All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1041 - Chapter 1050

1942 Chapters

Kabanata 1041

Sa harap ng OR#.3, kasing ingay ng palengke rito.Isang patay na tao ang nabuhay na mag-uli.Nang sumabog ang gayong kamangha-manghang balita, halos lahat ay nabigla. Higit na nakakaalam ang mga nag-opera kay Nicholas tungkol sa kanyang sitwasyon, at halatang patay na siya. Hindi na mababawi pa ang pagiging brain-dead, at walang kasaysayan ng muling pagkabuhay sa mga patay sa mundong ito. Isa itong bombang atomika sa mundo ng medisina!“May nangyari kaya sa operasyon natin kanina? Baka nagloko yung makina?” Sabi ng isa sa mga doktor na sumugod na may pagdududa.Gayunpaman, walang makaisip ng dahilan. Ang isang sitwasyong tulad nito ay hindi pangkaraniwan, ngunit ang mas nakakagulat ay ang bungo ni Nicholas ay biniyak sa panahon ng operasyon kanina, ngunit ganap na itong buo ngayon.Ibinalik ni Alex si Nicholas mula sa bingit ng kamatayan sa pagkakataong ito, at kinailangan nito ng matinding pagsisikap at lahat ng kakayahan na meron siya. Kinailangan pa niyang gamitin ang lahat ng tatlu
Read more

Kabanata 1042

Sa loob-loob niya, naisip niya, ‘Ito ba ang pagkakaiba ng lalaki at babae? Pareho ang sinabi nina Mom at Hailey, kaya hindi ito maaaring maging kasinungalingan.’Gayunpaman, nang lumapit ito sa kanya, parang may mga langgam pantalon niya, at wala siyang ibang maisip kundi gawin iyon... Kung gayon, meron lamang isa pang paliwanag. Ang halimuyak mula sa katawan ni Maya ay nagpapakalma sa mga babae, ngunit kabaligtaran naman ang epekto nito para sa mga lalaki.Gayunpaman, hindi ito isang bagay na masasabi niya sa kanila nang basta-basta.Kaya binago niya ang usapan. “Alam na ba natin kung sino ang kumidnap kay Stephen?”***Makalipas ang kalahating oras, bumalik sila sa Lush Cosmetics.Nakabalik na si Holly at dala-dala niya ang dalawang bugbog-saradong lalaki, itim at bughaw ang buong katawan, puno ng mga pasa, at namamaga ang mga mukha.“Sila yung pumatay sa mga tauhan natin at dumukot kay Stephen?” tanong ni Brittany.“Hindi sila. Walang kakayahan na gawin iyon ng dalawang pagong na it
Read more

Kabanata 1043

Saglit na natigilan si Alex. Iniisip pa lang niya ngayon na pumunta sa Amaryllis Tower para hanapin si Joshua Jones, at ngayon ay may misyon na si Sky sa mismong lugar na iyon. Talagang isa itong sitwasyon na kung gugustuhin mo, ibibigay sa’yo.“Nasa Michigan ako ngayon. Sabihin mo sa akin kung anong sitwasyon.”“Bale merong kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng Amaryllis Tower. Isang maliit na pamilya ng martial arts sa Missouri ang malupit na pinatay kagabi. Pawang pinahirapan at pinatay ang mga batang may edad tatlo hanggang walo hanggang labintatlong taong gulang. At ang mas malupit at kakaiba, lahat ng tatlumpu’t tatlo sa kanila ay naubusan ng mga dugo sa kanilang mga katawan.”“May mga ganiyan pang nangyayari?” Nagulat si Alex.“Matagal nang iniimbestigahan ng Divine Constabulary ang kasong ito, at ang huling clue ay nakumpirma na nasa Amaryllis Tower ng Michigan.” Huminto si Sky. “Ngunit, kaso ito ng ibang district, at ang namamahala sa kasong ito ay hindi ang Divine Constabula
Read more

