All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1281 - Chapter 1290

1942 Chapters

Kabanata 1281

Habang si Alex Rockefeller ay nakatingin sa dalaga sa nakapirming kabaong; may hindi mapapantayang kumplikadong tingin sa kanyang mga mata.Nakaramdam siya ng gulat, pighati, o marahil kaunti ng lahat ng klase ng damdamin.Parehong gulat na napatingin kay Alex sina Maya Howards at Anna Coleman. “Sigurado ka ba? Kakilala mo siya? Ito... Itong babaeng ito na nakatago sa ilalim ng blood pool... Kaklase mo talaga siya noong hayskul?”Tumango ulit si Alex. “Hindi ako pwedeng magkamali. Kaklase ko talaga siya noong hayskul. Katabi ko pa nga siya noon,” sabi ni Alex.“Talagang... Masyadong hindi kapani-paniwala ito,” sabi ni Anna.Napansin naman ni Maya na Hayley Hanson ang pangalan ng babae.Samantala, Hanson din ang apelyido ng may-ari ng Quois Haven.“Ibig sabihin, anak talaga siya ni Papa Hanson!” bulalas ni Maya.“Pero bakit siya nakatago dito?” tanong niya.Ito ang bahaging hindi lubos na malutas ni Maya.Bilang taong mapagmatyag, nakikita ni Anna ang mga hanay ng mga salita sa lahat ng
Read more

Kabanata 1282

Kung wala si Hayley Hanson na nagbabantay sa kanya noon, malamang na hindi nakapasok si Alex Rockefeller sa isang third-rate na unibersidad.Sa totoo lang, ang pagbabantay ng isang tao ay isang uri na rin ng kaligayahan.Iyon marahil ang sinasabi nilang “puppy love”!“Alex, anong nangyari sa’yo?” Nakita ni Maya Howards si Alex na kakaiba ang kinikilos, at nakita niya ang luhang bumagsak sa mga pisngi nito. Sa hindi malamang dahilan, kumirot ang puso niya. Bihira niyang makita si Alex nang ganoon.Samantala, si Anna Coleman, bilang tigress, ay nagsimulang magsalita nang direkta. “Uy, master. Anong problema mo? Bakit ka umiiyak?”Sinamaan ng tingin ni Maya si Anna.Isang sulyap lang ay sapat na para tumahimik si Anna. Talagang nakaramdam ng takot si Anna. Pagkatapos ay masunurin niyang itinikom ang kanyang bibig.“Katabi ko siya sa klase! Mula noong unang araw ng senior high, tatlong taon kaming magkatabi. Tatlong buwan bago ang entrance exam sa kolehiyo, bigla siyang nawala. Ma… Mabutin
Read more

Kabanata 1283

Natigilan sandali si Alex Rockefeller. Agad niyang inagaw ang journal mula kay Anna Coleman.Gayunpaman, ang unang bagay na nakita ay isang larawan.Isa itong larawan ng kanyang sarili at ni Hayley Hanson.Sa oras na iyon, nakahandusay siya sa buong mesa sa klase habang natutulog. Nilapit ni Hayley ang ulo niya at ginamit ang phone niya para magselfie silang dalawa. Nang makita ito ni Alex, hindi na niya maalala kung kailan kinuha ni Hayley ang larawang ito. Pina-print pa pala ni Hayley ito.Sa katunayan, merong ilang mga salita sa likod ng larawan. “Ako at si baboy!”Nang muling tingnan ni Alex ang journal, mas lalo siyang nakaramdam ng halo-halong emosyon.Sinimulang magsulat ni Hayley sa journal na ito noong pumasok sila sa ikatlong taon ng senior high. Ang bawat entry sa journal na isinulat niya ay may kasamang salitang “baboy.” Kung walang larawan bilang patunay, at kung journal lang ang nakita ni Alex, hindi niya malalaman kung sino si “baboy”.Napatingin si Anna kay Alex na may
Read more

