Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 211 - Kabanata 220

1942 Kabanata

Kabanata 211

Lumingon ang babae. Hindi kinailangang hulaan ni Alex Rockefeller upang malaman na ang kanyang titig ay kasing lamig ng yelo sa ilalim ng kanyang shades.“Anong sinabi mo?” Malamig na tanong ng babae.“Sinabi kong ihinto mo ang kotse,” sabi ni Alex matapos ang sandaling katahimikan.Bumibilis ang sasakyan niya habang nagsasalita.Biglang binangga niya ang kanyang kotse sa BMW ng babae mula sa gilid. Napilitan siyang tumigil habang ang kotse niya ay tumama sa mga guardrail. Tumingin ang babae sa harap. Nagkataon, nakita niya ang kotseng rumaragasa pagkalagpas ng kanto. Sobrang bilis ng pagmamaneho nito, kaya lumusot ito sa kalsada at nabangga ang maliit, itim na kotse bago naglaho sa trapiko.Nasaksihan din ito ni Alex.Bahagya siyang natigilan. Nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit maraming mga tsuper na napagpapakamatay ngayon.Ngunit nang makita niya ang babaeng nasa BMW na hinahampas ang kanyang mga kamay sa manibela, tila napagtantuan niya kung anong nangyayari.Bang!Sinipa
Magbasa pa

Kabanata 212

“Umalis ka sa paningin ko!” Malamig na sabi ng babae bago sumakay sa kanyang sasakyan at magmaneho.Sinuri ni Alex Rockefeller ang likuran ng kanyang sasakyan na may nalulumbay na mukha. Nasa mas malubhang estado ito kaysa sa inakala niya. Sinubukan niyang tawagan ang numero sa card na binigay sa kanya ng babae. Matapos ipaliwanag ni Alex ang nangyari, talagang masayang sumang-ayon ang nasa linya sa kanyang kahilingan. Sa katunayan, sinabi niya kay Alex na walang kinakailangang iproseso sa pag-verify. Ang kailangan lang niyang gawin ay i-email sa kanila ang larawan ng invoice ng pagpapaaayos ng kotse kasama ang kanyang bank account number at makakatanggap siya ng kabayaran sa susunod na araw.Habang iniisip ni Alex sa kung saan pupunta upang ipaayos ang kanyang sasakyan, nakatanggap siya ng tawag mula kay Michelle Yowell.Sinabi niya sa kanya na ang huling sangkap ng gamot na ginagawa niya ay dumating na.Sumulyap si Alex sa likuran ng kanyang sasakyan. “Sige. Darating ako diyan mamaya
Magbasa pa

Kabanata 213

Hindi kailanman inasahan ni Alex Rockefeller na makakasalubong niya ang seksing naka-bikini na babae dito.Samantala, ang isa sa mga lalaking lumakad sa tabi ng babaeng naka-bikini ay ang panganay na kapatid ni Michelle Yowell na si Colin Yowell.Hindi nakilala ni Alex ang dalawa pang lalaki sa tabi niya, ang isa ay binata at ang isa ay matanda.Nang makita ni Michelle ang babaeng naka-bikini kanina, agad na naging iba ang kanyang mukha. “Anna Coleman, bakit ka nandito? Anong ginagawa mo sa bahay ko?” Tanong ni Michelle na may malamig na boses.“Wala ka nang pakialam doon,” walang emosyon na sagot ni Anna.Ngumuso si Michelle. “Nandito ka sa bahay ko. Bakit ang suplada mo pa ring kumilos?“Kuya, walang saysay ang paghihintay sa kanya. May mga babae talagang ipinanganak na maldita. Tinatrato nila ang mga mababait sa kanila na parang dumi, ngunit maghahabol sila para sa mga walang may malasakit sa kanila. Maraming mga babae na mas mainam sa kanya sa aking iskul. Ipakilala ko sa’yo ang il
Magbasa pa

