All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1301 - Chapter 1310

1942 Chapters

Kabanata 1301

Napakamot ng tenga si Craig nang magtanong si Alex tungkol dito.Palaging seryoso ang mga kaso tungkol sa mga sindikatong human trafficker. Bilang kapitan ng Special Brigade, meron siyang mga responsibilidad at obligasyon na labanan ang tumor na ito ng lipunan at ibalik ang magandang kinabukasan sa mundo.Sinabi ni Azure, “Nalaman ko lang ang tungkol sa isang konektadong tao na tinatawag na Nanny Kim sa ngayon.”Natigilan sina Alex at Craig. Bakit parang pamilyar ang pangalan? Kung magdadalawang-isip, hindi ba karakter iyon mula sa isang nobela?Sabi ni Azure, “Malamang hindi totoong pangalan ang Nanny Kim kundi isang alyas. Kapangalan niya ang karakter mula sa Heavenly Sword at Dragon Slaying Sabre. Binanggit din ni Norton Campbell na si Nanny Kim ay matandang human trafficker na matagal nang nakikipagsosyo sa kanya. Ang bilang ng mga batang binili nito mula sa kanya ay kasing dami ng isang daang tao. Para sa ilang kadahilanan, kamakailan lamang, gusto nito ang mga maliliit na batang
Read more

Kabanata 1302

Halimbawa, pilit na pinuputol ang kanilang mga paa para mamalimos sa mga lansangan, pilit na pinuputol ang kanilang mga dila para hindi sila makapagsalita, at binuhusan ng asido para sirain ang kanilang mga maselang mukha upang hindi sila makilala mamukhaan ng kanilang mga mahal sa buhay.At, ang ilang magagandang batang babae naman ay ibebenta pa sa malalayong lugar at maging sa ibang bansa para maging asawa ng iba. Sila ay sasanayin upang maglingkod sa mga lalaki at tuparin ang baluktot na pangangailangan ng mga ito... at marami pa.Kahindik-hindik ang lahat ng mga ito.Boom!Matapos marinig ang lahat ng ito, namumuo ang galit sa puso ni Alex. Hindi na niya napigilan ang kanyang galit, tumadyak siya sa lupa. Pagkatapos, yumanig ang bulwagan ng opisina ng amusement park hanggang sa gumuho ito.“Mga g*go, g*go! Hindi kayo karapat-dapat na maging tao!”Masyadong naging emosyonal si Azure kaya’t pinuntahan niya ang tatlong human trafficker at pinaulanan ang mga ito ng mga suntok at sipa.
Read more

Kabanata 1303

Whoosh!Malakas na bumagsak si Azure sa lupa. Naunang tumama ang kanyang puwitan sa lupa.Sa kabutihang palad, matagumpay na siyang sumulong sa pagiging martial artist na may ranggong Mystic. Sa pamamagitan ng panloob na puwersa na nagpoprotekta sa kanyang katawan, ang pagbagsak ay hindi magiging sanhi ng kanyang pagiging kalahating paralisado.Samantala, nakita ni Alex ang isang matandang babae na may kulay abong buhok sa sirang bintanang iyon.Isang martial artist mula sa Thousand Miles Conglomerate ang agad na tumulong upang tulungan si Azure na makatayo. “Bro Azure, ayos ka lang? Anong nangyari sa taas? Bakit ka tumalsik?”Pagkasabi niya noon, tumunog ang tatlong beses na dagundong.Bang! Bang! Bang!Ang iba pang tatlong martial artist na sumunod kay Azure sa parlor ay itinapon din mula sa ikalawang palapag.Kaagad pagkatapos, may8 matandang babae ang kaswal na tumalon pababa mula sa ikalawang palapag habang hawak ang isang tungkod na may ulo ng dragon sa kanyang kamay. Ang kanyang
Read more

