Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 1081 - Kabanata 1090

1942 Kabanata

Kabanata 1081

Bumagsak si Emma Assex sa lupa. Masakit ang kanyang mukha, at sobrang takot na takot siya.Nakaramdam siya ng kakaiba kay Dorothy sa gayong walang katulad na kapangyarihan. Paanong ito pa rin ang Dorothy Assex na nanginginig sa harap ng pamilya niya at hindi man lang nangangahas na sumagot nang pabalang kay Madame Joanne noon?Ganap nang nagbago si Dorothy.Sa katawan ni Dorothy, kitang-kita niya ang anino ni Alex.Tumakbo si Anderson para alalayan ang kanyang anak at tinulungan itong bumangon. Bumuka ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin. Gayunpaman, nang tumama ang kanyang mga mata sa malamig na tingin ni Dorothy, natigilan siya at hindi nangahas na magsalita.Dali-dali niyang dinala ang anak upang lisanin ang kakila-kilabot na lugar na ito.Medyo hindi rin komportable si Alex.Hindi pa niya nakitang ganito si Dorothy.Gayunpaman, magandang bagay para kay Dorothy na naging mas matapang siya, meron na siyang mala-reynang vibes.Sabay bangon ni Ysabel Yoder.Kanina pa niyan
Magbasa pa

Kabanata 1082

“Hmph!” Malamig na singhal ni Alex. “Binigyan ko kayo ng pagkakataon!”Mabangis niyang sinuntok ang dose-dosenang naka-unipormeng lalaking sumusugod sa kanya.Whoosh!Isang napakalaking puwersa ang tumangay sa mga sumusugod na lalaki.Sa sumunod na segundo, tumilapon ang dose-dosenang nakaunipormeng lalaki.“Ahhh!”“Anong nangyayari?!”“Pinatalsik niya ang dose-dosenang lalaki sa isang suntok lang. Maaari kayang martial expert si Alex?!”Maraming tao na nakakakilala kay Alex sa Dorothy-Alex Constructions ay napatulala. Talagang nangyari sa harap ng kanilang mga mata ang ganitong uri ng eksena na makikita lamang sa mga palabas tungkol sa martial arts!Bumagsak ang salamin at napatulala habang nakanganga ang bibig ng sunud-sunurang iyon mula sa pamilyang Yoder.Gayunpaman, pinairal niya ang katangahan niya. “Naglakas-loob kang atakehin ang mga tao mula sa mga opisina ng gobyerno, katapusan mo na. Ang America ay lipunang pinamumunuan ng mga batas. Sa tingin mo ba magagawa mo ang lahat ng
Magbasa pa

Kabanata 1083

Sa sandaling ito, nabigla ang lahat hanggang umabot sa puntong sobrang lakas ng tibok ng kanilang mga puso, mga empleyado man ng kumpanya o mga opisyal na tauhan na dinala ni Ysabel. Hindi nila kayang intindihin ang mga nangyayari.Hindi nila maintindihan kung paano naglalakas-loob si Alex na kumilos na walang prinsipyo tulad nito?Para naman kay Dorothy, gusto ba talaga niyang tahakin ang madilim na landas kasama si Alex, na hindi nagmamalasakit sa buong Dorothy-Alex Constructions at Assex Conglomerate?Gayunpaman, gaano man nila ito alalahanin, tiyak na ang magiging katapusan nito!Walang pakialam si Alex sa iniisip ng iba. Sa halip, tumingin siya kay Dorothy sa likuran niya at nakangiting sinabi, “Huwag kang mag-alala, walang makakahawak sa Dorothy-Alex Constructions mo.”Napaawang ang mga labi ni Dorothy. “Saang banda mo nakikitang nag-aalala ako? Mas mabuti nga kung ipasara ang kumpanya para hindi na ako magpakahirap sa pagtratrabaho. Marami ka namang pera, hindi mo ba kayang tust
Magbasa pa

