Sumigaw si Stephanie at tumalon palabas ng kanyang bangka, nag-tumbling sa ere at maayos na lumapag sa isa pang maliit na bangkang kahoy.Agad niyang ipinulupot ang magkabilang braso sa anak.“Mom!” Nabigla si Stephanie nang makita niya ang kanyang ina. Limang araw na siyang nakakulong dito, dinadanas kung gaano kakila-kilabot ang sangkatauhan.Sa sandaling iyon, hindi na niya napigilan ang sarili, histeryosong umiiyak sa mga bisig ng kanyang ina. Pagkatapos ay tinuro niya si Alex. “Mom, patayin mo na ang g*gong ito para sa akin!”Umiling si Stephanie. “Soraya, hindi siya mapapatay ni Mom. At saka, hindi ko rin siya dapat patayin. Pinsan mo siya.”“Ano?” Napatili si Soraya na parang tinamaan ng kidlat.‘Pinsan ko si Alex?’‘Pero kanina lang ay ginahasa niya ako!’‘Ito… ito…’‘Anong gagawin ko? Hindi ba incest iyon?’‘Pag ipinagbuntis ko talaga ang anak niya, magkakadeperensya ba ang sanggol dahil magkamag-anak kami?’Kung malalaman ni Alex ang lahat ng magulo na nangyayari sa loob ng u
Habang walang malay si Soraya, nagmaang-maangan pa rin ang mga taong ito at sumakay sa bangka para sumama.Ngayong nagsalita na si Soraya, wala nang pagkakataon na magbago ang sitwasyon.Bukod dito, pinili nilang kumilos, na nagpapatunay sa mga akusasyon ni Soraya. Ang mga taong ito, na nakulong sa loob ng ilang araw, ay nagugutom at malapit nang masiraan. Nagpasya silang atakihin si Soraya dahil sa galit at gusto pa nilang lamunin ang malambot nitong laman dahil sa gutom. Sa bingit ng kamatayan, ipinakita ang kalupitan ng sangkatauhan.Ngayon, sila ang gumawa ng unang hakbang. Kitang-kita ang intensyon na pumatay, labis na karahasan ang namumuo sa kapaligiran.May dahilan kung bakit tinataguriang grandmaster ang isa.Kahit na pagkalipas ng limang araw na pagkagutom, mga grandmaster pa rin sila, bukod pa dito ang katotohanag dalawa sa kanila ang grandmaster at apat naman ang kalahating hakbang ang layo sa pagiging grandmaster.“Ingat!”“G*go! Lochlan, mangangahas ka talagang mag-alsa l
Naisip niya sa kanyang sarili, ‘Itong lalaking ito ang nagsimula, itong manyak na ito. Kung hindi siya naglagay ng bitag dito, hindi sila makukulong, at hindi mawawala ang pagkadalisay ko.’Sa pag-iisip sa mga nangyari, naramdaman niya na naman ang parteng iyon ng kanyang katawan na pumipintig sa sakit.Walang pakialam na sagot ni Alex, “Ngayong tapos na ang lahat, mauuna na ako.”“Saglit lang,” tawag ni Lexia sa kanya.“May iba pa bang kailangan?” tanong ni Alex.“Dahil nandito ako sa California, dapat kong puntahan ang nanay mo. Kung iisipin ang mga taon na iyon, ang huling pagkakataon na nakita ko siya ay noong sampung taong gulang pa siya.”Pinikit ni Alex ang kanyang mga mata. “Hindi ako sigurado kung gusto kang makita ng nanay ko.”Napangiti si Lexia. “Tanungin mo siya. Sigurado akong papayag siya.”Sinamaan siya ng tingin ni Alex. “Ipapaalam ko sa’yo kung meron akong balita.”Dahil doon, tumalon siya mula sa bangka patungo sa lawa.Para naman kina Sky at Anna, sumakay sila sa ma
Napatingin si Alex kay Zella, nagtataka. Nang makita ang determinasyon sa mga mata nito, agad siyang tumango.Kasabay nito, natapos nang magbihis si Brittanny, handa nang lumabas.Ang makipagkita muli kay Lexia pagkatapos ng lahat ng mga taon na ito, hindi siya mapakali. Nang lumabas siya at nakita ang kanyang anak na nasa ganoong estado ng pagkabalisa, agad niyang tinanong, “Alex, saan ka pupunta?”“Mom, may emergency po ako. Sabihan mo na lang si Maya na samahan ka.”Habang nagsasalita siya, nakita ni Alex na hindi siya nasasabayan ni Zella. Kaya naman, hinawakan niya ito sa baywang at lumakad na may dumadagundong na mga hakbang, ang kanilang mga katawan ay nagiging bahid ng liwanag, bumubulusok palabas ng pinto.“Naku, ang batang ito, ang gulo kausap, saan na naman siya pupunta?” Walang magawang sabi ni Brittany. Gayunpaman, tungkol sa kaligtasan ni Alex, wala siyang dapat ipag-alala. Habang tumataas ang antas ni Alex, halos walang sinuman sa California ang makakasakit sa lalaking i