Kabanata 1284

Nang lumingon si Alex Rockefeller, natuklasan niyang bumaba na rin si Maya Howards.Ramdam ni Maya ang nararamdaman ni Alex. Lumapit siya at hinila ito sa kanyang mga braso. “Kung gusto mong umiyak, sige! Alam ko kung gaano kahirap kalimutan ang first love mo, tapos sa ilalim ng ganoong sitwasyon.”Noong una, parang nabigo ang puso ni Alex. Gayunpaman, matapos siyang lapitan ni Maya nang ganito, at maamoy ang malakas na bango nito, nawala lahat ng emosyon niya kanina. “Ayokong umiyak! Hindi naman talaga siya ang first love ko. Natapos iyon bago pa man magsimula,” sabi ni Alex.Pero ito ba talaga ang iniisp niya?Kung ikukumpara sina Hayley Hanson at Lady Dorothy Assex, sino ang mas mahalaga sa kanya?Hindi pala alam ni Alex ang sagot!“Hindi ko akalain na ang anak ni Papa ang magiging first love mo,” sabi ni Maya.“Tara na! Naapektuhan siya ng Blood Curse. Gayunpaman, wala akong alam tungkol sa ganitong uri ng sumpa. Kung gusto natin siyang iligtas, dapat tayong magsimula sa Blood Cult
Read more

Kabanata 1285

“Mga dokumento?”“Aling mga dokumento? Heto?”Natauhan ang ilan sa mga shareholder. Mabilis nilang binuksan ang mga dokumento sa harap nila at naglabas ng mga piraso ng papel sa loob. Matapos ituon ang kanilang mga mata sa mga dokumento, ang kanilang mga ekspresyon ay sabay na nagbago nang husto.Tunay na katulad ito sa nangyari kay Paige Rockefeller.Ang mga dokumentong ito ay naglalaman ng lahat ng mga talaan ng panunuhol na kinasasangkutan ng mga shareholder na ito sa panahon nila sa kumpanya. May matibay na patunay ng lahat ng kanilang mga maling gawain. Maliban diyan, meron ding mga talaan ng mga krimen na kanilang ginawa sa nakalipas na sampung taon.Halimbawa, merong shareholder na may pinakamaraming nagreklamo, si Leslie Wolvendom.Bagama’t hindi siya kasali sa maraming kaso ng panunuhol, minolestiya niya ang ilang dalaga tatlong taon na ang nakararaan. May matibay na ebidensiya ng mga insidenteng iyon, at higit pa rito, may binayaran pa siya para baliin ang mga paa ng ibang ta
Read more

Kabanata 1286

Lagi niyang sinasamahan si Winniefred para mamasyal.Mahilig kumain ang batang babae. Kakainin niya ang lahat, kahit saan. Parang ayaw tumigil ngumuya ng bibig niya. Karaniwang mapapatayo na lang siya at maglalaway, lalo na kapag nakakakita siya ng anumang tindahan ng sorbetes.“Pagkatapos kumain ng ice cream, kailangan mong pumasok sa paaralan bukas, okay?” Binigyan siya ni Alex ng leksiyon.Inasikaso ni Waltz na pumasok siya sa pinakamahusay na kindergarten sa California na pag-aari ng Thousand Miles Conglomerate.Gayunpaman, ang batang babae ay patuloy na kumakapit kay Alex, kahit na sa pagtulog.Kagabi, nagkaroon pa siya ng ideya na si Alex, ang sarili niya, at si Zella ay matulog sa iisang kama.“Yung ibang bata, katabi nila ang mga magulang nila kapag matutulog sila. Ngunit hindi iyon kailanman naranasan ni Winnie. Ngayong may Papa na ako, bakit hindi pa rin puwedeng makatabi ko sina Papa at Mama?” sabi niya.Dahil dito, medyo nahiya sina Alex at Zella sa isa’t-isa.Dahil ayaw ni
Read more

Kabanata 1287

Inis na inis si Alex.Ang gusto lang niyang gawin ay ilabas si Winnie para magsaya, bilhan ito ng sorbetes at suhulan ito para masunurin itong pumasok sa paaralan. Talagang hindi niya inaasahan na makakasalubong niya ang ilang propesyonal na mga kidnapper.Higit sa lahat, sinubukan pa nilang akusahan siyang gumagawa ng mga masasamang aksyon.“Mukha ba talaga akong mahina, na umabot na sa puntong mukhang hindi ko kayang maprotektahan ang isang maliit na bata?” Bulong niya sa sarili.Patuloy na humawak si Alex sa hood ng van. Kaya naman, gaano man kalakas ang pagtapak ng drayber sa gasolina, hindi talaga umuusad ang van.Pinagpapawisan na ng malamig ang drayber sa puntong ito, hindi pa siya kailanman nakakakita o nakakarinig ng sinuman na merong ganoong lakas. ‘Tao ba ang lalaking ito? Kaya niyang pigilan ang isang buong van gamit ang isang kamay!’“Madame Wealth, hinaharangan po ng lalaking iyon ang sasakyan natin. Anong gagawin natin?”Si Madame Wealth ang babaeng nakahawak kay Winnief
Read more