Kabanata 1044

Kumunot ang noo ni Alex. “Bakit ka nagdala ng bigatin na locomotive?”“Napakabigat ng trapiko sa Michigan,” sabi ni Anna. “Kahit mabilis ka magmaneho, maiipit ka pa rin sa kalsada at gagapang na parang pagong sa huli.”Napaisip si Alex at napagtanto niyang tama si Anna.Noong nagmaneho siya mula California patungong Michigan ngayon, hindi pa rush hour para sa mga nag-cocommute papunta at pabalik sa trabaho, at nilampasan niya rin ang mga pulang ilaw. Medyo nag-aksaya pa rin siya ng oras sa mga kalsada. Nang alalahanin niya kung gaano siya kabilis kanina at tinakasan pa ang mga pulang ilaw, agad niyang sinabi kay Anna, “May mga nilabag ata akong batas-trapiko, maari mo ba akong tulungan?”“Madali lang iyan,” sabi ni Anna. “Ibigay mo sa akin ang numero ng plaka mo. Nasa departamento ng transportasyon yung isa kong pinsan, at madali lang asikasuhin iyan. Wala akong kailangang gawin.”Matapos makuha ang plaka ng Aston Martin ni Alex, hindi na siya nagtanong pa at direktang ipinadala ang im
Read more

Kabanata 1045

Nang sabihin iyon ni Anna, agad na tumahimik ang grupo mula sa Missouri na kanina pa nagtatawanan matapos siyang asarin.Si Tristan Coleman ay isang henyo, at ang kanyang pangalan ay hindi lamang sensasyon sa mga walong maharlikang pamilya, ngunit ito rin ay parang kilalang signboard sa mundo ng martial arts sa Missouri. Hindi mabilang na mga kabataang martial artist ang ipinagmamalaki na nagmula sila sa parehong lugar na pinanggalingan ni Tristan.Gayunpaman, walang sinuman ang nag-akalang ang martial artist na binigyan ng titulong pinakabatang master na may ranggong Earth sa America ay madudurog sa maliit na lugar tulad ng California.Hindi lamang siya namatay, maging ang Grandmaster ng pamilyang Coleman ay namatay din kasama niya.Masasabing nabura na ang eksistensya ng pamilyang Coleman ng Missouri sa loob ng isang gabi.Dahil diyan, hindi mabilang na mga tao sa Missouri ang pumiglas sa kanilang mga kamay at napabuntong-hininga sa paghanga.“Hmph, ang pumatay kay Tristan ay ang pin
Read more

Kabanata 1046

Ang taong ito ay pinangalanang Gideon Olson, ang pangalawang pinakamalakas sa koponan at may ranggong Intermediate-Mystic.Malamig na bumuntong-hininga si Anna habang napapaisip sa sarili, ‘Kung sasabihin ko sa’yo na ito ang lalaking pumatay kay Terrance, siguro mababaliw ka?’Gayunpaman, patola rin siya at hindi nag-abala na ipaliwanag ang mga detalye tungkol kay Alex, hinahayaan si Gideon na gatungan ang sitwasyon.Mas mainam kung nagawa ni Gideon na pukawin at bastusin si Alex para hambalusin siya ni Alex.Gayunpaman, mukhang walang narinig si Alex, nakaupo pa rin na parang estatwa sa silya.Dahil dito, lumala ang impresyon ng lahat kay Alex.“Anong klaseng tao ‘to? Tinitiis niya ang lahat ng panglalait. Para talagang hindi siya lalaki! Hindi kataka-taka na mga babae ang naging pinuno sa dibisyon ng California.”“Haha, ordinaryong tao lang siya. Anong inaasahan mong gawin niya? Hindi ba natatakot lang siya na mamatay sa isang sampal mula sa’tin?”“Tama ka!”Malamig na singhal ni Ann
Read more

Kabanata 1047

Humalakhak ang matabang lalaki at sinabing, “Master Jones, tila nakikita ng pares ng mga mata mo ang lahat. Kahanga-hanga. Meron kasing maliit na kaso... Hindi ba inilabas ng Lush Cosmetics ang balita sa publiko na kung hindi nila mapapagaling ang peklat ni Stephen, si Brittany mismo ang magsasara ng kanyang negosyo? Nasa parehong industriya kami, at ang mga produkto niya ay may ilang mga epekto sa aming kumpanya. Kaya, naisip ko na kunin si Master Jones upang tulungan ako sa pabor na mailagay ang Lush Cosmetics sa ilalim ng aking pangalan. Kapag nagawa iyon, ibibigay ko sa’yo ang halagang ito!”Nagtaas ng daliri ang matabang lalaki.Kumunot ang noo ni Joshua. “Isang daang milyon?”Ngumiti at tumango ang matabang lalaki. “Isang daang milyon!”Bam!Hinampas ni Joshua ang palad niya sa mesa. Nawasak ng suntok ang mamahaling antigong mesa, at maging ang mga takure at tasa ay nahulog sa sahig.Nanginig ang panga ng matabang lalaki. “Master Jones, anong…”Malamig na ngumuso si Joshua. “Fran
Read more

