All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1131 - Chapter 1140

1942 Chapters

Kabanata 1131

Ang pagkakaroon ng pangalawang piraso ng esmeralda mula sa mga ores ay itinuturing na masuwerte.Pagkatapos, hindi na maipapaliwanag ng suwerte ang mga sumunod.Masasabing baligho at kakaiba iyon.Ang sumasabog na tagay ay kanina pa umaakit sa mga nanonood na naroroon, at hindi makapaniwala ang mga mata ng lahat. Para itong isang ilusyon, pero hindi naman maaaring pare-parehong namalik-mata yung mga nandito. Kaya naman, malamang totoo talaga ito.Natigilan ang empleyado mula sa Golden Tower.Natigilan din ang alagad at ang security guard.Sa tagal ng pagtratrabaho nila dito, wala pa sila nakikitang nangyaring ganito. Lalo na ang alagad na iyon, nang maisip niya ang sinabi ni Alex, nakaramdam siya ng kilabot.‘Nakikita kaya niya kung may esmeralda o wala sa loob ng ores?’Ano pang paliwanag ang meron sa mahiwagang eksenang ito sa harapan niya?Hindi nagtagal at ang lahat ng ores sa kariton ay nabuksan, at lahat ng mga ito ay tumama sa jackpot. Kahit na hindi emerald jadeites yung iba, g
Read more

Kabanata 1132

Tahimik namang umatras ang security guard, nililisan ang unang palapag. Mabilis siyang umalis para magsumbong sa may-ari ng Golden Tower.***Kasabay nito, ang orihinal na masiglang una hanggang ikatlong palapag ng Golden Tower ay biglang naging kalat-kalat, at iilan na lamang ang natira sa mga lugar.Karaniwan na hindi ito magiging problema.Gayunpaman, nasa loob ang mga tauhan mula sa Divine Constabulary.Nandito sila para hulihin ang may-ari ng Golden Tower na si Giovanni Winn.Ito ay dahil ang Divine Constabulary ay may mahalagang piraso ng katibayan na nagpapatunay na si Giovanni ay konektado sa isang pabrika na gumagawa ng bagong uri ng lason, at malamang na siya ang boss sa likod ng pabrikang gumagawa ng lason na ito. Kamakailan lamang lumitaw ang nasabing lason, at mas nakakapinsala ito kaysa sa mga ordinaryong lason. Ito ay isang uri ng likido na maaaring ihalo sa tubig para inumin, at nakukuha ito mula sa isang halaman. Napakahirap din itong tukuyin at makilala, at sa ngayon,
Read more

Kabanata 1133

Anong ibig sabihin ng pagkakaroon ng tao na makapagsasabi ng 100% kung merong esmeralda sa loob ng mga ores?Alam na alam ni Giovanni.Nangangahulugan ito ng pinakamataas na kayamanan.Nangangahulugan ito na maabot ang langit sa isang hangganan, isang napakalaking kalamangan.Kakailanganin pa ba niyang magtrabaho nang husto para patakbuhin ang Golden Tower sa napakatiwangwang na lugar habang may misteryosong tao sa kanyang tabi? Kailangan pa ba niyang pumasok sa negosyong cosmeceutical na iyon? At, kailangan pa ba niyang makipagsapalaran upang lumikha ng bagong lason na iyon?Hindi, tanga lang ang gagawa niyon.Pagdating ng oras, maaari na lang siyang magtungo sa Myanmar at kunin at bilhin ang lahat ng ores doon na naglalaman ng mga esmeralda sa loob nito. Maaaring sarilihin niyang buksan ang mga ito, at magsimula ng negosyong esmeralda.Maaari siyang maging pinakamalaking supplier ng mga emerald jadeite, at maaari niyang gawing monopolyo ang naturang negosyo sa mundo. Kapag nangyari i
Read more