Kabanata 214

Nang tatama na sana ang suntok ni Anna Coleman kay Alex Rockefeller, si Alex ay umusog nang bahagya sa gilid at hinampas ang pulso niya na may bilis ng kidlat gamit ang isang daliri.Naramdaman ni Anna na parang may martilyo na tumama sa pulso niya. Namamanhid ang buong braso niya.Gayunpaman, hindi siya susuko dahil sa sobrang init ng ulo niya.Kung hindi gumana ang una niyang suntok, susubukan niya ulit.“Dragon-Tusk: Seven Deaths.”Ang teknik ito ay mas mabigat pa kaysa sa huli. Napakabilis itong nangyari na parang lahat ng pitong suntok ay sabay-sabay na ibinato sa kanya.Gayunpaman, naobserbahan ni Alex ang lahat ng mga ito sa tamang oras.Hinaharangan niya ang lahat ng mga ito tulad ng ginawa niya kanina ngunit nagpasyang huwag pumalag.Hindi ito dahil sa lumambot ang kanyang puso sa nakikita niyang kagandahan ni Anna. Sa halip, ito ay dahil masasabi niya na ang Dragon-Tusk Punch ni Anna ay talagang napakalakas. Hindi niya mapigilan ang sarili, at nais niyang obserbahan at mainga
Magbasa pa

Kabanata 215

May kakaibang ekspresyon sa mukha si Alex Rockefeller.“Divine Constabulary? Ano ‘yon?” Tanong niya.Ang tanging bagay na maaari niyang maiugnay sa Divine Constabulary ay ang dramang pinamagatang 'The Four', ngunit ito ay ganap na kathang-isip. Paano ito lilitaw sa totoong mundo?“Hindi iyon ang Divine Constabulary na iniisip mo, ngunit inaasahan kong hindi ito masyadong malayo mula rito. Maaari mong isipin siya bilang sinaunang bantay o opisyal ng gobyerno. Pinangangasiwaan niya ang ilang mga kakatwang bagay. Huwag mong siyang intindihin. Isipin mo na lang pulis-trapiko siya,“ sabi ni Michelle Yowell.Medyo nagulat si Alex. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na narinig niya ang tungkol sa naturang departamento sa gobyerno.“Anong ginagawa niya rito? Hindi lamang siya sumugod sa lugar ng pamilyang Yowell, ngunit inatake ka pa niya. Hindi ba medyo sobra na ‘yon? Maaari bang gawin ng mga tao mula sa Divine Constabulary ang anumang nais nila?“ Tanong ni Alex.Pinahid ni Michelle ang kanyan
Magbasa pa

Kabanata 216

“Sinisi mo ba ako?”Umirap ang matanda.Galit na nagsalita si Anna Coleman, “May ideya ka ba kung sinong kausap mo? Siya ang Imperial Doctor, ang lalaking tinataglay ang mga kamay na bumuhay sa mga namatay—si Wallace Yoke! How dare you na bastusin siya. Humingi ka ng tawad, ngayon mismo!“Kalmadong tiningnan ni Alex Rockefeller si Anna habang nasa likod ang mga kamay.Samantala, si Keith Yowell ay labis na nagulat. Nagpupumilit na maupo, tiningnan niya si Wallace na hinahangaan at sinabi, “Doktor Yoke, napapunta ka rito? Lubos ko itong ikinagagalak!“Habang nagsasalita siya, binigyan niya si Wallace ng paggalang at bahagyang yumuko.Sinagot siya ni Wallace, “Ikinagagalak ko rin ito, Mr. Yowell! Hindi maganda ang iyong pakiramdam, pakiusap, huwag mong pilitin ang iyong sarili!“Dagdag pa ni Colin Yowell, “Lolo, dinala ni Anna dito si Doctor Yoke na nagmula pa sa Hilagang Tokyo upang gamutin ka! Sigurado akong gagaling na po kayo sa lalong madaling panahon!““Totoo. Si Doctor Yoke ay kil
Magbasa pa

Kabanata 217

“Argh!”“Lolo! Ano pong nangyayari? Ayos lang po ba kayo?”Si Colin Yowell ay labis na namimighati nang makita si Keith Yowell na nagsusuka ng dugo, kumakapit sa kanyang dibdib at hinihingal. Ang kanyang mukha ay maputla na para bang piraso ng papel at baluktot sa sobrang sakit.Ang mga Yowell na naroroon ay takot.Habang si Anna Coleman ay mabilis na lumingon kay Wallace Yoke at tinanong, “Sir, anong nangyayari? Bakit siya dumudura ng dugo?“Seryosong pinagmasdan ito ni Wallace.Bilang Imperial Doctor, siya talaga ang nararapat sa titulong ito. Sa kasamaang palad, ang Seven Elements ni Alex Rockefeller ay hindi bagay na maaaring maunawaan ng anumang regular na tao.“Huwag kayong mag-alala, ito ang masamang dugo sa kanyang katawan. Gagaan ang pakiramdam niya kapag nalabas niya na ito sa kanyang sistema.“ Mabilis na nag-isip at nagpaliwanag si Wallace.Siya ay lubos na ginagalang at ang kanyang paliwanag ay agad na pinakalma ang maraming nag-aalalang mga puso.Ngumiti si Anna. “Si Docto
Magbasa pa

