All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1051 - Chapter 1060

1942 Chapters

Kabanata 1051

Patay na ang lalaking naka-mohawk!Sandaling tumahimik ang buong lugar.Tuliro, hindi makapagsalita ang mga miyembro mula sa Divine Constabulary ng Missouri.Paano naging posible na kagagawan ito ng isang sibilyan na elder? Malinaw na isa siyang hindi maarok na martial arts master!“At ikaw!” Sabi ni Alex, at nagmistulang usa na takot na takot ang binatang humampas kay Alex gamit ang bakal nang makitang nabali ang leeg ng lalaking naka-mohawk. Alam niyang siya na ang susunod na target ni Alex, kaya pagkasabi ni Alex ng mga katagang iyon ay napaatras siya bigla.Gayunpaman, mas mabilis si Alex.Sa isang kisapmata, sumulpot siya sa likod ng lalaki.Hinawakan ni Alex ang leeg ng lalaki at kinaladkad ito pabalik sa kanyang kinatatayuan kanina sa isang iglap.“Dalawang beses mo akong hinampas, kaya hinahatulan rin kita ng kamatayan!“May pagtutol ka ba?”Nanginginig ang buong binata. Ang leeg na hawak ni Alex ay parang reaper na nakahawak sa kanyang kaluluwa. Nanlamig ang buong katawan niya
Read more

Kabanata 1052

“A-Ano iyon?”May tumingin sa mamahaling tiles at nakitang isang gintong bala ito.Napatulala ang lalaki at sinabing, “Bakit… Paano nagkaroon ng bala diyan? Hindi ba dapat tumagos iyan sa katawan niya?”Nang marinig niya ang mga salitang ito, naramdaman ng blonde na dayuhan, na akala niya ay panalo na siya at napatay niya si Alex, ang malakas na pagkabog ng puso sa kanyang dibdib. Napagtanto niyang may hindi tama at aatras na sana siya sa kinatatayuan niya.Gayunpaman, nalaman niyang hindi niya magawa dahil hinawakan na ni Alex ang kanyang pulso nang hindi niya nalalaman.Nabigo ang anim na bala na tumagos sa katawan nito.Tuliro na naman ang lahat ng naroon.Gawa ba sa bakal ang katawan ng taong ito?Si Terminator ba siya?Paano nila malalaman ang tungkol sa Mystic Armor, na halos isang hindi magagapi na teknik sa mundo?Naghukay ng sariling libingan ang blonde na lalaki, pagkatapos ng lahat. Kung naiputok niya ang lahat ng anim na bala sa sandaling itinutok niya ang baril kay Alex, k
Read more

Kabanata 1053

Pak!Hinarangan ni Alex ang Fury Dragon Fist ni Joshua gamit lamang ang isang kamay.“Ano?!”“Nagawa niyang tablan iyon nang ganoon kadali?”“Ano sa mundo ang antas ng kanyang lakas? Maaari kayang Grandmaster siya?”Pinanood ng iilan na nakatayo sa gilid ang kakaibang eksenang naganap sa kanilang harapan at natulala silang lahat. Lalo na si Travis, na nabali ang tatlong tadyang kanina mula sa isang sipa ni Joshua. Talagang personal niyang naranasan kung gaano kalakas si Joshua bilang mandirigmang may ranggong advanced Earth, sagad sa kanyang buto. Kaya naman ngayon, mukhang mahinang manok na si Joshua sa harap ni Alex.Ang pagkakaiba sa pagitan nila ay napakalaki!Loko-lokong Sky iyon, saan niya nahanap ang baliw na ‘to?Nanlaki ang mga mata ni Joshua.Nagliliyab din ang mga ito.“Rawr!“Hindi ako naniniwalang nakuha mo!“Fury Dragon Ascend!”Sa sumunod na sandali, nanlaki ang mga mata ni Joshua, natutulala habang pinagmamasdan ang nangyari sa harapan niya.Gumanti naman ng suntok si A
Read more