Kabanata 1304

Ang bugso ng inner force na iyon ay tila nawala sa manipis na hangin. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Alex at wala man lang kahit katiting na reaksyon.‘Ano? Paano ito naging posible?’Nanginginig sa gulat si Nanny Kim. Malinaw niyang nakita na ordinaryong tao si Alex. Paano naging posible para sa lalaking ito na hadlangan ang kanyang ultimate move—ang Tiderip of Dark Force?‘Isa pa!’Muli niyang pinagana ang Dark Force.Gayunpaman, ang resulta ay pareho pa rin.Kalmadong sinabi ni Alex, “Sinong mag-aakala na ikaw, isang martial artist na may ranggong Intermediate-Earth, ay magiging walang pusong human trafficker? Mas mainam kung wala kang cultivation!”Kinaway niya ang kanyang kamay patalikod.Isang bugso ng espirituwal na kapangyarihan na naglalaman ng dumadagundong na lakas ay sumugod pabalik sa katawan ni Nanny Kim, na para bang isa itong napakalakas na puwersa.Sunod-sunod na pagsabog ang narinig.Bawat pulgada ng mga meridian sa braso ng matandang babae ay nabali. Ang kanyang git
Read more

Kabanata 1305

Malakas na pagmamakaawa ni yaya Kim habang nanginginig ang katawan.Ito ay dahil nakita na ng sarili niyang mga mata ang mga taong nahawaan ng parasitikong sakit mula sa tabletang kumakamot sa puso sa loob ng isang daang araw. Ang sitwasyon noon ay kakila-kilabot na tanawin, lalo na kapag ang tao ay malapit nang mamatay, ang kanyang buong katawan ay kakainin ng buhay. Ilang buwan siyang binangungot dahil dito.“M-may listahan ako. Nasa parlor ang listahan ng pangalan, kukunin ko na.”Nahihirapan siyang bumangon. Saka lang niya namalayan na tinapakan na pala ang magkabilang paa niya, hindi na siya makalakad.Tagos sa tiyan ang sakit sa tuwing sinusubukan niyang gumalaw.Sa huli, kinaladkad ng dalawang martial artist sa likod ni Azure ang matandang babae papasok. Natagpuan ang listahan sa loob ng nakatagong compartment sa dingding.Sa huli, naglakad pa rin si Alex sa foot reflexology parlor. Nakita niya ang ilang magagandang babae na nakasuot ng daring na damit na nagtatago sa isang kwar
Read more

Kabanata 1306

Gulat na gulat si Alex. Pagkatapos, lalong tumindi ang hinala sa kanyang puso. “Kung gayon nakita mo na ba si Carol Rockefeller?”Sumagot si Elias, “Hindi.”Tumango si Alex at sinabing, “Sige. Kung hindi ako nagkakamali, malamang na pinilit ni Carol na makipagsawatan ang nanay mo sa kanya. Ngayon, tinahak ni Carol ang landas ng masamang cultivation at nililinang niya ang isang uri ng mapanlinlang na sining ng demonyo. Partikular siyang tinutulungan ng nanay mo na dumukot ng lima o anim na taong gulang na mga bata. Kapag nahulog sila sa mga kamay ni Carol, malamang pinapatay sila! Kaya, kung ayaw mong mawala ng tuluyan ang iyong ina, sabihin mo sa akin kung nasaan siya at matutulungan kitang iligtas siya.”Natigilan sandali si Elijah at sinabing, “Kasangkot rin ba siya sa insidente sa Disneyland?”Tumango si Alex.Bumagsak si Elias at naglupasay sa lupa.Matapos siyang sulyapan, aalis na sana si Alex.Gayunpaman, pinigilan siya ni Elijah. “Alex, ang kasalukuyang Carol Rockefeler ay tala
Read more

Kabanata 1307

Kagabi, nagtulungan ang tatlong opisyal na departamento gayundin si Norton at ang iba pang dalawang human trafficker ay nakipagtulungan para sa pagtatalaga. Sa pagsubaybay sa mga bakas, matagumpay nilang natagpuan ang kuta ng Beggar Gang sa California.Natagpuan nila kaagad ang tatlumpu’t tatlong human trafficker at mga kaugnay na bandido habang inililigtas ang 178 na dinukot na bata.Kaninang umaga, naglabas ng video ang pulisya ng California. Footage ito ng mga batang nasagip. Napakalaki ng eksena noong panahong iyon: mahigit isang daang bata ang ikinulong sa mga kulungan na parang mga aso, at mahigit dalawampung bata ang isinabit sa mga kisame ng bahay dahil hindi sila masunurin, na nagresulta sa mga sugat sa buong katawan.Meron ding lahat ng uri ng mga kasangkapan para sa pagpapahirap sa pinangyarihan.Puno ng tuyong dugo ang sahig.At, halos kalahati ng mga batang nasagip ay may kapansanan na. Ang ilan ay pinapalabas upang manlimos ng pera araw-araw. Gayunpaman, wala silang naibu
Read more

