“Argh!”“Lolo! Ano pong nangyayari? Ayos lang po ba kayo?”Si Colin Yowell ay labis na namimighati nang makita si Keith Yowell na nagsusuka ng dugo, kumakapit sa kanyang dibdib at hinihingal. Ang kanyang mukha ay maputla na para bang piraso ng papel at baluktot sa sobrang sakit.Ang mga Yowell na naroroon ay takot.Habang si Anna Coleman ay mabilis na lumingon kay Wallace Yoke at tinanong, “Sir, anong nangyayari? Bakit siya dumudura ng dugo?“Seryosong pinagmasdan ito ni Wallace.Bilang Imperial Doctor, siya talaga ang nararapat sa titulong ito. Sa kasamaang palad, ang Seven Elements ni Alex Rockefeller ay hindi bagay na maaaring maunawaan ng anumang regular na tao.“Huwag kayong mag-alala, ito ang masamang dugo sa kanyang katawan. Gagaan ang pakiramdam niya kapag nalabas niya na ito sa kanyang sistema.“ Mabilis na nag-isip at nagpaliwanag si Wallace.Siya ay lubos na ginagalang at ang kanyang paliwanag ay agad na pinakalma ang maraming nag-aalalang mga puso.Ngumiti si Anna. “Si Docto
Dali-dali silang tumakbo palabas ng gate.Gayunpaman, si Alex Rockefeller ay wala kahit saan.“Michelle, dali! Tawagan mo siya!”Makalipas ang limang minuto, muling lumitaw si Alex sa harap ni Keith Yowell.Handa siyang bumalik sa dalawang kadahilanan. Ang una ay bilang pagbabalik ng pabor ni Jack Trent at ang isa pa ay ang walang tigil na pakiusap ni Michelle.Kung hindi man, namatay sana si Keith.Nagkita ulit sina Anna Coleman at Alex. Hindi na siya maangas tingnan tulad kanina, siguro dahil siya ay napagsabihan ng mga Yowell. Gayunpaman, binigyan pa rin niya si Alex ng hindi kanais-nais na hitsura.Hindi tumagal bago mapagtanto ni Alex kung anong nangyari kay Keith. Sobrang lala ng sitwasyon, tulad ng inaasahan niya noong umalis siya kanina lang.Bahagya niyang isinukbit ang daliri sa dibdib, kung saan matatagpuan ang puso.Nagulat si Wallace Yoke sa maniobra ni Alex. Naguluhan siya at hindi mawari ang kanyang ginagawa.Ito ang Seven Needles of Life Extension.Nang ginawa niya ito
Tumayo si Anna Coleman sa tabi ni Wallace Yoke.Tumingin siya sa kanya na may malamig na titig, na parang ipinanganak siyang mas magaling kaysa sa lahat.Hindi mapigilan ni Alex Rockefeller na tumawa sa kanyang puso. Hindi nakakagulat na hindi siya nagustuhan ni Michelle Yowell.Kung nagpasya si Colin Yowell na pakasalan siya, magsisilbi lamang itong simula ng sakit ng ulo at mga kaguluhan sa bahay.Ang kanyang tingin ay lumipat mula kay Anna patungo kay Wallace. “Paano kita matutulungan, ser?”Bahagyang sabik si Wallace nang sabihin niya, “Mr. Rockefeller, meron akong kaunting kaalaman sa medisina at panggagamot sa mga tao ngunit wala pa akong nakikitang kahit anong kagaya ng ginawa mo ngayon. Maari mo bang sabihin ang mga paliwanag sa likod ng iyong paggamot?“Labis siyang magalang at kinausap si Alex habang bahagyang nakayuko.Magugulat ang komunidad ng medikal na malaman na ang Imperial Doctor ay nakikipag-usap sa estranghero na may gayong paggalang at paghanga.“Paliwanag?” Ngumus
“Hindi ka maayos tingnan, anong nangyari? Nanggulo na naman ba ang matandang babae sa kumpanya?“Napansin agad ni Claire Assex ang hindi karaniwang kilos ni Dorothy. “Uy, hindi ba sinabi ni Rockefeller na kukuha siya ng permit para sa’yo? Nagsinungaling ba siya sa atin at kumuha ng pekeng dokumento sa halip? Bobo niya!“Nasaan na siya? Bibigyan ko siya ng suntok na hindi niya makakalimutan!“Biglang napagtanto ni Dorothy na ang pag-uwi nang mas maaga sa bahay ay hindi magandang desisyon para sa kanya.“Bakit ka ba sobrang balisa, Mom? Ayos lang ang kumpanya.““Bale, wala doon ang matandang ginang?”“Andoon siya pero dahil sa permit ni Alex, wala siyang magagawa. Sa halip, nakakuha tayo ng malaking kalamangan na magbibigay-daan sa atin upang madagdagan ang ating kita!“Natuwa naman si Claire. “Sigurado ka ba?”“Syempre! Mom, tigilan mo muna ang pagpuna kay Alex! Kung hindi dahil sa kanyang tulong, katapusan na sana natin!”“Hmph! Asawa mo siya, ‘di ba? Ginawa niya ang inaasahan sa kanya