Kabanata 1084

Nang makita ng lahat ng nasa ibaba ang eksenang ito, napatulala sila. Hindi makapaniwala ang kanilang mga mata.Demonyo ba itong si Alex Rockefeller?At hindi kalayuan doon, napanood din nina Anderson at Emma ang parehong eksena.Paano magagawa ng mag-ama na palampasin ang ganoong kalaking palabas?Nagtago na lang sila para makita kung gaano magiging kamalas sina Alex at Dorothy pagdating ng oras.Gayunpaman, nang makakita sila ng ganoong eksena, hindi nila napigilang tumawa nang malakas.“Itong basurang Rockefeller, baliw talaga. Gumawa ba naman ng ganoong kalokohan sa harap ng napakaraming tao, ginagalit lang niya ang gobyerno!” sabi ni Anderson.Hinaplos ni Emma ang masakit na mukha at ngumisi, “Nariyan ang kasabihan na ‘Siyang gustong wasakin ng Diyos, siyang tatanggalan muna ng katwiran’. Kung hindi niya hinukay ang sarili niyang libingan, paano pa siya mamamatay?”“Akala ko noon ay baliw na siya, ngunit hindi ko akalaing na may mas maibabaliw pa pala siya ngayon!” sabi ni Anderso
Magbasa pa

Kabanata 1085

“Ano?!”“Anong nangyayari?! Talagang nagpapakita ng labis na respeto ang captain ng Special Brigade kay Alex Rockefeller, at tinawag pa itong ‘chief?! Anong klaseng chief si Alex Rockefeller?!”“Hindi ko alam! Hindi kaya miyembro na rin siya ng Special Brigade ngayon? Para talagang may diwa ng hari ng digmaan kung titingnan kung paano siya tumalon pababa mula sa ikawalong palapag ngayon lang, ngunit... Bakit parang napakamisteryoso?”Maraming tao mula sa Dorothy-Alex Construction ang nakakakilala kay Alex.Hindi pa matagal ang nakakalipas, bago naghiwalay sina Alex at Dorothy, personal na dinala ng kanyang nakababatang kapatid, si Beatrice, si Edgar Shephard mula sa Pegasus International para mag-propose sa publiko kay Dorothy. Sinong hindi nakakaalam tungkol sa mahusay na pangalan ni Alex, sa lahat ng mga alingawngaw na lumulutang sa paligid ng kumpanya?At, ang pinakanagulat na tao sa kanila ay ang sekretarya ni Dorothy, si Christy.Mas kilala ni Christy si Alex kaysa sa iba.Sa pagt
Magbasa pa

Kabanata 1086

Sa kasalukuyang eksena, tanging ang mga mata lamang ni Lady Dorothy Assex ang kalmado at hindi nababagabag. Para bang matagal na niyang inaasahan ang wakas na ito.Umabante ng dalawang hakbang si Alex Rockefeller. “Jacob, nataandaan mo pa ba ako? Isang taon na ang nakalipas, dumating ka sa kasal ko. Nag-iwan ka ng hindi malilimutang impresyon sa’kin,” sabi ni Alex.Iniyuko ni Jacob Yoder ang kanyang katawan, at nagkaroon siya ng baluktot na ekspresyon sa kanyang mukha.Hindi niya sinagot ang tanong ni Alex. Sa halip, lumingon siya kay Craig Selby. “Sino ba talaga siya? Bakit mo siya tutulungan kahit manganib iyang trabaho mo? Pag-isipan mong mabuti yung kinabukasan mo,” sabi ni Jacob.Umiling si Craig. “Sikreto ang pagkakakilanlan ni Mr. Rockefeller,” sabi niya.Humalakhak si Alex. “Jacob, sino ba talaga ang nagtatangkang magrebelde dito? Ang anak mong babae, na walang opisyal na posisyon sa organisasyon, ang talagang namuno sa limang pangunahing ahensya, kabilang ang Commerce, Health,
Magbasa pa

Kabanata 1087

Napilitang lumuhod sa lupa si Jacob Yoder at ang kanyang anak.Samantala, ang mga opisyal na inutusan ni Jacob na pahirapan ang Dorothy-Alex Constructions, lahat ay tila nagluksa na parang nawalan ng mga magulang.Ang insidente ngayong araw ay naging bigong operasyon na nauwi sa pananakit sa kanilang mga sarili.Sa bandang huli, hindi lamang ang kanilang mga trabaho ang nailagay sa panganib, maaari pa silang maparusahan.“Simulan na ang paghuhukom!” nasasabik na sigaw ng isang security guard mula sa Dorothy-Alex Constructions.Bagama’t humantong ito sa tawanan ng mga tao, marami rin ang naglabas ng kanilang mga phone upang i-record ang kamangha-manghang eksena.Umupo si Alex sa isang director’s chair habang nakatingin kay Jacob. “May tanong lang ako sa’yo. Sana sagutin mo ng totoo.”May maasim na ekspresyon sa mukha si Jacob, at hindi siya umimik.Hindi natatakot si Alex na hindi magsasalita si Jacob. “Isang taon na ang nakalilipas, sa araw ng aking kasal kay Lady Dorothy Assex, ang ak
Magbasa pa

