Patay na yung isa, at na-comatose naman yung isa.Gayunpaman, hindi naman ganap na walang silbi ang impormasyong ito.Kahit papaano, pinabinaligtad nito ang kaso laban kay William Rockefeller. Nilinis nito ang kanyang pangalan at inalis ang kanyang mga paratang ng pagtataksil sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kaaway ng bansa.Muling binuksan ni Alex Rockefeller ang kanyang mga mata. Ngayon, wala nang emosyon sa mga ito. Hindi man lang siya nag-abalamh tingnan ang dalawa mula sa pamilyang Yoder. “Alisin sila sa harap ko. Suriin ang mga bagay na sinabi niya at magbigay ng anunsyo pagkatapos mapatanuyan ang mga katotohanan!” Kinawayan ni Alex si Craig Selby at sinabi iyon.Tumango si Craig. “Walang problema!”***Inilayo na sina Jacob Yoder at ang anak niya.Ibinalik din sa brigada ang mga opisyal mula sa limang departamento.Isang patas na paghuhukom ang naghihintay sa kanila.Hindi ninanais ni Alex na makialam dito.Umalis siya at si Lady Dorothy Assex sa opisina at dumati
Malamang maraming nalaman si Paige Rockefeller tungkol sa nangyari bago siya dumating.Ngayon, ibinahagi niya ang lahat sa mag-asawa—“Narinig kong dinala ng anak ni Jacob ang limang ahensyang nagpapatupad ng batas sa kumpanya ng dating asawa ni Alex para ipasara sila. Sa huli, nandoon din si Alex. Direkta niyang inatake ang mga tauhan mula sa limang ahensya, at ibinitin pa niya ang anak ni Jacob sa rooftop sa ikawalong palapag. Talagang nakalawit lang talaga yung babae nang ganoon!“Gayunpaman, nang dumating ang mga tauhan mula sa brigade, hindi nila iniligtas kaagad yung babae. Sa katunayan, pinakinggan nila ang anumang sinabi ni Alex.“Tinawag pa nga ng pinuno ng brigade si Alex bilang hepe. Ano kaya yung mga pagbabagong pinagdaaanan ni Alex? Paano siya naging pinuno ng brigade?” tanong ni Paige.Napabuntong-hininga si Noah Rockefeller matapos marinig ang lahat ng ito. “Noon, nang pumanaw ang ating panganay na kapatid, hindi natin dapat hinayaan na si John ang mamuno sa Rockefeller
Bumagsak si Marial Hamilton sa lupa na may kasabay na kabog.Bakas sa mukha niya ang sobrang takot.Pagkatapos noon, nakita din nina Noah Rockefeller at Paige Rockefeller ang hitsura ng bata. Pareho silang may kakaibang ekspresyon sa mukha. Para silang nakakita ng nakakatakot na halimaw.Hindi nakapagpigil si Paige at itinuro ang haunting fetus. “Carol, kalokohan ba ito? Ni wala kang boyfriend isang buwan lang ang nakalipas. Saan nanggaling ang batang ito? Napakapangit pa... Tsk, tsk. Tingnan mo ang mga ngipin nito. Tao ba ito? Hindi ba ito isang halimaw? Nakipag-asawa ka ba sa isang unggoy o ano?”“Waaaaa!” Ang kakila-kilabot na sanggol sa kamay ni Carol Rockefeller ay biglang umiyak nang malakas.Lumundag ito papunta sa katawan ni Paige at kinagat siya.“Ahhh!!!” Napasigaw si Paige sa sakit.Nakagat ang balikat niya.Matapos kagatin si Paige, tumanggi ang sanggol na bumitaw. Sa halip, buong lakas nitong sinimulang sipsipin ang kanyang dugo.Gayunpaman, makalipas ang ilang segundo, bu
Pinunasan ni Natalie Rockefeller ang kanyang mga luha. “Alam ko kung sino si Lady Beatrice. Isa siyang sikat na babae sa University of California. Pero bakit niya gugustuhing ialok sa akin yung mga binti niya?”“Siyempre hindi siya magpriprisinta, pero ano bang magagawa niya!” Malamig na sabi ni Carol Rockefeller.Nagulat si Noah Rockefeller. “Pinaplano mo bang dukutin si Lady Beatrice at puwersahang putulin ang kanyang mga binti?” Tanong niya.“Tama!”“Hindi natin puwedeng gawin iyon!” Agad namang sumingit si Noah.“Hindi mo ba nakita ang anunsyo ng brigade kanina? Si Alex na yung tipo ng taong hindi na natin kayang banggain ngayon. Maging si Jacob ay bumagsak sa kanyang mga kamay. Kung malalaman niyang pinutol natin ang mga binti ni Lady Beatrice, papatayin niya tayong lahat,” dagdag ni Noah.“Anong kinakatakutan mo? Hindi na ako tulad ng dati,” sabi ni Carol.Pagkatapos noon, bigla niyang sinuntok ang kamao niya sa kalapit na pader.Agad na lumitaw ang butas sa bahaging sinuntok ni
