Lagi niyang sinasamahan si Winniefred para mamasyal.Mahilig kumain ang batang babae. Kakainin niya ang lahat, kahit saan. Parang ayaw tumigil ngumuya ng bibig niya. Karaniwang mapapatayo na lang siya at maglalaway, lalo na kapag nakakakita siya ng anumang tindahan ng sorbetes.“Pagkatapos kumain ng ice cream, kailangan mong pumasok sa paaralan bukas, okay?” Binigyan siya ni Alex ng leksiyon.Inasikaso ni Waltz na pumasok siya sa pinakamahusay na kindergarten sa California na pag-aari ng Thousand Miles Conglomerate.Gayunpaman, ang batang babae ay patuloy na kumakapit kay Alex, kahit na sa pagtulog.Kagabi, nagkaroon pa siya ng ideya na si Alex, ang sarili niya, at si Zella ay matulog sa iisang kama.“Yung ibang bata, katabi nila ang mga magulang nila kapag matutulog sila. Ngunit hindi iyon kailanman naranasan ni Winnie. Ngayong may Papa na ako, bakit hindi pa rin puwedeng makatabi ko sina Papa at Mama?” sabi niya.Dahil dito, medyo nahiya sina Alex at Zella sa isa’t-isa.Dahil ayaw ni
Inis na inis si Alex.Ang gusto lang niyang gawin ay ilabas si Winnie para magsaya, bilhan ito ng sorbetes at suhulan ito para masunurin itong pumasok sa paaralan. Talagang hindi niya inaasahan na makakasalubong niya ang ilang propesyonal na mga kidnapper.Higit sa lahat, sinubukan pa nilang akusahan siyang gumagawa ng mga masasamang aksyon.“Mukha ba talaga akong mahina, na umabot na sa puntong mukhang hindi ko kayang maprotektahan ang isang maliit na bata?” Bulong niya sa sarili.Patuloy na humawak si Alex sa hood ng van. Kaya naman, gaano man kalakas ang pagtapak ng drayber sa gasolina, hindi talaga umuusad ang van.Pinagpapawisan na ng malamig ang drayber sa puntong ito, hindi pa siya kailanman nakakakita o nakakarinig ng sinuman na merong ganoong lakas. ‘Tao ba ang lalaking ito? Kaya niyang pigilan ang isang buong van gamit ang isang kamay!’“Madame Wealth, hinaharangan po ng lalaking iyon ang sasakyan natin. Anong gagawin natin?”Si Madame Wealth ang babaeng nakahawak kay Winnief
Gayunpaman, ang ilan ay tila naiintindihan ang sitwasyon nang mas malinaw kaysa sa iba. “Teka, hindi tama ‘yan! Hindi ba dapat tumatakas na ang mga kidnapper pagkatapos ng nabigong pagdukot? Bakit pa nila pupukawin ang buong pamilya para lang makuha ang batang iyon?”May nagsalita sa madla. “Kidnapper? Hindi! Iyan ang ama ng bata! Ang mga taong pinatay niya ay ang aktwal na mga kidnapper! Naisip lang nila na maganda ang batang babae kaya sinubukan nilang dukutin siya! Nakita ko ang lahat, at nakuhanan ko pa ito ng video! Karapat-dapat na mamatay ang mga kidnapper na ‘yan! Maigi ang ginawa mong pagpatay, ginoo! Magaling!”“Ano?”“Siya ang ama ng babae?”Maya-maya lang, marami ang nakapansin sa paghila ni Alex sa pinto ng van. Inagaw niya si Winniefred sa yakap ng babae.Ang babae naman ay parang nawalan ng kakayahang gumalaw. Maraming paraan si Alex para makuha ang gusto niya, kung tutuusin.“Papa! Papa!” Nagsimulang umiyak si Winniefred nang mapunta ito sa kanyang mga bisig, tinutukoy
Nang sabihin iyon ni Sky, napansin ni Alex ang sobrang kawalan ng pag-asa sa mga mata niya. Mukhang paiyak na siya.‘Makatwiran nga naman.’‘Matandang babae... Hula ko ay Lola ni Soraya ang tinutukoy niya, si Lexia. Itinuturing siyang napakahalagang tao sa pamilya, kung isasaalang-alang na isa siya sa mga asawa ng presidente.’‘Bilang isa sa mga pinuno ng koponan sa Divine Constabulary, normal lang para kay Sky na maging mas maingat sa paligid ni Lexia.’‘May katandaan na talaga yung babae. Kung may mangyari man sa kanya sa bahay ni Sky, o kung mamatay na lang siya doon mismo, malalagay si Sky sa malaking problema.’“Mag-isa lang ba siyang dumating? At kakalipat lang ba niya sa bahay mo?” tanong ni Alex.“Mag-isa? Walo sila! Puro babae! Paano ko kakayanin ang lahat ng iyon?” Nagsimulang magreklamo si Sky. “Hindi ko na nga magawang umuwi ngayon. Kapag ginawa ko iyon, matatakot ako para sa buhay ko, natatakot na may mangyari sa sinuman sa kanila.”Pagkarinig nito ay halos mapasinghap si
