Share

Kabanata 1111

Isang lalaki na may edad halos limampung taong gulang ang nakatayo sa may pintuan.

Base sa kanyang hitsura, animnapu o setenta porsyento ang hawig niya kay James, lalo na sa bandang ilong. Pareho ang pagkakahulma ng mga ito.

Samantala, may dalawa pang lalaki sa likod ng lalaking iyon.

Ang isa sa kanila ay ang young master ng Witch Doctor Sect—si Levi Bayer.

Tumingin ang lalaki kay James at nakakunot ang noo niyang sinabi, “Dad, mahabang panahon na ang lumipas. Bakit hindi mo pa rin natututunan kung paano kontrolin yung pagiging mainitin ng ulo mo? Tingnan mo yung sarili mo. Napakatanda mo na. Ilang taon pa ang itatagal mo? Gusto mo bang walang magbabantay sa’yo at mag-aayos ng libing mo kapag namatay ka na?”

Lumalabas na ang lalaking ito ay anak pala ni James at ama ni Cheryl—si Franklin Coney.

“Kahit patay na ako, hindi kita kailangan para asikasuhin yung burol ko! Umalis ka na!” Dumagundong ang boses ni James sa sobrang galit, nanlalaki ang kanyang mga mata.

Tumakbo palabas ng kusina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status