All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1071 - Chapter 1080

1942 Chapters

Kabanata 1071

Walang nakaisip na biglang magkakaroon ng ganoong anunsyo si Zendaya Stoermer.Hindi maitatanggi, mas sikat si Zendaya kaysa kay Stephen Hendrix.Bukod dito, tatlong taon nang nagpapahinga si Stephen dahil sa naturang aksidente sa sasakyan.Makalipas ang halos dosenang minuto, nalampasan ng Instagram post ni Zendaya yung kay Stephen, na umabot sa tuktok ng mga trending.Para naman sa pagkakakilanlan ng “asawa” na binanggit ni Zendaya, naging mainit na talakayan ito ng mga netizen. Gayunpaman, dahil siya ang may-ari na bumuo ng produkto, ang Lush Scar Removal Cream mula sa Lush Cosmetics, tiyak na may kaugnayan siya sa Lush Cosmetics…Ang ilan sa mga opisyal na may access sa impormasyon ng archival, ay agad na hinanap ang abogado, kasalukuyang presidente at mga executive na namamahala sa Lush Cosmetics. Ang abogado pala ay isang dalagang nagngangalang Maya Howards. Samantala, ang impormasyon tungkol sa kasalukuyang presidente, si Brittany Rockefeller at iba’t-ibang mga datos tungkol sa
Read more

Kabanata 1072

Mapusok niyang hinalikan si Zendaya.Marahang tumulo ang mga luha sa pisngi ni Zendaya.Rawr!Kinagat siya ni Zendaya sa labi hanggang sa dumugo ito.“Lagi mo dapat akong na-mimiss ha!”“Oo naman!”“Hintayin mo ang aking pagbabalik at manganganak ako ng malaki at malusog na bata para sa’yo.”“Sige!”“Mahal, alagaan mo rin ang sarili mo ha!”***Lumabas si Alex sa kwarto ni Zendaya at agad niyang tinawagan si Keith Yowell.“Mr. Yowell, kailangan kong pumunta ka sa Dorothy-Alex Constructions para protektahan si Dorothy.”“Pupunta na ako kaagad.”Nang matanggap ni Keith ang tawag, bahagyang natigilan siya.Base sa kanyang pang-unawa, matagal nang hiwalay sina Alex at Dorothy.Ngayon, parang hindi ganito ang kaso.***Makalipas ang isang oras o higit pa, sumugod si Alex sa Dorothy-Alex Constructions.Nakita niya si Dorothy, na nakaupo sa sopa sa opisina nito, kausap si Keith. Walang ibang naroroon sa eksena.Nakahinga ng maluwag si Alex nang makitang ligtas naman si Dorothy. Pagkatapos, ma
Read more

Kabanata 1073

Paanong hahayaan ni Alex na may ibang pumalit sa kanya sa ganitong bagay?Hindi ba siya magiging cuckold siya kapag nangyari iyon?Tinanong niya, “Sinong may gusto sa’yo?”“Yung CEO ng Trinity International. Maldini yung apelyido niya. Isa siyang matabang lalaki na may malaking ulo. Sinabi niya na kung hindi ako sasama sa kanya, sisiguraduhin niya na magsasara ang ating Dorothy-Alex Constructions. Tingnan mo, isa lang akong mahinang babae at puro ibang babae lang ang inaatupag ng asawa ko. Ang magagawa ko lang ay ialay ang katawan ko para pangalagaan ang kumpanya.”“Um… nasa Michigan ako. Wala rin akong oras makipag-date.”“Oh. Bale aso pala yung kumagat sa labi mo?”“Ehem, ehem! Aalis na si Zendaya! Dadaan siya sa Pagsubok ng Impiyerno ng pamilya niya, kung saan maliit lang ang tsansang makakalabas siya nang buhay. Ginawa niya iyon para sa akin.”Nanigas ang ekspresyon ni Dorothy. Ngumuso siya habang sinasabi, “Sa huli, sobrang lala mo talaga. Alam mong palagi kang nasa panganib, pero
Read more