Inalagaan ni Noah Rockefeller ang kanyang, si Carol Rockefeller, sa loob ng mahigit dalawampung taon. Hindi niya alam na may ganoon pala itong wild side. Dati, si Seamus Owen. Ngayon, si Levi Bayer naman. Kapag nagsimula na sila sa kantutan, wala na talagang katapusan. Buweno, nag-init ang buong katawan ni Noah nang marinig niya ang mga ito.Kahit na pagkatapos makipagtalik kay Mariah Hamilton, hindi pa rin mapakalma ni Noah ang sarili.Sa katunayan, buong gabing abala sina Carol at Levi.‘Ganoon ba kasigla ang mga martial artist?’ tanong ni Noah sa sarili.Umiling siya para mawala ang iniisip bago bumaba sa unang palapag ng villa.Sa kalagitnaan ng hagdan, tumingin siya sa ibaba. Kaagad na dumaloy ang malamig na alon ng enerhiya sa utak niya.Nakita niya ang apat na itim na kabaong na maayos na nakalatag sa sala.Parang nakakita ng multo yung hitsura ni Noah, at muntik na siyang gumulong pababa ng hagdan.Hindi napigilan ng sarili niya na sumigaw.“Mariah, Mariah, bilisan mo at halika
“Mom, bakit hindi na lang mag-isang pumunta si Dorothy?” Tanong ni Lady Beatrice Assex.Gusto pa rin ni Lady Beatrice na manatili sa kama. Matapos hilahin ni Madame Claire Assex mula sa kama, hindi na maganda ang mood ni Lady Beatrice.Magsusunog sana sila ng insenso at magdadasal dahil nalaman na ni Madame Claire ang nangyari sa Dorothy-Alex Constructions noong nakaraang araw. Muntik nang magsara ang kumpanya, at natakot si Madame Claire kaya hindi siya makatulog buong gabi.Kung talagang pinasara ang kumpanya, anong kabuhayan ng kanilang pamilya?Kaya naman, nagpasya si Madame Claire na magsunog ng insenso sa Ereve Temple.“Napakalaking kumpanya ang pinapatakbo ng ate mo. Paano niya magagawang umalis?” Sabi ni Madame Claire.“Hay. Bilisan mo, puwede ba? Ano bang kinatatagalan mo diyan? Nahulog ka na ba sa inidoro?” tanong ni Madame Claire.“May regla ako, at naglalagay ako ng napkin. Gusto mo ba akong tulungan?” tanong ni Lady Beatrice.“Kung gusto mong ilagay ko ang napkin mo para s
Halos maihi na sa takot si Lady Beatrice Assex.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para tingnan ang kanyang ina.“Mom, Mom, ayos ka lang ba?” tanong niya.“Bakit mo siya sinapak? Mom... Tulong... tulong!!!” Sigaw ni Lady Beatrice.Gayunpaman, sa sandaling bumaba si Lady Beatrice sa kotse, nahulog siya sa bitag ng mga ghost servant. Agad na sinugod ng dalawa at pwersahang binuhat siya. Pagkatapos noon, itinaas nila ang pintuan ng kabaong sa likod nila at inihagis si Lady Beatrice sa loob.Bam!Muling isinara ang takip ng kabaong.Nagdilim ang lahat sa harap ng mga mata ni Lady Beatrice. Bigla siyang napatulala. Sa sumunod na segundo, walang katapusang takot ang lumitaw sa kanyang puso. Sa gulat at desperasyon sa kaalamang ililibing siya nang buhay, nagsimula siyang sumipa at kumatok sa loob ng kabaong habang sumisigaw siya para sa tulong.“Mom, Mom, tulungan mo ako!”“Kahit sino, tulungan ninyo ako, pakiusap? Ate, Alex, Alex Rockefeller, bilisan ninyo at iligtas ninyo ako!”Sa loob ng ka
“Naknamtupa! Ano bang nangyayari?” bulalas ni Alex Rockefeller.Nakapila lang kanina si Alex sa harap ng Bliss Restaurant. Pero ngayon, pagkatapos na malinaw na makita na ang taong nakahiga sa kabaong ay si Lady Beatrice Assex, natural na hindi niya magagawang manatiling nakatayo.Nang makitang nagmamadaling kumilos ang dalawang ghost servant na bitbit ang kabaong, agad siyang umalis sa pila at sumunod sa kanila.“Saan nila dadalhin yung kabaong?”Sa hindi malamang dahilan, naramdaman ni Alex na may mas nakatago pa sa ilalim ng belo.Ginamit niya ang espirituwal na kamalayan upang alamin ang kalagayan ni Lady Beatrice at natuklasan niyang nawalan ito ng malay.Ang itim na kabaong ay hindi ganap na selyado. Sa harap at likod ng kabaong, merong ilang maliliit na butas para sa sirkulasyon ng hangin. Hindi kailangang mag-alala ni Alex na hindi makakahinga si Lady Beatrice.Nakita ni Alex na tila nagmamadali ang dalawang ghost servant, at hindi man lang napansin ng mga ito na sumusunod siya