Kabanata 1134

Gayunpaman, ilang sandali lang bago ito nangyari, isa pang bala ang bumaril mula sa kaliwa.Bago pa makapagpaputok si Giovanni para patayin si Soraya, tumama ang bala sa baril sa kanyang kamay at sumabog.Boom!Nagkalat sa lupa ang mga sumabog na bahagi ng baril.Kaagad pagkatapos, limang miyembro mula sa Divine Constabulary ang sumugod lahat.Mapanglaw na sabi ni Soraya, na nasa bingit ng kamatayan ngayon lang, “Mag-ingat kayong lahat. Ang taong ito ay madirigmang may ranggong Earth, at ang kanyang mga kasanayan sa martial arts ay mataas. Mali ang impormasyong nakuha natin.”Sabi ng isa sa mga miyembro ng Divine Constabulary, “P*ta, ano? Paano sila nagkakamali nang ganito? May mga taong puwedeng mamatay dahil sa ganiyang pagkakamali!”Desididong nagpasya si Soraya. “Kumilos na kayo. Walang aatras. Patayin siya nang walang awa!”Ngayong alam na nilang si Giovanni ay isang mandirigmang may ranggong Earth, kung meron pa silang intensyon na iuwi ito nang buhay, hindi iyon tinatawag na pag
Read more

Kabanata 1135

“Ahhh!”“Carl, Lina, Devon!”“Giovanni Winn, napakalakas ng loob mong pumatay ng mga tauhan ng Divine Constabulary. Nadoble ang kasalanan mo. Hinding-hindi ka tatantanan ng Divine Constabulary!”Pinagmasdan ni Soraya ang kanyang mga tauhan na tinadtad hanggang mamatay, nakadilat at nakatutok sa kanila ang kanyang mga mata, at malakas siyang umungol. Nagliliyab sa galit ang magagandang mata niya.Gayunpaman, bilang resulta, hinigpitan ang lambat ng pangingisda na nakapalibot sa kanila gamit ang isang lubid.Ang tatlong nasa loob ay agad na binalot na parang siomai, hindi maigalaw nang malaya ang kanilang mga kamay at paa, at halos nagmistulang mga tupang handa na para katayin.Sa sandaling ito, lumabas si Giovanni sa kanyang opisina, isang malamig at madilim na tingin sa kanyang mukha.Itinaas niya ang kanyang paa at sinipa si Soraya. “Ano bang meron sa Divine Constabulary? Isang kamay lang ang kailangan ko para makapatay ng sampung basurang tulad mo. Pumunta ba naman dito sa Golden Tow
Read more

Kabanata 1136

Habang hindi nakikita ni Soraya ang lawak ng lakas ni Giovanni, makikilala ito ni Alex sa isang sulyap.Ranggong Advanced Earth!Gaya ng inaasahan, ang taong maaaring magpatakbo ng ganoong negosyo sa lugar na tulad nito ay hindi maaaring karaniwang tao lamang.Gayunpaman, kahit na walang bumabagabag sa kanyang isipan, medyo naguguluhan siya sa mga putok ng baril na narinig niya mula sa itaas na palapag.Hindi kaya kumilos na ang mga tao mula sa Divine Constabulary? Ngunit, natapos ito sa loob ng napakaikling panahon, hindi ba masyadong mabilis iyon? Gayundin, lumitaw si Giovanni dito nang walang galos, at medyo hindi makatwiran iyon. Kahit na hindi si Giovanni ang taong haharapin nila, siya pa rin ang may-ari ng lugar na ito, at dapat niyang alalahanin ang nangyari sa itaas.Kung gayon, may nangyari ba sa mga taga-Divine Constabulary?Bilang karagdagan, hindi rin lumitaw si Hubert.Panay at mahinahon ang boses niya nang sabihin niyang, “Ang swerte ko nga talaga ngayon, pero may maliit
Read more

Kabanata 1137

Merong mapait at galit na tingin sa mga mata ang babaeng empleyado na si Apple.Hindi na siya makapaghintay na makitang nakaluhod si Alex sa harap ng mga alagad ng Golden Tower, mabugbog hanggang sa puntong kahit mga magulang niya ay hindi na siya makikilala.Alam niyang dahil napakahusay ni Alex sa stone gambling, hindi ito papatayin. Gayunpaman, tiyak na tuturuan ito ng mga leksyon.Sumigaw siya, “Hindi nagpapakita ng anumang tamang paggalang kay boss ang bastos na ‘to! Baliin ang kanyang binti, ipakita sa kanya kung sinong mas nakatataas, para hindi na siya…”Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, hinila ni Alex si Cheryl palapit sa kanya gamit ang isang kamay at biglang iniangat ang isang paa, at ibinagsak ito ng malakas sa lupa. Ang napakatinding puwersang idinulot nito ay sumabog na parang maliit na dinamita sa hugis ng pamaypay, pinapaatras ang dose-dosenang mga disipulo.“Agh—”Boom!Sumabog ang hindi mabilang na mga tile sa sahig, lumipad kung saan-saan ang mga bubog.Hin
Read more