“Malaking bagay ito para sa Thousand Miles Conglomerate, ito ang unang pagkakataon naglabas sila ng emergency state order mula nang ito ay itinatag. Hindi pa ito ginagamit mula noon, kaya hindi ko alam kung anong nangyari.”Ang emergency state order ay inilapat sa lahat ng kasalukuyang miyembro ng Thousand Miles Conglomerate. Mandirigma, security guard, ang karaniwang empleyado man, o kahit na tagapaglinis pa, matatanggap nila ang mensahe.Nang ang lahat ay abala sa pagtalakay sa sitwasyon, isang search warrant ang ipinadala sa phone ng bawat empleyado.Ang utos ay nagmula sa opisina ng CEO ng Thousand Miles Conglomerate.Nangangahulugan ito na ang taong nagpadala ng utos ay malamang ang CEO ng Thousand Miles Conglomerate, si Waltz Fleur.Hindi lamang ang larawan ni Zoey ang nasa warrant, ngunit meron ding premyo. Binanggit nito na kung may makakahanap kay Zoey, agad silang makakakuha ng isang bilyong dolyar na salapi. Maaaring maghanap nang grupo-grupo o mag-isa. Anuman ang pagkakakil
“Ano? Napapalibutan ba ang buong parke? Nananaginip ka ba?”Nagulat noong una ang direktor, ngunit mabilis itong napalitan ng hindi naniniwalang ekspresyon. Hinampas pa niya sa likod ng ulo ang guwardiya at sumigaw, “May ideya ka ba kung gaano kalaki ang parke natin? Meron tayong apat na gate na matatagpuan sa hilaga, timog, silangan, at kanluran! Kaya sabihin mo sa akin, paano nila mapapalibutan ang lahat ng iyon? Makakakuha ba siya ng daan-daan para pumunta sa isang tawag lang?”Kahit natamaan ang guwardiya, mukha pa rin siyang labis na nag-aalala. Sinabi niya sa kanyang matabang amo, “Boss, hindi lang daan-daan…”“P*ta, siyempre, alam kong hindi daan-daan. Sa tingin mo ba leader siya ng gang?” galit na sigaw ng direktor.“Hindi daan-daan, sila... milyon-milyon sila, boss!” bulalas ng guwardiya na nanlulumo ang mukha.“Ano? Milyon?” Sinipa ng amo ang guwardiya. “Nakasinghot ka ba? Anong tingin mo sa kanila, mga langgam? Milyon?! Sinasabi ko sa’yo…”Galit na galit ang direktor. Ipagpa
‘Sa ganitong pampublikong paghayag, walang paraan na kakainin ng Thousand Miles Conglomerate ang kanilang mga salita.’Mabilis ding kumalat ang balitang ito sa internet.Ang mga Instagram feed ng lahat, na-verify na account, at hindi mabilang na media ay naging parang mga pating na nakaamoy ng dugo, kumikilos sa kanilang mga sari-sarili upang maikalat ang balita.Ito ay kawili-wili at nagkaroon ng malaking epekto. Higit sa lahat, kikita sila dito, at marami ang kumikilos sa sarili nilang paraan. Kaya naman, may sapat na shock factor para maging ulo ito ng mga nagbabagang balita.‘Kailan pa magkakaroon ng ganitong kawili-wiling balita sa araw-araw?’Hindi nagtagal, naugnay ang balitang ito sa insidente ng pagkakatay ng tatlong kidnapper sa sikat ng araw.Nag-trending din sa social media ang salitang “kidnappers”.Kasabay nito, ang direktor ng Disneyland, sa harap ni Azure at ng mabangis na tropa nito, ay ganap na natigilan.Takot siyang tumingin sa pulutong ng mga taong nakaitim, natata
Nang makita ito ni Alex, alam niyang may nalaman si Zella. Hinawakan niya si Hailey at mabilis na sinundan si Zella.Tadyak, tadyak, tadyak…Mabilis namang sumunod si Azure at ang kanyang mga tropa.Gayunpaman, nag-iwan sila ng halos isang daang lalaki kay Direktor Norton at sa kanyang mga empleyado.Naglakad si Zella at humihinto paminsan-minsan para suminghot. Lumuhod pa siya sa lupa para umamoy.Lalong nagulat si Hailey dito. Ang hindi kapani-paniwalang magandang babaeng ito na kumikilos tulad ng isang aso ay hindi mukhang sibilisado.Gayunpaman, batid na tinutulungan lang siya nito na hanapin ang kanyang anak, labis na nagpapasalamat si Hailey na marami itong ginagawa hanggang sa puntong isinantabi nito ang sariling imahe nang ganito.Nag-aalalang tanong niya, “Bro, mahuhuli ba talaga ng kaibigan mo ang amoy ni Zoey?”‘Isa talaga itong hindi kapani-paniwalang tanawin.’Tumango si Alex nang hindi sigurado. “Sa tingin ko!”Naalala niya na minsang sinabi sa kanya ni Auntie Rockefeller
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l