Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 1101 - Kabanata 1110

1942 Kabanata

Kabanata 1101

“Lady Beatrice, bitawan mo siya!” Hindi na kinaya ni Auntie Rockefeller na panoorin ito. Sinimulan niyang galit na sigawan si Lady Beatrice Assex.Nagulat si Lady Beatrice. Nanginginig ang kanyang katawan habang tumatalikod siya at tumitingin kay Auntie Rockefeller, na mukhang ubod ng suplada. “Sino… Sino siya? Girlfriend mo rin ba siya?” mahinang tanong ni Lady Beatrice.Medyo awkward din ang pakiramdam ni Alex Rockefeller na niyakap siya ni Lady Beatrice nang ganito. Hindi niya alam kung saan ilalagay yung mga kamay niya. “Hindi,” sabi niya.“Ang tindi niya. Para siyang ate ko kung magsalita,” mahinang sabi ni Lady Beatrice.Tinulak ni Alex si Lady Beatrice palayo. “Auntie ko siya! Hay, bitawan mo na nga muna ako. Punong-puno ka ng dugo. Pati damit ko namantsahan mo,” sabi ni Alex.Medyo nabigla si Lady Beatrice.Pero paano niya magagawang bumitaw?“Wala… wala akong suot na damit. Hindi ko kayang bumitaw. Kung gagawin ko iyon, ganap na mailalahad yung katawan ko,“ sabi ni Lady Beatri
Magbasa pa

Kabanata 1102

Tumango si Alex Rockefeller.Kahit na nakakayamot si Madame Claire Assex, biyenan pa rin niya ito, at buhay na ang pinag-uusapan dito.Agad na sinama ni Alex si Lady Beatrice Assex at nagmadaling pumunta sa villa ng pamilyang Assex.Samantala, habang pinagmamasdan ni Auntie Rockefeller ang bilis ng takbo ng dalawa, tinapik-tapik niya ang kanyang ulo na parang sumasakit ito. Sa sumunod na sandali, naging sobrang malamig at galit na galit yung tingin niya.Bam! Bam! Bam!Hinampas niya gamit ng palad ang bawat dibdib ng tatlong ghost servant.Nagluwa ng berdeng butil mula sa mga bibig ang bawat isa sa mga ghost servant.Tinatawag na Zombie Pills ang mga butil na ito.“Totoo nga, gawa sa mga buhay na nilalang ang mga hayup na ‘to. Ganap na hindi makatao ‘to!”“Young master ng Witch Doctor Sect, mananagot ka sa’kin!”Itinabi ni Auntie Rockefeller ang tatlong Zombie Pills bago direktang ihagis ang tatlong bangkay sa isang siwang. Pagkatapos noon, nagsimula siyang maglakad pababa ng burol.Sa
Magbasa pa

Kabanata 1103

Nandiyan pa yung kotse ni Madame Claire Assex, pero nawawala siya.“Nasaan ang nanay ko?”“Saan siya pumunta?”Hindi mapakali Lady Beatrice Assex. Napasabunot siya sa buhok niya at napakamot sa mukha. Sa sobrang pag-aalala niya, tumulo ang mga luha niya. Malinaw na maganda ang relasyon niya sa nanay niya.Agad namang tumakbo palapit ang isang security guard. “Miss Assex, bakit puno ng dugo yung katawan mo?”Hindi nag-abalang magpaliwanag si Lady Beatrice. “Nakita mo ba ang nanay ko? Nandito yung sasakyan niya, pero bakit wala siya rito?” nagmamadaling tanong niya.“Dinala sa ospital ang nanay mo. Nasa First City Hospital na siya ngayon. Dinala namin siya ng mga kasamahan ko roon,” mabilis na sabi ng security guard.Mabilis na sumakay sina Alex at Lady Beatrice sa kotse at tumungo sa First City Hospital.Sa kabutihang palad, nasa kotse pa rin yung phone ni Lady Beatrice. Mabilis niyang tinawagan ang kanyang kapatid na si Lady Dorothy Assex. Hindi niya inaasahang makakatanggap siya ng no
Magbasa pa