Kabanata 1054

May direktang hinimatay pa nga.Nagkaroon ng malakas na putok, at lumitaw ang butas sa isa sa mga dingding ng Amaryllis Tower.Ikinagulat ito ng mga ilang naglalakad sa labas.“Blegh—” napaluwa ng dugo si Joshua.Tinalo siya ni Alex gamit ang sarili niyang teknik. Napaluwa siya nito ng dugo dahil sa panlulumo na nararamdaman niya. Naawa si Alex sa kanya sa huli dahil gusto lang naman nitong tanungin si Joshua tungkol sa kinaroroonan ng ilang tao.“Nasaan si Stephen Hendrix?” Binigyan ni Alex ng masamang tingin ang natumbang si Joshua mula sa kinatatayuan niya. “Sinong nag-utos sa’yong dukutin si Stephen?”Sa gitna ng masiglang madla, may nakatayong matabang lalaki sa sulok. Namumutla na parang papel yung mukha niya, at maging ang kanyang mga binti ay nanginginig. Ang matabang lalaking ito ang boss ng produkto, ang Brilliant Ice Scar Removal Cream, si Franky Lee.Kumuha si Franky ng mga tauhan upang imbestigahan ang Lush Cosmetics bago nito at nalaman na ang legal na kinatawan ay isang
Read more

Kabanata 1055

“Nandito ako. Sino ka?”Malamig ang boses, at parang mekanikal.Pagkatapos, lumabas sa Amaryllis Tower ang isang babaeng nakasuot ng mahabang itim na dress. Pantay-pantay ang kanyang mga hakbang habang naglalakad siya na may kahanga-hangang aura na tila pumapaligid sa kanya.Maraming tao ang hindi nakakaalam kung sino siya, na hindi pa nakakakita sa kanya noon.Syempre, isa rin sa kanila si Alex.Gayunpaman, nang makita niya ang babae, kumislap ang kanyang mga mata, at may mapaglarong tingin ang lumitaw sa kanyang mukha.“Stacey Cooper?!” gulat na tawag ni Anna.Bilang middleman sa Divine Constabulary ng California, natural na binasa niya ang mga dokumento at nakita ang mga larawan ni Stacey.“Siya si Stacey Cooper!” Tumango si Traveis, kinukumpirma ang impormasyon.“Pero, hindi naman siya mukhang taong nakakulong dito?” komento ni Jamie. Parte din si Stacey ng dibisyon sa Missouri, kaya natural lang na magkakasundo silang lahat at pamilyar sa isa’t isa.Nakangiting tumingin si Alex ka
Read more

Kabanata 1056

Malamig niyang tiningnan ang lugar at sinabing, “Kung ayaw ninyong mamatay, magsialis na kayo!”Ang kapangyarihan mula sa kanyang sulyap ay lubhang nagbabanta.Pinaramdam nito sa mga taong tinitignan niya na parang dinadaganan sila ng malaking bundok.Hindi nagtagal, nagsimulang umatras ang mga manonood.Ang mga mas mahiyain ay lubusang umalis sa Amaryllis Tower, ngunit marami pa rin ang naiwan.Gustung-gusto ng mga miyembrong pumupunta rito ang madugong pananabik at malalakas din ang mga loob nila. Sa ganitong klaseng bakbakan sa harap ng kanilang mga mata, isa na hindi nila makikita sa underground ring, paano nila palalampasin ang pagkakataong ito?Malamig na bumuntong-hininga si Alex, saka marahas na tinadyak ang kanyang paa sa lupa.Boom!Nagkaroon ng malakas na ingay.Gamit ang kanyang paa bilang sentro, malakas na umalog ang lupa, na para bang may malakas na lindol ang nangyari. Nayanig ang buong gusali, at ang mga sahig na gawa sa kahoy sa ibaba niya ay nawarak at nagiba. Ang mg
Read more

Kabanata 1057

Bumagsak sa balikat ang tinta sa itim na buhok ni Anna. Hindi naman masyadong mahaba ang kanyang buhok, at pinakasagad na ang bahagyang paglampas nito sa balikat, ngunit sa kanyang buhok na nakabagsak, nagdagdag ito ng dampi ng pagkababae sa kanya.“‘Tong lalaking ito...” Pinasadahan ni Anna ng daliri ang kanyang buhok upang ayusin ito ng kaunti, namumula ang kanyang pisngi.Nalaman ni Alex na dahil naabot niya ang antas ng Divine Transcendence, ang kanyang mental power ay tumaas nang husto, at ang paggamit ng mga teknik mula sa Ultimate Book of Medicine ay naging mas madali kaysa karaniwan. Ang mga buhol para sa Pulang Posas ay nagawa nang maayos, at ang espirituwal na kandado ay nakatutok sa wraith puppet, kaya hindi ito makakatakas kahit na gustuhin nito.Marahil ay napagtanto ng wraith puppet ang paparating na panganib, at naging mas kakila-kilabot ang mga pangit na katangian nito.Ibinuka nito ang bibig at mariin na sumitsit.Si Stacey naman na nasa kontrol nito ay bumuka rin ng b
Read more