Kabanata 1074

Naghanda pa siya ng nakatagong camera na inilagay sa headboard ng kama niya sa kanyang marangyang kwarto.Pagdating ng oras, mas magiging perpekto para sa kanya na i-record ang eksena. Hindi lamang niya ito madalas papanoorin para sa kasiyahan, ngunit maaari pa niyang gamitin ito bilang alas para pagbantaan si Dorothy sa susunod na pagkakataon nang walang anumang ginagastos.Alas otso, tumunog ang kanyang phone. Mula iyon sa kanyang tauhan na nagbabantay sa main entrance ng kanyang villa.“Mr. Maldini, nandito na si Ms. Assex.”“Sige! Papasukin mo siya kaagad.”Kung pupunta si Benedict sa balkonahe ng villa sa mga oras na ito, hindi lang si Dorothy ang makikita niya kundi pati na rin ang isa pang lalaki sa main entrance sa ibaba.Gayunpaman, hindi siya pumunta roon.Natural na hindi niya nakita na sinasakal na pala yung guwadiya niya ng naturang lalaki gamit ang matalim na karayom ​​na nakatutok sa harap mismo ng mata ng gwardiya.Kung iuusog iyon ng kaunti para tumusok, mawawasak ang
Read more

Kabanata 1075

“Ano?” Natigilan si Benedict nang marinig ang sinabi ni Azure kay Alex. Parang binabagyong dagat ang loob ng puso niya, na may malamig na simoy ng hangin na umiihip sa kanyang buong katawan.Tiyak na may kapangyarihan kahit papaano ang Trinity International sa California. Gayunpaman, napakalayo nito kumpara sa Thousand Miles Conglomerate. Dagdag pa rito, si Azure ay kilala na ngayon bilang bagong hari ng underworld ng South California. Paano niya magagawang saktan ang lalaking tinawag ni Azure bilang kapatid nito?”“Bro Azure, ito... Hehe, konting hindi pagkakaunawaan lang.”“Inimbitahan ko lang si Ms. Assex na uminom habang pinag-uusapan ang tungkol sa negosyo.”Inalog ni Alex ang bote ng alak. “Sinumang normal na tao ay hindi maglalakas-loob na inumin ‘tong alak mo. Sa sobrang dami ng droga sa loob, malilibog pati inahing baboy kapag ininom ‘to.”Kaasar!Nang marinig ito, agad na binigyan ni Azure si Benedict ng malutong na sampal sa mukha, pinapatalsik ang ilan sa mga ngipin nito.“
Read more

Kabanata 1076

Ayaw magsalita ni Azure.Nagtaka si Alex. “Anong klaseng ekspresyon iyan? Hindi ka straight, ‘no?”Gumalaw ang mga labi ni Azure at sa wakas ay sinabi na may mahinang boses, “May sakit ako sa bato.”“Pfft!” Hindi na nakapagpigil si Dorothy at tumawa nang malakas.Lalong namula si Azure.Hinaplos ni Alex ang baba niya at sinabing, “Problema talaga iyang masamang bato. Kapag may gustong gumamit ng kutsilyo pero biglang nalaman na mapurol na pala, lubos na nakakahiya iyon.”Mabilis siyang kinurot ni Dorothy at bumulong, “Hindi ba parang pinapahiran mo ng asin yung sugat ng ibang tao? Masama na nga ang kalagayan niya, at sinasabi mo pa rin iyan?”Gusto na talaga ni Azure na maghukay sa lupa at ibaon ang sarili rito!“Bro Alex, wala ba kayong gagawin? Bilisan ninyo at umalis na kayo!”Kung hindi sila aalis, mas gugustuhin niyang magpakamatay na lang.Sagot ni Alex, “Huwag kang mataranta. Bilang binata, bakit ka kakabahan kapag binanggit lang ang sakit sa bato? Paano kung ganito, wala akong
Read more

Kabanata 1077

Napaupo si Benedict sa lupa, mukhang gusto nang mamatay.Sa sandaling ito, sumasakit ang kanyang buong katawan at gumugulo ang kanyang isipan. Ang sakit, lalo na sa kanyang puwitan, ay sobrang nakakamanhid na halos wala na siyang nararamdaman. Kasi naman, husky ang breed ng alaga niyang aso sa bahay!Syempre, kung dahil lang sa tableta na ininom niya, hindi magiging ganito kalala ang epekto.Ang kaso rito ay ang ginawa ng isa sa mga tauhan ni Azure. Noong mga oras na iyon, nadama niyang hindi pa sapat ang pisikal na estado ni Benedict, kaya pinainom niya ito ng mas maraming droga. Walang nakakaalam na lagi siyang may dala na malaking bote ng imported na Spanish na droga. Direkta niyang binigyan si Benedict ng tatlong tabletas.Kaya naman, sobrang naging masigla siya.Matapos ang epekto ng gamot, pakiramdam niya ay natapyasan siya ng isang layer ng balat.Napakasakit din ng napilayang binti.“Dad, Ysabel, siyempre hindi ko magagawa ang ganoong bagay. Pinilit ako, sinet-up ako. Kagagawa
Read more