Kabanata 1288

Gayunpaman, ang ilan ay tila naiintindihan ang sitwasyon nang mas malinaw kaysa sa iba. “Teka, hindi tama ‘yan! Hindi ba dapat tumatakas na ang mga kidnapper pagkatapos ng nabigong pagdukot? Bakit pa nila pupukawin ang buong pamilya para lang makuha ang batang iyon?”May nagsalita sa madla. “Kidnapper? Hindi! Iyan ang ama ng bata! Ang mga taong pinatay niya ay ang aktwal na mga kidnapper! Naisip lang nila na maganda ang batang babae kaya sinubukan nilang dukutin siya! Nakita ko ang lahat, at nakuhanan ko pa ito ng video! Karapat-dapat na mamatay ang mga kidnapper na ‘yan! Maigi ang ginawa mong pagpatay, ginoo! Magaling!”“Ano?”“Siya ang ama ng babae?”Maya-maya lang, marami ang nakapansin sa paghila ni Alex sa pinto ng van. Inagaw niya si Winniefred sa yakap ng babae.Ang babae naman ay parang nawalan ng kakayahang gumalaw. Maraming paraan si Alex para makuha ang gusto niya, kung tutuusin.“Papa! Papa!” Nagsimulang umiyak si Winniefred nang mapunta ito sa kanyang mga bisig, tinutukoy
Read more

Kabanata 1289

Nang sabihin iyon ni Sky, napansin ni Alex ang sobrang kawalan ng pag-asa sa mga mata niya. Mukhang paiyak na siya.‘Makatwiran nga naman.’‘Matandang babae... Hula ko ay Lola ni Soraya ang tinutukoy niya, si Lexia. Itinuturing siyang napakahalagang tao sa pamilya, kung isasaalang-alang na isa siya sa mga asawa ng presidente.’‘Bilang isa sa mga pinuno ng koponan sa Divine Constabulary, normal lang para kay Sky na maging mas maingat sa paligid ni Lexia.’‘May katandaan na talaga yung babae. Kung may mangyari man sa kanya sa bahay ni Sky, o kung mamatay na lang siya doon mismo, malalagay si Sky sa malaking problema.’“Mag-isa lang ba siyang dumating? At kakalipat lang ba niya sa bahay mo?” tanong ni Alex.“Mag-isa? Walo sila! Puro babae! Paano ko kakayanin ang lahat ng iyon?” Nagsimulang magreklamo si Sky. “Hindi ko na nga magawang umuwi ngayon. Kapag ginawa ko iyon, matatakot ako para sa buhay ko, natatakot na may mangyari sa sinuman sa kanila.”Pagkarinig nito ay halos mapasinghap si
Read more

Kabanata 1290

Sumulyap si Lexia kay Alex at tumango kay Shaun. “Siya nga talaga ang apo ng presidente.”“Ah...”“Ano? Siya ba talaga ang apo niya? Paano iyon naging posible?”Nanlaki ang mga mata nilang lahat. Hindi lang sila makapaniwala.Si Stephanie, sa kabilang banda, ay tila hindi mahanap ang kanyang anak na babae. Natataranta, nagtanong siya, “Shaun, nasaan ang anak ko? Nasaan siya?”Dahil doon, natahimik si Shaun. Pagkalipas ng dalawang segundo, tinuro niya si Alex. “Siya! Siya ang gumawa ng kalokohan sa lugar na ito at pinatay niya si Soraya!”“Ano?” bulalas ng mga babae sa pamilyang Melvis.Galit na galit na pinandilatan ni Stephanie si Alex. “Ikaw... lumagpas ka na sa linya! Pinsan mo si Soraya, Diyos ko! Paano mo nagawang patayin siya? Ibalik mo ang anak ko! Kung hindi, papatayin kita! Isang kaluluwa kapalit ng isa!”Naging histeriko si Stephanie at walang pag-aatubiling sinuntok si Alex.Gayunpaman, imposibleng matamaan niya si Alex.“Huwag kang mataranta!” Hinawakan ni Alex si Stephanie
Read more
PREV
1
...
127128129130131
...
195
DMCA.com Protection Status