All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1121 - Chapter 1130

1942 Chapters

Kabanata 1121

Natigilan si Hubert Gordon. “Nakita ninyo na si Master Rockefeller?”Napatingin din si Thea Stone sa pagkagulat.Nagmamadaling pinisil ni Alex ang kamay ni Cheryl, sinasamahan ito ng kaunting puwersa.Ayaw niyang malaman ni Hubert na siya ang pumatay sa dakilang elder ng pamilyang Coleman, na nagbigay-daan sa pamilyang Stoermer para mapatumba ang kalahati ng pamilyang Coleman, na nagdulot ng malubhang pinsala sa ekonomiya na nakakaapekto sa pamilyang Gordon ngayon.Galit na galit si Cheryl sa pagiging mayabang ni Hubert at kung paano nito minamaliit ang lahat na parang sobrang angat nito kumpara sa kanila. Nang paalalahanan siya ni Alex, mahinahon niyang sinabi, “Ano kung nakita ko na siya? Ano naman kung hindi? Magiging lamang ka ba kapag nakita mo na siya?”“Hpmh, anong pinagyayabang mo kung hindi mo pa pala siya nakikita?! Promdi!” Mapang-asar na sabi ni Thea.“Kung kaya ninyo, eh di wag kayo dito sa eroplanong sinasakyan namin, mga promdi! Dahil mataas ang katayuan ninyo, bumili ka
Read more

Kabanata 1122

Pinagmasdan ni Alex ang damit na suot nito, lalo na ang badge sa dibdib nito.Lalo siyang nagulat.‘Taga-Divine Constabulary?’Natural na namukhaan ni Alex ang tatak, ngunit hindi niya akalain na may makaka-engkwentro siyang master mula sa Divine Constabulary sa kanyang paglipad patungong Puerto Rico. Kapareho ng kay Sky Melvis ang antas ng martial arts cultivation nito, ranggong advanced Mystic. Imposibleng kung sino lang ito sa Divine Constabulary.Tapos, hindi pa niya nakikita dati ang babaeng ito.Sa pag-iisip tungkol dito, imposibleng mula sa dibisyon ng South California ang babaeng ito.Ang mas ikinagulat ni Alex ay ang pakiramdam ng pamilyar na aura mula sa babaeng ito, na para bang nagkita na sila noon.Gayunpaman, hindi niya talaga masyadong maalala.Galit na galit din si Thea sa mga sandaling ito, matapos ba namang sampalin. “Anong masama sa paglalagay ng mga paa ko diyan? Hindi pag-aari mo o ng pamilya mo ang eroplanong ito, at ikaw yung naglagay ng mukha mo sa mga paa ko! A
Read more

Kabanata 1123

Maya-maya, dumating na ang mga pulis.Iniangat ni Thea Stone ang kanyang baba at muling naging mayabang dahil hinubad niya ang kanyang sapatos at ipinatong ang mga ito sa sandalan ng upuan sa kanyang harapan. Ang pinakamalalang posibilidad ay maaaring sabihing hindi sibilisado ang kanyang pag-uugali, habang ang babaeng sumampal sa kanya ng pito o walong beses ay lumalabag naman sa batas.Sa suporta ng pamilyang Gordon ng Missouri, madali niyang maipapadala ang g*gang iyon sa kulungan.“Ano bang pinaggagawa ninyo? Bakit ang tagal ninyong dumating?“Nagbayad ako ng pera para sa tiket ko sa eroplanong ‘to, at ngayon ay seryosong nanganganib ang kaligtasan ko. Tingnan ninyo ang mukha ko, nasampal ako, at literal na mukha akong baboy ngayon. Bilisan ninyo at arestuhin itong marahas na taong bumubugbog sa mga tao…”Umiling si Alex, biglang nakaramdam ng kalungkutan para sa katawa-tawang babaeng ito na nagngangalang Thea Stone.Ni hindi nito alam kung sino ang kinakalaban.Kung ibubuod, isa i
Read more