Kabanata 1048

“Hindi naman parang imposible iyon, di ba.”Hindi alam ng dalawa na bago pa man makapasok si Travis at ang iba pa sa gusali ay pinahinto sila bago makadiretso sa lokasyon ng underground black-boxing.“Hello, hindi pamilyar ang mga mukha nito. Taga-saan kayo?”Ang pumigil sa kanila ay isang binata na naka-mohawk ang buhok. Nang matapos siyang magsalita, sumugod ang isang dosenang tao mula sa kanyang likuran. Iba-iba ang suot ng lahat. Halos bawat isa sa kanila ay may mga tattoo sa kanilang mga katawan na may kakaibang disenyo. Higit sa lahat, merong dalawang dayuhan.Kumunot ang noo ni Travis; mahinahon ang boses niya habang sinasabi, “Andito kami para sa sugal. Haha, karaniwang nagtatrabaho sa labas ang iilan sa amin, at hindi kami madalas na pumupunta rito. Kaya hindi kami mukhang pamilyar, haha!”“Sinong nag-refer sa inyo?”“Si Mattie!”Sa sandaling sinabi niya iyon, nagkaroon ng kalabog, at isang may edad na lalaki ang itinapon palabas, at mabigat na bumagsak sa lupa. Ngumiti ang na
Read more

Kabanata 1049

‘... P*ta!’Dilat lahat ang anim na mga mata at nakalaylay ang mga panga ng mga miyembro mula sa Divine Constabulary sa dibisyon ng Missouri, nagtatakang nakatingin sa pagpasok nina Alex at Anna, puno ng tandang pananong ang kanilang mga isipan.‘Nabaliw na ba ang dalawang ito?’‘Para pumasok sa Amaryllis Tower nang ganito?’‘Seryoso, sinusubukan ba nilang pabilisin ang kamatayan nila? Na para bang hindi pa mabilis bago nito?’Nakakabulag ang sakit mula sa kanyang mga nabaling kamay, pero kapitan pa rin si Travis mula sa Divine Constabulary ng Missouri. Hindi mahalaga ang katotohanan na hindi siya maihahambing kay Sky Melvis mula sa dibisyon ng California, nasa kanyang mga mata pa rin ang layunin ng misyon, at agad siyang sumigaw, “Takbo! Anong ginagawa ninyo dito? Baliw ba kayo? Takbo!”Gayunpaman, mukhang hindi siya narinig nina Alex at Anna.Bahagya lamang silang nagulat nang makita ang mga miyembro na nakasubsob sa lupa.Sinabi ni Gideon, “Boss, nakikita mo ba ‘to? Hindi ko sila ni
Read more

Kabanata 1050

Kahit si Anna ay napasigaw sa gulat, “Alex, umilag ka!”Huli na para umilag!Pak!Krak!Tumama ang kahoy na patpat sa tuhod ni Alex. Ang tunog ay parang nabali ang kanyang tuhod, ngunit hindi sumunod ang hiyaw ng sakit.Nakatayo roon si Alex nang hindi gumagalaw.Yung kahoy na patpat sa kamay ng lalaking naka-mohawk pala yung nabali sa dalawa.“P*ta, paano iyon nagingposible?!”“Ako nga!” Isa pang naka-tattoo na binata ang tumalon, may bakal na pamalo sa kanyang kamay, at marahas niya itong inihampas sa binti ni Alex.Dong!Tumalbog pabalik ang bakal na pamalo, nakatungo.Mukhang ganap na buo pa rin yung mga binti ni Alex.Maging ang kanyang katawan ay hindi gumagalaw kahit isang pulgada mula sa kanyang kinatatayuan.Natigilan ang lahat ng naroon.Nagbago ang ekspresyon ni Joshua.Lalong nanlaki ang mga mata ni Travis, tila hindi makapaniwala ang mga mata nito.Napalunok si Gideon. Ito ba ang lalaking inaasar nilang mapapatay nila sa isang sampal?“P*ta, hindi ako makapaniwala!” Galit
Read more
PREV
1
...
103104105106107
...
195
DMCA.com Protection Status