Kabanata 1138

Gayunpaman, sa sumunod na segundo, may hindi-nakikitang sinag ng liwanag ang bumaril mula kay Alex.Iyon ay ang Dragon’s Bane of Thirty-Six.Espada ng Sandaigdigan!Whoosh!Iba na ang mga nakita ni Giovanni sa mga sumunod na sandali. Biglang umikot ang daan sa unahan, at nakita rin niya ang katawan na walang ulo na tumakbo paabante ng isang dosenang metro bago bumagsak, bumubulwak kung saan-saan ang dugo.Sobrang pamilyar nung katawan.Sa sarili niya pala iyon.Patay na siya!Pinugot ng Espada ng Sandaigdigan ang kanyang ulo.“P-Paano ito naging posible?!”Nakatakbo na si Giovanni palampas sa mga pinto sa unang palapag, at nagawa niya pa ngang lumiko sa kanto. Paano kaya siya napatay ni Alex?Gayunpaman, hindi siya makakakuha ng sagot.Ang Dragon’s Bane of Thirty-Six ay isang espirituwal na kayamanan, at dahil kontrolado ito ni Alex gamit ang kanyang espirituwal na kamalayan, maliwanag na maaari rin itong lumiko!Ipinatawag ni Alex ang Espada ng Sandaigdigan pabalik, at walang kahit is
Read more

Kabanata 1139

Pakiramdam ni Soraya ay mamamatay na siya sa mga sandaling ito.Hindi siya natatakot sa kamatayan.Kanina pa siya umaasang sana mamatay na siya ngayon mismo.Sinaksihan ng kanyang mga mata ngayon lang kung paano namatay ang kanyang mga kasamahan, pinagsasaksak ng mga kutsilyo nang hindi man lang makalaban. Noong mga sandaling iyon, ginusto niyang masaksak na lang rin ng mga kutsilyong iyon.Hindi na kailangang tiisin ni Soraya ang kahihiyang haharapin niya sa huli kapag pagsasamantalahan siya ni Giovanni, at hindi na niya kailangang tiisin ang pahirap ng panghihinayang na nararamdaman niya sa loob.Sa sandaling ito, nakatali siya at iniwan sa sulok ng kwarto.Napaluha siya.Hindi siya umiiyak para sa kanyang sarili ngunit sa kung gaano siya katanga sa pamumuno sa koponan at hinayaang mamatay ang lahat ng kanyang mga kasama. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya.Klik!Bumukas ang pinto sa sandaling ito.May lalaking pumasok.Umigting ang ekspresyon ni Soraya, may mabangis na t
Read more

Kabanata 1140

Sagaran ang suwerte niya ngayong araw. Hindi ito tumitigil kahit na gustuhin niya!At saka, may naisip si Alex na isa pang posibilidad.‘Di kaya nakahanap si Giovanni ng mapagkukunan ng Black Spirit Crystal?‘Sobra naman ata iyon, ‘di ba?’Gayunpaman, nang maisip niya ang gayong posibilidad, si Alex ay napuno ng pananabik. Agad niyang gustong humanap ng matatanungan kung saan ang pinanggagalingan ng mga ores. Kung talagang merong mapagkukunan ng Black Spirit Crystal, maaari niyang dalhin ang kanyang mga tauhan sa mas bagong taas.Nakita niya ang isang travelling bag sa gilid.Inabot ni Alex upang kunin ito, inilalagay ang dalawang piraso ng Black Spirit Crystal sa loob nito, at pagkatapos ay kumuha ng ilan sa mga mas mahuhusay na kalidad ng mga esmeralda. Pakiramdam niya ay magulo ang iba pang gamit sa kwarto, kaya hinayaan na lang niya ang mga iyon.Medyo may kaunting ginto at perang papel na nakaimbak dito.Gayunpaman, ang lahat ng ito ay walang pinagkaiba sa basura sa kanyang mga ma
Read more
PREV
1
...
112113114115116
...
195
DMCA.com Protection Status