All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1111 - Chapter 1120

1942 Chapters

Kabanata 1111

Isang lalaki na may edad halos limampung taong gulang ang nakatayo sa may pintuan.Base sa kanyang hitsura, animnapu o setenta porsyento ang hawig niya kay James, lalo na sa bandang ilong. Pareho ang pagkakahulma ng mga ito.Samantala, may dalawa pang lalaki sa likod ng lalaking iyon.Ang isa sa kanila ay ang young master ng Witch Doctor Sect—si Levi Bayer.Tumingin ang lalaki kay James at nakakunot ang noo niyang sinabi, “Dad, mahabang panahon na ang lumipas. Bakit hindi mo pa rin natututunan kung paano kontrolin yung pagiging mainitin ng ulo mo? Tingnan mo yung sarili mo. Napakatanda mo na. Ilang taon pa ang itatagal mo? Gusto mo bang walang magbabantay sa’yo at mag-aayos ng libing mo kapag namatay ka na?”Lumalabas na ang lalaking ito ay anak pala ni James at ama ni Cheryl—si Franklin Coney.“Kahit patay na ako, hindi kita kailangan para asikasuhin yung burol ko! Umalis ka na!” Dumagundong ang boses ni James sa sobrang galit, nanlalaki ang kanyang mga mata.Tumakbo palabas ng kusina
Read more

Kabanata 1112

“Anong ginagawa ng lalaking ito dito?”Gayunpaman, naunawaan niya rin kaagad kinalaunan.Dumating ang lalaking ito para mamanhikan sa mga kamag-anak ni Cheryl.“Anong sinabi mo? Gusto mong pakasalan ang apo ko, si Cheryl?” Tinitigan ni James si Franklin na may masamang tingin sa kanyang mga mata. Maging ang boses niya ay lumakas nang sobra. Pagkatapos, lumingon siya kay Levi. “Oh, kaya pala napapaisip ako kung sino ka! Ikaw yung nagpanggap na Immortal Doctor.”Hindi siya pinansin ni James kanina.Ngayon, mabilis niya itong namukhaan.“Hindi ba ikaw yung may ipinagbubuntis na haunting fetus? Bakit gusto mo pa rin magkaroon ng asawa?“At saka, may nobyo na ang apo ko. At tunay na Immortal Doctor yung nobyo niya. Sino ka, na isang talunang lampa, para maglakas-loob na agawin siya?”Isang ‘ah’ ang pinakawalan ni Levi!Naalala niya sa wakas.Hindi ba’t ang maalamat na doktor ng California sa kanyang harapan ay ang mismong matandang lalaki na tumayo kasama ni Wallace Yoke at malamig na sumim
Read more

Kabanata 1113

“Young Master Bayer, bakit ka lumuluhod sa harap ng binatang ito? Ano ba siya? Ni hindi nga siya kuwalipikadong bitbitin ang sapatos mo, at mas masahol pa siya sa tumpok ng tae...”Hindi makita ni Franklin kung anong nakakatakot kay Alex.Ni hindi nga nito nakita kung paano iniangat ni Alex si Levi sa ere. Paano nito malalaman ang takot sa isipan ni Levi ngayon? Ngayong wala na ang Four Great Ghost Servants, hindi man lang niya magawang gantihan si Alex gamit ang kanyang maliit na cultivation base.Gusto niyang pagalitan si Franklin para hindi na ito magsalita.Gayunpaman, hindi siya makapagsalita ngayon. Sa ilalim ng pagsupil ng mental na kapangyarihan ni Alex, ang kanyang buong katawan ay pinawisan ng malamig, na nag-iiwan lamang ng matinding takot sa kanyang kaibuturan.“Ikaw diyan, lumuhod ka rin!” walang pakialam na sabi ni Alex kay Franklin.Tawa ng tawa si Franklin. “Anong sinabi mo? Gusto mong lumuhod ako? Sino ka ba...”Nang matapos siyang magsalita, hindi niya napigilang mapa
Read more