Kabanata 1058

Itong lalaking ito, ilang tao na sa mundo ang napatay niya?Kahit na hindi gugustuhin patayin ng diyos ang ganitong klase ng tao, gagawin niya!“Boss, ano yung paparating?”“Bakit ba napakatapang ng amoy ng dugo sa hangin? Maaari kayang isang demonyong cultivator?” Kinakabahang tanong ng isa sa mga miyembro mula sa dibisyon ng Missouri.Nagkalat sa takot mula ang mga tao sa Amaryllis Tower dahil sa tadyak na ginawa ni Alex, at wala ni isang tao ang patuloy na humahadlang sa mga tao mula sa Divine Constabulary sa sandaling ito.Hindi ba nila nakita ang dakilang kapangyarihan na ipinakita ng isang Grandmaster at elder ng Divine Constabulary? Hindi ba ito katumbas ng paghuhukay ng sarili nilang libingan kung patuloy silang mananatili?Gayunpaman, meron pa ring isang tagalabas na naroroon. Iyon ay si Frankly Lee, ang may-ari ng Brilliant Ice Pharmaceutical.Matapos siyang mahuli ni Anna, nakaposas sa rehas ng hagdan si Franky. Sa kakaunting kakayahan na meron siya, paano siya makakatakas?
Read more

Kabanata 1059

Sa pagtingin sa matandang lalaki sa lupa na tila patay na halimaw, hindi nakaimik si Anna at ang iba pa.Kanina lang iniikton pa nito si Alex, parang naglalagablab na gulong. Nagpapatawa lang naman siya, diba?Ipinagyayabang pa niya kung gaano siya kahusay, tapos ngayon napatumba siya sa isang sampal lang?Tumawa ng malakas si Gideon at sinabing, “Ano ba iyan, walang kwenta pala ang matandang iyan. Akala ko isa talaga siyang matandang demonyong cultivator. Tinakot niya ako na halos maihi na ako pantalon ko, tapos pinaglalaruan niya lang pala tayo!”Pagkasabi niya noon ay biglang kumislap ang matandang nasa lupa at naging madugong anino, naglalaho sa kinalalagyan nito.“Naku, ingat!” Sigaw ni Travis. Masama ang kutob niya sa nakita niya.Gayunpaman, huli na ang lahat.Pumulupot kay Gideon ang pulang anino, binubuhat siya mula sa lupa sa sumunod na segundo. Napasigaw si Gideon sa gulat, na biglang huminto, halos kaagad. Nakita na lamang ng iilan sa kanila ang pulang anino na umiikot nang
Read more

Kabanata 1060

“Dahil mas mabilis ako kaysa sa’yo.”“Ano?!”“Sabay-sabay kong binugbog ang apat na anino mo. Sinong may pake kung sino sa inyo ang peke o totoo? Bakit ko pa aalamin iyon?”Kumibot ang sulok ng mga labi ng matanda, at pakiramdam niya ay nakatanggap siya ng isang libong kritikal na tama.Ang dugong enerhiya sa kanyang katawan ay tumaas sa sumunod na sandali, at lahat ng tatlong libong wraith puppet ay sunod-sunod na umungal, pumipihit at nagsasanib-sanib upang bumuo ng isang higanteng wraith puppet na hindi bababa sa limang metro ang taas.Bukod dito, iba ang papet na ito sa mga nauna.Isa na itong pisikal na katawan.Hindi na kailangan ang espirituwal na mata. Kahit ang mga ordinaryong tao ay nakikita ito gamit ang kanilang mga mata.“Rawr!”Umugnal ang dambuhalang wraith puppet.Malawak na bumuka ang bibig nito, umaagos pasulong ang itim na hangin.“Ahhhh—”“Ano sa mundo iyan?!”“Mu... M-Mukhang demonyo, Blood Devourer, mula sa Blood Cult!”Si Travis, na mas may kaalaman sa bagay na i
Read more
PREV
1
...
104105106107108
...
195
DMCA.com Protection Status