Kabanata 1124

Kalmadong sagot ni Alex, “Gumagala, honeymoon, hindi na importanteng malaman iyon. Ang mahalaga ay maging masaya, di ba?”Isang malamig na ekspresyon ang bumalot sa mukha ni Thea.Gayunpaman, matapos bigyan ng timeout sa eroplano pati na rin masampal, napagtanto niyang medyo naiinis si Hubert sa kanyang ginawa at naisip niya sa sarili, ‘Pagbibigyan ko muna siya ngayon. Lagot sila sa susunod na magkaroon ako ng pagkakataon.’Lumapag ang helicopter sa maliit na bayan ng Morro.Sa lugar na ito, kitang-kita na ang ekonomiya ay hindi maunlad. Kahit na ito ay pamilihang bayan, hindi ito mukhang naiiba sa mga nasa probinsya ng California. Merong lamang isang lugar na mukhang sopistikado at matatawag na kahanga-hanga.Sinabi ni Hubert na may mahinang boses, “Tinatawag iyan na Golden Tower, at isa iyang casino. Ang layunin ng pagpunta namin sa pagkakataon na ito ay upang bisitahin ang lugar na iyan.”Nagulat si Alex. Tinaas niya ang kanyang kilay at sinabing, “Hindi ba pumunta kayo dito para as
Read more

Kabanata 1125

‘Nasa Morro talaga siya!‘Anong klaseng misyon meron ang Divine Constabulary dito?’ pagtataka ni Alex habang nakatingin sa babae.Agad namang hindi nasiyahan ang babae nang tiningnan siya ni Alex. Pinandilatan niya ito kanina sa eroplano, kaya dire-diretso siyang naglakad palapit sa kanila.“Ah! Iyan ang walang modo, marahas na babae!”Nang makita ni Thea ang babae na naglalakad palapit sa kanila, dali-dali siyang nagtago sa likod ni Hubert.Akala niya ay hindi pa nasisiyahan ang babae sa paghampas sa kanya sa eroplano at pinaplano nitong saktan pa siya.Sa sobrang takot niya ay napasigaw siya, “I-Ikaw, huwag kang lumapit rito! Sinasabi ko sa’yo, meron akong suporta ng mga Coleman sa Missouri…”Gayunpaman, hindi tumitingin sa kanya ang babae. Sa halip, sumugod ito at hinawakan si Alex sa damit. “Anong tinitingin-tingin mo? Hindi ka pa ba nakakakita ng magandang babae? Kung tititigan mo pa ulit ako, huhugutin ko ‘yang mga mata mo.”Lalong naramdaman ni Alex na may pamilyar na koneksyon
Read more

Kabanata 1126

“Ugh, ito... hindi ko talaga plinano ‘to. Hindi ko alam na isang kama lang pala.” Tinakpan ni Cheryl ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay, hindi naglalakas-loob na iangat ang kanyang ulo. “Kukuha na ba ako ng isa pa?”“Hindi na kailangan!”Hinila siya ni Alex, at tinitigan nito ang nahihiyang hitsura sa kanyang mukha, imposibleng sabihin na ang puso at isipan nito ay walang naiisip na kahit anong malisya. Gayunpaman, pinilit nitong pigilan ang mga pagnanasang iyon at sinabi nito na may mahinang boses, “Isang gabi lang naman. Pakiramdam ko ay hindi rin naman ito magiging mapayapang gabi, kung tutuusin. Yung babae kanina, alam mo ba kung sino siya?”“Huh? Sino? Yung bumugbog kay Thea?”“Oo! Mula siya sa Divine Constabulary, at narito siya para sa isang misyon. Ang hula ko ay may mangyayari dito mamaya.”Siyempre alam ni Cheryl kung ano ang Divine Constabulary.Nakilala niya sila noong Triangle River Delta Medical Exchange.Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at tinanong, “Ku
Read more

Kabanata 1127

Pagtapak nila sa Golden Tower, nakita nila ang napakagandang palamuti sa loob. Makinang at maliwanag ito, sa punto na halos tila mabulag ng mga ito ang mga mata ng mga taong pumasok. Maliban sa ilang nakasuot ng mga lokal na damit may istilong etniko, karamihan sa kanila ay mga sugarol mula sa ibang bansa.“Taga-saan kayo, at sinong nagpakilala sa inyo sa lugar na ito?”May dalawang alagad na nagbabantay sa pintuan.Nang makita nila ang grupo ng apat at ang katotohanang hindi sila pamilyar na mga mukha, pinigilan sila ng mga alagad at kinuwestyon.Pagkatapos nilang magtanong, nagulat sila sa hitsura ni Cheryl. Parehong nakatutok ang kanilang mga mata sa magandang doktor, at halos maglalaway na sila.Naguguluhan si Cheryl. Ito ang unang pagkakataon na nakarating siya sa ganitong lugar, at hindi siya komportable. Kung hindi lang hawak ni Alex ang kamay niya, kanina pa siya umalis dito dahil sa takot. Nagmamadali siyang nagtago sa likod ni Alex. Si Thea naman, nainggit siya. Pakiramdam ni
Read more

