“Mom, bakit hindi na lang mag-isang pumunta si Dorothy?” Tanong ni Lady Beatrice Assex.Gusto pa rin ni Lady Beatrice na manatili sa kama. Matapos hilahin ni Madame Claire Assex mula sa kama, hindi na maganda ang mood ni Lady Beatrice.Magsusunog sana sila ng insenso at magdadasal dahil nalaman na ni Madame Claire ang nangyari sa Dorothy-Alex Constructions noong nakaraang araw. Muntik nang magsara ang kumpanya, at natakot si Madame Claire kaya hindi siya makatulog buong gabi.Kung talagang pinasara ang kumpanya, anong kabuhayan ng kanilang pamilya?Kaya naman, nagpasya si Madame Claire na magsunog ng insenso sa Ereve Temple.“Napakalaking kumpanya ang pinapatakbo ng ate mo. Paano niya magagawang umalis?” Sabi ni Madame Claire.“Hay. Bilisan mo, puwede ba? Ano bang kinatatagalan mo diyan? Nahulog ka na ba sa inidoro?” tanong ni Madame Claire.“May regla ako, at naglalagay ako ng napkin. Gusto mo ba akong tulungan?” tanong ni Lady Beatrice.“Kung gusto mong ilagay ko ang napkin mo para s
Halos maihi na sa takot si Lady Beatrice Assex.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para tingnan ang kanyang ina.“Mom, Mom, ayos ka lang ba?” tanong niya.“Bakit mo siya sinapak? Mom... Tulong... tulong!!!” Sigaw ni Lady Beatrice.Gayunpaman, sa sandaling bumaba si Lady Beatrice sa kotse, nahulog siya sa bitag ng mga ghost servant. Agad na sinugod ng dalawa at pwersahang binuhat siya. Pagkatapos noon, itinaas nila ang pintuan ng kabaong sa likod nila at inihagis si Lady Beatrice sa loob.Bam!Muling isinara ang takip ng kabaong.Nagdilim ang lahat sa harap ng mga mata ni Lady Beatrice. Bigla siyang napatulala. Sa sumunod na segundo, walang katapusang takot ang lumitaw sa kanyang puso. Sa gulat at desperasyon sa kaalamang ililibing siya nang buhay, nagsimula siyang sumipa at kumatok sa loob ng kabaong habang sumisigaw siya para sa tulong.“Mom, Mom, tulungan mo ako!”“Kahit sino, tulungan ninyo ako, pakiusap? Ate, Alex, Alex Rockefeller, bilisan ninyo at iligtas ninyo ako!”Sa loob ng ka
“Naknamtupa! Ano bang nangyayari?” bulalas ni Alex Rockefeller.Nakapila lang kanina si Alex sa harap ng Bliss Restaurant. Pero ngayon, pagkatapos na malinaw na makita na ang taong nakahiga sa kabaong ay si Lady Beatrice Assex, natural na hindi niya magagawang manatiling nakatayo.Nang makitang nagmamadaling kumilos ang dalawang ghost servant na bitbit ang kabaong, agad siyang umalis sa pila at sumunod sa kanila.“Saan nila dadalhin yung kabaong?”Sa hindi malamang dahilan, naramdaman ni Alex na may mas nakatago pa sa ilalim ng belo.Ginamit niya ang espirituwal na kamalayan upang alamin ang kalagayan ni Lady Beatrice at natuklasan niyang nawalan ito ng malay.Ang itim na kabaong ay hindi ganap na selyado. Sa harap at likod ng kabaong, merong ilang maliliit na butas para sa sirkulasyon ng hangin. Hindi kailangang mag-alala ni Alex na hindi makakahinga si Lady Beatrice.Nakita ni Alex na tila nagmamadali ang dalawang ghost servant, at hindi man lang napansin ng mga ito na sumusunod siya
Lintian!Binabalak pala nilang kunin ang mga binti ni Lady Beatrice Assex.Higit sa lahat, dudungisan pa siya ng mga ito bago alisin ang kanyang mga binti.Nararapat mamatay ang batang master ng Witch Doctor Sect!Gayunpaman, narinig talaga ni Alex Rockefeller si Carol Rockefeller na nagsasalita pagkatapos. “Young Master Bayer, maaari kang magpakasaya hangga’t gusto mo kasama si Lady Beatrice. Gayunpaman, napakabata at wala pang karanasan ang babaeng ito. Hindi iyon magiging masaya! Hindi rin sila magkasundo ni Alex. Kung gagahasain mo siya, baka sumaya pa si Alex... Gayunpaman, iba si Lady Dorothy Assex. Siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ni Alex. Kung mahuhuli mo siya, iyon ang tunay na paghihiganti! Bukod dito, mas maganda si Lady Dorothy kaysa sa kapatid niya, at mas marami siyang karanasan at kanais-nais pa,“ sabi ni Carol.Nang marinig ni Levi Bayer na sinasabi ito ni Carol, nakaramdam siya ng tukso.“Bilisan mo at sabihin mo sa akin kung nasaan si Lady Dorothy. Uutusan ko ag