Kabanata 1088

Patay na yung isa, at na-comatose naman yung isa.Gayunpaman, hindi naman ganap na walang silbi ang impormasyong ito.Kahit papaano, pinabinaligtad nito ang kaso laban kay William Rockefeller. Nilinis nito ang kanyang pangalan at inalis ang kanyang mga paratang ng pagtataksil sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kaaway ng bansa.Muling binuksan ni Alex Rockefeller ang kanyang mga mata. Ngayon, wala nang emosyon sa mga ito. Hindi man lang siya nag-abalamh tingnan ang dalawa mula sa pamilyang Yoder. “Alisin sila sa harap ko. Suriin ang mga bagay na sinabi niya at magbigay ng anunsyo pagkatapos mapatanuyan ang mga katotohanan!” Kinawayan ni Alex si Craig Selby at sinabi iyon.Tumango si Craig. “Walang problema!”***Inilayo na sina Jacob Yoder at ang anak niya.Ibinalik din sa brigada ang mga opisyal mula sa limang departamento.Isang patas na paghuhukom ang naghihintay sa kanila.Hindi ninanais ni Alex na makialam dito.Umalis siya at si Lady Dorothy Assex sa opisina at dumati
Magbasa pa

Kabanata 1089

Malamang maraming nalaman si Paige Rockefeller tungkol sa nangyari bago siya dumating.Ngayon, ibinahagi niya ang lahat sa mag-asawa—“Narinig kong dinala ng anak ni Jacob ang limang ahensyang nagpapatupad ng batas sa kumpanya ng dating asawa ni Alex para ipasara sila. Sa huli, nandoon din si Alex. Direkta niyang inatake ang mga tauhan mula sa limang ahensya, at ibinitin pa niya ang anak ni Jacob sa rooftop sa ikawalong palapag. Talagang nakalawit lang talaga yung babae nang ganoon!“Gayunpaman, nang dumating ang mga tauhan mula sa brigade, hindi nila iniligtas kaagad yung babae. Sa katunayan, pinakinggan nila ang anumang sinabi ni Alex.“Tinawag pa nga ng pinuno ng brigade si Alex bilang hepe. Ano kaya yung mga pagbabagong pinagdaaanan ni Alex? Paano siya naging pinuno ng brigade?” tanong ni Paige.Napabuntong-hininga si Noah Rockefeller matapos marinig ang lahat ng ito. “Noon, nang pumanaw ang ating panganay na kapatid, hindi natin dapat hinayaan na si John ang mamuno sa Rockefeller
Magbasa pa

Kabanata 1090

Bumagsak si Marial Hamilton sa lupa na may kasabay na kabog.Bakas sa mukha niya ang sobrang takot.Pagkatapos noon, nakita din nina Noah Rockefeller at Paige Rockefeller ang hitsura ng bata. Pareho silang may kakaibang ekspresyon sa mukha. Para silang nakakita ng nakakatakot na halimaw.Hindi nakapagpigil si Paige at itinuro ang haunting fetus. “Carol, kalokohan ba ito? Ni wala kang boyfriend isang buwan lang ang nakalipas. Saan nanggaling ang batang ito? Napakapangit pa... Tsk, tsk. Tingnan mo ang mga ngipin nito. Tao ba ito? Hindi ba ito isang halimaw? Nakipag-asawa ka ba sa isang unggoy o ano?”“Waaaaa!” Ang kakila-kilabot na sanggol sa kamay ni Carol Rockefeller ay biglang umiyak nang malakas.Lumundag ito papunta sa katawan ni Paige at kinagat siya.“Ahhh!!!” Napasigaw si Paige sa sakit.Nakagat ang balikat niya.Matapos kagatin si Paige, tumanggi ang sanggol na bumitaw. Sa halip, buong lakas nitong sinimulang sipsipin ang kanyang dugo.Gayunpaman, makalipas ang ilang segundo, bu
Magbasa pa
PREV
1
...
107108109110111
...
195
DMCA.com Protection Status