Kabanata 1128

Gayunpaman, naramdaman ni Thea Stone na biro ang mga sinabi ni Alex, at binanat niya, “Stone Gambling Prince? Kung gayon, ako naman ang Stone Gambling Queen. Ang problema, kaya ba ng pitaka mo ang ores? Ilang asset ba ang nakuha mo nang hiwalayan mo si Dorothy?”“Anong pake mo doon?”Hinila ni Alex si Cheryl at dire-diretsong naglakad patungo sa lokasyon ng stone gambling.Nasa unang palapag iyon.Tinadyak ni Thea ang kanyang mga paa. Talagang wala siyang gana na sundan sila, ngunit wala siyang ibang kakilala sa Golden Tower, at naramdaman niya ang mga tingin ng maraming tao sa paligid niya, na nakatingin sa kanya na para siyang tupa na handang katayin. Kinilabutan siya dahil doon, kaya sa huli, nagmamadali siyang sumunod sa kanila.Pinakalma niya ang kanyang puso, ‘Papanoorin ko na lang silang magpakatanga. Hmph, Stone Gambling Prince, anong kalokohan iyon? Sana mawala sa kanya ang lahat, pati na yung brief niya!”Nalaman nilang mas malaki ang unang palapag kaysa sa inaakala nila pagk
Read more

Kabanata 1129

“Gusto mong tawagin kitang ‘daddy?“Bakit mo gugustuhin iyon?”Malinaw na hindi kapareho ni Thea si Cassandra, at hindi siya agad na nahulog sa bitag. Marahil ay nadama niya na hindi naman malaking pera ang dalawang milyon.“Eh di ‘wag kang KJ,” sabi ni Alex. “Napakalaki ng Golden Tower, at napakaraming mapagkakatuwaan dito. Bakit mo ba kami sinusundan? Umalis ka na nga at maglaro mag-isa mo!”“Ikaw… Gusto ko lang umupo sa harapan para makita kung paano mawawala ang lahat sa’yo sa pagsusugal dito.”“Kung ganoon, madidismaya ka lang. Kahit na bilhin ko pa ang lahat ng ores dito ngayon, hindi ako mauubusan ng pera.”Pagkatapos ay hiniling ni Alex sa alagad na itulak ang kariton sa tabi niya.Para siyang nasa grocery, naglalagay ng mga bagay na sa tingin niya ay mukhang maganda habang nagmamasid sa paligid, hindi talaga tinitingnang mabuti ang mga nilalagay niya sa loob ng kariton.Sa ibang nanonood sa kanya, parang siyang bulag na nanghuhula sa mga pinipili niya.Umiling-iling ang mga ma
Read more

Kabanata 1130

Napatalon si Thea sa isang iglap. “Niloloko mo ba ako? Hindi ako nakipagpustahan sa’yo. Sa pagitan namin ni Alex yung taya. Anong kinalaman niyon sa’yo?”Umiling ang babaeng empleyado. “Pero pumasok ka sa pustahang iyon habang nasa Golden Tower ka, kaya kailangan mong sundin ang patakaran ng gusaling ito! Kung ayaw mong aminin ang pagkatalo mo, iiwan mo yung isang kamay mo. Kaliwa man o kanan, ikaw na ang pumili.”Habang nagsasalita siya, may sinenyasan siya sa gilid.Agad namang lumapit ang isang security guard ng Golden Tower. Meron siyang mabangis na tingin sa mukha, at matalim na machete sa kamay.Sa sobrang takot ni Thea ay halos maihi na siya sa kanyang pantalon.Dali-dali niyang isinigaw, “Inaamin ko na ang pagkatalo ko. Handa na akong aminin ang pagkatalo ko! Puwede ko pa namang tuparin ang kasunduan, di ba?”Habang sinasabi niya iyon ay agad siyang lumuhod sa harapan ni Alex at malakas na sumigaw, “Daddy, daddy! Inaamin ko na ang pagkatalo ko. Mangyaring huwag siyang hayaang p
Read more
PREV
1
...
111112113114115
...
195
DMCA.com Protection Status