Para kay Lady Beatrice Assex, parang guardian angel niya na si Alex Rockefeller na bumaba mula sa langit. Sa pinakamahirap na panahon ng buhay niya, magpapakita ito at tutulungan siya, tulad ng isang anghel.Sa katunayan, nagdesisyon na si Lady Beatrice tungkol sa isang bagay.Anuman ang hilingin ni Alex sa kanya, hindi niya ito tatanggihan.Kasama na doon ang pagbuka ng kanyang mga hita para sa lalaking ito!“Alex Rockefeller?”Sa kabilang banda, ang mga miyembro ng pamilyang Rockefeller ay nagulat nang makita si Alex na winawasak ang pader at pumapasok sa loob.Kinatatakutan nila si Alex mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso.Napaatras ng tatlong hakbang si Noah Rockefeller. “Bakit… Bakit ka nandito?”May malamig at walang emosyong tingin sa mga mata si Alex. “Akala ko na bukod kina John Rockefeller at Bill Rockefeller, ang ibang mga miyembro ng pamilyang Rockefeller ay may kakayahang masabi kung anong mabuti at kung anong masama, o kahit man lang makita ang pagkakaiba sa pagitan n
Kanina, nang sabihin ni Alex Rockefeller na pasasalamatan niya si Carol Rockefeller sa pagpatay sa kanya, naramdaman ni Lady Beatrice Assex na talagang gumuho ang mundo niya. Palihim siyang nagkagusto kay Alex, at araw-araw niya itong iniisip. Gayunpaman, hiniling nitong sana mamatay na siya. Nakakasakal ang sakit mula sa gayong magkasalungat na damdamin.Ngayon, sa wakas ay naintindihan na niya.Ang nangyari kanina ay bahagi ng plano ni Alex para hindi siya pag-initan ni Carol. Pati si Lady Beatrice ay natulala. Kung wala nga naman itong malasakit sa kanya, bakit pa ito magpapakita ngayon? Eh di sana hinintay nitong molestiyahin siya ni Levi Bayer at baliin pa ang mga binti niya bago ito nagpakita.Sa katunayan, maaaring hindi na nga lang ito nagpakita kung wala talaga itong pake!“Young Master Bayer, sabihan mo yung mga alagad mo na atakehin ang babaeng iyon. Sa tingin ko may namamagitan kina Alex at sa dati niyang hipag. Kung hindi, bakit mag-aalala si Alex sa kanya?” biglang sabi n
Matapos ang sunod-sunod na paglabas nina Alex Rockefeller, Lady Beatrice Assex, at tatlong ghost servants mula sa villa, sa wakas ay bumalik na sa ulirat si Noah Rockefeller at ang kanyang asawa mula sa kanilang pagkabigla matapos ang matinding kahirapan.Gayunpaman, nang tingnan nila ang bangkay ng Ikatlong Multo sa lupa, medyo nanginginig pa rin sila.“Ang dugo niya... Bakit ganyan ang kulay?” Itinuro ni Noah ang madilim na berdeng dugo sa lupa at nauutal.Nangasim ang mukha ni Levi Bayer. “Wala ka nang pake roon. Naging ganito lamang ang Four Great Ghost Servants dahil nag-cultivate sila ng espesyal na uri ng martial arts. Hindi ko inaasahan na ganito kalakas ang martial arts ni Rockefeller. Kaya niyang patayin ang isa sa mga ghost servant.”Kumunot ang noo ni Carol Rockefeller.Ngayon, isa na siyang Intermediate-Mystic na martial artist, at medyo may alam na siya tungkol sa martial arts.Noong una, naisip niya na kahit gaano kalakas si Alex, malamang isa lang itong martial artist n
“Anong meron?” Si Lady Beatrice Assex ay nalilito.“Kung may regla ka kako,” sabi ni Alex Rockefeller.Agad na tumalikod si Lady Beatrice. “Ikaw… Bakit mo tinatanong sa akin iyan ngayon? Huwag mong sabihing gusto mo ngayon, ano? May regla nga ako!” bulalas niya.“Ayos!” sagot ni Alex.“Beatrice, sinasabi ko sa’yo. Ikaw ang dahilan ng kahinaan ko ngayon. Habang ikaw ay nasa mga bisig ko, imposibleng malabanan ko sila! At saka, hindi rin sila mas mabagal sa akin. Kung hindi tayo mag-iingat, madadale ka nila. Pero may solusyon na tayo ngayon,” nagmamadaling dagdag ni Alex.“Ano iyon?” tanong ni Lady Beatrice.“Pahiran mo ng dugo ng regla ang buong katawan mo,” sabi ni Alex.“Hah?” Nagulat si Lady Beatrice. Paano kaya niya magagawa iyon? Labis iyon na nakakadiri!Gayunpaman, sa sandaling iyon, isa pang ghost servant ang lumundag nang mataas sa hangin.Hindi, hindi siya tumalon nang mag-isa. Sa halip, inihagis siya ng dalawa pang ghost servant, ang bilis niya ngayon ay bahagyang mas mabilis
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l