Kabanata 1078

Sa bangketa sa tabi ng Willow Lake sa California, hinawakan ni Alex ang kamay ni Dorothy at dahan-dahang naglakad sa madla.Nakita ni Dorothy na masama ang loob ni Alex, kaya nagtanong siya, “Anong nangyayari sa’yo? Sobrang buraot ng mukha mo, miss mo na ba ang superstar mong asawa? Samantalang ako, ang kawawang babae na inagawan ng asawa, ay hindi man lang bumubuntong-hininga!”Umiling si Alex. “Hindi dahil doon, naalala ko kasi yung tatay ko!”“Ang tatay mo... May nalaman ka bang impormasyon kamakailan?”“Naaalala mo pa ba noong araw na ikinasal tayo, naaksidente ang aking mga magulang at pagkatapos, umeksena si John Rockefeller para akusahan ang aking ama ng katiwalian at panunuhol, pakikipagsabwatan sa mga Hapones, pakikipagtulungan sa kaaway at pagtataksil... Sa oras na iyon, ang taong dumating para manguna sa hindi makatarungang kaso at pumako sa aking ama sa haligi ng kahihiyan ay si Jacob Yoder!”Nagulat si Dorothy. “Naalala ko ang opisyal na iyon. Oo nga, Yoder ang apelyido ni
Read more

Kabanata 1079

Isang malaking kaguluhan ang naganap sa Dorothy-Alex Constructions.Sa oras na ito, nagkataon na sina Anderson Assex at Emma Assex na kabilang sa Assex Constructions, ay dumadalo sa partikular na meeting sa trabaho dito sa Dorothy-Alex Constructions. Ito ay dahil simula nang kontrolin ni Dorothy ang Assex Constructions at pinagsama ang dalawang kumpanya, naging pinuno ang Dorothy-Alex Constructions. Ang lahat ng mga direktor o ang senior management ay kailangang pumunta dito para sa mga meeting.Dumating si Ysabel kasama ang lahat ng uri ng tao mula sa mga pangunahing departamento sa California. Agad din nilang ginulat ang mga dumalo na nasa meeting. Tumakbo sila palabas upang suriin ang sitwasyon at pamunuan ang pangkalahatang sitwasyon.Dahil dito, natigilan silang lahat matapos tumakbo palabas para tumingin.“Nako, sa nakikita ko, nangangamba akong babagsak ang Dorothy-Alex Constructions!” Gulat na gulat na napadilat si Emma, ​​ngunit palihim siyang natuwa.Hindi siya nasisiyahan ka
Read more

Kabanata 1080

Siya ay walang iba kundi si Alex Rockefeller.“Hah? Bakit nandito ang basurang si Rockefeller? Hindi ba nakipaghiwalay na siya?” Mahinang bulong ni Emma na may gulat na ekspresyon.Natigilan din si Anderson at likas na napakamot sa leeg.Takot siya sa pambubugbog ni Alex.Bagama’t mahina ang boses ni Emma, ​​narinig ni Alex ang bawat salita sa kanyang tenga. Nilingunan siya ni Alex at sinulyapan.Nangingibabaw ang dahas sa sulyap na ito, na siyang agad na yumanig kay Emma, ​​na parang nahulog siya sa bloke ng mga yelo. Kinilabutan siya mula sa talampakan niya patungo sa kanyang utak.“Ikaw ba si Dorothy Assex?”Napatingin si Ysabel kay Dorothy na naglalakad sa harapan niya na may masamang mukha.Habang nakatayo ang dalawa, kitang-kita ang pagkakaiba sa sandaling iyon.Hindi lamang kalahating ulo ang mas tinangkad ni Dorothy, ngunit nalampasan pa niya ito pagdating sa anumang mga tampok ng mukha, pigura at ugali, na naging dahilan upang magmukhang pangit na pato si Ysabel sa pamamagitan
Read more
PREV
1
...
106107108109110
...
195
DMCA.com Protection Status