Kabanata 1114

Walang pakialam na tanong niya, “Alam mo ba kung anong pinakain ko sa’yo? Tinatawag iyan na parasito na lumalamon sa puso. Sasamahan ka nito sa natitirang bahagi ng buhay mo. Mananatili iyan sa loob ng katawan mo hanggang sa mamatay ka!”Nang marinig ito, napuno ng takot ang mukha ni Franklin.Pati ang buong katawan ni Levi ay nanginig. Nakita na niya ito dati sa mga sinaunang talaan sa Witch Doctor Sect. Ang parasito na lumalamon sa puso ay lubhang nakakatakot na parasito. Kapag naitanim na ito sa katawan ng isang tao, wala nang paraan para maalis ito. Makiki-isa na ito sa puso. Kailangan na laging uminom ng panlunas ang sinumang meron nito, o dahan-dahang lalamunin ng parasito ang kanyang puso.Dumating man ang kanyang ama, hindi nito maaalis ang parasito.Sa sandaling ang isang tao ay napasukan ng gayong parasito, katapusan na ng buhay niya. Dapat siyang sumunod sa lahat ng utos ng nagbigay sa kanya nito.Ibinalik niya ang tingin sa lalaking katabi niya.Ang lalaking iyon ay mula sa
Read more

Kabanata 1115

Matapos tawagan si Anna, hindi pinansin ni Alex ang ingay sa ibaba at nilingon si Franklin.Sa mga sandaling ito, namutla na ang kanyang mukha sa sobrang takot.“Gusto mo bang mamatay o mabuhay?”Hiling talaga ngayon ni Franklin ay sana makahingi siya ng tulong sa paligid. Nang marinig ang mga salita ni Alex, nagmamadali siyang umiyak at sinabing, “Gusto kong mabuhay. Gusto kong mabuhay, Kapatid... Kuya, patawarin mo ako. Tratuhin mo na lang ako na parang utot at pakawalan mo ako!”“Pakawalan ka? Sige, umalis ka na!”“Hah... P-paano yung parasito sa loob ng tiyan ko...”“Anong kinalaman niyon sa akin?”“Ah—! Kuya, manugang. Aking butihing manugang, nakikiusap ako sa’yo. Pakawalan mo na ako. Alam kong nagkamali ako. Alam kong mali talaga ako!”Nang makitang umiiyak si Franklin habang patuloy na gumagapang at ibinabagsak ang ulo nito sa lupa upang aminin ang mga pagkakamali, naalala ni Cheryl ang kanyang ina. Noong panahong iyon, namatay ang kanyang ina dahil sa depresyon. Hindi pa rin m
Read more

Kabanata 1116

Iminulat ni Levi ang kanyang mga mata habang ang kanyang mukha ay puno ng hindi makapaniwalang ekspresyon. Gusto niyang pumiglas at patayin si Carol, ngunit paano niya iyon magagawa? “I-ikaw, ang lakas ng loob mong patayin ako? H-hindi ka ba natatakot na habulin at mapatay ng Witch Doctor Sect ko?”Hindi dumiretso sa puso ni Levi ang kutsilyo ni Carol, ngunit napunta ito sa kanang bahagi sa tabi ng dibdib.Napaatras siya ng dalawang hakbang at nakangiting sinabi, “Bakit pupunta ang Witch Doctor Sect para patayin ako? Pinatay ka ni Alex Rockefeller, tama ba?”Patuloy na umuubo ng dugo si Levi. “N-Napakalupit mo!”Taos-pusong tumawa si Carol. “Young Master Bayer, ang taas ng tingin mo sarili mo sa pag-aangkin na ikaw ang batang bayani ng susunod na henerasyon. Hindi mo ba alam na ang mga babae ang pinakamabangis na nilalang sa mundo? Noong inilipat mo sa akin ang haunting fetus, lihim akong nanumpa na papatayin kita balang araw. Ngayon ang araw na iyon!”“Ikaw... Bleh!”“Sige, mukhang hi
Read more

Kabanata 1117

Natigilan si James.Pagkaraan ng mahabang panahon, nag-alinlangan siya at nagtanong, “Kung gayon, paano ka...”Misteryosong ngumiti si Alex. “Gusto mong malaman kung paano ko natutunan ang Thirteen Acupunctures of Hell? Kung gayon, alam mo ba kung saan natutunan ng Immortal Doctor ng nakaraang henerasyon, si Guilherme Extraordinaire, ang Thirteen Acupunctures of Hell? O kaya, kung saan nagmula ang Thirteen Acupunctures of Hell sa Legacy ng Immortal Doctor?”Gulat na tanong ni James, “Maaari kayang ang iyong Thirteen Acupunctures of Hell ay may mas mahabang kasaysayan kaysa kay Guilherme Extraordinaire?”Ikinaway ni Alex ang kanyang kamay. “Walang kabuluhan na sabihin ang lahat ng ito. Ngunit, ang legacy na natutunan ko talaga ay medyo nauugnay sa Legacy ng Immortal Doctor. Hindi ako masyadong interesado sa katayuan ng Immortal Doctor. Ngunit, sir, kung makukuha mo ang Legacy ng pagiging Immortal Doctor ni Guilherme Extraordinaire, magiging magandang bagay iyon para sa karamihan ng mga
Read more