Sumulyap si Lexia kay Alex at tumango kay Shaun. “Siya nga talaga ang apo ng presidente.”“Ah...”“Ano? Siya ba talaga ang apo niya? Paano iyon naging posible?”Nanlaki ang mga mata nilang lahat. Hindi lang sila makapaniwala.Si Stephanie, sa kabilang banda, ay tila hindi mahanap ang kanyang anak na babae. Natataranta, nagtanong siya, “Shaun, nasaan ang anak ko? Nasaan siya?”Dahil doon, natahimik si Shaun. Pagkalipas ng dalawang segundo, tinuro niya si Alex. “Siya! Siya ang gumawa ng kalokohan sa lugar na ito at pinatay niya si Soraya!”“Ano?” bulalas ng mga babae sa pamilyang Melvis.Galit na galit na pinandilatan ni Stephanie si Alex. “Ikaw... lumagpas ka na sa linya! Pinsan mo si Soraya, Diyos ko! Paano mo nagawang patayin siya? Ibalik mo ang anak ko! Kung hindi, papatayin kita! Isang kaluluwa kapalit ng isa!”Naging histeriko si Stephanie at walang pag-aatubiling sinuntok si Alex.Gayunpaman, imposibleng matamaan niya si Alex.“Huwag kang mataranta!” Hinawakan ni Alex si Stephanie
Habang nakatitig si Alex sa kanya, naisip niya, ‘Hindi talaga ‘to kanais-nais tingnan.’Umiling siya. “Wala akong ginawa. Anong ginawa mo sa sarili mo?!”Nagsisi siyang hindi niya inilabas ang kanyang phone para i-record ang ginagawa nito kanina. Kung gagamitin iyon bilang ebidensya, hindi siya nito masisisi... Gayunpaman, kung talagang ire-record niya iyon, malamang na magagalit pa rin ito sa kanya.“Ahh…” Nakatingin pa rin sa sarili, agad na binutones ni Soraya ang kanyang shirt.Gayunpaman, sa kanyang pagtayo, nanginginig ang kanyang katawan, halos matumba siya.‘Ang sakit!’“G*go ka! Manyak! Dapat kang mabulok sa impyerno!” Kinuyom ni Soraya ang mga ngipin niya at pinandilatan si Alex, sumasabog sa galit. Tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi sa pag-aakalang ginahasa talaga siya ni Alex.Higit sa lahat, birhen pa kasi siya. ‘Bakit nawala ang pagkabirhen ko sa manyak na ito? Gusto ko siyang balatan ng buhay!”Saka lang niya napagtanto na isa na namang problema ang kinakaharap niya.
Sumigaw si Stephanie at tumalon palabas ng kanyang bangka, nag-tumbling sa ere at maayos na lumapag sa isa pang maliit na bangkang kahoy.Agad niyang ipinulupot ang magkabilang braso sa anak.“Mom!” Nabigla si Stephanie nang makita niya ang kanyang ina. Limang araw na siyang nakakulong dito, dinadanas kung gaano kakila-kilabot ang sangkatauhan.Sa sandaling iyon, hindi na niya napigilan ang sarili, histeryosong umiiyak sa mga bisig ng kanyang ina. Pagkatapos ay tinuro niya si Alex. “Mom, patayin mo na ang g*gong ito para sa akin!”Umiling si Stephanie. “Soraya, hindi siya mapapatay ni Mom. At saka, hindi ko rin siya dapat patayin. Pinsan mo siya.”“Ano?” Napatili si Soraya na parang tinamaan ng kidlat.‘Pinsan ko si Alex?’‘Pero kanina lang ay ginahasa niya ako!’‘Ito… ito…’‘Anong gagawin ko? Hindi ba incest iyon?’‘Pag ipinagbuntis ko talaga ang anak niya, magkakadeperensya ba ang sanggol dahil magkamag-anak kami?’Kung malalaman ni Alex ang lahat ng magulo na nangyayari sa loob ng u
Habang walang malay si Soraya, nagmaang-maangan pa rin ang mga taong ito at sumakay sa bangka para sumama.Ngayong nagsalita na si Soraya, wala nang pagkakataon na magbago ang sitwasyon.Bukod dito, pinili nilang kumilos, na nagpapatunay sa mga akusasyon ni Soraya. Ang mga taong ito, na nakulong sa loob ng ilang araw, ay nagugutom at malapit nang masiraan. Nagpasya silang atakihin si Soraya dahil sa galit at gusto pa nilang lamunin ang malambot nitong laman dahil sa gutom. Sa bingit ng kamatayan, ipinakita ang kalupitan ng sangkatauhan.Ngayon, sila ang gumawa ng unang hakbang. Kitang-kita ang intensyon na pumatay, labis na karahasan ang namumuo sa kapaligiran.May dahilan kung bakit tinataguriang grandmaster ang isa.Kahit na pagkalipas ng limang araw na pagkagutom, mga grandmaster pa rin sila, bukod pa dito ang katotohanag dalawa sa kanila ang grandmaster at apat naman ang kalahating hakbang ang layo sa pagiging grandmaster.“Ingat!”“G*go! Lochlan, mangangahas ka talagang mag-alsa l