Kabanata 1104

“Pero diba ano na kayo ni Ate...” Napabuntong-hininga si Lady Beatrice Assex.“Sa puso ko, palaging mas mahalaga ang ate mo kaysa sa’yo,” sabi ni Alex Rockefeller.Agad na nakaramdam ng pagkadismaya si Lady Beatrice.Sa tulong ng nars ng ospital, nahanap agad nilang dalawa si Madame Claire Assex.Hindi nila akalain na ang itinalagang doktor ay si Cheryl Coney.“Iniisip ko pa lang kung dapat ba kitang tawagan kanina. Medyo kakaiba ang kalagayan ng biyenan mo. Medyo nahihirapan akong mag-diagnose…” sabi ni Cheryl nang makita niya si Alex.Pagkatapos magsalita ni Cheryl, tumingin siya kay Lady Beatrice.Masasabi niya kaagad na damit ni Alex ang suot ni Lady Beatrice.Bagama’t maraming tanong ang nasa isip ni Cheryl, hindi siya yung tipo ng babae na patuloy na magtatanong hangga’t hindi niya nakukuha yung gusto niyang malaman. Hindi rin niya ilalagay si Alex sa mahirap na sitwasyon. Kaya naman, nagkunwari siyang wala siyang nakita.“Hayaan mo akong tingnan siya!” sabi ni Alex.Wala pa ring
Magbasa pa

Kabanata 1105

Pak!Diretsong sinampal ni Madame Claire Assex si Alex sa mukha.Sa sandaling iyon, may natitira pang malagim na enerhiya sa kanyang kamay. Kinukuha niya pa rin ang pinagmulan mula sa mga laman-loob ni Madame Claire.Napakahalagang hakbang nito, at hindi maaaring magkamali.Dahil sa biglang pagsampal sa kanya ni Madame Claire, muntik nang masayang ang kanyang pagsisikap. Pinilit ni Alex ang sarili na tiisin ang sampal. Saka lamang niya nagawang tapusin ang huling hakbang.Samantala, nagmamadaling ibinaba ni Madame Claire ang kanyang dress para matakpan ang kanyang katawan. “Alex, g*go ka! Paano mo nagawa sa akin iyon? Dating biyenan mo ako!” sigaw niya.Kalmadong hinila ni Alex ang kanyang mga kamay.Pagkatapos nito, sinampal niya rin si Madame Claire.Bumali-baligtad si Madame Claire sa kama. Namula ang kalahati ng mukha niya.Napaawang ang labi ni Alex. “Iniligtas lang kita dahil dati kitang biyenan. Kung hindi, sa tingin mo ba nagkaroon ka pa ng malay?”Napakapa si Madame Claire sa
Magbasa pa

Kabanata 1106

Medyo napatulala si Beatrice.“Kung hindi ka naniniwala sa akin, puwede mong ipa-CT scan yung utak niya. Hindi naman mahirap tanggalin yung ganiyang klase ng angioma. Madaling operasyon lang iyan.”Habang nagsasalita si Alex, tumunog ang phone niya.Nang mapasulyap ay nakita niyang galing iyon ni Waltz.Naghihintay siya ng almusal sa bahay. Napakatagal niya nang naghihintay, ngunit hindi pa rin bumabalik si Alex. Bilang resulta, naghintay siya hanggang sa dumating ang prinsesa ng mga Stoermer, si Xyla Stoermer. “Senior, bakit hindi ka bumalik pagkatapos mong bumili ng almusal? Naligaw ka ba sa labas? Kailangan mo bang sunduin kita?”“Ahh, may nangyari. Babalik ako kaagad.”“Dumating na si Xyla Stoermer. May importante daw siyang sasabihin sa’yo. Hihintayin ka namin sa bahay!”Bumilis ang tibok ng puso ni Alex.Opisyal niyang itinalaga si Xyla bilang personal assistant ng presidente para sa Southern California Business Association. Siya ang namamahala sa lahat ng mga inaasikaso sa SCBA.
Magbasa pa

Kabanata 1107

Sa Witch Doctor Sect, si Gunni Bayer, na nalamang pinuksa na ang Four Great Ghost Servants, ay sobrang nagalit kaya napasuka siya ng tatlong litro ng dugo doon mismo.Maya-maya, pinagalitan niya ang kabilang dulo, “G*go ka, anong klaseng nilalang ba yung binangga mo diyan? Alam mo ba kung gaano karaming oras, lakas, at gastos ang ginugol ko para palakihin ang Four Great Ghosts? Bwisit, kahit sarili ko hindi ko pagsisikapan ng tulad ng ginawa ko sa apat na iyon pero sabay-sabay silang namatay sa mga kamay mo? Bakit hindi na lang ikaw yung namatay?”Hindi pa nakikita ni Levi ang kanyang ama nang ganito kagalit.Nanginginig sa gulat ang kanyang mga kamay; muntik nang mahulog sa lupa ang phone niya.Sa oras na ito, nagmamadali niyang sinabi, “Dad, wala akong ginawang kalokohan. Kagagawan ito ng Alex Rockefeller na iyon, ang taong tinawag na Immortal Doctor ng pinakamahusay na imperyal na doktor sa Amerika. Hindi ko akalaing meron siyang ganoon kataas na antas ng martial cultivation. Kahit
Magbasa pa

