Ayaw magsalita ni Azure.Nagtaka si Alex. “Anong klaseng ekspresyon iyan? Hindi ka straight, ‘no?”Gumalaw ang mga labi ni Azure at sa wakas ay sinabi na may mahinang boses, “May sakit ako sa bato.”“Pfft!” Hindi na nakapagpigil si Dorothy at tumawa nang malakas.Lalong namula si Azure.Hinaplos ni Alex ang baba niya at sinabing, “Problema talaga iyang masamang bato. Kapag may gustong gumamit ng kutsilyo pero biglang nalaman na mapurol na pala, lubos na nakakahiya iyon.”Mabilis siyang kinurot ni Dorothy at bumulong, “Hindi ba parang pinapahiran mo ng asin yung sugat ng ibang tao? Masama na nga ang kalagayan niya, at sinasabi mo pa rin iyan?”Gusto na talaga ni Azure na maghukay sa lupa at ibaon ang sarili rito!“Bro Alex, wala ba kayong gagawin? Bilisan ninyo at umalis na kayo!”Kung hindi sila aalis, mas gugustuhin niyang magpakamatay na lang.Sagot ni Alex, “Huwag kang mataranta. Bilang binata, bakit ka kakabahan kapag binanggit lang ang sakit sa bato? Paano kung ganito, wala akong
Napaupo si Benedict sa lupa, mukhang gusto nang mamatay.Sa sandaling ito, sumasakit ang kanyang buong katawan at gumugulo ang kanyang isipan. Ang sakit, lalo na sa kanyang puwitan, ay sobrang nakakamanhid na halos wala na siyang nararamdaman. Kasi naman, husky ang breed ng alaga niyang aso sa bahay!Syempre, kung dahil lang sa tableta na ininom niya, hindi magiging ganito kalala ang epekto.Ang kaso rito ay ang ginawa ng isa sa mga tauhan ni Azure. Noong mga oras na iyon, nadama niyang hindi pa sapat ang pisikal na estado ni Benedict, kaya pinainom niya ito ng mas maraming droga. Walang nakakaalam na lagi siyang may dala na malaking bote ng imported na Spanish na droga. Direkta niyang binigyan si Benedict ng tatlong tabletas.Kaya naman, sobrang naging masigla siya.Matapos ang epekto ng gamot, pakiramdam niya ay natapyasan siya ng isang layer ng balat.Napakasakit din ng napilayang binti.“Dad, Ysabel, siyempre hindi ko magagawa ang ganoong bagay. Pinilit ako, sinet-up ako. Kagagawa
Sa bangketa sa tabi ng Willow Lake sa California, hinawakan ni Alex ang kamay ni Dorothy at dahan-dahang naglakad sa madla.Nakita ni Dorothy na masama ang loob ni Alex, kaya nagtanong siya, “Anong nangyayari sa’yo? Sobrang buraot ng mukha mo, miss mo na ba ang superstar mong asawa? Samantalang ako, ang kawawang babae na inagawan ng asawa, ay hindi man lang bumubuntong-hininga!”Umiling si Alex. “Hindi dahil doon, naalala ko kasi yung tatay ko!”“Ang tatay mo... May nalaman ka bang impormasyon kamakailan?”“Naaalala mo pa ba noong araw na ikinasal tayo, naaksidente ang aking mga magulang at pagkatapos, umeksena si John Rockefeller para akusahan ang aking ama ng katiwalian at panunuhol, pakikipagsabwatan sa mga Hapones, pakikipagtulungan sa kaaway at pagtataksil... Sa oras na iyon, ang taong dumating para manguna sa hindi makatarungang kaso at pumako sa aking ama sa haligi ng kahihiyan ay si Jacob Yoder!”Nagulat si Dorothy. “Naalala ko ang opisyal na iyon. Oo nga, Yoder ang apelyido ni
Isang malaking kaguluhan ang naganap sa Dorothy-Alex Constructions.Sa oras na ito, nagkataon na sina Anderson Assex at Emma Assex na kabilang sa Assex Constructions, ay dumadalo sa partikular na meeting sa trabaho dito sa Dorothy-Alex Constructions. Ito ay dahil simula nang kontrolin ni Dorothy ang Assex Constructions at pinagsama ang dalawang kumpanya, naging pinuno ang Dorothy-Alex Constructions. Ang lahat ng mga direktor o ang senior management ay kailangang pumunta dito para sa mga meeting.Dumating si Ysabel kasama ang lahat ng uri ng tao mula sa mga pangunahing departamento sa California. Agad din nilang ginulat ang mga dumalo na nasa meeting. Tumakbo sila palabas upang suriin ang sitwasyon at pamunuan ang pangkalahatang sitwasyon.Dahil dito, natigilan silang lahat matapos tumakbo palabas para tumingin.“Nako, sa nakikita ko, nangangamba akong babagsak ang Dorothy-Alex Constructions!” Gulat na gulat na napadilat si Emma, ngunit palihim siyang natuwa.Hindi siya nasisiyahan ka