Kabanata 1118

Nang sunduin ni Alex si Cheryl sa bahay ng pamilyang Coney, hindi niya maiwasang kumislap ang kanyang mga mata. Sa sandaling ito, nakita niya si Cheryl na nakasuot ng puting T-shirt na may mga burda. Tinernuhan ito ng asul na maong at pulang sneakers. Mukha itong bata, maganda, at masigla. Hindi niya masabi na isa na pala itong mature na babae na dalawampu’t anim na taong gulang na. Para lang itong college student na naglalakad palabas ng unibersidad.Iniangat ni Alex ang kanyang ulo at sumipol. “Naku, kaninong anak ito? Taken ka na ba?”Pagkabitaw ng boses, umalingawngaw ang boses ni James mula sa loob sa tabi ng pinto ng residential unit. “Alex, hinihintay na lang kitang pumasok sa bahay namin para mamanhikan.”Sa sandaling iyon, napatalon si Alex sa gulat.Medyo naiilang siya.Ngumiti lang si Cheryl at tinuro ang mga bagahe na malapit sa paa niya. “Mabait kong kuya, tulungan mo naman akong bitbitin ang mga bagahe ko!”“Bakit ang dami?”“Ganoon talaga kapag babae.”Hindi na nagsalita
Read more

Kabanata 1119

Walang pakialam na sinulyapan ni Alex si Thea na walang nararamdaman sa kanyang puso.Sa kanyang mga mata, malaki ang pagkakaiba ng personalidad nina Thea at Maya; Si Maya ay parang ulap sa langit, samantalang si Thea ay bulok na dahon sa lupa. Noong una, mas maganda pa nga ang relasyon niya kay Thea. Sinubukan pa nga nito noon na manalo sa puso niya sa pamamagitan ng pagtatangkang paglayuin ang mga kalooban nila ni Maya. Isa pa, ang paraan na ginamit nito ay—ang pag-aamin!Tama iyon. Minsan nang umamin si Thea kay Alex at gusto nitong maging girlfriend niya.Sa hindi inaasahang pagkakataon, matagal nang nalaman ni Alex ang layunin nito dahil narinig niya ang pakikipag-usap nito sa ibang babae noon.Halata naman kung anong naging wakas.Ang babaeng ito ay maaaring ibuod sa isang salita—katatawanan!Ni hindi man lang tumingin sa kanya si Alex. Natural, hindi man lang siya gumanti ng mapang-abusong mga salita, ngunit hindi na nakapagpigil pa si Cheryl. Hindi magiging problema kung lalait
Read more

Kabanata 1120

Napatingin si Alex kay Cheryl. Kinindatan siya nito.Oo na. Mahal na mahal siya ng magandang doktor na ito. Naghalikan at nagyakapan pa sila. Kung tatanggihan niya ito sa oras na ito, masasaktan ang damdamin nito. Bukod dito, mapapahiya din ito nang husto. Paano niya magagawa ang ganoong bagay?Pagkatapos ng kumustahan, nalaman ni Alex na nasa matinding kahirapan ang pamilya ni Hubert.“Isa sa mga nangunguna ang pamilyang Gordon ko noon. Pero may malaking kaganapan dati at iyon ang naging dahilan ng katapusan ng negosyo ng pamilya ko. Kung hindi kami makakaligtas sa krisis na ito, maaaring harapin ng pamilyang Gordon namin ang panganib ng pagkabangkarote. Kaya naman, nagbigay ng anunsyo ang lolo ko. Kung sino sa ikatlong henerasyon ng pamilyang Gordon ang makakatulong sa pamilya na kumita muna ng isang bilyong dolyar ay siyang magiging susunod na patriarch ng pamilya.“At ang aking ama ang pinakabata sa pamilya at siya ang pinaka hindi-pinapaboran ng aking lolo. Hindi niya rin kasundo
Read more
PREV
1
...
110111112113114
...
195
DMCA.com Protection Status