamot? Heh, Alex, malamang ay nagkakamali ka. Wala naman akong kaalaman sa medisina, bakit ako mapupunta sa auction? Kadalasan ay pupunta lamang ako sa ospital kung kailangan ko ng gamot. Bakit pa ako maglalakas-loob na kumuha ng anumang gamot? Sinong nakakaalam kung anong maaaring epekto ang meron ito?” Ngumiti si Pepper, tinatanggihan ang mga paratang ni Alex.Ibinalik ni Alex ang kanyang ngiti at sinabi, “Tama ka, sinong nakakaalam kung anong maaring epekto ang meron ito? Alam mo dapat kung ano ang mas nakabubuti, ‘di ba, Secretary Kimmich? Mag-ingat ka sa iyong mga hakbang. Mero kang apat na mga mata, kaya dapat mas malinaw dapat ang nakikita mo kaysa sa karamihan sa atin. Sana hindi ka na gumawa ng ibang maling hakbang.“Saka siya humarap kay John.“Ilang araw ka nang malapit sa deadline. Kailangan mong pag-isipan ito.““Kung tatanggihan mong ibalik ang hiniling ko, marahil ay hindi mo na mabubuksan ang kabaong ito. Magpakailanman.“Marahang inilagay ni Alex ang kanyan
Ang sinumang nasa kanilang tamang pag-iisip ay hindi sasabihin ang gayong mga bagay, higit lalo na’t pagkatapos silang mailigtas mula sa kamatayan.Nais ni Waltz na bugbugin si Bill doon mismo at pagkatapos ay pinigilan siya ni Alex.Pinunit ni Alex ang kanyang shirt na nadumihan mula sa dura at itinapon ito sa lupa. “Ipinapahiwatig nito na wala na kaming utang sa’yo. Lilisanin na namin kayo, tanda. Mula ngayon, wala na akong relasyon sa mga Rockefeller. Wala akong utang sa’yo, ngunit meron kang utang sa’kin. Kung hindi mo ibabalik ang dating pagmamay-ari ng aking tatay bago ang ika-5 ng Oktubre, lahat kayo’y magbabayad gamit ng inyong mga buhay.”“Tara na, Mom!”“Manahimik ka nga!” Si Bill ay nagngangalit, sinisigawan siya na may mga matang puno ng poot. “Bueno, halika at kunin mo ang aking buhay dito mismo, ngayon din! Ikaw na pesteng hidi marunong magpasalamat, hindi kita bibigyan ni isang sentimo mula sa aming pamilya! Tingin mo ba ay isa kang Rockefeller? Mangarap ka! Hindi ka kai
Matapos siyang titigan nang maigi, inabot ni Alex ang kanyang kamay, hinawakan ang kanyang malambot at makinis na mukha.Si Waltz ay matamis na ngumiti at ang kanyang mga mata ay kumurba sa dalawang magagandang gasuklay na buwan na tila handa niyang tanggapin ang mga labi ni Alex sa kanya.Gayunpaman, nagsalita si Alex, “Alam ko na sinusubukan mo akong ikonsuwelo, upang mapagaan ang loob ko. Sa totoo lang, nag-aalala ka masyado. May mga pinagdaanan na akong mas masahol pa, saka hindi rin ito malaking bagay.““Talagang gumaan ang aking loob na hindi ako nakaugnay sa mga Rockefeller. Hindi ako mag-alala ng sobra kung kailangan kong lumaban pabalik.““Ngunit, ang pagsaksak ng iyong pamilya sa iyong likuran ay ang pinaka-hindi katanggap-tanggap na bagay, hindi ba?”Mahinang tumango si Waltz.Nagtagpo ulit ang kanilang mga mata. Ang kapaligiran sa pagitan ng dalawa ay unti-unting nawalan ng kasiguraduhan habang ang kanilang mga tingin ay naging mainit at nakakaakit. Tumabi si Waltz kay Alex
Siyempre, madaling naiwasan ni Alex ang tsinelas.Sa sandaling iyon, tinawag siya ni Dorothy mula sa hagdanan sa ikalawang palapag, “Alex, umakyat ka na.”Nang ninais na ni Alex na maglakad sa hagdan, pinigilan siya ni Claire sa pamamagitan ng paghila sa kanyang braso. “Hindi pwede! Dorothy, nababaliw ka ba? Paano mo pahihintulutan ang talunang ito na umakyat sa iyong silid? Makakasira iyan sa iyong reputasyon kung makakalabas ang balitang ito! Paano ka magpapakasal pagkatapos nito?“Malamig na tugon ni Dorothy, “Mom, uulitin ko ang sarili ko. May asawa na ako, asawa ko si Alex. Sa kabaligtaran, ang iyong mga pagrereklamo ay talagang makakasira sa aking reputasyon. Ano bang gusto mo? Gusto mo bang saksakin ko ang puso ko, saka ka lang masisiyahan?“Napagtanto na si Dorothy ay talagang galit na galit, si Claire, na wais, ay binitawan lamang si Alex at sumigaw sa kalangitan, “Oh Diyos ko, anong bang ginawa ko sa aking nakaraang buhay upang maging karapat-dapat ito sa’kin?!”Tumatangging
Sa sandaling si Madame Joanne ay mayabang na lumakad sa pintuan, mabilis niyang sinulyapan ang loob ng villa, na may kasamang pagkasuklam at pagkadismaya sa kanyang mukha. Ang kanyang presensya ay parang bang may magarbong regalo na iginawad sa kanila.Pinagsalitaan na ng masama ni Claire si Madame Joanne sa likuran niya nang maraming beses. Nang makita ang kanyang pagdating, agad siyang tumalon mula sa sofa upang salubungin siya ng maligayang pagdating, sa kabila ng sakit ng kanyang mga paa.“Mom, bakit ka napabisita? Dito, umupo ka!”Hawak niya ang braso ni Madame Joanne, ginagabayan siya sa sofa.Gayunpaman, hindi gumalaw si Madame Joanne ng isang pulgada at pilit na itinaboy ang kanyang mga kamay.Nandidiring tinitigan sila ni Emma. “Ugh, talaga? Tingnan mo nga kung gaano kadumi ang iyong sofa. May dugo din sa sahig! Saan nagmula ang dugong ‘yan? Syphilis ba ‘yan? Paano mo magagawang hayaan siyang umupo diyan? Sinusubukan mo bang mahawahan si Lola ng mga ganyang karumaldumal na sak