Kabanata 218

Dali-dali silang tumakbo palabas ng gate.Gayunpaman, si Alex Rockefeller ay wala kahit saan.“Michelle, dali! Tawagan mo siya!”Makalipas ang limang minuto, muling lumitaw si Alex sa harap ni Keith Yowell.Handa siyang bumalik sa dalawang kadahilanan. Ang una ay bilang pagbabalik ng pabor ni Jack Trent at ang isa pa ay ang walang tigil na pakiusap ni Michelle.Kung hindi man, namatay sana si Keith.Nagkita ulit sina Anna Coleman at Alex. Hindi na siya maangas tingnan tulad kanina, siguro dahil siya ay napagsabihan ng mga Yowell. Gayunpaman, binigyan pa rin niya si Alex ng hindi kanais-nais na hitsura.Hindi tumagal bago mapagtanto ni Alex kung anong nangyari kay Keith. Sobrang lala ng sitwasyon, tulad ng inaasahan niya noong umalis siya kanina lang.Bahagya niyang isinukbit ang daliri sa dibdib, kung saan matatagpuan ang puso.Nagulat si Wallace Yoke sa maniobra ni Alex. Naguluhan siya at hindi mawari ang kanyang ginagawa.Ito ang Seven Needles of Life Extension.Nang ginawa niya ito
Magbasa pa

Kabanata 219

Tumayo si Anna Coleman sa tabi ni Wallace Yoke.Tumingin siya sa kanya na may malamig na titig, na parang ipinanganak siyang mas magaling kaysa sa lahat.Hindi mapigilan ni Alex Rockefeller na tumawa sa kanyang puso. Hindi nakakagulat na hindi siya nagustuhan ni Michelle Yowell.Kung nagpasya si Colin Yowell na pakasalan siya, magsisilbi lamang itong simula ng sakit ng ulo at mga kaguluhan sa bahay.Ang kanyang tingin ay lumipat mula kay Anna patungo kay Wallace. “Paano kita matutulungan, ser?”Bahagyang sabik si Wallace nang sabihin niya, “Mr. Rockefeller, meron akong kaunting kaalaman sa medisina at panggagamot sa mga tao ngunit wala pa akong nakikitang kahit anong kagaya ng ginawa mo ngayon. Maari mo bang sabihin ang mga paliwanag sa likod ng iyong paggamot?“Labis siyang magalang at kinausap si Alex habang bahagyang nakayuko.Magugulat ang komunidad ng medikal na malaman na ang Imperial Doctor ay nakikipag-usap sa estranghero na may gayong paggalang at paghanga.“Paliwanag?” Ngumus
Magbasa pa

Kabanata 220

“Hindi ka maayos tingnan, anong nangyari? Nanggulo na naman ba ang matandang babae sa kumpanya?“Napansin agad ni Claire Assex ang hindi karaniwang kilos ni Dorothy. “Uy, hindi ba sinabi ni Rockefeller na kukuha siya ng permit para sa’yo? Nagsinungaling ba siya sa atin at kumuha ng pekeng dokumento sa halip? Bobo niya!“Nasaan na siya? Bibigyan ko siya ng suntok na hindi niya makakalimutan!“Biglang napagtanto ni Dorothy na ang pag-uwi nang mas maaga sa bahay ay hindi magandang desisyon para sa kanya.“Bakit ka ba sobrang balisa, Mom? Ayos lang ang kumpanya.““Bale, wala doon ang matandang ginang?”“Andoon siya pero dahil sa permit ni Alex, wala siyang magagawa. Sa halip, nakakuha tayo ng malaking kalamangan na magbibigay-daan sa atin upang madagdagan ang ating kita!“Natuwa naman si Claire. “Sigurado ka ba?”“Syempre! Mom, tigilan mo muna ang pagpuna kay Alex! Kung hindi dahil sa kanyang tulong, katapusan na sana natin!”“Hmph! Asawa mo siya, ‘di ba? Ginawa niya ang inaasahan sa kanya
Magbasa pa
PREV
1
...
2021222324
...
195
DMCA.com Protection Status