Hinahanapan ang kanyang sarili ng paraan para makalabas, si Alex Rockefeller pinababa ni Michelle Yowell sa kalsada, ilang mga bloke ang layo mula sa Maple Villa.Ayaw niyang dalawin siya nito kahit kailan niya gugustuhin.Matapos ang nakaraang insidente kung saan iniligtas niya si Keith Yowell mula sa nalalapit na kamatayan, naniniwala siyang may gagawin si Keith na malaki upang ipahayag ang kanyang pasasalamat. Tila si Michelle ang susi sa regalong iyon.“Alex!”Kumaway si Michelle habang bumababa si Alex sa sasakyan.“Oh, may maitutulong ba ako?”“Ang buhay ng aking lolo ay nakasalalay na sa’yo ngayon. Dapat mo talaga siyang pagalingin! Alam kong hindi talaga kita binigyan ng pinakamainam na impresyon, sa simula pa lang, ngunit sinusubukan ko ang aking makakaya na baguhin ang tingin mo sa’kin. Pakiusap!“ Hinawakan ni Michelle ang kanyang mga kamay sa harap ng kanyang dibdib habang sumisigaw. “Namatay ang aking mga magulang noong maliit pa lamang ako, at hindi ko na rin kayang mawala
Si Michelle Yowell ay nasa pintuan upang salubungin si Alex Rockefeller. “Ang bilis mo naman!”Ngumiti si Alex. “Mas mabilis, mas mainam, tama?”Ang Life Pill ay medyo madaling gawin kumpara sa Chakra Pill. Tumagal siya ng mga kalahating oras upang makumpleto ang unang batch. Sa halip na pumunta kaagad dito, nanatili siya sa nang matagal upang makagawa ng isa pang pangkat ng mga tabletas na nagpapalakas ng buto.Ang pill na nagpapalakas ng buto ay ginagamit upang madagdagan ang flexibility at lakas ng mga buto.Kaakibat ng Force, na ubod ng lakas na mekanismo ng depensa, maaari siyang magkaroon ng mga butong kasing tatag ng bakal at balat na nababanat tulad ng goma.Lumabas na ang pagsuntok ng butas patagos sa bakal na board gamit ang isang suntok ay posible pagkatapos ng lahat.“Mr. Yowell, narito ang Life Pill, tulad ng ipinangako.““Uminom ka na ng isa ngayon. Kailangan mong uminom nito isang beses sa isang araw, sa loob ng tatlong araw nang magkakasunod. Ginagarantiya ko na hindi k
Napakaliit talaga ng mundong ito!Ang babae ay ang dati niyang kasintahan na si Chloe Marionette. Nakabihis siya nang maayos, ngunit ang pasa sa kanto ng kanyang bibig ay halata pa rin, gaano man kabigat ang kanyang makeup.Walang alinlangan, siya ay binugbog.Si Chloe ay dinala palayo ng mga tauhan mula sa Thousand Miles Conglomerate bago nito, at ipinadala sa brothel sa ilalim ng utos ni Waltz Fleur.Ang brothel naman ay may mga pamantayan din.Sa pagsisiyasat, nalaman nilang nahawahan siya ng syphilis. Matapos ang matinding pambubugbog, ang ginawa lamang nila ay itapon siya sa labas ng brothel.Kahit na siya ay ligtas, siya ay galit na galit at sinisi ang lahat ng kanyang kasawian kay Alex Rockefeller.Samakatuwid, heto ang matinding hitsura ng poot sa kanyang mga mata, na tumatagos kay Alex.“Mr. Rockefeller, kilala mo ba siya?“Sinilip ni Jack Trent si Chloe at nagtataka siyang tumingin sa kanila.Tumango si Alex. “Parang ganoon na nga. Magkamag-anak ba kayo, Mr. Trent?““Ay, hind
Habang mas lalong nagsasalita ni Chloe Marionette, mas natutuwa siya, habang si Tanya ay tumingin lamang kay Alex na naiinis.Gayunpaman, tumutol dito si Jack Trent. “Manahimik ka nga!” Sigaw niya.Nalulong sa kanyang sariling paniniwala, ipinagpatuloy ni Chloe, “Mr. Trent, tigilan mo na ang pagpapaloko sa kanya! Kilalang-kilala ko siya at siya’y wala kundi talunang lalaki na nakikitira sa kanyang asawa! Maikling panahon na lamang bago siya sumama sa mga iba niyang kaangkan sa bilangguan!“Pak!Galit na sinampal ni Jack si Chloe sa mukha nito.Napatulala si Chloe. “Bakit ako ang sinampal mo, Mr. Trent? Siya dapat ang saktan mo!!“Ang mga mata ni Tanya ay nanlaki dahil sa pagkabigla, dahil nabigo siyang maunawaan kung bakit sinampal ni Jack ang kanyang anak na babae. Gayunpaman, si Leanne ang kanyang boss kaya pinilit niyang manahimik.“Karapat-dapat kang sampalin! Hindi ba sinabi ko sa’yo na manahimik ka? Sino ka para manlait kay Mr. Rockefeller, ha? Lumuhod at humingi ka agad ng pauma
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l