Siya ay walang iba kundi si Alex Rockefeller.“Hah? Bakit nandito ang basurang si Rockefeller? Hindi ba nakipaghiwalay na siya?” Mahinang bulong ni Emma na may gulat na ekspresyon.Natigilan din si Anderson at likas na napakamot sa leeg.Takot siya sa pambubugbog ni Alex.Bagama’t mahina ang boses ni Emma, narinig ni Alex ang bawat salita sa kanyang tenga. Nilingunan siya ni Alex at sinulyapan.Nangingibabaw ang dahas sa sulyap na ito, na siyang agad na yumanig kay Emma, na parang nahulog siya sa bloke ng mga yelo. Kinilabutan siya mula sa talampakan niya patungo sa kanyang utak.“Ikaw ba si Dorothy Assex?”Napatingin si Ysabel kay Dorothy na naglalakad sa harapan niya na may masamang mukha.Habang nakatayo ang dalawa, kitang-kita ang pagkakaiba sa sandaling iyon.Hindi lamang kalahating ulo ang mas tinangkad ni Dorothy, ngunit nalampasan pa niya ito pagdating sa anumang mga tampok ng mukha, pigura at ugali, na naging dahilan upang magmukhang pangit na pato si Ysabel sa pamamagitan
Bumagsak si Emma Assex sa lupa. Masakit ang kanyang mukha, at sobrang takot na takot siya.Nakaramdam siya ng kakaiba kay Dorothy sa gayong walang katulad na kapangyarihan. Paanong ito pa rin ang Dorothy Assex na nanginginig sa harap ng pamilya niya at hindi man lang nangangahas na sumagot nang pabalang kay Madame Joanne noon?Ganap nang nagbago si Dorothy.Sa katawan ni Dorothy, kitang-kita niya ang anino ni Alex.Tumakbo si Anderson para alalayan ang kanyang anak at tinulungan itong bumangon. Bumuka ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin. Gayunpaman, nang tumama ang kanyang mga mata sa malamig na tingin ni Dorothy, natigilan siya at hindi nangahas na magsalita.Dali-dali niyang dinala ang anak upang lisanin ang kakila-kilabot na lugar na ito.Medyo hindi rin komportable si Alex.Hindi pa niya nakitang ganito si Dorothy.Gayunpaman, magandang bagay para kay Dorothy na naging mas matapang siya, meron na siyang mala-reynang vibes.Sabay bangon ni Ysabel Yoder.Kanina pa niyan
“Hmph!” Malamig na singhal ni Alex. “Binigyan ko kayo ng pagkakataon!”Mabangis niyang sinuntok ang dose-dosenang naka-unipormeng lalaking sumusugod sa kanya.Whoosh!Isang napakalaking puwersa ang tumangay sa mga sumusugod na lalaki.Sa sumunod na segundo, tumilapon ang dose-dosenang nakaunipormeng lalaki.“Ahhh!”“Anong nangyayari?!”“Pinatalsik niya ang dose-dosenang lalaki sa isang suntok lang. Maaari kayang martial expert si Alex?!”Maraming tao na nakakakilala kay Alex sa Dorothy-Alex Constructions ay napatulala. Talagang nangyari sa harap ng kanilang mga mata ang ganitong uri ng eksena na makikita lamang sa mga palabas tungkol sa martial arts!Bumagsak ang salamin at napatulala habang nakanganga ang bibig ng sunud-sunurang iyon mula sa pamilyang Yoder.Gayunpaman, pinairal niya ang katangahan niya. “Naglakas-loob kang atakehin ang mga tao mula sa mga opisina ng gobyerno, katapusan mo na. Ang America ay lipunang pinamumunuan ng mga batas. Sa tingin mo ba magagawa mo ang lahat ng
Sa sandaling ito, nabigla ang lahat hanggang umabot sa puntong sobrang lakas ng tibok ng kanilang mga puso, mga empleyado man ng kumpanya o mga opisyal na tauhan na dinala ni Ysabel. Hindi nila kayang intindihin ang mga nangyayari.Hindi nila maintindihan kung paano naglalakas-loob si Alex na kumilos na walang prinsipyo tulad nito?Para naman kay Dorothy, gusto ba talaga niyang tahakin ang madilim na landas kasama si Alex, na hindi nagmamalasakit sa buong Dorothy-Alex Constructions at Assex Conglomerate?Gayunpaman, gaano man nila ito alalahanin, tiyak na ang magiging katapusan nito!Walang pakialam si Alex sa iniisip ng iba. Sa halip, tumingin siya kay Dorothy sa likuran niya at nakangiting sinabi, “Huwag kang mag-alala, walang makakahawak sa Dorothy-Alex Constructions mo.”Napaawang ang mga labi ni Dorothy. “Saang banda mo nakikitang nag-aalala ako? Mas mabuti nga kung ipasara ang kumpanya para hindi na ako magpakahirap sa pagtratrabaho. Marami ka namang pera, hindi mo ba kayang tust
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l