Kabanata 1108

“Ano? Kailangan pa natin siyang iwasan?” Nagalit bigla si Carol. “Laging pinapahirapan ng g*gong iyon ang pamilyang Rockefeller ko. Halos mabangkarote ang Rockefeller Group namin dahil sa kanya. Tapos ngayon, kailangan pa natin siyang iwasan? Hindi ba’t puno ng mga dalubhasang master ang Witch Doctor Sect mo? Bakit hindi mo kayang iligpit ang ganoong basura?”Pak!Itinaas ni Levi ang kanyang kamay at sinampal ang mukha ni Carol. “G*ga, wala kang karapatang punahin ang Witch Doctor Sect ko. Kung hindi dahil sa walang kuwenta mong planong palitan ang mga binti ng kapatid mo gamit ng sa hipag ng Rockefeller na iyon, hindi sana namatay ang Four Great Ghost Servants. Ano ka ba sa tingin mo?”Napaatras ng ilang hakbang si Carol.Puno ng malisya ang mukha niya.Tila naramdaman ng haunting fetus sa mga bisig niya ang kanyang emosyon. Nang may kasabay na ‘shing’, ibinuka niya ang kanyang bibig, inilalantad ang bibig ng matatalas na ngipin. Pagkatapos ay sinunggaban niya si Levi at kinagat ito.
Magbasa pa

Kabanata 1109

Tanong ni Alex, “Anong klaseng problema?”Sabi ni Xyla, “Diba meron ding iba na gustong makuha ang proyekto ng Sky Tower? Bukod dito, gumamit sila ng mas matinding paraan sa pamamagitan ng pagbabanta kay Wayne Larsen.”“Leviathan Gate ba?” Naalala agad ni Alex.Nitong nakaraan sa California, ang ilang taong nagtangkang dukutin si Phoebe Larsen ay mula sa Leviathan Gate.Kung gayon, layunin din ba nilang makuha ang mga bagay sa loob ng puntod ni Caesar?Sinabi ni Xyla, “Dalawang beses na kinidnap ang anak na babae ni Wayne Larsen, isang beses sa California at isang beses sa Michigan. Ngunit, hindi sila nagtagumpay. Kahapon lang, nakatanggap din ng death threat si Wayne Larsen.“Pero hinahawakan na ng mga taga-Divine Constabulary ang kasong ito. Sinabi rin ni Wayne Larsen na kukumpletuhin niya ang pagbubukas ng proyekto ng Sky Tower sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang mga komplikasyon na dulot ng pagkaantala!“Ngunit, kahit nahulog sa ating mga kamay ang proyektong ito, kailang
Magbasa pa

Kabanata 1110

“Magiging maayos ang lahat. Huwag mong masyadong i-pressure yung sarili mo. Kapag nasimulan na ang proyekto ng Sky Tower, ganap kang tutulungan ng mga Stoermer ng Michigan. Tiyak na hindi magiging pabaya ang mga metikolosong Stoermer kapag may kailangang gawin. Iyan ang sinabi ng tatay ko.”Sinabi ni Alex, “Maalalahanin yung ama mo.”***Pagkaraan ng ilang sandali, ang tatlong tao, sina Brittany, Maya, at Holly, ay nakabalik na mula sa Michigan patungong California.Dumiretso sila sa Rockefeller Manor.Sa pagtingin sa Rockefeller Manor na bumalik sa dati nitong estado, nalulula siya sa lahat ng klaseng damdamin na nararamdaman niya. Habang inaalala ang mga memorya noong nakatira siya dito dati, hindi niya maiwasang umiyak.“Mom, nabawi na natin ang Rockefeller Manor. Dapat masaya ka!” Nag-aalalang sabi ni Maya habang inalalayan sa braso si Brittany.“Tama, tama, tama. Dapat masaya ako.”Nakipagkita ang grupo kina Alex, Waltz, Xyla, at sa iba pa. Masaya at nagkakasundo ang buong kapalig
Magbasa pa
PREV
1
...
109110111112113
...
195
DMCA.com Protection Status