Kabanata 1308

Sa sandaling ito, sinabi ng isa pang babae, “Madame, ngayon ko lang nalaman ang impormasyon. Maraming mga produkto ng Lush Cosmetics ang binuo ni Alex Rockefeller. Bukod dito, isa siyang pangunahing shareholder ng Thousand Miles Conglomerate. ang CEO ng Thousand Miles Conglomerate, si Waltz Fleur ang kanyang kasintahan... Samantala, ang asawa ng master ng Waylon Realty na si Charles Carter, ay kinakapatid ni Alex. Minsan nang nailigtas ni Alex ang kanilang anak na si Zoey Carter.”Ang babaeng ito ay nagngangalang Jen, isang dalubhasa sa pangangalap ng impormasyon.Anuman ang sinabi niya ay hindi maaaring magkamali.Sabay-sabay na nagulat ang mga babae ng mga Melvis.Sabi ni Lexia, “Ang Alex Rockefeller na ito ay tiyak na hindi taong walang partikular na talento! Isipin mo na lang, kaya niyang gamutin ang late-stage kanser ni Nickolas. Sa pamamaraang iyan pa lamang, maaari siyang maging pinakamahusay na miracle doctor sa mundo kung kumalat ang balita! Nakalulungkot, ayaw ni Brittany na
Read more

Kabanata 1309

Ang unang reaksyon nang marinig ito ni Alex ay tanggihan ito!Matagal nang nag-iwan ng negatibong impresyon si Claire sa kanyang puso. Sinong nakakaalam kung anong klaseng intensyon ang nasa isip nito nang bigla itong magyaya sa kanilang mag-ina na kumain.Gayunpaman, may naalala siya, kaya agad niyang tinanong, “Hindi ba nawalan ng mga alaala ang nanay mo? Maaari kayang nabawi niya na ang kanyang memorya?”Sumagot si Dorothy, “Hindi! Inimbitahan lang niya kayong mag-ina na kumain dahil wala pa siyang naalala. Sa tingin mo ba ay gagawin niya iyon kung nabawi niya na ang kanyang memorya?”“Ayan na nga ba ang sinasabi ko!”“Ano naman? Kailangan mo pa bang mag-isip nang matagal para lang sa pagkain? Kailangan mo pa bang magpaalam sa iba mong babae?”Agad na sabi ni Alex, “Ano bang sinasabi mo? Hindi naman kasi ganoon. Iniisip ko lang kung paano ko sasabihin kay Mom ang tungkol dito. Kung tutuusin, akala niya ay matagal na tayong naghiwalay at hindi na tayo nakikipag-ugnayan sa isa’t-isa.”
Read more

Kabanata 1310

Umiling si Alex.Tiningnan niya nang maigi si Claire. Pagkatapos, nagulat siya nang makitang meron talagang banayad, kakaibang pabagu-bagong enerhiya sa katawan nito. Dalisay ito, bahagya ngunit totoo.‘Isang natatanging bloodline?’‘Na-activate na ba?’Laking gulat ni Alex, na para bang nakita niya ang kakaibang panig ni Zella Yeager sa katawan ni Claire. Ang katawan ni Zella ay naglalaman ng kakaibang bloodline ng Nine Tails, samantalang sa katawan ni Claire, ang kapangyarihan ng bloodline ay mas dalisay kaysa kay Zella at ang kalidad ay mas mahusay. Meron itong bahagyang katangian ng apoy.‘Ano ito?’Nang magtaka si Alex, nakangiting lumapit sa kanila si Claire. Nagkusa siyang hawakan ang kamay ni Brittany at malumanay na sinabi, “Oh, balae ko. Maligayang pagdating, maligayang pagdating. Napagod ka siguro sa biyahe mo papunta dito. Halika, pumasok at maupo ka!”Pagkatapos noon, hinawakan niya ang kamay ni Alex. “Alex, narinig ko na ang mga bagay-bagay noon. Sana hindi mo iyan kimkim
Read more
PREV
1
...
129130131132133
...
195
DMCA.com Protection Status